KABANATA 5

1159 Words
“HANGGANG sa uulitin, Ms. Pajanel," saad ni Mr. Custudio kay Olivia bago tumayo at nakipagkamay sa dalaga. Nasa loob sila ng isang pribadong kwarto kung saan confidential ang kanilang pinag-usapan bago pa maganap ang pagpapaalam nito. Natapos na nila ang matinding tawaran at nagkapirmahan na rin ng mga kontrata. Inabot niya rito ang tseke na nagkakahalaga rin ng ilang milyong halaga. Kumislap ang mata nito sa galak. “Of course, Mr. Custudio, mauulit pa ito." Ginantihan niya ang pakikipagkamay ng lalaki. Hindi na siya nagabala pa'ng tumayo dahil may susunod pa siyang kakausapin. Another shareholders. “Maraming salamat at pumayag kang ibenta sa akin ang shares mo.” “Don't mention it. Maliit na shares lamang iyon kumpara sa magiging kapalit na halaga. Maari naman ako'ng mag-invest pa ulit sa ibang kompanya," saad nito. “Pero maiba lamang ako, maari ba ako'ng magtanong sayo? Bakit binili mo ang napakaliit ko'ng shares sa kompanya ng mga Del Fredo? Wala ka'ng mapapala sa ganoong kaliit na shares maliban na lang kung magkakaroon ka ng ten percents o higit pa. Bakit hindi mo na lang inilaan ang pera mo sa pagpapalago pa ng kompanya ng iyong mga magulang?” Kuryos na tanong nito kapagkuwan. Pinag-krus niya ang makinis at mahabang legs sa harapan ng lalaki. Lumitaw tuloy ang mahubog niyang mga hita. “I'm just interested. Iyon lang at wala ng iba pang rason. Kaya naman may ipakikiusap lang sana ako Mr. Custudio, 'wag niyong ipagsasabi kahit kanino na ako ang bumili ng shares mo. Lalong lalo na kay Gaurish Del Fredo.” “You can't count on me, iha. Mananatiling sarado ang bibig ko tungkol sa bagay na 'to," tugon nito. “Maraming salamat, Mr. Custudio.” “Nagkaroon tuloy ako ng ideya kung bakit mo ginagawa ito, pero hindi na ako magtatanong pa. It's not my business anymore." anito na bahagyang tumango at pinagpag ang suit. “Mauuna na ako Ms. Pajanel. Mayroon pa akong pupuntahan.” “Goodbye, Mr. Custudio.” She waived at him with a smile. Lumabas na rin ang lalaki sa loob ng pribadong silid pagkatapos. Nakataas ang kilay niyang inayos ang upo. Pinasadahan niya ng nasa ang papeles na pinirmahan ni Mr. Custudio. Maliit na shares kung tutuusin pero kapag naipon pasasaan ba at lalaki rin. Iniisa-isa niya ang mga stockholders ng Del Fredo Group of Company. Inuuna niya iyong may maliliit na shares mula sa kompanya. Sa ngayon ay mayroon pa lamang siyang isang nakakausap. At iyon nga ay si Mr. Custudio na madali niyang napapayag. Sino ba namang hindi papayag sa malaking halaga niyang alok kapalit ng napakaliit na shares? Kahit sino ay hindi na magdadalawang isip pa. Ngayon ay tinatrabaho pa ng kanyang tauhan ang pagkausap sa iba pa gamit ang pekeng pangalan. Hindi niya nais ipaalam kaagad agad ang tunay niyang pangalan sa mga stockholders hanggat hindi pumapayag ang mga ito. Ibinaba niya ang mga papeles nang mag-beep ang kanyang phone. Text mula kay Matilda. Nagtatanong kung nasaan na siya pagka't sinabihan niya itong magkikita sila sa isang restaurant. Balak niya itong alukin ng trabaho. Kanina pa pala ito naroroon. Sinagot naman niya ang babae na on the way na siya sa naturang tagpuan. Ibinalik niya ang phone sa bag at kaagad na nilisan ang pribadong silid upang puntahan na si Matilda. Sakay ng kanyang magarang sasakyan ay binuksan niya ang stereo upang makinig ng musika. Kasagsagan ng rush hour kaya naipit siya sa walang kamatayang trapiko. Halos walang galawan ang mga sasakyan. Nilibang na lamang niya ang sarili