Chapter 9

1308 Words
“Umupo ka muna dyan. They might see you,” Nag-aalalang sambit ni Hiroshi kay Ice at pinaupo ito ng maayos sa wheelchair. “Aww! Ang sweet sweet mo naman brow! Kaya sayo ako eh, hihi!” Bigla akong nakaramdam ng pagtaas ng balahibo ng marinig ko ang nakakasuka nitong pagiging sweet bigla. Hindi ko alam kung anong nangyari at bakit parang tila nag-iba ang ihip ng hangin. Hinawakan ko sa braso si Hiroshi at tinanong ito na may confused na mukha. “Pwedeng paki-paliwanag kung ano ang nangyayari? Anong kagunggungan ang ginagawa ninyong dalawa?!” Tanong ko kay Hiroshi na may halong inis. Nang matignan ko si Ice ay kumunot ang noo ko nang nakatulala ito sa akin na may namumulang mukha. “Ano na naman ang nangyayari sa kanya? Nagre-recover pa ba siya sa nangyaring aksidente?” Nagtatakang tanong ko ngunit pinatahimik ako ni Hiroshi at bumulong sa akin. “Malala ang nangyari sa kanya noon kaya naapektuhan ang kanyang pag-iisip, galaw at emosyon.” Mahinang bulong nito sa akin at bahagyang tumingin sa pinto kung may papasok ba. Lumayo ito at napabuga na lang sa kawalan. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni Hiroshi pero ngayon na nakaikita ko kung paano ako tignan ni Ice na may namumulang mukha at may kakaibang ngiti ay masasabi ko talagang may something nga na nangyari. “Alam ba ‘to ng mga miyembro niya at nung Zach?” Bigla kong tanong. Umiling ito na may seryosong mukha. “Alam nilang nagre-recover pa si Ice pero wala silang alam sa totoong nangyayari sa kanya ngayon dahil malaking gulo ang mangyayari sa mafia world kung malalaman nila na ang kinakatakutan nilang tao ay bigla na lang naging isip-bata.” Saad nito na nakatingin kay Ice ng malalim na ikinatahimik ko. Nanlaki ang mata ko at napaatras ng bahagya ng lumapit si Ice sa akin na may inosenteng ngiti na talagang nagpataas ng balahibo ko. “Who is this beauty, bro? She has a beautiful face, gosh!” Natutuwang wika nito at tumayo sa pagkakaupo at pinisil ang mukha ko. Sa gulat ko ay naitulak ko ito pabalik sa kanyang inuupuan at nagtago sa likod ni Hiroshi. “Isang childish na gunggong naman, jusko Hiroshi! Bakit mo ba ako pinasok rito?!” Inis na wika ko rito habang nakakapit sa likod nito. Narinig ko ang tawa nito at humarap sa akin na may ngiti. “You’ll be fine here, Ms. Heaven. Trust me,” Pag-assure nito sa akin at bigla na lang ginulo ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit binatukan ko ito at namumula ang pisngeng lumayo sa kanya. Hindi naman kasi ako sanay na ginaganon ako lalo na sa lalaki pa. Hindi rin naman kasi ako lumaki na may pamilyang mag-aalaga sa akin o ibi-baby ako kaya nagulat ako bigla kay Hiroshi. Biglang kumunot ang noo nito at napahawak ito sa kanyang batok. Tinignan ako nito ngunit agad na umiwas ng tingin. “S-Sorry...Hindi lang ako sanay na may nagpa-pat sa ulo ko,” Mahinang sambit ko. Narinig ko ang buntong hininga nito na tila nagpipigil ng kung ano. “Papayagan kitang gawin mo sa akin ang mga ganyang pisikalan pero huwag na huwag mong gagawin ito kahit kanino rito sa Black Death lalo na kay Ice, maliwanag?” Sambit nito sa seryosong salita. Tumango ako rito at humingi ulit ng tawad. Humarap ito kay Ice na may simangot at nagsalita. “She’s Heaven Gallero, your new driver. Siya lang ang makakasama mo palagi saan ka man pupunta sa labas,” Paliwanag nito sa lalaki ngunit tila wala itong narinig at nagsalita. “Are you close with her? Why did you pat MY driver’s head, Hiroshi? Did I allow you to do that?” May inis na wika ni Ice kay Hiroshi habang nakasimangot kaya sinimangutan ko rin ito. Sasagot na sana si Hiroshi nang unahan ko ito sa pagsasalita. “Yes, Hiroshi and I are close. May problema ka ba doon?” Mataray na wika ko ngunit bigla ako nitong sinamaan ng tingin. “Kailan pa?” Tanong nito. “Three months ago,” Sagot ko naman ngunit pumitsik ito at pumahalumbaba sa kanyang wheelchair. “So, you’ve been talking to each other na pala, tsk! Then, I have a condition to ask to Hiroshi first before I hire you.” Napaikot ang mata ko sa narinig at hindi ko maiwasan na makaramdam ng inis. Tumingin ito kay Hiroshi at nagsalita. “Hiroshi, my driver will only talk to me alone. No other man she can talk to aside from me, okay?” Napatingin ako kay Hiroshi ng tumango ito na tila ba wala itong choice kundi sumunod na lang. Pagal na napatawa ako dahil sa kagunggungan na sinasabi ni Ice. Tumingin muli sa akin si Ice at ngumiti. “Remember my condition, okay? Okay!” Masayang wika nito at pumasok na ito sa kanyang isa pang kwarto. “Did you just agree with him?!” Inis na singhal ko kay Hiroshi ngunit kibit balikat lang ang natanggap ko rito. “Let’s go to your room. Hayaan mo na si Ice at pagbigyan mo na lang at may kondisyon iyon na iniinda,” Sambit nito ngunit napaikot na lang ang mata ko sa inis. “Kaya pala niyakap mo rin siya kanina at nginitian ‘no? Tsk.” Sarkastikong wika ko na tinawanan niya lang. Bago kami lumabas ay pinaalalahan ako nito na huwag ng magtanong pa at makipag-usap sa kanya sa labas upang walang makarinig sa mga usapan namin. Nakasalubong pa namin si Zach na ngayon ay masama pa rin ang tingin sa amin. Gusto ko sanang magtanong pa tungkol kay Zach ngunit pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil baka mapahamak pa ako. Hinatid ako nito sa isang kwarto sa second floor na isang agwat na kwarto lang ang pagitan sa amin ni Ice. Nauna itong pumasok at maiging chineck ang paligid. Maya-maya pa ay pinasok niya ang gamit ko at sinara niya ang pinto. “Where’s your phone?” Tanong niya at nilahad ang kamay. “Para saan?” Kunot noo kong tanong pero binigay ko rin naman agad sa kanya. Hindi ako nito pinansin at may kinalikot lang doon na hindi ko naman inalam pa pero maya-maya lang ay inabot niya ito at huminga ng malalim. “I saved my number in your phone and also installed a location tracker on your phone para alam ko kung saan ka pupunta kasama si Ice,” Paliwanag nito kaya napatango ako. Nang tignan ko ang sinasabi nitong location tracker na in-install niya ay namula na lang ako sa hiya dahil couple tracker ang in-install nito. Narinig ko ang pagtikhim nito kaya nalingon ko ito. “That’s the most accurate and trusted location tracker app na alam ko,” Agad nitong paliwanag kaya hindi ko na ito sinagot pa. “Lalabas na ako. Don’t open your door to anyone maski kay Zach. I saved Ice number also in your phone in case you want to ask something on him pero I suggest na tanungin mo lang siya kapag nandito ako.” Natapos ang usapan namin na maraming laman at katanungan ang isip ko ngunit minabuti kong itulog na lang ito dahil sobrang gabi na rin. Sana lang talaga ay maging maayos ang buhay ko at hindi masama sa gulo ng mga ito. Kinabukasan ay nakarinig ako ng mga sunod-sunod na katok kaya kahit ayoko pang bumangon ay napilitan akong tumayo at sumigaw. “Sino bang walang hiya ang katok ng katok na ‘yan?!” Naiinis na sigaw ko habang in-adjust ang aking paningin. Napadilat ako ng husto at napatayo na lang ng maayos nang marinig ko ang malalim at nakakatakot na boses ni Ice. “Are you going to open this damn door or I will wreck it, Heaven Gallero?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD