Kinabukasan..... Crizzy POV "Girl. Matutuwa kaya si Monique nito?" tanong ko kay Bettina habang nagse-selfie. Napatingin naman ako kay Bettina na busy sa pagpapahangin ng mga balloons. "Mas matutuwa ako kung tutulungan mo ako dito Criz." Naiinis na sabi ni Bettina. Napangiti naman ako. Mas gusto kong iniinis tong si Bettina eh! Dahil mabait naman akong kaibigan.Tutulungan ko nalang si Bettina! Ibinalik ko muli sa bulsa ang phone ko. "Ang init ng ulo mo friend!" "mas inuna mo pa kasi iyang pages-selfie mo kaysa tulungan ako! " "Naiinggit ka lang siguro.Gusto mo selfie tayo?" pang-aasar ko pa kay Bettina pero pinandilatan lang ako nito ng mata. "Umayos ka Criz.Hindi talaga tayo matatapos rito!" singhal sakin ni Bettina. Ang init na nga sa pilipinas. Ang init pa ng ulo ng kaibigan ko!

