bc

Cool Change

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
time-travel
curse
badboy
powerful
prince
neighbor
sweet
bxg
scary
loser
war
like
intro-logo
Blurb

Presko at sobrang hangin ni Logan. Sukang-suka at rinding-rindi si Jane kapag nakikita ito.Ngunit kapag nga naman mag-biro ang tadhana kahit anong iwas mo tataman at tataman ka talaga. Tulad nalang ng isang karanasang hinding-hindi makalimutan ng dalaga sa pagitan nilang dalawa ni Logan. “Babe wag masyadong higpitan ang pagkakayapos mo sakin at baka mahulog tayo” Kilig na pang-aasar ni Logan. Hindi makakibo ang dalaga dahil kinakailangan niyang magtago sa malapad na dibdib nito. Nagtaas ng mukha ang dalaga at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Nanlaki ang mga mata ng dalaga ng bigla nalamang sinakop ng mga labi ni Logan ang kanyang naka-awang na labi. Sa pagka-gulat kinurot niya ito ng napakapino ngunit wala itong epekto sa binata, bagkus lalo pang napadiin ang mapangahas na labi nito at sinabayan pa ng yapos sa napaka liit niyang bewang. Pikit mata nalamang ang dalaga na tinanggap ang kapangahasan ng binata. Five years later Si Jane ay isa nang sikat na vlogger sa kanilang bayan. Lahat ng raket kinakailangan niyang gawin para sa pang araw-araw niyang gastusin sa bahay at sa paaralan pagkat isa na siyang ulilang lubos at isang ulirang Ina. Nagkaroon sila ng anak ni Logan ngunit hindi siya nito napanagutan. Sukdulan ang galit ni Jane kay Logan dahil bigla nalamang itong nawala na parang bula. “Mr. Logan, marami na pong sales ang production team natin and na manage na ang lahat. Ano pa po ang kelangan natin gawin?” Tanong ng Personnal Assistant niyang si Tim. “Mag relax muna tayo Tim”. Anya ni logan sa kanyang PA. “Puntahan natin yung sikat na Minnie Restobar sa Bonifacio Global Circle. “Tara boss!”masayang pagsang-ayon ni Tim sa kanyang amo. Pag-bukas palamang nang naturang bar, nanliliit ang mga mata ni Logan dahil sa silaw ng ilaw sa gitna ng Stage. Ngunit ang mas nakakasilaw ay ang nakabanggaan niya sa titigan. Babaeng may maamong mukha, may pares na matang nakakaakit, mga labing nang hihikayat at katawan na kasing hugis ng glass hour. Ang mas nakakasilaw pa dito ay ang kutis porselana nito. Familiar na familiar kay Logan ang babaeng ito, kahit na sa malayuan natatandaan niya ang halimuyak ng babae na minsan na niyang naangkin.

"Sa wakas Logan nagkita din tayo Ang tagal mong Hindi nagparamdam samin ng anak mo" bulong sa sarili. Nag-uumapaw ang galit ng dalaga sa binata ngunit bigla nalamang siyang nanlamig ng Makita niyang merong kausap at nakalingkis sa gwapong binata, isang napaka classy na customer sa bar.

"s**t! bakit ganito Ang nararamdaman q sa mokong na yun!" mixed emotion ang dalaga sa sandaling iyon. Hundred percent alam niya na galit siya, lalo na noong panahon na inabanduna siya at ang kanyang anak na limang taon wala siyang balita dito. Ngunit kanina lamang na nagkatitigan sila, bigla nalamang nakaramdaman siya ng kagalakan at alam niya na nakita ni Logan ang reaction niya.

Si Logan noong kabataan nila isa itong batang kalye napabayaan ng magulang hanggang sa pag-sapit nito ng dalawampung taon. Nawalan din ito ng mga magulang at tuluyan na ngang naging ulilang lubos. Pakalatkalat sa kalye, maraming barkada at maraming masasamang gawain.

Naging magkasintahan si Jane at Logan kaya nga lang saglit lang dahil nawala ito na parang bula. napahagulhol nalamang si Jane ng Malaman niyang buntis siya.

Sa pustura ngayon ni Logan alam ni Jane na nagtagumpay ang binata. Sapatos palang alam na niyang mamahalin ang suot nito. Ang mga buhok nito na may kulay na aakalain mo na nagpa-highlights. Alam niyang inborn na sa binata na merong kulay ang buhok nito at Hindi mapagkakailang guwapo. Ang tawag Kay Logan sa Lugar nila ay Tisoy dahil sa itsura nito na kahit taga eskwater sila hinding-hindi mapagkakamalan ang binata na mahirap dahil mukhang malinis ito.

Deepset brown eyes, saktong lang Ang tangos ng ilong at mga labing pilyo kapag ngumingiti. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan.

Kinurot ni Jane ang sarili ng mapansin nyang papalapit na si Logan sa mesa niya.

Pilit na isinisiksik sa isipan na galit siya.

