CHAPTER 10 Neaj POV Matapos ang matinding init ng aming sandali, humiga kami ni Analyn sa kama, pareho kaming tahimik na nakahiga sa ilalim ng malamig na hangin ng aircon. Ramdam ko pa rin ang kanyang init at ang mabilis na pintig ng kanyang puso, at kahit tapos na ang nangyari sa amin, parang may mga salita pang hindi nasasabi. Tahimik na nakatalikod siya sa akin, pero alam kong gising pa rin siya. Niyakap ko siya mula sa likod, pinulupot ko ang aking mga braso sa kanya, pinipilit na ipakita sa kanya na narito lang ako, handang makinig. “Analyn…” bulong ko habang idinidikit ko ang labi ko sa kanyang buhok, “I think we need to talk.” Wala siyang imik. Nararamdaman ko lang ang mabagal na paghinga niya, pero hindi niya ako tinutulak palayo. Sinubukan kong basahin ang kanyang katahimikan

