Elina POV Kasama ko si mommy ngayon sa pag go-grocery. Friday kasi at simula na nagkaayos na iyong relationship namin as family, ugali na namin nagfa-family dinner tuwing gabi ng biyernes. Siyempre kasama namin si Patrick. Tinext ko siya dahil para ipaalam na malapit na kami matapos mag grocery ni mommy. Ilang sandali narinig kong nagri-ring ang phone ko at agad akong napangiti na mabasa ang pangalan ni Patrick na nagfla-flash sa screen ko.Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at sinagot ito. "Hi babe." Sambit nito sa kabilang linya. "Hello babe. Makakarating ka ba mamaya sa family dinner?" tanong ko baka kasi may gagawin pa siya at male-late lang ito ng konti sa family dinner. "Ahm babe.I can't come." Napatigil ako sa pagtutulak ng push cart na marinig ang sagot ni Patrick. Nagtataka lang