Sa oras na iyon kinakastigo ng dalaga ang kanyang sarili dahil nadadala na siya sa emosyon niya. Mas attractive Ngayon si Logan, sa paningin niya ang binata na ata ang pinaka-gwapo at makisig sa bar at napaka hirap labanan ang puso gustong-gusto na niyang tumalon at yakapin ang binata pero hindi dapat dahil hindi pwede.Sapagkat napakadami ng utang ang binata Lalo na sa anak nila.

Kausap ni Logan ang manager ng bar, mukhang hindi sila nagkaka-ayon kung ano man Ang pinag uusapan nila. Kinukutuban na si Jane alam na niya ang sunod na mangyayari dahil nakita niyang gumagalaw ang panga ng binata at ang mga litid nito sa leeg ay lumilitaw.

Nasa harap na ng dalaga si Logan parang ang bilis ng pangyayari nilingon ng dalaga ang kaninang kausap ni Logan nakabulagta na ito sa sahig tila wala ng malay. Sobrang gulo na ng bar, kalat-kalat ang mga nabasag na bote sa sahig. Naghihiyawan na ang mga tao sa takot.

Namalayan nalamang ng dalaga na hawak kamay silang tumatakbo palabas sa nasabing bar.

chap-preview
Free preview
Cool Change: "Ang pagtatagpo nila Logan at Jane, kapwa na nag mamahalan ngunit sinubok ng kapalaran at pinaghiwalay ng tadhana".
CHAPTER 1 Jean’s POV Masaya sa pakiramdam habang pinagmamasdan ang anak ko na si baby Jj na lumalaking malusog, mabait at matalino. Hiling ko lang na hindi ito magmana sa ama niyang basagolero na si Logan. Ngunit napaka-laki naman ang awa ko sa anak ko na lumalaki siya na walang ama na nagigisnan. Tuwing nasa school kami hindi maiiwasan na makita namin o kaya makasalubong ang mga tatay na kasama ng mga kaklase niya. Mababakas ang kalungkutan sa mga mata ni Jj, na kahit gusto man magtanong ng anak ko tungkol sa ama niya hindi nito ginawa dahil batid niya na masasaktan ako sa pagtatanong niya kaya mas pinili nalang niyang maging tahimik at e comfort ako sa pamamagitan ng yakap at halik niya. Sa ganitong gesture ng anak ko unti-unting pinipiga ang puso ko, na gusto kong bigyan siya ng isang instant tatay pero alam ko na napaka-imposible. Mag aala-sais na ng hapon kailangan ko ng magmadaling umalis ng bahay para sa raket ko sa isang restobar bilang isang Singer. Ang kaibigan ko na si Rochelle ay nagkasakit, nahawaan ng tigdas ng kapatid nito. Awang-awa din naman ako Kay Rochelle dahil kailangan din nitong magbanat ng buto pagkat katulad ko isa din itong single-mom. Tinawagan niya ako kaninang umaga para magpatch-up muna daw ako sa kanya. Nakaramdam naman ako ng saya maliban sa awa dahil may karamdaman siya ngunit masaya dahil kailangan ko magbayad ng utang. Bago umalis para tumungo sa raket ko sinigurado ko muna na nasa maayos ang anak kong si Jj. Kasama nito ang tita niya na kapatid ko. Ang kapatid kong si Alice ay labing anim na taong gulang at siya namang sakto na kararating lamang nito galing school at siya na muna ang mag-alaga sa bata. Sampung minuto nalamang at mag-bubukas na ang bar buti umabot siya sa tamang oras. “Ikaw na ba si Jane?” Tanong ng isang matangakad na lalake merong name-tag na George. Mapagtatanto niya ito ang manager sa bar. “Opo sir”. Sagot ko sa lalake. “Aba eh, bilisan mo na! pumunta kana dun sa stage” pa sigaw saken ng lalake. Nagkukumahog naman ako na pumunta sa stage at ayusin ang mga gamit q at ang sarili bago simulan na ang pagkanta kahit mangilan-ngilan palang ang customer. Pangatlong kanta. Natigagal ako sa pagdating ng pamilyar na lalake. Nakita ko ang isang bulto ng lalake sa bandang likuran na nasa harapan ko. Mayat-maya pa naliwanagan ako na ang pamilyar na lalakeng iyon ay si Logan ang kinasusuklaman ko sa buong buhay ko, lalo pa noong panahon kailangan ko siya. Iniwan niya ko biglaan sa ere, matagal na hindi nagparamdam. “Imposible na mabuntis ka Jane! Diba nag-withdrawal tayo? Jane sobrang bata pa natin para maging magulang. Siguradong hindi ka buntis!. Kung buntis kaman baka hindi yan sakin!” sigaw sakin ni Logan habang humahagulgol ako at nagmamakaawa na panagutan ako ngunit na bigo ako. Tuluyan ngang umalis si Logan at hindi na nagpakita. At ngayon sa hindi inaasan na pagkakataon dito pa magkokrus ang aming landas. Ipapatikim ko sa lalakeng ito ang paghihiganti ko. “Logan nandito kana rin naman asahan mo na magbabayad ka sa mga utang mo sakin, itaga mo yan sa bato” sigaw ng damdamin ni Jane. “Mahal kita Jane.” Biglang registro sa utak ko sa mga sandali ding iyon. Ang mga katagang nasambit ni Logan habang nagtatalik kami, ang mga haplos nito sa iba’t-ibang parte ng aking katawan, ang pagbulong nito sa aking tenga na mas lalong nakapag-dudulot ng matinding sensasyon at ang pagyakap nito na tila hinding-hindi na ako pakakawalan mag-pakailanman. Dahil sa mga matatamis na salita ng binata nadala na ako nang tuluyan, sumunod sa agos ng karupukan at ang naging kapalit, ang pang-habang buhay na paghihirap ng aking kalooban. “s**t, ba’t ba ‘ko ganito? Galit ako sa lalakeng yan”. Kastigo ko sa sarili ng magising ako sa pagkakahimbing. Hindi ko alintanang umaagos na pala sa aking pisngi ang mga luha ko. “Magbabayad ka Logan!” Sigaw ng naghuhumiyaw kong damdamin. Binigyan ko ng matalim na titig si Logan pero sa hindi inaasahan ginantihan niya ako nang napaka tamis na ngiti at hindi lang yun nakahapit na ang isang kamay nito sa kausap na babae. Mas lalong umuusok ang galit ko, gusto ko nang sunggaban si Logan ngunit wala pa sa tamang oras. Meron pa kong dalawang kantang dapat tapusin. Sa oras na iyon kinakastigo ng dalaga ang kanyang sarili dahil nadadala na siya sa emosyon niya. Mas attractive Ngayon si Logan, sa paningin niya ang binata na ata ang pinaka-gwapo at makisig sa bar at napaka hirap labanan ang puso gustong-gusto na niyang tumalon at yakapin ang binata pero hindi dapat dahil hindi pwede.Sapagkat napakadami ng utang ang binata Lalo na sa anak nila. Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagka-mangha hindi ko matiyak kung para sa akin ang mga titig na iyon o sa ibang rason. Pinagmamasdan ko si Logan habang pa palapit, malaki ang pinag-bago nito mas malakas ang dating nito ngayon dahilan siguro sa kasuotan nito. Siguro malayo na ang narating nito, tiyak na mayaman na at siguradong pamilyadong tao na ito dahil limang taon na ang nakalipas na wala na akong balita sa mokong na ito. Kausap ni Logan ang manager ng bar, mukhang hindi sila nagkakaayon kung ano man ang pinag uusapan nila. Kinukutuban na si Jane alam na niya ang sunod na mangyayari dahil nakita niyang gumagalaw-galaw ang panga ng binata at ang mga litid nito sa leeg ay lumilitaw. Nasa harap na ng dalaga si Logan parang ang bilis ng pangyayari nilingon ng dalaga ang kaninang kausap ni Logan nakabulagta na ito sa sahig tila wala ng malay. Sobrang gulo na ng bar, kalat-kalat ang mga nabasag na bote sa sahig. Naghihiyawan na ang mga tao sa takot. Namalayan nalamang ng dalaga na hawak kamay silang tumatakbo palabas sa nasabing resto bar. CHAPTER 2 Logan’s POV “Boss si Jane ba yung kumakanta” Tanong ko sa manager para makatiyak na hindi nga ako nagkamali. “Ewan ko po sir, nag patch-up lang yan sa regular na singer namin dito. Bakit sir gusto mo siyang ka table?” Hindi ako umimik. “Ten Thousand lang Boss pwede mo na yang i-kama” dagdag pa ng manager ng restobar. Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig ko. Bastos itong lalakeng ito ah. Nakakuyom na ang mga kamay ko handa ng manakit, isa nalang bibigwasan ko na to. “Boss kahit Five thousand nalang ako na bahala sayo maikakama mo nayang babaeng yan” dagdag pa ng kausap ko. Hindi ko na makontrol ang galit na nararamdaman ko. Inundayan ko nang napakalas na suntok ang lalakeng kaharap ko, tunay na ngang hindi ko makontrol ang galit ko kapag masimulan na. Pinagtutumba ko na ang lahat ng mga mesa. Halos lahat ng baso at mga bote basag. Hindi ko rin tinigilan sa pagsuntok ang lalake hanggang umaawat na ang mga kasamahan nito. Hindi ako papayag na babastusin nalang si Jane nang lalakeng ito. Nahirapan na ang mga staff ng restobar sa pag-awat sakin lahat ng lumalapit sigurado tumba. Nang maubos ko na ang lahat na gustong gumanti nilapitan ko naman si Jane. Gulat na gulat ito, kukurap-kurap nalamang ang mga mata walang galawan. Hinila ko mga kamay niya sabay patakbo palabas ng bar. Maya’t- maya pa may mga reinforcement na humahabol samen. “Naku po! yan na nga!” sigaw ko. Magka-hawak kamay parin kami ni Jane habang tumatakbo, bitbit na nito ang kanyang stiletto. Hindi ko maiwasan na matawa dahil wala parin kaming pinagbago. Ganitong-ganito parin kami noon, tatakasan ang nasimulan na gulo. Lagi ko siyang nadadamay sa mga napasukan ko na gulo at pagkatapos nag-uumapaw ang galit nito sakin. Sa mga oras na ito pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata. Muli kong nahawakan ang mga palad ni Jane at naamoy ang walang pagbabagong halimuyak nito. Kilala ko parin ang pabango nito Bench-eight. Hay’ Jane! Maganda ka parin. Sorry, nawalan ako ng lakas ng loob na balikan ka lalo na ng malaman ko na nag-asawa kana daw. Pero mahal parin kita. Sigaw ng puso ko. Nalala ko noong una namin ni Jane magkahulugan ng loob. Gabi noon nasa labas ako ng bahay namin may sinusungkit sa bintana ng bigla nalang sumulpot sa harapan ko si Jane nakatalikod ako noon sa kalsada. Maliit lang katawan ni Jane balingkinitan at ako naman malaking tao, merong height na 6’2 feet at si Jane 5’6 feet kaya naman kaya niyang magtago sa katawan ko. Hinila niya ang katawan ko papalapit sa katawan niya para mas maitago niya ang kanyang sarili ngunit muntikan na kami matumba, buti nalang nakatulong ang hawak kong panungkit. Isinandal ko muna ang panungkit at niyakap siya dahil alam ko makakatulong yun sa kanya sa mga sandaling yun. Yumuko ako para tingnan siya kung ok pa ba siya, sa pagkagulat ko tumangad ito at nagkasalubong ang mga mata namin. Nalanghap q ang napakabango niyang scent ilang sigundo kaming nagtitigan. Hindi siya umiimik dahilan sa baka mapansin siya ng kanyang pinagtataguan. Sa ganoong sitwasyon limang minuto din ang tagal. Samut-sari na ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Hangagang sa bumaba pa ang mukha ko sa mukha niya at hindi na mapigilan na salubungin ang mga labi niya ng mga halik. Gulat man si Jane sa ginawa ko pumikit nalamang ito and it is a good sign. Napakalaki ng ngiti saking puso. Nag-uumapaw sa kilig at dinagdagan ko pa ng masarap na yakap ang mga sandaling iyon, bahala na kung sampalin niya ko basta pagkakataon ko na ito, matagal-tagal narin akong naging torpe kay Jane. “Oh Jane sana maulit-muli” hiyaw ng aking puso. “Aray!” sigaw ni Jane sabay bitaw sa kamay ko. Hingal na hingal sa pagod sa kakatakbo namin kanina, galit ang ipinukol na tingin sakin. ”Sinira mo ang gabi ko Logan! Nanahimik ako bigla mo nalang sinira. Ewan ko nalang kung tatanggapin pa ko dun dahil sa kagagawan mo!” “Tara ihatid na kita” sabi ko kay Jane. “Hmp! Parang wala lang ah” sambit ni Jane. “Ang kapal ng mukha mo! Ngayon kalang nagpakita tapos gumawa ka pa ng gulo! Ang kapal talaga ng apog mo!Nakaka buwisit!” Sigaw sakin ni Jane. Nag-aabang na nang masasakyan si Jane para pauwi ng may naalala ito. Naiwan niya yung bag niya sa resto bar. Babalik sana siya ngunit pinigilan ko. “E describe mo nalang saken kung anong itsura at kulay nung bag mo at ipakuha ko nalang dun sa bar”. “Tara sumabay kana saken, ihahatid na kita”. Utos ko kay Jane at umubra naman. Walang imik si Jane habang binabagtas namin ang daanan patungo sa lugar nila na matagal ko din na naging lugar. Bumaba nalamang kami sa tabing kalsada dahil hindi na kakasya ang kotse kong gamit sa looban. Akma ko sanang sasabayan sa paglalakad si Jane ng sabihinin niya na ok na siya huwag na daw siyang ihatid. Ibinigay niya ang kanyang cellphone number saken para kapag mahanap ang bag niya tawagan nalamang daw siya at ibalik sa kanya. Pumayag nalamang ako dahil naalala ko alas-dos na ng madaling-araw meron pa akong aasikasuhin na trabaho sa aming kompanya. Tinanaw ko nalamang si Jane habang papalayo ito, nang hindi na maabot ng aking paningin sumakay na ako sa aking kotse at itinahak ang daanan pauwi. Jane ano na kaya nang-yari saiyo noong nakaraang limang taon na wala ako? CHAPTER 3 Pinahalughog ni Logan ang buong bar para hanapin ang bag ni Jane buti nalang isa sa mga empleyado doon ay umamin na siya ang nakakuha sa bag. “Balita sa bag Tim?” tanong ni Logan sa kanyang Personal Assistant. “Nandito na sakin boss, dalhin ko na po ba diyan sa opisina mo?” tanong naman ni Tim kay Logan. “Oo, paki lang” ganting sagot ni Logan. Maya’t-maya pa kumakatok na si Tim sa pintuan ng opisina. “Boss ito na po”. “Sige pasok”. Ani ni Logan Pumasok si Tim at daladala na ang kulay itim na bag. “Paki-lapag nalang diyan, ako na ang bahala” Utos ni Logan kay Tim. Pinag-masdan ni Logan ang bag ni Jane. Saglit siyang nag-iisip, gusto niyang silipin ang bag ngunit alam niya na masama ito. “Pero, hindi bale na gusto ko lang malaman kung ano laman ng bag ni Jane” Ani nito. Nakita niya puro make-up kit ang laman ng bag pero meron dun isang wallet na medyo may kalakihan, binuklat niya ito at nakita niya na may mga litrato na laman iyon. Puno ng kuryosidan na isa-isa niyang tiningnan ang mga ito. Laking gulat nalang niya nang may katabi si Jane na lima o anim na taong gulang na batang lalake na napaka-guwapo. “Sino kaya ama ng batang ito?” Tanong ni Logan sa kanyang sarili, hanggang sa nagbalik tanaw siya noong araw na bago niya lisanin ang lugar nila sa Makati isang maliit na eskwater area. Magulong-magulo ang utak ni Logan noon ng nalaman niyang hindi pala siya ang tunay na anak ng nakagisnan niyang mga magulang. Dumating ang isang matandang babae sa harapan nang kanilang bahay at nagsasabi ito na siyang si Logan na ang tunay na pangalan ay Vincent de Silva ang nawawalang apo ng matandang nagngangalan na si Doña Rosita de Silva. Pinipilit siya ng matanda na sumama dahil daw may taning na ang buhay ng kanyang Ina habang ang kanyang ama naman ay nasa ibang bansa meron ng ibang pamilya. Gulo man ang kanyang utak pinakinggan niya ang matanda ayaw din naman niyang sayangin ang pagkakataon na makilala ang tunay na mga magulang. Simula’t-simula palang ramdam niya na mabigat ang dugo ng mga nakagisnang mga magulang niya sa kanya. Ngayon medyo malinaw na kung bakit hindi siya itinuturing na tunay na anak ng mga ito. Nag-usap ang nakagisnan ni Logan na pamilya at ang matandang si Doña Rosita. Nagkasundo na tutulungan ang naturang pamilya basta isasama niya si Logan sa Hacienda niya sa Villa Diamante sa Batanes. Sumang-ayon naman agad ang pamilya sa matanda at expected narin yun ni Logan basta pera ang pag-uusapan mabilis ang mga ito na sumang-ayon. Konteng oras nalang at lilisanin na niya ang lugar nila ng maalala niya si Jane. Pupuntahan niya si Jane para mag-paalam. Naabutan niya si Jane na tulala sa sala ng bahay nila, nang malingunan siya nagmamadali itong yumakap at naghahagulgol sa tindi ng pag-iyak. “Buntis ako” umiiyak na paglalahad ni Jane. “Imposible na mabuntis ka Jane! Diba nag-withdrawal tayo? Jane sobrang bata pa natin para maging magulang. Siguradong hindi ka buntis! Kung buntis kaman baka hindi yan sakin!” Mahinahon na sagot ni Logan. Ayaw nang tumanggap ni Logan ng mga nakakagulat na pangyayari sa buhay niya sa mga panahon na iyon. Ang dami na niyang iniisip tapos ngayon sasabihin ni Jane na buntis siya. Hindi pa niya alam kung ano pa ang sunod na mangyayari sa buhay niya ang tunay na ina niya na may taning, ang hirap tanggapin tapos ngayon panibagong kapalaran na naman ang kumakatok sa kanyang pintuan. “Patawarin mo ‘ko Jane kung totoo man yan, huwag na muna sa ngayon”. Pahayag ni Logan sabay talikod at nagmamadaling umuwi ng bahay dahil may naghihintay sa kanya doon. Hindi alam ni Logan halos mawalan na ng malay si Jane sa kakaiyak hindi din alam ang gagawin sa isang buwan na ipinagbubuntis niya lalo pa’t may sakit ang kanilang ina. CHAPTER 4 Hindi mapakali si Jane. Sobrang nag-aalala na baka makita ni Logan ang mga picture nila Jj sa wallet niya. Nag iisip kung anong palusot kung magtanong man ito tungkol sa kanyang anak. Kahapon pa siya nag-aantay ng tawag at balita kung nakuha na ba ang bag niya, pero hanggang ngayon wala parin. Hindi niya nakuha ang cellphone number ni Logan at malaking pag-sisisi sa sarili kung bakit hindi niya ginawa. Buti na ngalang dala-dala niya ang cellphone niya noong nagkaroon ng rambolan sa bar. Gamit niya ang kanyang cellphone sa tuwing kumakanta dahil dun siya tumitingin ng mga lyrics ng kanyang kanta. “E ano naman kung malaman ni Logan, wala na siya dun. Pwede ko naman sabihin na anak ko si Jj sa ibang lalake”. Kastigo niya sa sarili niyang pag-aagam-agam. Tumunog ang kanyang cellphone unregistered number ang nakalagay. Nagdadalawang isip na sagutin pero mas piniling sagutin nalang dahil mahalaga sa kanya ang bag niya. “Bahala na si batman” depensa niya sa kanyan sarili. “Hello?” sagot ni Jane. “Hello mam, this is Tim regarding to your bag that you had left in BGC Restobar. We finally found it”. “Oh! Really? When can I get my bag?” tanong ni Jane kay Tim. “Let’s meet tomorrow Six O’clock in the evening, infront of Bai Hotel mam”. Sagot ni Tim. “Ok, Lets meet up then. Thank you Mr. Tim”. “Your welcome mam”. Sagot naman ni Tim bilang pagtatapos ng usapan nila ni Jane. Wearing a Jeans, Color Nude T-shirt and lowcut converse shoes. Very simple but yet attractive to watch. Si Jane ay isa sa pinaka simpleng tao dahil narin siguro sa laking eskwater ito at siguro narin walang pambili ng mga mamahaling gamit ngunit kaya niyang magdala sa sarili kahit simple lang lumilitaw parin ang kagandahan niya. Hinding-hindi mo mahuhulaan na may anak na siya. Maintain parin niya ang kanyang body figure. Naging maalaga narin kasi siya sa kanyang sarili lalo na’t ang trabaho niya ay pisikal na anyo ang puhunan. Pagiging isang blogger at singer ang kanyang propesyon na napili. Bawal na bawal sa kanya ang magka-sakit dahil sa kanya din umaasa ang kanyang kapatid na si Alice at ang anak niyang si Jj. Kung pagmamasdan ang beauty ni Jane pinay na pinay ang dating nito. Mahaba na makintab ang buhok nito. May katamtaman na matangos na ilong, almond shape na mga mata na nabiyayaan ng malalantik na pilik-mata. Hugis bigas na mukha at mapupula-pulang labi. Kapag ngumingiti lumilitaw ang maliliit niyang dimples sa gilid ng kanyang labi. Binagayan pa sa katawan niyang balingkinitan at tindig na pang model. Suma-total very attractive, hot and sexy. Marami ang napapalingon sa kanya lalo na mga foreigner pero hindi niya ito alintana dahil puno ng kuro-kuro lagi ang kanyang isipan. Fifteen minutes before six ng hapon nasa harapan na siya ng Bai Hotel. Nagtext na rin siya kay Mr. Tim. Ayaw niyang malate sa usapan nila dahil ayaw niyang mapahiya at alam niyang busy na tao si Mr. Tim. Naka received siya ng reply galing kay Mr. Tim at binasa niya ito. “Ms. Jean please get inside the Bai Hotel and look for Ms. Samantha one of our staff. she will assist you while you are waiting. I am so sorry, I will be late for an hour due to some emergency in connection with our company business. I hope that you could understand my situation”. "It is alright Mr. Tim I will wait inside the hotel sir until you come. Thank you” reply naman niya sa PA ni Logan. Hindi na sana niya tatanggapin ang paanyaya na pumasok sa Bai Hotel pero wala siyang matambayan habang naghihintay sa nasabing PA. Kaya naman hindi na siya kumontra. Pagpasok sa Hotel meron sa kanyang lumapit na babae at nagpakilalang si Samantha. Pinasunod siya nito sa kwarto na antayan niya. Dinala siya ni Samantha sa pinakataas na palapag nang naturang hotel. Nagtataka man hindi nalang siya kumibo. Tumigil sila sa harap ng room 388, iniabot sa kanya ni Samantha ang card key at nagdahilan na kailangan na niyang umalis, tatawagan nalamang siya kapag dumating na si Mr Tim. Inilapat niya ang card key at bumukas ang pinto ng room. Dati ng bukas ang ilaw sa room, napaka-elegante ng silid na iyon pangmayaman talaga ang dating. “Nakakahiya naman itapak ang mga sapatos ko dito sa carpet, baka madumihan” aniya sa sarili ni Jane. Hindi niya alintana na meroong pares ng mata ang nakasubaybay sa kanya at tila tuwang-tuwa na pinagmamasdan siya. “Ayyyy!” napasigaw si Jane ng mamatay ang alaw sa nasabing malaking silid. Kinabahan siya, nagbabrown-out din ba sa hotel? Tanong niya sa sarili natatakot at gusto ng kumaripas ng takbo patungo sa labas ng silid ngunit may kumapit sa isa nyang kamay at pinaikot paharap sa nagmamay-ari ng bulto na hunawak sa kanya. “Don’t be nervous, honey” bulong sa kanya ng lalaki. Nanginginig na sa takot si Jane gusto na niyang magpumiglas pero baka magkamali pa siya at baka meron itong patalim na maging dahilan ng katapusan niya. Ilang saglit lang nagkaroon ng kaunting liwanag ang kwarto. Pumaindayong ang magandang musika sa loob ng silid, very romantic ang dating. Pilit parin na inaaninag ni Jane ang kaharap. Laking gulat na lamang niya ng makilala niya ito. Walang iba kundi si LOGAN. CHAPTER 5 Logan’s POV “Ngayon alam ko na meron talaga tayong anak Jean. Patawad kung naging mahina ako at tinakasan ko ang obligasyon ko sayo bilang ama ng bata”. Bulong ko sa sarili. Hindi ko alam kung paano pa ako haharap saiyo at sa anak nating si Jj. Gusto ko na bumawi sa mga naging kasalanan ko sainyo. Inutusan ko si Tim na gumawa ng paraan para malaman kung anak ko ba talaga si Jj using DNA test at ang resulta 99.99 perscent. Natuwa ako ng malaman ko na totoo nga ang agam-agam ko na anak ko si Jj, na anak natin siya Jean. After one year na nawala ako sa lugar natin bumalik ako para balikan ka ngunit binalitaan ako na si Roger na kapatid ko na masaya kana at nagkaroon na kayo ng anak nang kinakasama mo. Nasaktan ako noong malaman ko ang balitang yon kaya naman ang ginawa ko nalang ay mag move-on at tutukan nalang ang negosyon ng aking Lola na si Doña Rosita. Kung kelan nakapag move-on na ‘ko sayo Jane nag krus naman ang ating landas dahilan na siguro para malaman ko na nagkaroon nga tayo ng anak. Pinapangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako titigil na maging akin ka muli. Lumapit ako sa kinaroroonan ni Jane, pinatay ang ilaw at binuksan ang musika na paborito namin noon. Binihay q ang ilaw pero deam lang. Hinawakan ang mga kamay niya at nais ko siyang isaw tulad ng dati. Sana hindi ako biguin ni Jane. “Logan?”gulat na tanong ni Jane. Humakbang ito paatras, papalayo saken. Hinigpitan ko ang hawak sa mga kamay niya. Linakasan niya ang pagpiglas na naging dahilan para ma-out balance buti nalang mahigpit ang pagkahawak ko sa kanya. Bago paman bumagsak ang ulo niya sa sahig nahawakan ko ang kanyang ulo at hindi sinasadyang napayakap ang kabila kong kamay sa kanyang bewang. Dahan-dahan ko siyang itinayo. Walang ka kurap-kurap na nagtitigan kaming dalawa. “Bakit ka nandito” Tanong ni Jean. “Waiting for Tim” sagot ko naman. Tumikhim si Jean, inayos ang sarili. “Tara let’s have a dinner” yaya ko sa kanya. “Aba ah! Englishero kana” sarcastic na sambit ni Jane. “Uhm, gusto mo ng drinks?” yaya ko pa sa kanya. “No! I can manage”. Tanggi pa ni Jane “Kamusta kana Jane?” tanong ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagbago ng kanyang timplada. Naglalambong ang mga mata na tumitig sakin. Hindi alam kung paano niya uumpasahan o saan siya huhugot ng lakas upang masimulan ang talakayin. Pinisil ko ang kanyang mga palad. Nag-uunahan na ang mga luhang nagsusulputan sa kanyang mga mata, maya’t-maya pa humahagulhol na ito at inagaw ang mga kamay, itinaas ito upang sampalin ako. Sinalubong ko lahat nang sampal niya, hinding-hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko hinayaan ko lang siya sa mga ginagawa niya. Hindi ko iniinda ang sakit dahil alam ko na deserve ko yun. Kulang pa ang sampal na ibinibigay niya sa mga nagawa kong kasalanan sa kanila ni Jj. Nararapat lang na saktan niya ko para lang maibsan ang sakit na kanyang nararamdaman. Ilang minuto pa niya akong pinagsasampal nang manghina na ito, para siyang kandila na unti-unti ng nauupos. Hinawakan ko siya sa magkabilaang braso para hindi siya bumagsak at dahan-dahan ko siyang niyakap. Wala man siyang inilabas ni isang salita ngunit ramdam ko ang kanyang paghihirap. “shhhh, wag kanang mag-alala nandito na ko Jane. Sorry kung napakatagal kong nawala sayo.” Sincerely kong paglalahad sa kanya. Gusto kong maibsan lahat ng puot at galit nito. Itinabig nito ang mga kamay ko. Nais niyang kumawala sa pagkakayakap ko. “Logan, hindi mo alam kung pano ako nabuhay ng wala ka! Tapos sasabihin mo SORRY? Wala kang alam Logan!” Sigaw nito, matatalim ang mga matang ipinukol sakin. Tatalikod nasana si Jean para lumisan. Pinigilan ko siya, alam ko hindi ito pa-aawat kaya ang ginawa ko kinarga ko siya, dinala sa kama at ibinagsak doon. Pumaibabaw ako sa katawan niya para hindi siya makawala. "Logan ano ba' pakawalan mo ko!" sigaw ni Jane. “Oo, baliw na baliw ako dahil sayo Jane. Nawala nga ako ng limang taon pero ang puso ko naiwan sayo, hinding-hindi kita malimutan. Bumalik ako pakalipas ng isang taon na nawala ako Jane. Pinuntahan kita pero may nakapag sabi sakin na meron kanang anak, asawa at masayang-masaya na sa buhay. Hindi na ako sayo nagpakita dahil sa balitang iyon na nasagap ko. Kung magpapakita man ako saiyo nung pagbalik ko para sa ano pa? Masaya kana daw at pamilyado na. Ang ginawa ko nalang ay ang magseryoso sa negosyo ng aking abuela, para malimutan ka”. Tahimik si Jane, hindi ko mabasa ang nasa isipan nito. Sana nga mapatawad niya ko. Ginalaw nito ang mga bewang, para makawala or siguro narin talagang nabibigatan na ito. Hinila ko ang mga kamay at braso Niya para maka-upo kaming dalawa at nang maka-upo na, inayos ko ang nagusot niyang buhok habang ang isa kong kamay ay nakahawak parin sa kanang kamay niya, takot na matakasan ako. Tinitingnan ako ni Jane, kahit tapos na ang pag-ayos ko sa kanyang mga buhok hindi ko parin tinigilan ang paghagod sa kanyang buhok. Napagod ata sa kakaiyak si Jane, nakakadama na ito ng antok. Itinuloy ko nalang ang pag-hagod sa kanyang buhok para makapag-pahinga na siya. “Mag-pahinga ka muna mahal kong Jane. Wag kang mag-alala nandito na ako sa buhay ninyo ni Jj hindi-hindi na ako papayag na makadanas pa kayo ng pag-hihirap. Mahal na mahal ko kayo”. Bulong ko sa kanya habang siya ay natutulog. Dahan-dahan ko siyang ibinaba pahiga sa kama at kinumutan. Isiniguro ko na tama lang ang lamig sa kwarto. Tinabihan ko siya at inilagay ang kanyang ulo sa aking mga bisig. Walang sawa ko siyang pinagmasdan hanggang sa dalawin narin ako ng antok. CHAPTER 6 Jean’s POV Alas-dos ng umaga nagising ako na nasa-tabi ni Logan. Minamasdan itong tulog. Napaka-gwapo at napaka-kisig na nito ngayon. Dati na itong gwapo noong bata pa sila hanggang mag teenage pero ibang-iba na siya ngayon. Noon ang kagwapuhan niya ay maikukumpara bilang isang The Boy Next Door pero ngayon matured type ang pagka-pogi nito. Pwedeng-pwede maging cover sa isang Mens Magazine. Papang-papa ang dating, siguro maraming bakla at mga babae ang naghahabol dito. Sexy, attractive, very masculinity na ito ngayon. Nabiyayaan ito ng cool, ashy colors and deep brown shade na buhok. Hugis Brad Pitt na mukha na binagayan ng pares na dimples sa pisngi. Simpleng tangos na ilong at saktong hugis ng mga labi. Mas nagiging attractive ito kapag tipid itong ngumingiti bumabagay sa mga mapungay niyang mata na deep-set brown eyes. Naughty and Mysterious Type ang dating nito, parang lalamunin ka sa kakaisip sa kanya at tuluyang madi-destruct sa ginagawa. In short laglag panty ang datingan nito. ”Hahaha! Ano ba itong iniisip ko, napaka-guwapo mo kasi” sabay haplos sa pisngi nito. Gumalaw si Logan at bumuklat ang mga mata sabay ngiti. “OMG! gusto ko nang lamunin ako ng kama” sagiw ko sa sarili ko. Nakaunan ang ulo ko sa kaliwang bisig niya, ini-angat nya ang kanang kamay at iniyakap sa bewang ko pagkatapos hinila ako papalapit sa kanya. Na-aamoy ko ang buong body scent nya, ang sarap sa pakiramam tila binubuhay nito ang kuryente sa aking katawan. Namumula na ako sa tindi ng titig niya. Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nag kuwaring tulog. Naramdaman ko ang konteng pag-galaw niya hanggang sa maramdaman ko din ang hangin na nagmumula sa kanyang bibig. Kumukuha ng hangin si Logan sa pamamagitan ng pag-amoy sa ulo ko at muling inilalabas ang hangin sa kanyang bibig kung saan bumabangga naman sa kaliwa kong tenga. Napakalas ng epekto sa pangdama ko ang ginagawa niya. Balak ko sanang itulak siya ngunit naunahan niya ko, iginalaw niya ang kanang kamay niya at dinaganan ang mga bisig ko para hindi ako makakilos. Napaka talino naman ng mokong na ito, tila nababasa ang galawan ko. Konteng-konte nalang talaga at bibigay na’ko. Kapag bisig na ni Logan ang yumayakap sakin nagiging marupok ako at huwag naman sana ngayon. Iniangat ni Logan ang aking mukha sa pamamagitan ng pag-hawak sa aking baba. Pinipilit ko na pumikit, nagkukunwari paring tulog. Naramdaman ko ang mainit na dampi ng mga labi ni Logan kaya naman napa-mulat ako sa pagka-bigla. Nagkatitigan kaming dalawa at muli niyang inilapit ang kanyang mga labi sa labi ko. Tuluyan na talaga akong ng hina sa ginagawa sakin ni Logan. “Napaka-rupok mo talaga Jean” Kastigo ko sa aking sarili. Dahan-dahang humahagod ang mga kamay ni Logan sa likod ko, kinakapa ang hook ng bra, balak na e-unlock. Hindi nga siya nabigo, madali niyang natanggal ang pagkaka-kabit ng aking bra at hinagod muli ang aking likuran maya't maya pa tumungo sa bandang harapan ko. Napaka-sarap sa feeling, limang taon din ako nangulila sa kanya, walang dilig-dilig at napaka-tagal ng tigang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Forgotten Wife

read
43.3K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
38.2K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
48.4K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
102.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
322.6K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
30.2K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook