Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng matinding kaba at takot nang marinig ko at boses ni Ice na sobrang lalim. Tila ba nasa pinakailalim ang boses nito sa sobrang baba at lalim.
Walang ano-ano ay binuksan ko ang pinto na magulo pa ang aking buhok at wala pang ayos. Sumalubong sa akin ang isang lalaki na nakahawak sa likuran ng wheelchair ni Ice na may kunot ang noo na tingin sa akin. Sumunod ko naman tinignan si Ice na seryoso ang mukha ngunit parang nakikita ko kakaibang emosyon sa kanyang mata na tila ba nasisiyahan.
“Simula na ba ng trabaho ko?” Pagtanong ko kay Ice ngunit nakarinig ako ng pitsik kaya napalingon ako sa lalaki.
“Respect him by addressing him boss o makikita mo ang hinahanap mo.” Sambit nito sa akin na may matalim na tingin. Pinigilan ko ang sarili ko na sumagot dahil naalala ko ang bilin sa akin ni Hiroshi na huwag makipag-usap kahit kanino.
“Pasalamat ka at mabait ako ngayon kundi naratrat na kita!” Mahinang bulong ko sa aking sarili at nginitian ito.
“Copy Boss!” Sambit ko at tinitigan ang lalaki.
“We will eat first,” Malamig na wika ni Ice kaya napatango na lang ako. Babalik pa sana ako sa loob ng kwarto upang mag-ayos nang sabihin niya na mamaya na at kumain na muna kami kaya sinunod ko ito.
Wala rin naman may pake sa itsura ko ngayon dahil mukhang gunggong naman ang mga lalaki dito. Nang pababa kami ay nagsidatingan ang ibang mga mafia at nagmamadaling alalayan si Ice sa kanyang wheelchair pababa.
“Akala ko display lang sila dito eh,” Mahinang wika ko sa aking sarili at napangisi. Pinagmasdan ko ang mga ito at hindi ko naman sila nakitaan na may ibang nais kay Ice kaya tumuloy na lang ako sa pagbaba.
Sumalubong sa amin ang isang mahabang lamesa na punong-puno ng iba’t-ibang pagkain na animo’y nasa isa kaming palasyo na ginagalang at pagsisilbihan ng husto.
Uupo na sana ako sa isang upuan malapit kay Ice nang may pabalang na humila sa braso ko at pinatayo ako. Gulat na gulat ako sa nangyari at tila isa akong basahan na biglang hinila.
“Aray ko! Anong problema mong hipon ka?!” Inis na sigaw ko sa lalaking ang laki ng ulo ngunit pagdating sa katawan ay biglang lumiit.
“Anong sabi mong malandi ka?! Ako hipon?!” Sigaw rin nito sa akin na tila galit na galit. Nagpumiglas ako rito ngunit hindi ako makaalis dahil sa lakas nito.
“Oo, mukha kang hipon! Ang laki ng ulo mo ang liit naman ng katawan mo, pwe!” Sigaw ko at dinuraan ito.
Napadaing ako ng hilain nito ang buhok ko at kakaladkarin na sana ako nito nang bigla na lang itong tumumba sa sahig na ngayon ay may umaagos ng dugo sa kanyang ulo. Wala akong narinig na tunog na kahit ano ngunit nang lingunin ko si Ice ay nanlaki ang mata ko nang makita ang hawak nitong baril na mukhang may silencer.
Wala ni isang gumalaw sa lalaki at tanging pagtingin lang ang ginawa nila.
“Throw him outside,” Pagkasabi pa lang ni Ice ng mga katagang iyan ay doon lamang sila kumilos at binuhat ang katawan ng lalaki. Agad rin may naglinis ng sahig na may mga kumalat na dugo na tila ba sanay na ang mga ito.
Nang ilapag ni Ice ang kanyang baril ay tumingin ito sa mga kasamahan niya sa loob na may nakakatakot na tingin.
“No one in this room is allowed to touch nor talk to this woman beside me or you will face your death early.” Malamig na sambit nito.
“Yes, Boss!” Sabay-sabay na sambit ng mga mafia members na may namumutlang mukha. Hindi ko maiwasang lumunok bigla sa kaba.
Napapitlag ako nang bigla itong lumingon sa akin at nagsalita.
“You are welcome to sitdown and eat with me,” Mahinahon nitong sambit kaya mabilis akong umupo at hindi na ito tinignan pa.
Bigla akong nahulog sa malalim na pag-iisip habang sinimulan ko na ang pagkain. Bakit bigla na lang nagbago bigla ang ugali na naman nito? I thought something happened to his emotions and behavior? Ano yung kagabi na ipinakita niyang ugali sa akin? Kay Hiroshi?
Mga katanungan sa aking isip na gumugulo ngunit wala akong makuhang sagot. Natapos ang pagkain namin na wala ni isang nagsasalita sa amin. Nauna itong tumayo at aakyat na sana ng tapusin ko agad ang pagkain ko at sumunod sa kanya dahil baka pagdiskitahan pa ako ng mga miyembro niya.
Nang makapasok sa kwarto at tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag at napaupo sa sahig. Pinagmasdan ko ang nanginginig at namumutla kong kamay at pinakalma ito. Sino ba naman kasi ang hindi manginginig kung makakita ka ng patay sa harap mo at ng totoong baril? I may be a brave woman who doesn’t care with these mafia men pero it doesn’t mean na hindi na ako matatakot sa mga p*****n na may mga hawak na baril o kung ano. That gun really scared me to death.
Tumalon ang puso ko nang may kumatok na dalawang beses at may nagsalita.
“Boss Ice said meet him in the car after 10 minutes or you will face your early death.” Sambit nito at narinig ko ang yapak nito paalis.
Napahinga ako ng malalim dahil hindi pa nga ako nakakahinga ng maayos dahil sa kanya gusto pa niya agad akong pababain ng maaga. Dahil na rin sa kakaibang takot ay minabuti kong bilisan ang kilos ko. Tila ba naging isang lalaki ako dahil limang minuto lang ang naging pagligo ko na sobrang ikinainis ko.
“Bwiset na gunggong talaga!” Singhal ko habang nagmamadaling magbihis. Lumabas ako ng mansyon na walang suklay-suklay dahil sa pagmamadali.
Nakita ko itong nakasandal na sa passenger seat habang nakapikit.
“Nandito na po siya, Boss.” Sambit ng palaki na umaalalay sa kanya kagabi pa.
“I know, I sensed her presence a while ago.” Saad nito at dumilat.
Sinenyasan ako ng lalaki na pumasok na sa loob ng driver seat na agad ko naman sinunod at inayos ang seatbelt ko.
“Saan tayo pupunta, Boss?” Tanong ko rito na hindi man lang tinitignan.
“Manila Ocean Park,” Maikling wika nito na may seryosong boses. Bigla ko itong nalingon na may kunot noo.
“Ha? Ano po ulit?” Pagtanong ko muli rito upang ikumpirma kung tama ba ang narinig ko.
Nilingon niya ako at unti-unti ngumiti sa akin na may masiglang mata.
“I said, let’s go to Manila Ocean Park. Alam mo yun? Yung may mga sea creatures na sobrang adorable?! Yeeey!”
Halos malaglag ang panga ko sa narinig kay Ice Faller, ang leader ng Black Death at ang lalaking kinakatakutan ng lahat sa mafia world.