Chapter Twenty

1807 Words
Katniss POV "Huwag mo kong tingnan ng ganiyan. Nababadtrip ako sa iyo!" galit na saad ni Vince. Nakaupo ako ngayon sa sofa habang si Vince naman ay nagpapalakad lakad sa harapan ko. Kasalakuyan niya akong ginigisa dahil sa nangyari kanina. Nang dumating kasi siya ay antok na antok pa ako. Napuyat kasi ako kakapanood ng bagong korean series sa Netflix. Kaya para akong zombie na bumangon kanina. "Sorry na nga babe. Look? Wala talaga ko sa sarili ko kanina. Antok na antok pa kasi ako. Sorry na please." "Susupresahin kita pero ako ang nasopresa mo! Wow! Paano kong ibang tao iyon? Nakita mo ba iyong sarili mo kanina? F*ck! Kitang kita na iyang ano mo! Arrgh!!!" nanggigil na turan niya. "Kaya nga sorry di ba? Babe, would you please listen? Hindi mo ko pinakikinggan e." naiinis na rin na turan ko. "So ikaw pa naggagalit galitan ngayon? Binabaliktad mo iyong sitwasyon para palampasin ko iyon. Ganoon?" "Ayaw mo kasi makinig! Ano bang tingin mo sa akin? Hubadera ng taon? For pete sake Vince! Kasing ganda lang ako ni Ivana Alawi pero hindi kasing laki ng dede ni AJ Raval itong dede ko." litanya ko. Sabay hawak sa boobs ko. Inirapan ko siya ng malala. "Hindi ko pangarap maging boldstar si AJ iyon! Okay?" Nakita kong napangiti siya. Nang mapansin niyang tumingin ako ay nauwi sa ngiwi ang mga iyon. Dahil pinangangatawanan niya ang galit galitan mode niya. "Bakit ka ba talaga nagagalit? Dahil sa nakita mong ganoon ang itsura ko? O dahil hindi mo mahawakan?" nakangising tanong ko. "Pinagsasabi mo?" anito. "Mukang iyong huli. Nagagalit ka kasi hindi mo pwedeng hawakan di ba?" saad ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Napaatras siya sa ginawa ko. "Gusto mo ba babe?" tanong ko habang inaalis ang bra ko at lumalapit sa kaniya. "Babe tumigil ka. Tigilan mo nga iyan!" aniya habang paatras ng paatras. "Katniss!!" sigaw niya ng makorner ko siya sa kitchen countertops. "Sh*t!!" Tinanggal ko ang bra ko. Lumantad sa kaniya ang boobs ko. Kitang kita ko kung paano namula amg mga pisngi niya. At kung paano niya pinipilit iiwas ang tingin niya. "Babe ito na o. Hawakan mo na." saad ko sa nang aakit na tono. Tumitig siya sa mga mata ko. "Huwag mo kong subukan, Katniss. Kapag hinawakan ko iyan sa kwarto mo ang diretso natin." nakangising turan niya. Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Pagkatapos ay dinampian niya ng magagaang halik ang mga labi ko. "And babe.. hindi lang basta hawak ang gagawin ko. Higit pa doon." bulong niya. Bigla ko siyang naitulak. Tumawa siya ng malakas. At inirapan ko naman siya ng malala. Iyong siguradong duguan na siya sa isip ko sa sobrang inis. "Next time babe. Huwag kang magsimula ng apoy kung hindi mo kayang panindigan , Okay?" aniyang natatawa pa din. Kinuha niya ang bra ko na nalaglag sa sahig. "Nice cup." aniya habang nakatingin sa bra ko. Kapagkuwan ay hinagis niya iyon sa akin. At dahil sa reflexes ko ay nasalo ko iyon. "Maligo ka na at magbihis. Aalis tayo." aniya. "Ayoko." tanggi ko. "Maliligo ka o ako magpapaligo sa iyo? Huwag mo kong subukan babe." nakangising turan niya. "Oo na! Bwisit!" sagot ko. Padabog na naglakad ako papunta sa kwarto ko. At pagkatapos ay binalibag ko pasara ang pinto niyon. Badtrip! Lokong iyon! Tsk. _______ Vince POV Ang sakit mo sa puson babe. saad ko sa isip ko. Kasalukuyan ako umiinom ng malamig na tubig habang nakasandal sa kitchen countertops. Pagkatapos ng nangyari kanina ay kulang pa ang isang balde ng tubig para tanggalin ang init sa katawan ko. Sobrang pagtitimpi ang ginawa ko kanina para lang hindi angkinin si Katniss. Malaki ang panggalang ko kay Katniss. At hinding hindi ko kukunin ang virginity niya dahil gusto kong tuparin ang dream wedding niya. At hindi ko sisirain iyon dahil lang sa makamundong pagnanasa ko. Dadating din kami doon. Pero mas gusto kong nasa ayos ang lahat bago mangyari iyon. Huwag lang niya talagang ulit ulitin iyon. Marupok din ako. Pagkatapos nang halos isang oras ay lumabas na ito ng kwarto nito. Nakasuot siya ng white oversized t-shirt na inilalim niya sa highwaist denim short. Tinernuhan niya rin iyon ng white slip-on sneakers. "Kumu'couple ka babe ah!" biro ko pagkalapit niya sa akin. "Should i change?" mataray na tanong niya. "Binibiro ka lang e. Halika na nga." yaya ko sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay niya at ginaya na siya palabas ng bahay. Siniguro niya munang nakalock ng maayos ang bahay niya bago kami sumakay sa kotse. Pinagbuksan ko siya ng pinto at mabilis din akong sumakay sa driver seat. Habang inaayos nito ang seatbelt nito ay inabot ko sa backseat ang teddy bear at bouquet na dala ko kanina. Pagkatapos niya kasing isara ulit ang pinto kanina ay naibalik ko ang mga iyon sa sasakyan. Hinintay ko siyang matapos sa pag aayos niya ng seatbelt. Nang humarap siya sa akin ay napangiti ito sa teddy bear at bulaklak na hawak ko. Kinikilig kilig na kinuha niya iyon sa mga kamay ko. Niyakap niya ang teddy bear at inamoy ang mga bulaklak. "Babe picturan mo ko." aniya. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng litrato. Pagkatapos ay nag selfie din kaming dalawa. "Patingin babe." Iniabot ko ang cellphone sa kaniya. Inistart ko na ang sasakyan at pinaandar iyon. "Ang cute ng kuha mo dito sakin. Post ko sa IG mo?" tanong niya. "Ikaw bahala." maikling sagot ko. Mukhang busy ito sa pinagkakaabalahan sa cellphone ko kaya hindi ko na rin muna siya kinausap. Nakatutok lang ang tingin ko sa daan ng bigla itong sumigaw. "Babe!!!" Bigla kong natapakan ang break. Kaya ang nangyari ay muntikan na itong masubsob. "Okay ka lang? Bakit ba kasi bigla kang sumisigaw?" tanong ko. Hinarap ko ang mukha niya sa akin at tiningnan iyon dahil baka tumama iyon kung saan. "Ang ganda ko dito!" Sabay harap sa akin ng cellphone ko. Pinakita niya ang wallpaper ko na picture niya. "Saan mo nakuha 'to?" nakangiting tanong niya. "Sumigaw ka talaga dahil lang diyan? Ano bang bago diyan e maganda ka naman talaga." sagot ko. Inistart ko ulit ang sasakyan at pinaandar iyon. "E ang ganda ng kuha ko dito e. Para kong modelo. Saan mo nakuha 'to?" tanong niya. Nakafocus lang kasi sa mukha niya ang litrato kaya hindi niya siguro narecognize iyong lugar. "Sa kasal nila Nathan at Aya. Sinend nong photographer iyong ibang photo's na hindi naiprint outs. Hiningi ko iyang soft copy kay Aya." sagot ko. "Shipper talaga natin iyon." aniya. "Patay na patay ka talaga sakin 'no? Wallpaper pa e." kantyaw niya sa akin. "Slight lang." sagot ko. Bakit ikaw sinong wallpaper mo?" usal ko. "Secret." nakangising sagot niya. "Papangit ang mag secret." biro ko. "Ayoko pa rin." tanggi niya. "Bawi ka na lang next life." aniya pa. "Ang damot. Parang di girlfriend." kunyaring nagtatampong wika ko. "Magdrive ka na lang. Di uubra iyang pabebe mo." nakangiting sabi niya. Inilagay niya sa bag niya ang cellphone ko. "Saan pala tayo pupunta babe?" "Malalaman mo din. Matulog ka muna. Gigisingin na lang kita." "Okay." aniya. Sumandal na siya at ipinikit ang mga mata. Pagkalipas nang halos isang oras na pagmamaneho ay nakarating din kami sa Enchanted Kingdom. Dumiretso ako sa parking lot. Nang makakita ng parking space ay maayos kong pinark ang sasakyan. Tinanggal ko ang seatbelt ko. Pagkatapos ay maingat ko na ginising ang mahimbing na natutulog na si Katniss. "Babe, gising na. Dito na tayo." Mahina ko pang inalog ang balikat nito. Ilang saglit ay nagmulat na ito ng mata at naghikab. "Asan tayo?" tanong niya habang nililingon ang paligid. "OMG! Enchanted kingdom!" kinikilig na tili niya. Flashback.. "Katniss, saan ang dream date mo?" tanong ko sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa library. Vacant time ko at wala namang proctor si Katniss. "Bakit mo naman tinatanong?" aniya. "Naisip ko lang. Sagutin mo na lang." usal ko. Gusto ko kasing yayain mag date si Bea. Kaso hindi ko naman alam kung saan ba gusto ng mga babae makipag date. "Sa Enchanted Kingdom. Pangarap ko kasi makapunta doon noong bata pa ko. Kaso never kami nakapunta ni Mommy dahil lagi wala si Daddy. Gusto kong maexperience pumunta doon. Pero if hindi ko magawa iyon kasama ang family ko. Gusto ko iyong unang tapak ko doon kasama ko iyong special na tao sa buhay ko." nakangiting turan niya. "Bakit di tayo pumunta? Samahan kita." "Boyfriend ba kita? Date tinatanung mo di ba? Di malamang boyfriend ko gusto ko kasama ko doon. Ang hina pumick up! Slow." "Gwapo naman." sagot ko. "Nakakaturn off iyong bobo kahit gwapo." anito. "Apakayabang!" End of Flashback.. "Let's go?" yaya ko sa kaniya. Mabilis nitong tinanggal ang seatbelt niya. "Tara!" masayang turan niya. Lumabas ako ng kotse at pinagbuksan siya ng pinto. Magkahawak kamay kaming naglakad papunta sa entrance ng Enchanted Kingdom. Kinuhanan ko siya ng larawan sa bawa't lugar na gusto niya. At buti na lang may timer ang camera para may picture din kaming dalawa. Pagkatapos niyang magsawang kumuha ng mga larawan ay niyaya na ako ni Katniss sumakay ng rides. Noong una ay kinakabahan ito dahil never pa daw talaga siyang nakasakay ng rides, lalo na at puro extreme rides ang sasakyan namin ngayon. Una kaming sumakay sa Anchors Away. "Babe, are you okay?" tanong ko sa kaniya ng makaupo na kami sa rides. "Kinakabahan ako." sagot niya. Hinawakan ko ang isang kamay niyang nakahawak sa handle. Pagkatapos ay pinaglock ko ang mga kamay namin. Mataman siyang tumingin sa akin. Kaya dinampian ko ng halik ang ilong niya. "Kapag nagsimula na ang rides deep breath. Tapos isigaw mo lang lahat ng kaba at takot mo. Don't worry kung mahulog ka man, sisiguraduhin kong mas mauuna ko." saad ko. "You jump, I'll jump." "Jack yarn?" natatawang biro ni Katniss. "So ipipaint na ba kita ng nakahubad after?" balik biro ko. "Anon--- !! Babe!!" sigaw ni Katniss. Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil bigla ng gumalaw ang sinasakyan namin. Mabagal lang ang galaw nito ng una, hanggang sa bumibilis. Nakapikit lang si Katniss habang tumitili. "Babe! Open your eyes! YOLO babe. Enjoy every moment!!" sigaw ko sa tainga niya. Nagdilat siya ng mga mata at tumingin sa akin. "In the count of three. Sigaw babe. 1 2 3!" Nakita ko kung paano siya sumigaw ng malakas. Binitawan ko ang kamay niya at kusa niya iyong itinaas. Kitang kita ko na hindi na siya natatakot. Dahil sa mga oras na ito ay nag eenjoy na siya. Tumatawa siya habang sumisigaw. "I love you Vince!!" sigaw ni Katniss. Napakurap ako ng marinig ko iyon. Nakatingin siya sa akin at nakangiti ng malaki. Sabay pisil sa ilong ko. "I love you Katniss!!" malakas na sigaw ko. At sabay kaming tumawa ng malakas. I Love you, babe.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD