Nasa condo na sila ngayon ni Sly at kasalukuyan niyang ginagamot ang natamong pasa sa labi nito at sa pisngi. Habang nilalagyan ni Monique ng first aid si Sly ay hindi niya mapigilang mapagmasdan ang mapupulang labi nito, She feels that Sly lips were seducing her even it is not. Damn it? Bakit ba nagkakaganito siya ngayon? Sly is just her bestfriend. Iyon lang at hanggang doon lang yun.
Si Sly naman habang ginagamot siya ng napakagandang kaibigan niya ay hindi mapigilang mapangiti at pagmasdan ng taimtim si Monique.
Monique is really a nice and unique girl. Bakit nga ba hindi nag level up ang kanilang relasyon? Sinasabi pa nga ng ibang barkada nila ay bagay sila at parang mag asawa magturingan. Ganoon naman talaga sila ni Monique in every way. Kahit saang lugar ganoon sila dahil sanay sila sa isa’t isa and they’ve known each other for a very long time ago.
It was a very long time ago mga bata pa sila, Nakita niya noon si Monique dati sa proposal ni Kuya Prince sa Ate Brimmie niya sa Garden nila sa bahay dahil si Don Ricard at ang kanyang daddy na si Brice ay magkaibigan.
Doon siya nagsimula nakipaglaro kay Monique hanggang sa lumaki na sila ay magkakasama parin sila through Good and Bad days.
Tiningnan ni Sly si Monique sa maamo nitong mukha, napatitig siya sa malusog nitong dibdib, sa kurbadang beywang nito hanggang paa. Monique is really a damn hot babe. Hindi tuloy mapigilan ni Sly tumigas ang kanyang p*********i.
Napansin naman ni Monique na kanina pa siyang tinitigan ni Sly at umabot iyon mula ulo hanggang paa niya pero mas napatitig ito na huminto ang tingin nito sa dibdib niya kaya medyo nailang siya pero hinayaan nalang niya iyon dahil baka nasobrahan lang sa suntok itong si Sly Patrick kaya nawawala sa wisyo ang kaibigan.
“P-atrick? Okay na ang sugat mo. Magpagaling ka nalang at salamat nga pala kanina.” Natauhan naman si Sly at agad iniwaksi ang iniisip niya kanina.Tumingin siya kay Monique at agad siyang tumabi dito at inakbayan.
“Wala lang ito. Lahat naman gagawin ko para sayo Monique basta ayokong nakikita kang binabastos at pinagmumukhang tanga. Gagong Michael na yun! Wag na wag siyang papakita pa sakin baka mapatay ko pa siya.” pagbabanta na saad ni Sly.
“Hayaan muna iyon. Mabuti na iyon na habang mas maaga pa ay alam kong hindi siya ang inilaan ng diyos para sakin.”
“Right. Madaming pang iba diyan Monique, Piliin mo kasi yung matino parang katulad ko.”
“W-hat do you mean like you?”
“I mean like me. Gwapo, matino, mabait, thoughtful guy…”
“Hep hep! At kelan pa naging matino ang isang lalaki na nagdala ng isang babae sa loob ng condo unit nito at gumawa ng isang nakakahiyang eksena sa kusina? Making out with a girl inside in your kitchen!.”
“What’s wrong making out with a girl? We’re both satisfied, besides walang lugi. Nasarapan siya nasarapan din ako and hey? Where did you get that gossips Monique?!” nanlaki naman ang mata ni Sly sa rebelasyon ng kaibigan.
“I heard it in your neighborhood. Si Lola Maring. Kahit matanda na yun malakas pa rin ang pandinig nito Sly. May naririnig kasi siyang malakas raw na ungol na isang babae at lalaki at isinisigaw pa ang pangalan mo. Naiwan mo pang bukas ang pinto ng condo mo at pumasok pa raw siLlola Maring dahil baka kung ano na ang nangyayari sa loob ng condo mo kaya hayun nahuli pa kayo ni Lola Maring na nagmi-making out! Gosh. That’s too embarassing Sly Patrick! It’s not only a gossips but it is basically true.”
“Matanda naman si Lola Maring at makakalimutan niya rin iyon.” Nakangiti niyang sabi. “That Girl is seducing me kaya sinakyan ko nalang ang trip niya. She’s burning like a fire na hindi paawat.”
“Ibang klase rin ang sinakyan mong trip noh? Papuntang langit! Sarap na sarap ka nga habang kinukwento mo sa akin e”
“It’s a part for being a man Monique pero kayong mga klaseng babae na mga Maria Clara ay dapat ingatan ninyo ang dapat ingatan.” then Sly winks at her.
“Alam ko naman iyon eh.” Inirapan nito si Sly.
“ Uy Monique wag na wag mo akong iniirapan! You’re making it a habit”
“Inirapan ba kita?!” pagtataray ni Monique kay sly.
“Aba’t! “Bigla siyang kiniliti ni Sly sa tagiliran niya. Ito pa naman ang super weakness niya sa lahat!
“OY HAHAHAHAHAHA ano ba sly tigilan mo na nga yan HAHAHAHA tama na ano ba sobrang kiliti na eh!” kaso hindi nakikinig si Sly sakanya at hindi paawat hanggang sa nahiga na si Monique sa sofa at pumaibabaw si Sly sakanya.
Hindi nila alam na kalalabas lang ni Lola Maring sa sariling condo unit at kasama ang asawa nito.
“Jusko Bernado may naririnig nanaman akong sigaw dito sa kapitbahay natin.”
“Alam mo maring, Wala lang yan baka mga alagang pusa lang iyan ni Patrick diyan.”
“AHHHHHHH ano ba sly tama na hindi ko na kaya!” agad naman napa sign of the cross si Lola Maring na marinig ang boses ng babae at umalis nalang sila ng asawa niyang si Bernado.
Sa sobrang pagkakiliti sakanya ni Sly ay nahulog na sila pareho dalawa sa sofa at kabaliktaran nanaman ang nangyari. Si Monique nanaman ang napaibabaw kay Sly at pareho sila natahimik at napatitig sa isa’t isa. Sly gently touch her face like he never caressed it before. Iba ang sensasyon na nararamdaman niya parang isang boltaheng kuryente ang ipinapadama ni Sly sakanya na pilit niyang iwinawaksi sa isipan at nararamdaman niya ngayon.
“Ah I’m s-orry. I think I shoul----SLY!” aalis na sana si Monique sa pagkadagan niya kay Sly na biglang hinigpitan ni Sly ang yakap nito sa kanyang beywang sa dahilan na napalapit siya ng sobra rito.
“Can we stay like this for a minute?” paglalambing ni Sly sakanya.
“Ha? Bakit? Baka kasi—“
“I just miss hugging you so bad, tightly. Para ka kasing unan sakin eh! HAHAHA” natatawang sabi ni Sly kay monique.
“Araw araw naman tayo magkakasama ah. Minsan nga naisip ko bat hindi pa ako nagsasawa sa mukha mo?” kumunot naman ang noo ni Sly sa sinabi ni Monique sakanya.
“Is that a joke?”
“No it’s not.”
“Immune ang tawag diyan.” Sly laughed.
Bigla naman tumunog ang cellphone ni Sly sa ibabaw ng mesa kaya agad umalis si Monique sa pagkadagan niya kay Patrick. Tumayo na rin si Sly at dinampot ang kanyang cellphone. Tiningnan naman niya ang caller at ang Ate Brimmie niya iyon.
Why my devil sister calling me?
Wala naman magawa si Sly at sinagot pa rin nito ang tawag ng kanyang Ate Brimmie.
“H-ello Ate?”
“SLY PATRICK BUENAVISTA KANINA PA KITA TINA----“Eto nanaman ang Ate Brimmie niyang parang loud speaker ang bunganga at parang armalite ang bibig! Lakas!
“KANINA PA KITA TINATAWAGAN! HINDI MO BA MARINIG YANG RINGTONE MO? O SINILENT MO NANAMAN? KUNG TAMA AKO, ITAPON MO NALANG YANG CELLPHONE DAHIL WALA NAMANG KWENTA!” Hindi siya nabibingi sa kapatid niya. Swear to God! Nilalayo nalang ni Sly ang cellphone niya sa tenga sa lakas ng boses nito sa kabilang linya. Ubod na masungit pero mabait ang kapatid niya. Ni-loud speaker nalang niya ang kanyang phone at napa upo sa sofa.Tumabi naman sakanya si Monique.
“ATE! HINAAN MO NAMAN ANG BOSES MO! NAKAKAHIYA KAY MONIQUE!”
“BAT HINDI MO SINABI?! HI MONIQUE! KAMUSTA?”
“Okay lang po Ate brimmie. I-kaw po?”
“I’m not okay. By the way Sly, Don’t forget our Family Dinner later at Lolo Zane’s house. Absent ka na last Sunday kaya pumunta ka na later kung hindi magtatampo nanaman si Lola Anette. Matatanda na sila. Wag na natin pasamain ang loob nila. Kung hindi ka pupunta, Gugulpihin kita Okay? Are we clear?”
“Yes ate, don’t worry.Pupunta ako mamaya. I’ll see you later.”
“Okay. Isama mo na rin si Monique, okay? Monique sumama ka na sa kapatid ko ah? Sige. I’ll hang up now. Medyo masakit yung ulo ko. Bye,”
Ibinaba na rin ni Sly ang phone at inilagay ito sa ibabaw ng mesa.
“Teka Sly, Nakakahiya. Family Dinner niyo tapos sasama ako?” tanong naman ni Monique.
“Okay lang iyon. Hindi ka naman naiba sa amin Monique. Parang pamilya ka na rin namin. Parang magkapatid na nga tayo diba?” nakangiting inakbayan ni Sly si Monique.
Pakiramdam ni Monique sa huling salita na binitawan ni Sly ay bakit parang hindi niya matanggap na magkapatid sila? Bakit bumigat ang pakiramdam niya? Dati rati naman ay sanay na siya at walang pakialam pero..
Ano ba nangyayari sayo Monique! Mag hunos dili ka! Wag mong guluhin ang isipan at puso mo! Okay? Relax ka lang!
“Tubig. Kailangan ko ng tubig.” Wala sa sarili na sabi ni Monique. Nagtaka naman si Sly sakanya.
“Anong sinasabi mo?”
“Ha? Ah! Teka, May sinasabi ba ako?”
“Nevermind. Nagwawala nanaman siguro ang isipan mo.” Sabi ni Sly sakanya. Teka manghuhula ba to si Sly? Tama nga siya. Nagwawala ang isipan ko at any moment pwede ko ng ikabaliw.
“Baka nga..”
“Get up and Get dress.Pumasok kana sa kwarto ko may mga damit ka naman diyan diba? Diyan ka nalang mamili ng susuotin mo.Kahit magmukha ka pang taong grasa sa suot mo, Wala pa rin naman magbabago. You will still look beautiful in my eyesl.” saad nito sakanya.
Oo nga pala! May mga damit na ako sa Closet ni Sly. Minsan kasi dito ako natutulog sa condo niya. Minsan nga tabi pa kami matulog dalawa but he never took advantage on me dahil alam kong nirerespeto niya ako bilang kaibigan.Ganito talaga kami dalawa ni Sly. Sanay na kami sa isa’t-isa.
“Ikaw lang talaga yung kilala kong lalaking bolero.”
“Hey, I’m not fooling around, totoo ang sinasabi ko.”
“Ewan ko sayo Sly. Sige maiwan muna kita. Magbibihis lang ako saglit.”
Pumasok na nga si Monique sa kwarto nito bitbit ang kanyang shoulder bag.Binuksan nito ang closet ni Sly and there she saw bunches of dresses. Napangiti siya. Kinuha niya ang isang Long sleeve lace dress na kulay asul. Sinuot niya na iyon agad at nag-ayos ng konti. She just put a light make up on para hindi mag mistulang coloring book ang kanyang mukha and there she saw her reflection in the mirror shining like a precious diamond. She indeed look so beautiful tonight.Bagay na bagay talaga ang outfit niya ngayon dahil lumilitaw ang kanyang long legs at maputi niyang skin complexion.Sinuklay niya naman ang buhok niya.ilang saglit lumabas na siya sa silid ni Sly
“Tapos na ako. Ikaw nanaman magbihis.” Sabi ni Monique.
“Ang tagal mo na--- Whoa! You look stunning Monique.” Manghang sabi ni Sly ng makitang lumabas si Monique sa kwarto niya.
“S-alamat.” Tilang nahihiyang sabi ni Monique.
“You’re welcome.By the way, I want you to pick me a suit that I’ll be wearing.Wala ako sa mood mag isip kung ano ang susuotin ko. Please monique.” Paglalambing ni Sly sakanya. Paano niya ba mahihindian ang isang to? He’s too cute when his pleasing.
“Fine fine!” Pumasok naman si Monique sa kwarto ni Sly at binuksan ang closet nito. Pinili niya ang isang polo na kulay asul at isang black slacks ibinigay na iyon ni Monique para makapagbihis na agad si Sly.Walang paalam na naghubad ng pang itaas si Sly sa harapan ni monique na ikinailang ni Monique. Napantingin tuloy siya sa 6 pack abs ni Sly. Napalunok siya pero iniwas niya rin ang tingin sa mga ito.
“Lalabas lang ako Sly. Magbihis ka na muna.Suklayin mo na rin yang buhok mo kung ayaw mong pahakin ka ng Ate brimmie mo pag nakita nanaman niya ang bunsong kapatid niya na hindi marunong magsuklay ng buhok.” Pag papaala ni Monique kay sly.
“I looked so handsome when my hair is messy. Ito nga nakapagdagdag pogi points sakin sa mga babae.”
Ilang babae meron ka ba Sly?
“Nasasaiyo iyan kung susundin mo ako.Bahala ka na nga sa buhay mo.Malaki ka na.“
”Oh mainit nanaman ulo mo. Relax ka lang babe.” Nakangising sabi ni Sly sakanya.
“Don’t call me in that endearment!” Natatawa naman si Sly sakanya. Lumabas nalang siya ng kwarto at nag retouch. Ilang sandali naman lumabas na rin si Sly at dala na nito ang susi ng kotse niya.
“T-eka.. Paano ang kotse ko?” pigil naman ni Monique kay Sly bago sila makalabas ng condo unit nito.
“Balikan mo nalang maya Monique.You can get it anytime.Pwede mo naman ipakuha sa driver niyo ang kotse mo maya.Besides, What is mine is yours and what is yours are mine.”
Ha? Ano raw? Parang naguguluhan ako sa sinabing statement ni Sly sa akin. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
“A-no? Naguguluhan ako sa sinasabi mo Sly.”
“Dala ito sa panununtok ng ex-boyfriend mong walang kwenta. Na alog niya yung utak ko.” Natatawang sabi ni Sly. Inilock na rin nito ang condo unit saka marahang inalalayan siya ni Sly sa siko at pagkatapos hinawakan siya nito sa kamay. Sanay naman siya ka holding hands si Sly in public places. Normal lang sa kanila dalawa ito.Ang tingin sa kanila ng ibang tao they are in a relationship but it is not.
Sumakay na rin sila sa isa sa napakapaboritong kotse ni Sly. Ang Mercedez benz nito na kulay itim.ilang sandali tinatahak na nila ang daang patungo sa Mansion ng mga Buenavista. Ilang sandali papasok na sila sa malawak na solar sa Mansion ng mga ito. Matagal tagal na rin since huli siyang nakapunta dito. Naging abala kasi siya sa kanyang pag-aaral noon at sa business niya ngayon na boutiques na may limang branches sa iba’t ibang lugar ng Angeles City at isang bagong bukas na bar na karamihan ay tinatambayan ng mga ilang sikat na artista at mayayamang tao sa Angeles City.
“We’re here.” Saad ni Sly. Ipinarada naman niya ang kotse sa harap ng main door nila at inalalayan lumabas si Monique sa kotse. Sinalubong naman siya ng kanyang Mommy Kimmie at Daddy Brice.
“Oh anak! Andito na ang bunso namin. Our sweet little boy.” Paglalambing ng kanyang mommy at hinalikan siya nito sa pisngi at ginulo pa nito ang buhok niya.
“Hi Son. You bring your Girlfriend here.Sino ang magandang nilalang na ito?” nakangiting tanong ni Brice sa anak.Pinamulahan naman ng mukha si Monique sa pagpuri ni Mr. Buenavista sakanya.Tumingin naman si Monique kay Sly. Eksakto naman nagtama ang kanilang mga mata then Sly winks at her then slowly held her hand once again na hindi alam ni Monique kung bakit ikinasisiya ito ng kanyang puso.
“Dad, It’s Monique. Yung anak ni Tito Don Ricard Reyes. “Halatang nagulat naman si Brice at kimmie.
Napakamot naman sa ulo si Brice.”I’m sorry iha. Hindi kita namukhaan.Tumatanda na kasi. You looked so lovely tonight!.” Paunmahin na saad ni Brice sa dalaga.
“She really is dad.” Sabi naman ni Sly na lalong pinamulahan ng mukha si Monique.
“Oo nga. You looked so beautiful iha.Akala ko nga ikaw na yung Girlfriend ni Sly because he promise us one day dadalhin niya dito sa bahay ng Lolo niya.I guess wala pa rin napupusoan itong anak namin.Bakit kasi hindi nalang si Monique ang ligawan mo Sly. Napakahina mo talagang bata ka!”
“Ma naman!”
“At bakit hindi?”
