Chapter 6

1402 Words
"Hindi ko na talaga kaya"Habang nagtatanim ng bulaklak. Tumayo siya saka lumabas para hanapin si Lola Amelia."Lola Amelia pwede po ba ako makalabas?"tanong niya ng makita si Lola Amelia ng nagbavacuum. "Oo naman anak pero kaylangan ko mona ipagpaalam ka kay Casper." "Sige po" Agad naman pumunta si Lola Amelia sa sala para tumawag kay Casper. Naka ilang ring wala paring sumasagot."Busy yata si Casper iha,"Sabi ni lola Amelia bago binalik ang telephone"Mamaya nalang o kaya ikaw nalang tumawag iha." "Sige po lola ako nalang po tatawag,salamat po"Sabi ni Florina "Maiwan mona kita iha may gagawin paako" Tumango siya bilang sagot,kaya ng na kaalis na si Lola Amelia siya nalang ang nagpatuloy sa pagtawag. Apat na araw nang hindi umuuwi si Casper.Hindi parin sila nagkaayos simula ng umalis ito. Gusto ng itapon ni Florina ang telephone dahil sa hindi parin ito sinasagot.Nagpasya nalang siyang mamaya nalang ulit tatawag pero sa pagtawag niya ulit sinagot na ito.Ngunit iba ang sumagot at parang tinusok ang kanyang puso na hindi niya alam kong bakit.Dahil sa narinig niyang boses na sumagot sa kanyang tawag.Boses babae ang nagsasalita. "Hello,Who is it? Gusto niyang mag salita ngunit hindi niya maibukas manlang ang kanyang baba para magsalita. "Hello?"Ulit ng babae sa kanilang lingya. Hindi parin siya makapagsalita may bumarayata na kong anong bagay sa kanyang lalamunan. "Ano bang problema ko bat hindi ako makapagsalita?Ano naman ngayon kong hndi siya at babae ang sumagot?" "If you want to talk to Casper,He is still sleeping.But- Hindi na niya tinapos pakinggan ang babae agad niyang binaba ang telephone.Habang ang isang kamay ay naka hawak sa dibdib na sumasakip na hindi niya alam kong bakit ito sumisikip.Isang luha ang dumaloy sa kanyang pisngi na hindi din niya alam kong bakit. "Bat ko nararamdaman ang ganito?Dapat nga masaya ako dahil may,"Napatigil siya sa pagsasalita ng marealize ang sinasabi niya."Hindi pwede itong nararamdaman ko,Hindi pwedeng mahulog ako sakanya."Napasabunot siya sa kanyang buhok. "Kaylangan kona talaga umalis habang maaga pa,habang kaya ko pang pigilan ang nararamdaman ko." Agad siyang pumunta sa pintuan kong saan nandoon ang dalawang guard nakatayo. "Good morning ma'am Florina" "Good morning Mang Berto at Mang Pino"Naka ngiting bati niya sa dalawang guard. "Saan po kayo ma'am Florina " "Anong sasabihin ko?Kaylangan ko makaalis dito" "Pupunta po sana ako sa papa ko" "Alam napo ba ito ni sir Casper ma'am" "Sorry po kong magsisinungaling ako,kaylangan kolang po talaga makaalis dito" "Opo,Tumawag po ako sakanya,Sabi po niya magpahatid lang daw po ako kay Mang Ben."Pagsisinungaling ni Florina Nagtinginan pa ang dalawang guard."Sige po ma'am,tawagin ko lang po si Ben para ihatid ka sa papa mo."Sabi ni Mang Pino Tumango siya bilang sagot.Naagad naman umalis si Mang Pino para tawagin si Mang Ben.Maya maya dumating sina Mang Pino at Mang Ben."Good morning ma'am Florina" "Good morning din po" "Wait lang po ma'am kuhanin ko po muna ang sasakyan na gagamitin natin"Paalam nito na tinanguan niya lang bilang sagot. "100 na yata ako sa kasinongalingan" "Tara na po ma'am"Pinagbuksan siya ng pintuan ni Mang Berto Mahaba-haba din ang kanilang biyahi ni Mang Ben bago sila makarating sa tiniterhan ng kanyang ama. Agad siyang bumaba sa sasakyan ng makita ang kanyang ama. "Anak!"Sabi ng kanyang ama ng makita siya nito. "Dad may kaylangan akong sabihin sayo"Sabi niya sa mahinang boses Nagtaka naman ang kanyang ama na tumingin sakanya. Wala na siyang nagawa kundi hawakan ang kanyang ama para papasok sa bahay na tiniterhan nito.Kaylangan niyang sabihan ito na aalis sila ngayon. "Pa kaylangan nating umalis ngayon" "Bakit anak?at saan tayo pupunta? "Hindi ko na po kayang magtagal doon" Napakunot noo ang kanyang ama na tumingin sakanya. "Lumayo na po tayo dito pa"Paki-usap niya sa kanyang ama. "Hindi kita maintindihan anak" "Tatakas tayo,magpakalayo-layo" "Hindi ba kasal kayo ni Casper?"Nagtakang tanong ng kanyang ama. Tumango siya bilang sagot"Pero sa papel langyon pa,Hindi naman kami nagmamahalan at lalong kinasal lang kami dahil sa kabayaran ng utang mo sa kanya" Hindi parin mawala ang taka sa mukha ng kanyang ama. "Kasal na kayo Florina,Bakit gusto mong magpakalayo tayo?" Nagtaka siyang tumingin sa kanyang ama.Hindi niya inaasahang ganon ang sasabihin nito sakanya. "Pa?"Kita ang pagkataka sa kanyang mukha. "I mean nagmamahalan naman kayo- "Hindi po kami nagmamahalan pa"Putol niya sa sinasabi