"Tapos na ba ang meeting natin?" tanong ni Laurenti kay Brandon. "Pag-usapan natin ang bagong project sa Albano Air. What do you think is--" "Akala ko ba pauwi ka na rin? Bukas na lang natin pag-usapan 'yan." Kanina pa niya gustong sundan si Kathleen nang lumabas. Baka totohanin nito na sasama sa lalaking 'yun na nagyaya ng dinner kanina. "Kaya ka nandito ay para i-discuss ang magiging papel mo sa kompanya, Laurenti." "But it can wait tomorrow, kuya. Naalala ko, may lakad nga pala ako ngayon." Tiningnan niya ang orasan, halos five-forty na ng hapon. Hanggang five-thirty lang ang pasok ni Kathleen. "Si Kathleen ba ang kasama mo sa lakad mo?" "What?" Idinaan niya sa tawa ang dapat ay sagot. Paano nito nalaman? "Oh, c'mon... Akala ko ba ikakasal ka sa pinsan niya?" "Brandon--" "Nak