sa pakikinig ng musika hanggang sa nainip na siya ay inis na lumabas siya ng sasakyan upang tingnan ang rason kung bakit halos walang pag-usad ang biyahe. May banggaan pa lang nangyari ilang kilometro ang layo sa kanyang sasakyan. Iyon ang narinig niya mula sa dalawang tinderong naglalako ng mani at tubig. Nalintikan na. Kung kailan naman nagmamadali, saka pa siya nasabak sa ganitong sitwasyon. No choice kundi bumalik na lamang ng sasakyan at hintaying ugatan sa upuan. Hindi naman siya pwedeng mag u-turn at humanap ng alternatibong daan dahil may mga sumunod ng kotse sa likuran niya. Nasa loob na siya muli ng kanyang sasakyan mang mahagip ng mata niya ang LED billboard. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Mukha na naman kasi ni Gaurish Del Fredo ang naka-paskil roon. At hindi lamang iyon, endorser na rin pala ito ng sariling kompanya. Mapagbiro nga naman ang pagkakataon, akala niya ay mapapahiya ang lalaki sa ginawa niyang scandal nito, iyon pala ay magiging tulay lamang sa lalo nitong paglago. Walang hiyang lalaki! Gigil niyang pinindot ang busina na naglikha ng nakabibinging ingay sa daan. TULOG na sa lamesa si Matilda nang datnan ni Olivia. Hindi na siya magtataka, dalawang bote ng wine ang naubos nito sa paghihintay sa kanya. Napatingin siya sa kanyang wrist watch. Alas-otso na ng gabi. Lintek na trapik iyon, ginabi na pala siya. Tinawag niya ang waiter at sinenyasang ibigay na ang bill. Tumalima naman ang waiter. Tumabi siya sa upuan at tinusok ang pisngi ni Matilda. Ginising niya ito ngunit ungol lamang ang sagot. “Matilda, gumising ka," aniya. Ngunit lumakas lang ang hilik nito. Tiningnan niya ang mukha nito. Nakakahabang ang itsura nito. Napagalaman niya mula sa kanyang tauhan na ilang beses na pa lang nagpalipat lipat ang babae ng tirahan dahil sa kawalan ng pambayad upa. Walang permamenteng trabaho dahil kapos sa pinag-aralan. Maganda pero kulang sa ayos. Madalas abusuhin sa pinapasukang trabaho kaya palaging laman ng pulisya at baranggay. Napabuntong hininga siya. Kung lasing na ito at tulog pa, paano niya masasabi ritong balak niya itong bigyan ng trabaho bilang sekretarya niya? Nakaka-frustrate. Paano niya ito ngayon iuuwi kung ganito ang estado nito ngayon? Pinag-day off pa naman niya si Zaul because it's sunday. She didn't have a choice but to call his cousin—Kenneth. But to her dismayed, nasa business trip pala ito at hindi siya matutulungan. Pero may ipapadala daw itong tao na makakatulong sa kanya. Itatanong pa lamang niya sana kung sino ngunit ibinaba na nito ang tawag. Lumapit ang waiter sa kanya at ibinigay ang bill. Binayaran niya iyon gamit ang card. Bilang maghihintay na rin naman siya sa taong ipapadala sa kanya ng kanyang magaling na pinsan ay omorder na rin siya ng inumin. Bumalik ang waiter ilang sandali lamang, bitbit ang blue lemonade niyang order. Sipsip ang straw ay patingin tingin siya sa glass door entrance ng restaurant. Subalit naibuga niya ang iniinom nang makita niya ang pigura ng lalaking bumaba sa magarbong kotse at naglakad papasok ng entrance. Gumalaw ang leeg nitong palinga linga sa paligid na animo'y may hinahanap na tao. Wala siyang balak magtago. She's not ready for this pero nasa sitwasyon na siya kung saan magkakaharap muli sila ni Gaurish. Nakaramdam siya ng panginginig nang magtama ang mga mata nila dalawa. Nabasa niya ang binigkas ng mga labi nito kahit ilang metro pa ang layo nila. “Olivia . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD