"Sly Patrick Buenavista, matagal ka pa ba diyan? Hindi mo ba napapansin na mag-iisang oras ka na diyan sa loob ng banyo, talagang hindi ka pa tapos? Mas mabuti diyan ka nalang mamalagi sa loob at wag ka na ngang lumabas! Utang na loob naman Sly, bilisan mong kumilos! Mali-late na tayo! Wag ka ngang pagong diyan!" naiinis na sigaw ni Monique.Kasalukuyan kasing nasa condo siya ni Sly dahil may lakad sila sa araw na ito. Saan? Sa mismong date niya kasama ang boyfriend nitong si Michael na isang Manager sa isang sikat na restaurant kung saan ito ang Queen Milles Restaurant. Kasalukuyan nasa loob ng banyo si Sly at natawa na lamang siya na bigla nitong narinig ang malakas na sigaw ni monique sa labas ng kanyang banyo.Napangiti naman si Sly, Sinadya niya talagang bagalan ang kilos niya sa loob ng banyo para mahuli sa date nito ang kaibigan. Gusto niya kasing nakikitang naiinis nito. She looks cute when she’s in her grumpy mood.
Halos ilang taon na silang magkaibigan ni Monique. Mahal na Mahal niya si Monique biglang kaibigan. Ayaw niyang nakikita na nasasaktan at umiiyak ito dahil parang mas nasasaktan siya.Kaya pag may nagtangka nanligaw kay Monique, Pag hindi siya naaayon sa mga totoong intensiyon nito sa kaibigan ay tinatakot niya ang mga manliligaw nito kaya nagtataka nalang si monique na hindi na nagpapakita ang mga nanliligaw sakanya sa mga susunod na araw at hindi na kumokontak sakanya. Ayaw niya naman mapunta sa isang lalaki si Monique na sa tingin niya hindi mapagkatiwalaan at hindi malinis ang intensiyon sa kaibigan niya.
"Sly! ano ba! Don't you dare make me turn to a monster! Pag tatagal ka pa diyan! Aalis na ako dito sa condo mo!" pagsisigaw ni Monique. Naiinis na talaga siya kay Sly! Ang sarap kalmutin!
" Sly! ano b---! Oy! a-no ba!" Biglang itinakip ni Monique ang kanyang birheng mata. Jusko naman po! Patawarin niyo ako at nagkasala ako ngayong araw! Bigla ba naman lumabas si Sly na nakatuwalya lamang sa pang ibaba. Kitang kita ang six-pack abs nito. Hindi mapakali si Monique sa kinauupuan niya! Sanay naman siya na nakikita si Sly sa ganyang ayos dahil halos araw-araw sila magkasama kahit sa condo nito. May duplicate key naman kasi siya sa condo nito na ibinigay nito sakanya. Ewan ba ni Monique kung bakit biglang umiba ang ihip ng hangin.! Ang lakas ng kabog ng puso niya! Umiinit ang magkabilang pisngi niya at bumibilis pa ang t***k ng puso niya at nangangatog ang kanyang mga tuhod! Lihim naman napatawa si Sly sa naging reaksiyon ni Monique.
"Are you shaking?" curious na tanong ni Sly. Lalapit sana si Sly kay Monique na biglang tumayo ito sa kama.
"Ah! a-lam mo ba sly ang init dito! Centralize naman ang condo mo bat ang init! Sira ba ang aircon mo? Paayos mo nga!" nauutal na sabi ni Monique saka tumalikod kay sly.
"Anong nangyayari sayo Monique? Nagwagwapohan ka nanaman ba sakin? Alam ko naman iyon and it's normal besides nasa tamang edad na tayo. Alam mo na, baka pwede naman.." ngiting ngiti na sabi ni Sly.
Tumindig ang mga balahibo ni Monique sa buong katawan niya! Anong pinagsasabi ng sirang ulo na mokong na to! Hindi niya ba alam sa pinagsasabi niya'y kinikilabutan ako!
Palapit na palapit si Sly sakanya kaya naging awtoridad siya.
"S-ly! ano ba! anong ginagawa mo! Isa pa anong normal ang pinagsasabi mo! Ikaw talaga nakapa abnormal ng pag-iisip mol! At a-no ba wag ka ngang lumapit! pag minanyakan mo ako, isusumbong kita kay Tita Kimmie at sa Ate Brimmie mo! Alam mo naman ang ugali ng ate mo! isusumbong kita!" kaso parang walang naririnig si Sly kaya napatili na si Monique!
"Sshh. wag kang maingay babe baka marinig tayo sa kabila..Let's take it slowly and cherish natin ang moment na to." then sly gave him the sweetest seductive smile she ever seen. Napalunok naman si Monique. Hindi niya na alam ang gagawin niya!
"Sly! h-indi ako natutuwa sa ganyang biro mo ha! Umayos ka kung ayaw mo masusuntok kita na wala sa oras! mag hunos dili ka nga Sly Patrick!"
"Do you think I’m fooling around babe? I'm serious and you know im a man urging for something i can't control. I think I am wanting to kiss you right now." Hindi alam ni Monique ang gagawin, halos na paparalyze na ang mga paa niya! She can't move! Ang alam niya ng mga sandaling iyon nakapikit siya at hinihintay kung ano man ang mangyayari.
Ilang sandali ay inimulat ni monique ang kanyang mga mata at lihim na natatawa si Sly sakanya.Nang mapansin siya nito na natauhan ay biglang napalakas ang tawa nito.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA i can't believe what just happened now!" natatawang sabi ni Sly.
Kumunot ang noo ni Monique at nagsalubong ang dalawang kilay niya tama bang paglaruan ang nararamdaman niya?!
"So you're fooling me around? What do you think of me Patrick,a stupid clown?!" naiinis na sabi ni Monique. kinuha niya ang mga unan sa kama ni sly at pinagtatapon ito sakanya.
"Hey! stop it! Hahaha" parang batang kinikiliti si sly na hindi matapos tapos ang tawa nito.
Sa tingin ba ng lalaking to natutuwa siya? pwes nagkakamali siya!
" How dare you." napahikbi na sabi ni Monique kay Sly. Sa totoo, Hindi siya nasisiyahan sa ganoong biro nito. Napahinto naman si sly at agad sumeryoso. Napakamot ito sa ulo saka nilapitan ang kaibigan.
"M-onique. Im just kidding."
"I hate you Sly!"aalis na sana si Monique na bigla siyang hinawakan ni sly sa braso at ipinaharap sakanya at agad siya nito niyakap. Umiiyak na talaga siya!
"I'm sorry. I don't really mean it. I'm sorry Monique. Please wag ka na magalit sa akin. Wag ka na umiyak please. ayoko nakikita kitang umiiyak and i know it's my fault. I'm sorry hindi dapat kita binibiro ng ganon." seryosong saad ni Sly saka pinunasan ang mga munting luha na dumadaloy sa mga pisngi ni Monique. Hindi sumagot si Monique at nanatiling tahimik.
"Maghihintay na ako sa labas.” Sabi ni Monique at tinalikuran si Sly. Napabuntong hininga nalang si Sly. Binilisan niya nalang ang pagbihis at agad inilock ang condo. Nang makababa sa building ng condo agad niya naman nakita si Monique na matiyaga na naghihintay sa kanya sa kotse.Pinagbuksan niya na ito ng pinto at pinaharurot ang kotse.
“Are you still mad at me?” tanong ni sly habang nagmamaneho.Hindi kumibo si Monique itinuon nito ang tingin sa labas.
“Monique, magsalita ka naman. Look okay, I’m sorry.Hindi ko na ulit gagawin iyon. Please wag ka na magalit alam ko naman na hindi mo ako matitiis kasi mahal mo ako.” Paglalambing ni sly. Inirapan naman siya ni Monique.
“Sinong may sabi sayo niyan?!” inis na sabi ni Monique.
“See, Hindi mo ako matiis, Kinausap mo rin ako.” Ngiting ngiti na sabi ni Sly.
“Ang ingay mo kasi!”
Napatingin si Sly kay Monique.
“Nag effort na ba si Michael sayo? Ni hindi ko pa nakitang umeffort ang lalaking iyon sayo! Hindi pa siya nakakalahati sa moves ko!”
“Ang yabang mo ha! Malay mo mamaya may bouquet of roses na ibibigay yun sakin!” pagtatanggol ni Monique.
“Ilang months na ba kayo?”
“Going 3 months na.”
Habang papalit na sila sa meet up place nila ni Michael ay hindi niya mapigilan hindi ma excite. Namimiss niya na kasi si Michael. Ilang weeks din sila hindi nagkita dahil tumungo ito sa Singapore dahil sa sinalihan nitong Cooking competition.Balita niya nag champion ito. She was so happy and proud of his Boyfriend. Gusto nga sana niyang sumama sa Singapore kaso siya nalang kusang umayaw para makapag focus ito sa competition. Hindi rin siya pinayagan ni Sly dahil baka anong gawin ni Michael sakanya. Napaka over protective talaga ni Sly sakanya.
Paano kaya kung si Sly ang Boyfriend niya ngayon? Siguro sobrang saya niya sa piling nito.
Teka ano ba tong pinag-iisip ko?!
Umayos ka Monique! May nobyo ka na! Wag mo lalandiin ang bestfriend mo! Pailing iling tuloy ang ginagawa niya sa sarili na ikinatataka ni sly.
“What are you doing?” parang naweweirduhan na sabi sakanya ni Sly.
“Wala!”
“para kang tanga!”
“tumahimik ka nalang pwede!”
“Ang init ng ulo mo! Hindi ka naman inaano!”
“hmp!”
Sa hindi kalayuan ay nakikita niya na si Michael na matiyagang naghihintay sakanya sa Starbucks. Nakaupo ito at busy sa cellphone nito.Hindi alam nito na ihahatid siya ni Sly at sasamahan. Hindi niya alam kung magagalit si Michael dahil kasama nila si Sly pero bahala na basta ang mahalaga nagkita sila.
Bababa na sana siya na makitang may lumapit na babae kay Michael at laking gulat niya hinalikan ng babae si Michael sa labi at gumanti naman ang nobyo niya! Hindi alam ni Sly kung bakit napatigil si Monique at hindi gumagalaw sa kinauupuan. Tiningnan niya kung saan nakatingin si Monique and there she saw what’s happening! Napatiim baga siya! He fists.
Ang ayaw niya pa naman sa lahat yung niloloko si Monique at sinasaktan!
Lumabas si Monique at lumabas na rin si Sly. Hindi muna umimik si Monique. Pinipigilan niyang hindi maluha.
“B-abe. What are you doing here? Alam mo naman na mamaya pang gabi ang punta ko sa condo mo right? Papunta na ang Girlfriend ko dito.Si Monique baka makita pa niya tayo rito.”
“Calm down babe. I’ve missed you!”
“Babe, Magkasama naman tayo sa singapore for 2 weeks right? Sinamahan kita sa photoshoot mo dun.”
Lalong ikinagulat ni Monique ang kanyang narinig! So her boyfriend is cheating on her since then? Akala niya competition ang pinunta nito sa Singapore pero yun pala nag champion dahil kasama ang walang hiyang babaeng ito?
“M-onique. Umalis na tayo.” Sabi ni Sly sakanya.
“A-yoko.” Naiiyak niyang sabi.Nasasaktan siya sa nakita at narinig. Ito nalang ba ang igaganti ni Michael sakanya? Ang paluhain at saktan siya?
Lumapit na siya sa nobyo. Hindi na siya makatiis pa.
“Kaya ba ayaw mo ako isama sa singapore Michael?” umiiyak na sambit ni Monique. Nilingon naman siya ni Michael at ang babae nito. Nagulat rin ang dalawa na makita siya.
“M-onique. I explained.” Lapit ni Michael sakanya at hinawakan siya sa kamay.
“Bat mo ako pinaglaruan? I never cheated on you!” tsaka niya binigyan ng malutong na sampal si Michael.
“Hey! Watch o---“ bago pa niya marinig ang malanding boses ng babae ay binigyan na rin niya ito ng isang malutong na sampal.
“Mga hayop kayo! Mag sama kayong dalawa!” inis na sabi ni Monique at tinalikuran ang dalawa.
“Monique! Hindi ako papayag na makikipagbreak ka sakin! Akin ka lang diba! Akin ka lang!” pigil ni Michael kay Monique.
Hindi na makatiis si Sly kaya hinarap niya si Michael. Hinawakan nito ang kamay na nakakapit kay Monique at agad nito sinuntok sa panga si Michael.Tumayo si Michael na parang hindi naramdaman ang sakit sa kanyang panga at agad rin sinunggaban ng suntok si Sly. Unang una nakaiwas pa si Sly pero naka tiyempo ito sakanya at sapo siya nito sa tiyan at pisngi.
“S-ly! Michael! Ano ba yan! Tama na!” awat ni Monique sa dalawang lalaki. Halos putok na ang labi ni Sly at Michael pero tuloy parin sila sa pagsusuntok.
“Wag na wag ka na papakita kay Monique kung ayaw mong ikaw ang lulutoin ko!”
“Talaga? Sino ka ba para diktahan ako ha?! Eto ang sayo!” sinuntok ulit ni Michael si Sly at hindi ito agad nakaiwas kaya tumama ang malakas na suntok nito sakanya.
“Tigilan niyo na nga yan! A-no ba!” sigaw ni Monique. Naawa si Monique kay Sly. Ipinagtatanggol talaga siya ng kanyang kaibigan!
Isang malakas na suntok pa ang binitawan ni Sly kay Michael bago niya hinila papaalis sa lugar na iyon si Monique. Magkahawak kamay sila ni Monique na bumalik sa kotse.
Inistart na rin ni Sly ang makina ng kotse at agad nilisan ang lugar na iyon. Huminto sila sa isang Park at namimilipit sa sakit si Sly sa natamong suntok.
“S-ly.. Okay ka lang ba? Saan ang masakit sayo? Dadalhin kita sa Hospital!” natatarantang napaiyak si Monique.Hindi niya alam ang gagawin niya.
“It’s okay.Parang kagat ng langgam lang to. Wag kana umiyak. Ayoko na nakikita kang umiyak.” Pinahid ni Sly ang mga luha niya sa pisngi. She felt the warm of his hand when Sly touched her cheeks.
“A-no ka ba! Nakuha mo pang magbiro sa kalagayan mong iyan! Dadalhin na kita sa hospital! Ano ba Sly!”
“Sshhh. I’m okay. Wala to. Gamutin mo nalang ako maya sa Condo. Alam kong magaling ka mag alaga.” Kindat ni Sly sakanya. Hinampas naman nito sa braso si Sly kaya napadaing ito sa sakit.
“Ahhhhhhhhhh!” daing ni Sly.
“T-eka. Sorry! Nakalimutan ko! Bat mo ba kasi ginawa iyon? Iyan tuloy napahamak ka pa!”
“Kahit ang lakas ng loob kong pag-tripan ka, kahit ang tapang kong awayin ka, Tandaan mo! Takot padin akong makita kang nasasaktan at umiiyak ka Monique.Mas mabuti na ako na iyong napahamak kaysa ikaw ang masaktan. Natakot ako sa mga binitawang salita ni Michael na pag-aari ka niya kaya agad ko siyang sinuntok. Ayoko mapunta ka sa iba na alam kong hindi ka magiging masaya. Michael is not the one for you at simula ngayon kakalimutan mo na siya.”
“T-hank you Sly! I’m sorry! Kasalanan ko ang lahat kung bakit ka napahamak. Nakinig nalang sana ako sayo ng sinabi mong aalis na tayo.”napahikbi siya.
“Sshhh. Tahan na. Alam mo naman na mahal kita eh, hindi kita hahayaang mapunta sa mga bastardo na lalaki monique.”
Bakit ka ba ganito sakin Sly? Mahal na Mahal mo nga ako bilang kaibigan. Nagpapasalamat ako sa iyo.
Masaya si Monique dahil kailan man hindi siya pinabayaan ni Sly ng ilang taon. Minsan nga napaisip siya kung bakit hindi siya nagkaroon ng feelings noon kay Sly gayon ang attributes niya sa isang lalaki ay na kay Sly na ang lahat pero alam niyang malabong mangyayari iyon dahil hanggang magkapatid lang ang turingan nila sa isa’t isa.