Pagpasok ni Kathleen sa bahay ng Lola niya ay isang malakas na sampal ang inabot niya kay Donna. Gaganti pa lang siya ay kaagad na siyang sinalo ng Uncle niya at iniharang nito ang katawan para hindi niya masaktan si Donna. Pero ang ipinagtataka niya ay kalmado nitong tinig at ni hindi niya kinakitaan ng galit. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Para saan ang mga nakakabit na 'to sa buong bahay?!" hawak ni Donna ang mga aparato ng CCTV. Hindi niya alam kung paano mangangatwiran. "Hayaan mong magpaliwanag si Kathleen, Donna." Nakahanap na naman ng paraan si Dickson para idikit ang katawan sa kanya. Kahit nang hawakan nito ang braso niya ay sinadya nitong ilapat ang kamay sa dibdib niya. "Ano pa bang paliwanag ang kailangan mo, Papa?! She was spying on us! Hindi siya umuwi dito ng dalawang

