"ERES un hombre desvergonzado!"
Ibinato ni Olivia ang basong iniinom niya nang makita ang taong laman ng balita sa TV. Nanggigil niyang pinanood ang pagmumukha ng lalaking kinasusuklaman niya sa loob ng screen.
Kasalukuyan itong ini-interview ng ibat-ibang TV network. Walang bakas ng stressed ang mukha nito habang nagsasalita. Well-speak person at kampante ang modulated voice nito sa mikropono. Parang walang eskandalong pinagdaanan. Matikas ang tindig at talaga namang nagmamalaki ang tingin sa mga reporter.
"I hope they enjoyed seeing my body." Ismid ni Gaurish sa isang baklang reporter na nagtanong kung anong masasabi nito sa mga babaeng nagkakagulo sa hubad nitong litrato na kumakalat.
What an asshole! She cursed. Napakayabang talaga ng hombre! Palibhasa ay may ipagmamalaki.
Ayon pa sa balita, na mas lalo niyang ikinainis ay maraming modeling agency ngayon ang nagkakandarapa sa pagsuyo kay Gaurish Del Fredo upang kuhaning model sa apparel launch na gagawin ng mga agency sa susunod na buwan. Mainit din na pinaguusapan ng mga kababaihan sa social media ang hubad na larawan nito. Imbis na pambubully at bashing ang matamo nito, ay pagkahanga pa mula sa mga babaeng hibang sa magandang katawan nito.
Nababaliw na talaga ang mundo! Taliwas ito sa inaasahan niya.
"Ano naman ang masasabi mo sa taong nasa likod ng pagpapakalat ng mga hubad mo'ng litrato kasama ang hindi kilalang babae?" dugtong na tanong muli ng bakla.
"For the person who did that to me, I hope you're happy too. . ." makahulugang tugon ni Gaurish.
"Huling tanong na lamang, Mr. Del Fredo, wala ka bang balak magsampa ng kaso sa taong gumawa niyon sayo. O, i-pa-trace sa mga kapulisan ang taong iyon para makulong."
"I don't have a plan. It's just a waste of time. Pero, kung itutuloy pa nila ang paninira sa akin, hindi akong mangingiming, ibalik sa taong iyon ang ginagawa niya sakin ng doble pa." Madiin at seryosong pahayag ni Gaurish sabay titig sa camera.
Panandalian siyang nawalan ng hininga sa baga. Hindi literal pero parang gano'n na nga ang nangyari nang magkatitigan sila ni Gaurish. Umarok sa sistema ang tingin na iyon sa kanya. Nag-iwan ng marka at tumanim sa kanyang gunita. Kahit sa camera ay iba pa rin pala ang epekto nito sa kanya. Saka pa lamang niya nahugot ang hininga pabalik nang matapos na ang balita.
Dinampot niya ang remote control ng TV at pinindot ang 'off'.
Sinabunutan niya ang buhok at isinubsob ang mukha sa unan. Akala niya ay masisira niya ito sa planong naisip niya ngunit nagkamali siya. Masiyado niyang minaliit ang tiyansang maari siyang mabigo sa kanyang plano. She needs to think of how to get revenge on Gaurish, again. Buong akala niya kasi ay makakabawi na siya sa lalaking iyon gamit ang planong isinagawa nila ni Zaul, kaya hindi na siya nagbaon ng back up plan. She knew, she's stupid.
She sighed in disappointment. No, masiyado pang maaga para i-consider na talo siya. Ituturing na lamang niyang hagdan ang pagkatalo para sa mas magandang plano.
At upang mabawasan ang inis sa mundo at sa lalaking iyon ay umalis siya ng condo. Mag-re-release muna siya ng negative vibes so she went to her favorite hub.
Mayroon maliit na baseball machine dito na palaruan. Makina ang babato ng bola at ikaw pupokpok niyon para bumalik sa goal. Para sa kanya, Ito ang magandang paraan para mag-release ng masamang enerhiya. Bukod sa medyo tiring e, pagpapawisan ka.
Pagpasok niya sa palaruan ay naroon ang nag-iisang kaaway niya at naging kaibigan na rin paglipas ng panahon.
"Matilda, narito ka," untag niya sa likuran ng babaeng kasalukuyang humahampas ng bola.
Luminga ito sa kanya, napamaang nang makita siya. "Olivia? Kailan ka pa bumalik ng Pinas?" gulat nitong tanong. Pinindot nito ang off button para matigil ang pagbabato ng makina sa bola.
"Nong isang araw pa," tugon niya. Lumapit siya sa counter upang mamili ng klase ng baseball bat na gagamitin. "Ikaw, bakit narito ka?"
Gusto niyang malaman kung kamusta na ang naging buhay nito matapos niyang pumunta sa Espanya. Maayos naman kasi ang buhay nito sa bagong trabaho no'ng huli nilang pagkikita. Pinutol niya lahat ng komunikasyon niya sa lahat ng kakilala kaya wala na siyang idea sa itinakbo ng buhay nito.
"Ah. . . naglalabas ng sama ng loob." Tumawa ito at umupo sa upuan. Uminom sa tubigan bago nagpunas ng pawis. "Nahihirapang maghanap ng trabaho. Alam mo na, kinulang sa edukasyon. Ikaw ba naman ang maging ulila e. Magkatrabaho ka nga, titiyempo ka naman sa manyak na amo. Badtrip na buhay 'to," iritableng sabi nito. "Ikaw, bakit ka narito?"
I-on niya ang makina at nagsimulang puwesto sa gitna. Ipinorma niya kamay upang ihanda iyon sa pagpalo. "Tulad mo, gusto ko ring maglabas ng sama ng loob." Nagpakawala ang makina ng bola na siyang pinalo niya ng ubod lakas. Lumipad iyon pabalik sa goal. Paulit-ulit siyang pumalo hanggang sa masagad niya ang kanyang limitasyon.
Satisfied craving sa loob niya iyon.
Pinatay niya ang makina at saka tumabi kay Matilda.
"Tungkol ba ito sa ex-finacee mo? Malamang, nagngingitngit ka sa galit ngayon na mistulan na siyang artista dahil sa scandal no? Minsan, gusto ko na lang maging puno dahil ang tanga tanga ng mundo."
Sabay silang natawa sa sinabi nitong iyon. Matilda knows about the scandal too. Sino bang hindi? Halos maya't maya ang balita tungkol sa hubad na katawan ni Gaurish. Kahit siguro taong grasa, alam ang balitang 'yon.
Once na rin siyang naging laman ng balita, noong hindi siya sinipot sa kasalan ni Gaurish. Katakot takot na pambubully ang natamo niya mula sa mga taong mapanghusga. Umulan ng espekulasyon. Kaya naman gusto niyang ibalik ang mapait na dinanaa sa binata, pero nabigo siya.
Nauwi ang paguusap nila ni Matilda sa inuman. Sa isang KTV bar sa labas nila napiling uminom. Tumanggi kasi ito tumagay sa mamahaling bar. Ika nito ay allergy ito sa ganoong lugar.
"Gusto ko'ng gumanti pero hindi ko na alam kung paano." Ininom niya ang binigay na shot sa kanya ni Matilda. Matataas ang tagay nito.
"Kung gusto mo talagang gumanti, punteryahin mo kung saan siya mahina. Dapat alamin mo ang kahinaan niya bago ka kumilos. Pagpapayo nito sa kanya bago sumubo ng grilled sisig na pulutan.
"Kahinaan? I don't think he has that." Umiling siya. Ito naman ang sinalukan niya ng tagay at inabot rito.
"Imposible. Lahat ng tao mayroon. Isipin mo nga, mayaman ang Del Fredo na 'yon, sige isipin mo, bakit ka niya inupahan dati na magpanggap? Dahil lang ba talaga iyon sa kagustuhan niyang tumulong sa Lolo mo? O, baka naman dahil sa pansarili niyang interes? Mayaman siya, Olivia. Ang kalakasan niyan ay pera, kaya pera din ang magiging kahinaan ng mayayaman na 'yan."
Napatitig siya sa mukha nito. Mukhang tinamaan na ito ng kalasingan dahil baluktot na ang pagsasalita nito, pero nasa punto naman. Nagugustuhan niya ang magandang idea na ibinibigay nito sa kanya.
Pumangulong baba siya sa mesa at ibinigay ang buong atensyon rito. "Tell me, ano ba dapat ang magandang gawin?"
"Tirahin mo ang kompanya niya. Pero mas madali kung naroon ka mismo sa loob. Mas magandang nakikita mo ang bawat kilos niya kaysa nagtatago ka lang. Ipakita mo ang kaya mo'ng gawin. Masasaktan mo lang ang tao, kapag alam ng tao na iyon kung sino ang nananakit sa kanya." Suminok ito matapos sabihin ang mahabang opinyon na iyon.
Tumaas ang kilay niya sa tinuran nito. Bakit ba puro may punto ang sinasabi nito? But nevertheless, napangiti siya. Now, alam na niya ang mga susunod na gagawin.
"Sige, uminom pa tayo, Matilda." Itinaas niya ang baso ng alak.
"Cheers!" Magkasabay nilang sabi pagkatapos ay nagpakalango na hanggang abutan sila ng bukang liwayway.