nito. "Ano po ba ang nagyayari sayo pa?Bakit,"Nalilito na siya sa kanyang nararamdaman parang nagdududa siya sa kaharap niyang ama at parang nasasaktan siya sa isiping ayaw nitong magpakalayo layo silang dalawa. "Anak!Hindi naman natin kaylangan na lumayo" "Pa kaylangan dahil hindi ko po kaya- "Makakaya mo anak" "Hindi"Mahinang sabi niya na nag-uumpisa nang tulo ang kanyang mga luha. "Bat ganon?parang hindi na si papa ang kaharap at kausap ko ngayon?" "Diba po,sabi mo kapag hindi mo mahal ang isang tao huwag na huwag kang magpapatali."Bulong niya na sila lang ng kanyang ama ang makakaring."Hindi ko po mahal si Casper pa napilitan lang po akong magpakasal sakanya." "Pero anak,kahit gustohin nating magpakalayo layo hindi parin tayo makakalayo kay Casper." "Kaya natin pa at sisiguradohin kong hindi na tayo niya makikita." Hindi na nagsalita ang kanyang ama. "Tara na pa"Hila niya sakanyang ama palabas ng bahay, Ngunit hindi ito nagpahila sakanya. "Hindi anak dito lang tayo."Seryosong sabe nito sakanya naikinataka niya. "Ayaw mo po?" "Maayos na ang buhay ko dito at sayo anak sak- "Hindi kaylan man umayos ang buhay ko simula panang ikinasal ako sa papel papa!"Nasasaktang sigaw niya Isang sampal ang natanggap niya sakanyang ama. Napahawak siya sa kanyang pisngi na sinampal ng kangyang ama at hindi makapaniwalang napatingin siya sakanya ama na hindi mo makikitaan ng reaction. "Ikaw pa po bayan pa?"Nasasaktang tanong niya sa kanyang ama. Walang sagot siyang nakuha sa kanyang ama. Doon na tumulo ang mga luhang gustong gustong lumabas sa kanyang mga mata,na labis na sakit ang kanyang nararamdaman. "Hawakan niyo siya,"Utos ng kanyang ama sa apat na tao"Huwag ninyo patakasin"Dagdag nito at tumalikod. Hindi makapaniwala si Florina"Hindi na Ikaw ang ama ko!"Sigaw niya sa amang nakatalikod Tumigil ang kanyang ama at nagsabi ng "Yes"pagkatapos ay nagpatuloy sa paglakad palayo sakanila. Hahawakan nasana siya ng apat na lalaki pero agad siyang lumayo sa apat at tumakbo palabas ng bahay. "Kaylangan kong makalabas dito at magpakalayo layo" "Ma"am Florina!"Tawag sakanya ni Mang Ben sa hindi kalayuan. "Hindi pwedeng mahuli nila ako" Binilisan niya ang kanyang takbo,walang lingon lingon siya habang nakasunod sakanya ang apat na lalaki. "Malapit na" "Close the gate"Hingal na sigaw ng isa sa mga lalaking humahabol sakanya ng malapit na siya sa gate. Muntik na siyang hindi nakalabas.Kahit hingal na hingal siya patuloy parin siya sa pagtakbo. "Kaylangan kong makasakay" Lumingon siya sa likuran kong nakasunod parin ba ang apat na tauhan ng kanyang ama sakanya.Tumigil siya sa pagtakbo ng hindi niya makita na sinusundan siya.Pero agad naman siya napa takbo ulit ng makita ang sasakyan na ginamit nila ni Mang Ben papunta sa tiniterhan ng kanyang ama. "Hindi pwedeng mahuli nila ako" Lumiko siya sa kakahuyan para doon makapagtago siya. Takbo lang siya ng takbo sa kakahuyan,walang lingon lingon kahit siya ay pagod na sa katakbo. Muntik na siyang malaglag sa banging kong hindi siya napatigil.Agad siya naghanap ng mapagtataguan.May nakita siya sa hindi kalayuan,Isang malaking puno at sa katabi nitong puno may halaman doon na pwede niyang mapagtaguan. Hingal na hingal siya habang nagtatago,Maya maya pa may narinig siyang mga nagtatakbohan kaya alam na niyang mga tauhan ito ng kanyang mga ama. "Lagot tayo nito mukhang na laglag si ma'am dito"rinig niyang sabi ng isang lalaki na hinihingal. "Dito kalang tatawag kami ng naghahanap kay ma'am sa baba"Sabi ng isa "Paano ako makaalis dito?" "Ikaw!Tawagan mo si sir Casper sabihin mo nakatakas si ma'am Florina." "Ikaw naman!Tawagan mo din si sir Antonio." "Antonio?" "Mamaya nalang natin tawagan sila sir baka patayin tayo nila kapag nalaman nilang nakawala si ma'am Florina." "Mas lalong papatayin tayo kapag hindi natin ipinaalam agad." "Si sir Antonio nalang unahin nating tawagan dahil siya nama ang ama amahan ni ma'am" "Hindi naman yon ama ni ma'am,Nagpapanggap langyon na totoong ama ni ma'am" Gulat si Florina sa nalaman hindi niya inasahan ang malaman. "Kahit na tawagan mo na at dito kalang." "Sige." Ilang sandali pa maingat siyang umalis sa kanyang pinagtataguan,para hindi siya makita ng natirang lalaki. Dahan dahan siyang lumakad palayo at ng medyo malayo na siya agad siyang tumakbo palayo,Hindi niya alam kong saan siya dadalhin ng kangyang mga paa habang tumatakbo.Ang sa isip niya ngayon ay"Hindi niya totoong ama ang akala niyang ama."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD