Sa opisina na napanood ni Kathleen ang CCTV sa bahay ng Lola niya. Naihatid siya ni Laurenti kanina pero kaagad din itong umalis. Sa gate nga lang ito at hindi na bumaba pa sa sasakyan. Alam niyang nag-iingat din ito na hindi makitang magkasama silang dalawa. And she's starting to be his mistress now, even if he isn't married - yet. Sa kabila ng kagustuhan niyang gantihan lang si Donna, naroon pa rin sa sulok ng dibdib niya ang panghihinayang kung bakit hindi siya ang babaeng pakakasalan nito. Pero masaya na siya na ganito lang ang hinihingi ni Laurenti sa kanya sa kabila ng pagpayag nitong maging kabit siya. Ni hindi nito sinubukang angkinin siya kagabi. Mas pinili pa nga nito ang umuwi na lang da bahay ng mga magulang nito. Kung natatakot ito na magkasala kay Donna ay hindi niya rin al