“Tama na yan Honey baka totohanin ni Sly ang sinabi mo.” natatawang sabi ni Brice.
“Pumasok na tayo at naghihintay na silang lahat sa loob. Nasa dining area na ang Ate at Kuya Prince mo iho at ang Lolo at Lola Anette mo naghihintay na sa iyo.Halika at makapagkwentuhan tayong lahat.” Yaya ni Kimmie sa dalawa.
“Shall we?” ngiting sabi ni Sly kay Monique.Tumango naman si Monique sakanya.
Masaya ang salo salo ng gabing iyon. Pakiramdam ni Monique napakaswerte niya ng gabing iyon. Kasama nito ang Buenavista Family na ngayon ay kumpleto at lalo na dahil na sa tabi niya ang kaibigang si Sly. Her Guy Bestfriend.Pinagmamasdan niya si Sly na masayang nakikipagkwentohan sa pamilya nito.
"By the way son, what happened to your face?" curious na tanong ni Kimmie sa anak. Kinabahan naman si Monique.Napansin naman ni Sly na biglang na tense ang katabi.
"Oo nga Sly ano nangyari diyan sa labi mo? Putok na putok ah!" natatawang sabi ni Brimmie sa kapatid.
"Sinong kumagat niyan?" seryosong tanong naman ni Prince.Hinampas naman ni Brimmie ang asawa.Natawa silang lahat maliban kay Monique dala na rin siguro sa sobrang kaba.Paano pag nalaman ng pamilya ni Sly na nakipagsuntokan ito kay Michael ng dahil sakanya?
Tumingin si Sly sakanya at hinawakan nito ang kanyang kamay. Alam niya ang ibig sabihin nito na "Wag kang mag-alala, Akong bahala." And that simple gesture make her at ease.
"Wala ito. Napa away lang sa isang bar." napatango naman ang daddy niya na si brice.
"Matanong lang kita Monique, May boyfriend ka ba ngayon? Kamusta na nga pala ang negosyo mo? I heard mayroong limang branches ka na ng boutiques mo at isang bar." Tanong ni Brimmie.
"Wala po akong boyfriend sa ngayon. I mean, kahihiwalay lang po namin. Yes, Mabilis kasi ang sales sa boutique ko kaya sa awa ng diyos nakapagtayo ng iilang branches pa." Proud na sagot ni Monique.
"That’s good to hear. Habang wala sa tabi namin si Sly ikaw muna ang bahala sakanya. Alam ko nagpapagod rin yan sa opisina nito." Ang tinutukoy ni Brimmie ay ang negosyo nila na restaurants and hotels na pinamamahalaan ngayon ni Sly.Hindi kasi siya pinayagan ni Prince na siya mamahala nito.Pumayag naman si Monique.
"My big sis is really concerned, huh?"
"Yes, because you are my little brother." Brimmie smiled.Masaya naman nagkatinginan ang magasawang Kimmie at Brice.
"Wag niyo naman kalimutan na nandito pa kami ng Lolo niyo mga anak." nagtatampong sabi ni Anette.Si Zane naman ay abala sa pagkain.
"Lola, hindi naman po. Nagkatuwaan lang. don’t forget to drink your vitamins Lola, lalo na ikaw Lolo Zane."
"Aba't mas lalo kami sisigla ng Lola Anette niyo, pag may panibago nanaman apo sa bahay na ito.diba honey?" tumango naman si Anette.
"Wag kayong mag-alala Lolo.Makikita niyo na ang apo niyo sooner."Napatingin naman ang lahat kay Brimmie.Napatigil naman si Prince sa pagsubo ng pagkain.
"W-hat? What are you saying babe?" curious na tanong ni prince sa asawa.Ngumiti naman si Brimmie saka hinawakan ang dalawang kamay ni Prince.
"I'm 1month and 2weeks pregnant Prince. I'm sorry ngayon ko lang sinabi. I just wanted to surprise you especially to my family." Hindi alam ni Prince ang sasabihin kaya agad nito niyakap si Brimmie and kissed her passionately right in front of us.Prince tears fell down because of joy, Sa wakas. He is now a daddy after the long wait!
"You don’t know how happy I am.”
"its twins." nakangiting sabi ni Brimmie.
"Oh God! I don't know what to say..Kambal ang anak natin."Prince said happily.
"Let's call it for a celebration then." masiglang saad ni Sly.
After the Dinner ay dumiretso sila lahat sa Garden. They toast for a 1 glass of champagne.Naka akbay naman si Sly kay Monique.
"Are you okay Monique?" tanong ni Sly na mapansin na hindi kumikibo si Monique.
"Ha? ano ka ba. Siyempre naman. Nag enjoy nga ako eh at nagulat ako dahil kambal ang magiging pamangkin mo. You're family is very sweet." nakangiting sabi ni Monique.
"Naiingit ka sa kapatid ko?"
"Sa alin?" tanong naman ni Monique.
"For having a baby." pilyong sabi Sly na ikinainit ng pisngi ni monique.
"Ha? H-indi pa ako ready sa ganyang sitwasyon.Madami pa akong gustong gawin."Sagot naman ni Monique. "Baka ikaw lang nasasabik diyan." dagdag naman ni Monique.
"Why not? Kaya ko naman buhayin ang magiging asawa ko at magiging anak namin.I'm a man of words Monique." sabi naman ni Sly at patuloy na ininom nito ang hawak na champagne.Hindi na nakasagot si Monique. Sa isip ni Monique, Handa na pala mag-asawa ang kanyang kaibigan.
"Halika. I'm gonna show you something Monique." hindi na siya nakasagot pa ng hawakan na siya ni Sly sa kamay at hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito. Ilang sandali nakarating sila sa isang bahagi ng Mansion nila Sly. Ngayon lang siya nakapunta rito at parang bagong gawa ito.
"T-eka. Ngayon lang ako nakapunta rito at ngayon ko lang rin nalaman na may ganito pala dito sa Mansion niyo."Manghang sabi ni Monique.
Isa kasi itong bahay kubo na mataas na may kahoy na hagdan made of bamboo.Pinalilibutan ito ng isang bermuda grass at may iba't ibang tanim na bulaklak.Even hanging pots meron din. Tila isa itong paraiso sa paningin ni Monique.
"This is a open cottage for everyone. Bago lang ito pinagawa ni Lola Anette.Mas refreshing kasi raw dito pag gabi and you know the ambiance, it looks kinda romantic."
"Why is it romantic?" curious na tanong ni Monique.
"Let's go inside para malaman mo ang sagot Monique." Monique gaze at the open cottage once again. Wala itong pintuan kaya pala Open cottage ito.Umakyat naman sila ng dahan dahan hanggang sa makarating sila sa loob ng kubo. Tama nga si Sly, the place looks very refeshing and romantic. Once she stepped her foot inside the cottage, nakaramdam tuloy ng konting lamig si Monique dahil sa malamig na simoy ng hangin ng gabing iyon.Nakasuot pa naman kasi ng isang blue lace dress.
"Sa tanong mo kanina, Sasagutin ko. Sabi ni Lola very romantic ang lugar na ito dahil makikita mo ang moon and stars rito.Pag nakapunta ka raw rito ulit for the second time around ang mga bituin ay mag foform ng heartly shaped ang ibig sabihin raw nito "You have found the right one."
"Paano mangyayari iyon?"
"Simply, kung sino ang nasa puso mo that time then you have found the right one."
"Naniniwala ka sa sinabi ni Lola Anette sayo?"
"Maybe, Maybe not. Pwede naman subukan, Wala naman mawawala."Nakangiting inakbayan ni Sly si monique.
Pumunta naman si Monique sa may bintana at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.ilang sandali tumikhim si Sly. Nilingon naman ito ni Monique.
"You wanna dance with me?" nakangiting inilahad ni Sly ang kanyang kamay sa harap ni Monique.
"I would love too." Monique smiled.Sly puts his both hand on her waist.Nilagay naman ni Monique ang kanyang kamay sa magkabilang balikat ni Sly. They're both now dancing and feeling the rhythm of the song.
"Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki monique?" nagulat naman si Monique sa itinanong ni sly sakanya.
"S-iyempre yung alam kong ako lang ang mamahalin niya at hindi niya ako sasaktan. Gusto ko yung feeling na halos hindi na mabura ang mga ngiti ko dahil kasama ko siya at pareho kami ng nararamdaman para sa isa't isa.Bat mo nga pala naitanong?" sabi naman ni Monique.
"Wala lang naman. i just wanted to know."Then sly puts his head next to Monique.Magkadikit ngayon ang kanilang mga noo na ikinakilig ng puso ni Monique.Ewan ba sa nararamdaman niya. Lagi naman sweet si Sly sakanya...pero bakit parang iba ang kanyang nararamdaman?
Sa isip ni Monique, Sana hindi na matapos ang gabing ito.