CHAPTER 9 Neaj POV Hindi ko na kaya ang lamig ng pakikitungo ni Analyn sa akin. Bawat araw na lumilipas, parang mas lumalayo siya at hindi ko na matanggap. Ako pa ba ang boss niya o ibang tao na ang tingin niya sa akin? Hindi ko na matiis ang awkwardness sa pagitan namin. Kaya isang araw, habang naglalakad siya palabas ng opisina, sinundan ko siya. "Analyn!" sigaw ko, pero hindi siya tumigil. "Wait, Analyn, stop!" Nang hindi pa rin siya huminto, bigla ko siyang hinabol, at bago siya makalayo pa, kinuha ko ang pagkakataon—binuhat ko siya na parang sako ng bigas. "Sir Neaj! Ano ba?!" nagulat niyang sigaw, pilit na pumapalag. "Wala kang takas ngayon," sagot ko, walang bakas ng pagsisisi sa ginawa ko. Dinala ko siya diretso sa Lamborghini ko at ipinasok siya sa loob, mabilis akong umikot

