Chapter 3

3747 Words
Nang matapos ang gabing iyon, naging balisa si Monique sa sarili. Nang ihatid siya ni Sly pagkatapos ng Family dinner sa mga Buenavista sa kanilang bahay ay hindi siya agad nakatulog. Kahit uminom pa siya ng gatas kagabi para antukin agad ay kusa ang diwa niya ayaw siyang patulugin.Naiisip niya lang naman ang napaka romantiko na gabi ng magsayaw sila ni sly ng mga sandaling iyon. .A sweet dance na gustong gusto ng mga babae.Saksi ang buwan at mga bituin ng gabing iyon. Kaya naman kinaumagahan ay nagmistulang zombie ang kanyang mga mata. Nangitim ang mga ito at nagka eyebags pa siya.Naiinis tuloy siya sa sarili. Nagsisi pa tuloy siya kung bakit humarap pa siya sa malaking salamin na iyon. Napasabunot na lamang siya sa sariling buhok. “I look horrible at ayoko lumabas na ganito ang aking ayos! Nakakainis naman.” naiinis na sabi ni Monique sa sarili.Tinungo nalang niya ang kanyang banyo at naligo. Nang makapag ayos ay kinuha na niya ang kanyang bag at bumaba sa kanyang kwarto.Nadatnan niyang wala pa ang kanyang daddy sa dining table at baka hindi pa ito nagigising.Usually kasi maaga ito nagkakape. Napatingin naman siya sa kanyang wristwatch. It’s 6:30 am in the Morning. “Goodmorning po Ma’am Monique.” Bati ng kanilang katulong na si Flora. “Gising na ho pala kayo, Ipaghahanda ko na kayo ng almusal. Maupo na po muna kayo.” Sabi naman nito.Ngumiti siya rito at napatingin ulit sa kaniyang relo. “Hindi pa ba gising si daddy?” tanong niya kay Flora.Umiling naman ito. “Hindi pa po sila gising Maam Monique baka ho maya maya mga 7am po.” “Sige, Pakisabi nalang na umalis na ako Flora at pupuntahan ko muna ang aking boutique.” “P-ero hindi pa po kayo kumakain.” Pigil ni Flora sakanya. “It’s okay. Magkakape nalang ako doon sa office ko.” Ang tinutukoy na office ni Monique ay sa kanyang pinaka unang branch sa kanyang Monique’s boutique.Doon siya nagpagawa ng main office nito.Doon din siya halos namamalagi pag busy sa pagrereview ng kanyang sales and stocks.Minsan pag hindi niya nakakasama ang kanyang mga kaibigan na si Bettina at Crizzy ay doon siya sa kanyang opisina namamalagi. Sakay ng kanyang bagong Audi A8 Hybrid. Magiging abala ngayon si Monique para asikasuhin ang kanyang negosyo. Kakamustahin niya na rin ang kanyang mga tauhan.Later on, Isa isahin niya na rin puntahan ang ibang branches pag hindi na siya busy.Tutal, Kahit minsanan lang siya nakapunta sa ibang branches niya ay kaya naman iyon pamunuan ng kanyang mga tauhan at manager roon.Dinedeposito nalang ang kita sa banko. Pinarada niya ang kanyang kotse sa harap ng kanyang boutique.Bumaba siya roon at agad pumasok sa kanyang boutique. 8am sila ng umaga usually nagbubukas kaya may isang oras pa bago buksan ang kanyang boutique.Binati naman siya ng kanyang limang tauhan including the manager na abala sa pagtutulong sa kanilang staffs sa paglilinis at pag aayos ng boutique. Mas malaki ito kaysa sa ibang branches niya. Ito kasi talaga ang pinaka puso sa kanyang mga suki at mamimili. Nang makapasok sa kanyang office ay saka naman ang pasok ng kanyang manager na si Melissa bitbit ang mga iilang folder. “GoodMorning Ma’am Monique.” Bati nito sakanya. Ngumiti naman siya rito. “Goodmorning din Melissa.Maupo ka.” Sumunod naman si Melissa sa kanyang amo.”So how’s the boutique habang wala ako?”tanong niya rito. “Ayos lang naman po, Hindi pa bumababa ang mga sales ngayong buwan, Sa katunayan nga ho ay mas umangat ang benta natin ngayong buwan Ma’am Monique kaso ho ay kailangan madagdagan ang ating stocks para ho hindi tayo maubusan.May ilang sizes po kasi ng mga damit at sapatos na malapit ng maubos.” Paliwanag ng kanyang employee-manager. Tumango naman siya. “That’s good to hear. Umorder ka nalang ng ating mga stocks. Here’s the cheque na ibabayad mo.” Pinirmahan muna ito ni Monique saka ibinigay kay Melissa ang cheke.Nagpaalam na rin ito saka lumabas ng kanyang opisina. Mabuti nalang at naipaglaban at napapayag niya noon ang kanyang Daddy na si Don Ricard na magkaroon siya ng sariling business. Ayaw kasi nito na magtayo siya ng kanyang business at tumulong nalang sa pamamahala ng kanilang tatlong Hotels, limang Restaurants at isang telecommunication Company.She tried to win over his daddy at nagtagumpay naman siya. Hindi naman siya nagsisisi at masaya siyang malaman proud pa rin ang kanyang ama. Speaking of her Mom. Namatay ang kanyang Mommy Eliza sa panganganak sakanya. Tanging litrato lang nito ang naiwan sakanya. Hanggang tingin nalang siya rito sa mukha ng kanyang Mommy.Minsan nalulungkot at naiingit siya sa iba na kumpleto ang pamilya kaso ganoon talaga ang buhay.Complete or incomplete basta ang importante nagmamahalan kayo as a family. Habang abala si Monique sa harap ng kanyang laptop ay nakapag desisyunan naman ni Bettina at Crizzy na pumunta sa boutique ng kanilang kaibigan.Kasalukuyan naman nagmamaneho si Bettina habang si Crizzy ay walang tigil sa pagkuha ng litrato sa sarili. For short, The Selfie Queen. “Alam mo Crizzy, Mental disorder ang tawag diyan sa pinag gagawa mo.” Naiinis na sabi ni Bettina habang nakatuon sa daan na kanilang tinatahak.Natigilan naman si Crizzy at nilingon ang kaibigan. “What do you mean by that?” nakataas kilay nitong tanong sakanya. “Ayon sa mga psychologist. Mental disorder ang tawag sa walang tigil sa pag seselfie at make up face.Look at you. Kulang nalang ay pumasok ka diyan sa loob ng camera ng cellphone mo.” “H-ey! Mind your own business nalang okay? Mag drive ka nalang at baka mamaya hindi na tayo maka abot ng buhay sa boutique ni Monique. Babaeng iyon ilang araw na hindi nagpaparamdam. Nakakatampo na.” Saad naman ni Crizzy at umayos ng upo. “You know what Crizzy, Busy iyong tao.May negosyo.Eh Tayo? We’re just a happy go lucky girlies na umaasa pa rin sa ating mga big time parents dahil we have the credits na anytime pwede natin gastusin.” “You have the point.Kahit anong gawin ko kasi hindi ko pa talaga puso magtrabaho sa kompanya ni Daddy.” Napabuntong hininga naman si Crizzy sa sarili. “Ako baka malapit na. Gusto ko na rin kumita sa sarili ko like Monique.Hihiram ako ng pera kay Mommy para makatayo ng sariling negosyo at kapag kumita na ako ng malaki saka ko naman babayaran ito.” Excited na sabi ni Bettina. Ilang sandali ay namataan na nila ang nakaparadang kotse ni Monique sa harap ng boutique nito.Pumarada naman si Bettina sa katabing kotse ni Monique. Unang lumabas si Crizzy sa kotse at sumunod na rin si Bettina.Sabay na silang pumasok at diretsong pumunta sa opisina ni Monique. Kumatok naman sila sabay ni Crizzy sa pinto ng office ni Monique. Ayaw kasi ng kanilang kaibigan na basta na silang papasok dahil nakababa iyon sa Good Manners. “Come in.” narinig nilang tugon ni Monique sa loob ng opisina nito.Pumasok naman sila at nagulat pa ito na makita sila dalawa. “What a early surprised you two! Have a seat.” Nagulat pa si Monique dahil hindi inaasahan darating ang kaniyang mga best of girls in town. “What a formal way of speaking.” Natatawang sabi ni Bettina. “Sorry naman noh, HAHAHA”natawa na rin si Monique.”So, anong atin?” tanong niya dalawa sa kaibigan. Si Crizzy na ang nagsimula. “You know what Monique, Namimiss ka na namin. Free ka ba ngayon? Labas naman tayo. Taya ngayon ni Bettina.” Sabi ni Crizzy kay Monique. “Ha? B-at ako?” Turo pa ni Bettina sa sarili.Natawa naman si Crizzy sa naging reaksyon nito. “Free ako today. I can leave anytime, besides I’m the Boss here.” Sabi naman ni Monique. “Good.So? Let’s go!” Excited na sabi ni Crizzy. “Sa amin ka sasakay Monique, ah?” sabi naman ni Bettina. “Dadalhin ko nalang ang aking sasakyan Bettina para mamaya hindi nalang kayo bumalik rito sa boutique ko para ihatid lang ako rito.Susundan ko nalang ang kotse mo kung saan niyo balak tayo pumunta.Convoy nalang tayo. ” Suggest naman ni Monique. Napatango naman si Bettina. “Monique’s right. “Napa agree naman si Crizzy. “So, Ano pang hinihintay natin? Let’s go!” nakangiting sabi ni Bettina. “Okay. I’ll just get my bag.” Tumayo na rin si Monique saka kinuha ang bag sa ibabaw ng kanyang steel drawer.” Tara.” Yaya nito para makalabas na sila. Napagpasyahan nalang nila magkakaibigan na magkakape muna sila sa starbucks bago mag ikot ikot sa Everland Mall.Si Bettina na ang nag order ng kape and desserts para sakanilang tatlo. -- Nasa starbucks si Sly at kasama nito ang kanyang mga kabarkada na sila Jester, Max at David.Galing kasi ang apat sa pag jojogging at sa pad na ni Max sila nag bihis ito.Napagpasyahan naman nila na pumunta sa Everland Mall at pumunta sa starbucks para magkalaman ang kanilang sikmura. Hindi napansin ni Sly na nakaupo sa di kalayuan si Monique at kasama nito sina Bettina at Crizzy. Si Jester pa ang unang nakapansin iyon. “Pare, diba sila Monique iyon?” turo naman ni Jester. Kasalukuyan humihigop pa ng kape si Sly ng mga sandaling iyon.Lumingon naman si David. “Oo nga. Kasama nito sila Bettina at Crizzy.”sang ayon naman ni David. “Ang ganda talaga ni Bettina. Walang kakupas kupas ang kagandahan nito.” Wika naman ni Max habang titig na titig kay Bettina. Lumingon naman si Sly sa gawi na itinuro ni Jester. Tama nga ito. Andoon sila sa di kalayuan lamang. Napangiti naman siya na mapagmasdan na busy si Monique at Crizzy sa pagseselfie. “Bat kasi hindi mo pa pormahan si Bettina.” Sabi naman ni Jester. “Tingnan mo nga naman itong si Sly mga pare, Nakatingin naman sa grupo nila Bettina.Ang sarap pagdudahan na  may gusto ito kay Monique eh. Pakipot lang ang isang to.” Saad naman ni Max.Natawa naman si David.Saka nag apiran pa ang dalawa. “Pinagkakaisahan niyo ba ako?” inis na sabi ni Sly. “Totoo naman ah! Wag ka kasing masyadong pahalata pare!” natatawang sabi ni David. “What? I was just looking at them.” Seryosong sabi ni Sly. “Correction, Baka I was just looking at her.”Iniba pa ni Jester ang statement ni Sly. Ayaw naman ipakita ni Sly sa mga ito na napipikon na siya.Totoo naman kasi na si Monique ang tinitingnan niya. “You know what pare, I can see through your eyes the way you look at Monique. It’s like your eyes were sparkling everytime you look at her.” Wika ni David. “He is just afraid to take a risk dahil baka masira ang friendship nila ni Monique.” Sabi naman ni Max. “So what? Baka ang risk na yan ang mapapasalamatan ni Sly balang araw.There’s no harm in trying. Atleast, Nagpakatotoo ka sa sarili mo.Mahirap na kasi kung itatago mo lang ang nararamdaman mo then hindi mo namalayan malapit ka ng sumabog.” Wika ni Jester. “Ano ba naman kayo? Wag niyo nga ako ilagay sa Hot seat ngayon.” Sabi naman ni Sly na kanina pa niyang pinakikinggan ang pinagtatalunan ng kanyang mga kaibigan. “Basta pare, tandaan mo boto kami na maging kayo ni Monique. Ang kulang nalang nga sa inyo ang Marriage contract. The way you act each other ay sobrang compatible na isa’t isa.Minsan naiisip nga namin bakit hindi mo niligawan si Monique? Marami kaya nakapila diyan sa kababata mo. Maganda at sobrang kinis pa.” wika naman ni Max. “Umandar nanaman yang pagiging manyak mo!” natatawang sabi ni David. “Ano ba kayo? Tigilan niyo na nga yan.” Natawa na rin si Sly ng mga sandaling iyon dahil sa mga naiisip ng mga kaibigan niya. “Sige na nga tatahimik na kami baka mabulabog pa ang puso mong tahimik para kay Monique.” Natawa naman si David sa sinabi ni Jester.Nag apiran naman ang tatlo maliban kay Sly na nakatingin naman sa gawi ni Monique. Ilang sandali hindi na nakatiis si Sly at agad kinuha nito ang cellphone sa bulsa at pinindot ang numero ni Monique. Nakita naman niya na kinukuha na ni Monique ang kanyang cellphone.Kumunot pa ang noo nito. “H-ello Sly? Bat ka napatawag?” Napakalambing ng boses nito sa mga sandaling iyon.Napangiti naman si Sly. “Namimiss kita kaya ako napatawag.” Nagkantiyawan naman ang mga kaibigan ni Sly.Sinenyasan naman nito sila Jester na wag silang maingay. Nakita niya naman ang reaksyon ni Monique na para bang kinakabahan. “Ha? T-alaga? Ikaw talaga Sly! Tigilan mo nga ako.” Parang bata itong nagpapouty lips. “What? Totoo ang sinasabi ko. Mabuti nalang nga nahanap ka agad ng mga mata ko.” Malambing na sabi ni Sly kay Monique over the phone. Sumabat naman si Jester na siya ang unang nakakita kina Monique. Tinapunan lang ito ni Sly ng tingin saka dinilaan ang kaibigan. “T-eka parang ang ingay naman ata diyan. Kasama mo ba ang mga barkada mo?” tanong ni Monique sakanya. “Yes. I’m with them right now.Tingin ka sa Left side mo.” Sinunod naman ni Monique ang sinabi ni sly sakanya and there nakita niya si Sly na kumaway kaway pa sakanya. Napangiti siya. “Ang daya mo talaga! Andito rin pala kayo nila max!” saka kumaway na rin siya kay Sly. “Wait. Lilipat lang kami ng mga kaibigan ko diyan. Mas madami, Mas Masaya diba?” suhestiyon pa niya rito. “Gusto mo lang ako makatabi eh!HAHAHA” biro naman ni Monique rito. “Gusto nga kita makatabi.” Natigilan naman si Monique sa sinabi ni Sly sakanya.Ngumiti siya rito. “I’ll hang up.Lilipat na kami. Sabihan ko lang itong mga ugok kong kaibigan.” Sabi naman ni Sly. “Okay, Bye.”Natatawang paalam ni Monique saka binaba na rin nito ang phone.   Gaya nga ng sinabi ni Sly sakanya ay nakita na ni Monique na papalapit si Sly sakanila kasama ang mga barkada nito. Lahat naman sila magkakilala kaya nga lang Sly Cliques ang laging magkakasama and Monique Cliques.   "Andiyan pala sila Max oh. Hi Max!" nakangiting kaway ni Bettina kay Max. Lumiwanag naman ang mukha ni Max na makitang kumaway sakanya ang kanyang crush pero hindi alam ni Bettina na may lihim na pagtingin ito sakanya. "Hi Bettina! Tabi tayo ah?" malambing na sabi pa ni Max at tumabi ito sa tabi ng upuan ni Bettina. Si Jester at David naman ay pinagitnaan nila si Crizzy. Si Sly ay tumabi kay Monique. "Pasensya na kayo girls, sabi kasi ni Sly lumipat kami. Andito raw kasi si Monique." with emotions pang sabi ni David.Pinanlakihan naman ni Sly ng mata si David at sinasabi nitong Tumahimik siya.Lihim naman natawa si David. "O-kay lang. Besides, okay lang sa amin diba girls?" "Aba oo naman! go ako riyan! Lalo't na pinagitnaan ako ng dalawang adonis dito." nagpapa cute na sabi ni Crizzy. "Baliw talagang tong Selfie queen niyo! HAHAHA!" saad naman ni Jester saka ginulo ang buhok ni Crizzy.Hinampas hampas naman ni Crizzy ang kamay ni Jester para tigilan ang panggugulo sa kanyang buhok. Nang dumating ang grupo nila sly ay may kanyang kanya na silang mundo. Si Bettina nakikipag usap kay Max. Si Crizzy, Jester at David ay nagkakatuwaan. Si Sly todo kulit naman kay Monique. "Namiss mo ako noh? HAHAHA" natatawang tanong ni Sly kay Monique. Sumimangot naman ang mukha ni Monique. "Para saan pa ba kita mamimiss? Halos magkamukha na nga tayo.Minsan laging nakabuntot pa." sabi pa ni Monique saka sumubo ng kanyang mousse cake.Tiningnan naman ni Sly si Monique habang sumusubo ito. Parang natakam naman siya sa kinakain nito. Napatingin naman siya sa dumi ng chocolate na sumayad sa gilid ng mga labi ni Monique. Her lips is really perfect  May sasabihin sana si Monique kay sly pero napatigil siya na magtama ang kanilang mga mata sa isa't isa.Sly smiled, Monique smiled back to Sly. "Anong tinitingin mo? May dumi ba ako sa mukha?" Tanong naman ni Monique.Pansin niya naman na parang nakikipag kompetensya ng titigan si Sly sakanya at medyo naweweirduhan na rin siya kay Sly ng konti. Ewan ba niya. "Meron nga." nakangiting sabi ni Sly saka kinuha ni Sly ang tissue sa kanilang mesa at marahang nilinisan ang dumi sa gilid ng labi ni Monique.Napatitig nanaman sila ulit sa isa't isa. Ang hindi nila alam ay nakatingin na pala si Max, david, Jester, bettina at Crizzy sakanila.Lihim naman kinikilig si Bettina at Crizzy.Si Max, david at Jester naman ay sabay sabay pa nilang dinukot ang kanilang mga cellphone at agad kinunan ng litrato ang dalawa.Nag apiran pa ang tatlo dahil paniguradong pang blackmail nila ito kay Sly. "Ahemmm." Si Max na ang bumasag ng eksena ng mga sandaling iyon. Agad naman umiwas ng tingin si Sly kay Monique. Si Monique naman ay parang batang nahihiya. "Look. ang daming langgam!" turo naman ni Crizzy. "Nilalanggam na tuloy tayo dito! Ang sweet kasi ng dalawa diyan!" tukso ni Crizzy rito. Natawa naman si Jester at David sa sinabi ni Crizzy. "K-ayo talaga! Puro kayo tukso eh." Saway naman ni Monique. "Asus! Ang sabihin mo, Naiihi ka na sa kilig diyan!" sabi naman ni Bettina. "B-ettina ano ba.Nakakahiya." sabi naman ni Monique. Bigla naman siyang inakbayan ni Sly na ikinatili nanaman nila Bettina at Crizzy. Parang lumuwa ang puso ni Monique nga mga sandaling iyon dahil sa sobrang kaba. "Wag kana mahiya. Ganito naman talaga tayo diba?" nanunukso na sabi ni Sly. "Heh! T-umigil ka nga. Alisin mo nga yang kamay mo sa balikat ko." "Ayoko nga." Sly tease her. Hinayaan nalang ni Monique si Sly para tigilan na rin sila sa panunukso ng kanilang mga kaibigan.Nagusap usap nalang sila ng kahit ano related to business, social life and events. Sa haba haba ng pananatili nila roon ay nauuhaw si Monique. "Sly, sandali lang ha. Bibili lang ako ng Bottled water. Nauuhaw na kasi ako.Kanina pa tayo rito." pero pinigilan siya ni sly na tumayo. "Diyan ka nalang. Ako nalang ang bibili para sayo." sabi nito. "S-andali lang naman ako." "Ako nalang bibili, Okay? Diyan ka nalang." "Sige na nga. ikaw ang bahala." Sumuko na rin siya rito. Tumayo na nga si Sly. Nakakasampung hakbang palang ito na may naririnig silang sumisigaw. "Saklolo! Magnanakaw! Iyong bag ko! Please somebody help me! My bag please!" Nakita naman nila Max, Jester, David, Bettina, Crizzy at Monique ang magandang babae na hinahabol ang magnanakaw. Patungo iyon sa direksyon nila at kay Sly. Nagkagulo na nga sa unahan ng table sa starbucks.Napatigil naman si Sly sa paglalakad. "Hoy tumabi ka diyan! Alis!" sigaw ng magnanakaw na patungo sa kinatatayuan ni Sly. Parang walang narinig si Sly at ngumiti pa sa palalapit na magnanakaw. Tumayo si Monique.Alam niya nanaman ang gagawin ni Sly sa magnanakaw na iyon. Magiging isang Superhero nanaman ito. "M-onique. Wag kang umalis. Stay put there." pigil sakanya ni David. Nang hindi nga umalis si Sly sa kinatatayuan niya. Nakita niyang sapo na ng babae ang tuhod nito marahil sa napagod na ito sa katatakbo. Hindi na pinaglapas ni Sly ang magnanakaw na iyon at hinablot nito ang braso, hinawakan sa balikat at bigla nito sinuntok ng ubod ng lakas.Napa wow naman ang mga taong nakasaksi. Agad naman natumba ang magnanakaw. Agad naman kinuha ni Sly ang bag ng babae.Lumapit naman ang babae sakanya.Ibinigay naman ni Sly ang bag nito. Ilang sandali ay meron ng mga gwardiyang dumating at hinila na nila ang magnanakaw paalis sa lugar na iyon. "I D-on't know what to say pero Maraming salamat sa tulong mo. K-ung hindi dahil sayo, tuluyan na talagang natangay ang bag ko.Maraming importanteng gamit ang laman nito."  Napansin naman ng babae na nasugatan ang kamay ni Sly. "Oh my god! You are hurt!" Shock na sabi ng babae at hinawakan ang kamay ni Sly. "No, it's okay. Wala lang ito." sabi naman ni sly saka binawi nito ang pagkakahawak ng babae sakanyang kamay. "A-re you sure? Pwede kitang dalhin sa ospital." suggest naman ng babae. "Promise. I'm okay. Wala lang ito. Just be careful next time." nakangiting sabi ni Sly rito. “I will. Thankyou talaga ng marami...." napahinto pa ang babae sa sasabihin nito dahil hindi nito alam ang pangalan ng lalaking tumulong sakanya. "It's Sly Patrick." nakangiting wika ni Sly. Ngumiti na rin ang babae na kanina ay pagod na pagod sa pakikipag habulan sa magnanakaw. "Thank you talaga na marami Patrick." ulit pa nito. Tiningnan naman ng babae ang kanyang wrist watch at nanlaki ang mata nito na mapansin na late na siya sa dapat puntahan. "Oh my late na ako. I have to go Patrick.Thanks ulit. Hope we will see each other again." nakangiti nitong sabi saka nagmamadaling tumalikod at naglakad papalayo. Pero hindi pa alam ni Sly ang pangalan ng babae kaya sumigaw siya rito. "H-ey! Wait. What's your name?" sigaw ni Sly sa hindi pa nakakalayo ang babae sakanya. Humarap ito at ubod kay tamis ang ngiti nito. "I'm Elina." kaway pa nito sakanya at nagmamadaling naglakad na ito papaalis at naglaho na ang babaeng iyon sa paningin ni Sly. "Elina." ulit na sinambit ni sly ang pangalan nito tska parang tanga na napapangiti.Bigla naman may umakbay sakanya. Si Jester. "Oh. Napipi ka na diyan dahil sa chix na iyon. Sino ba iyon?" usisa ni Jester. "Elina raw eh." "Elina?" "Iyon lang ang sinabi niya. Siya si Elina." sabi pa ni Sly. "Maganda iyong si Elina ah. Lakas ng dating!." "Well, she is really beautiful. Talagang ma aamaze ka sa ganda niya.Kita mo naman sa itsura nun." sabi pa ni Sly. "Looks can be deceiving..Anong malay mo." "Ewan ko nga diyan sayo pare! HAHAHA" natatawang tinapik pa ni Sly ang balikat ng kaibigan. "Oh ang sugat mo baka nakakalimutan mo." paalala pa ni Jester. "Oo nga pala. Huhugasan ko lang ito. Bibilhan ko pa ng tubig si Monique."  Paalam nito kay Jester at dumiretso sa loob ng starbucks para gumamit muna ng restroom. Napa upo nalang ulit si Monique pagkatapos magpaalam ang babae kay Sly. Sa kaibituran ng kanyang puso, Nakaramdam si Monique ng isang emosyon na hindi niya makakaila sa pagiging isang babae. Jealousy.. Ewan ba sa sarili ni Monique. Wala naman siyang karapatan na magselos. Isa pa, isa lang siyang kaibigan s***h itinuturing na kapatid ni Sly pero bakit sa kabila ng lahat. Bat may nararamdaman siyang may magiging kahati na siya sa atensyon ni Sly?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD