"What was that Katniss? Hindi ko alam na pinalaki ka naming bastos!" sigaw ni Daddy.
Pagkatapos namin mag usap ni Brix ay dumiretso na ako sa bahay ng parent's ko. Hindi ko pwedeng hindi puntahan si Daddy dahil alam kong lalo lang itong magagalit sa akin. At hindi pa man ako nakakapasok sa living room ay sigaw na nito ang sumalubong sa akin.
"At sino itong boyfriend na sinasabi mo? Ganyan mo na ba kami hindi inirerespeto at ni hindi mo man lang nabanggit sa amin iyan!" aniya pa.
Sumagap ako ng hangin bago nagsalita. "Si Vince. He's my boyfriend. And I'm sorry if I wasn't able to tell you about us. Masyadong busy sa opisina at madaming dapat asikasuhin kaya nakalimutan kong banggitin sa inyo." paliwanag ko.
"At sinong Vince ito? Iyong dahilan ng pamumundok mo? Iyong naging dahilan bakit ka umalis sa pamamahay na 'to?" tanong ni Daddy na kitang kita ang disgusto sa mukha niya.
"Opo. I mean, siya iyong dating bestfriend ko. But he's not the reason why I left. It was my feelings for him dad. It's not the person itself. Magkaiba po iyon." sagot ko.
"I don't like him for you." anito.
"But I do. At kahit ayaw niyo pa hindi ko siya iiwan." matapang na saad ko.
"Pagkatapos mong masaktan dahil sa lalaking iyon! Sa tingin mo gugustuhin ko pang sa kaniya ka mapunta? Siya ang dahilan kung bakit ka umalis sa bahay na ito at kung bakit kailangan mong ilayo ang sarili mo sa amin! At alam mo ba ang epekto 'non sa Mommy mo? Sa tuwing tatawag ako sa kaniya ay umiiyak siya dahil wala siyang magawa para sa iyo. Dahil iyong batang inalaagaan at iningatan namin ng sobra ay sasaktan lang ng kung sinong lalaki! Pagkatapos ngayon sasabihin mo sa aking kayo na? Ano magpapakatanga ka ulit? Tapos kapag nasaktan ka lalayo ka ulit? Ilang taon this time? Lima? Sampo? Pwede ba Katniss maging mautak ka sa pagpili!"
"Mahal ko siya, Dad." sagot ko. Alam ko kung ano ang gustong ipunto ni Daddy pero ayoko lang talagang pakinggan. Dahil ito ang pinili ko. Dahil ngayon sigurado na ako. "At kahit bigyan niyo pa ako ng isang libong dahilan kung bakit kailangan ko siyang iwan.. isang dahilan lang ang kailangan ko para hindi gawin iyon. Dad, mahal ko siya." usal ko. Ramdam ko ang pagpatak ng luha ko sa kanang pisngi ko. At ilang segundo ang lumipas ay nagsunod sunod na ang mga iyon.
"Hanggang saan ka dadalhin niyang pagmamahal na iyan Katniss?"
"Hindi ko alam, Dad. Pero ang alam ko lang ay mahal ko siya at mahal niya ko. What happened in the past are just misunderstanding and miscommunication dad. Hindi kasalanan ni Vince ang nangyari at naging desisyon ko. Sarili kong desisyon iyon, Dad. And I'm sorry if I hurt you and mom. I'm really sorry. And I didn't mean to hurt you. Lalo na si Mommy. And I will definitely not do it again. Just please give Vince a chance. Give us a chance, Dad. Mabuti siyang tao. Nakilala mo lang siya sa maling pagkakataon. Pero sinisugurado ko sa iyo na kapag nakilala mo siya ng lubos magugustuhan mo siya. Please, dad." pakiusap ko sa kaniya.
"You know your mom and I love you so much. Kung magkamali ka kayang kaya ka naming patawarin dahil anak ka namin. Pero kung pakakasalan mo ang lalaking iyan. Huwag mo ng asahang pupunta ako sa kasal mo. Dahil hindi iyon mangyayari." aniya. "Mauuna na ako sa taas, Macy."
paalam niya kay Mommy. Tinalikuran niya kami at umakyat na hagdan.
"Dad, please." pakiusap ko ulit. Akmang hahabulin ko na si Daddy ng pigilan ako ni Mommy.
"Hayaan mo muna ang Daddy mo, Katniss." aniya.
Hinarap ko si Mommy. "Mom, I'm really sorry. Pero mahal na mahal ko si Vince. I'm sorry. Sorry." lumuluhang pakiusap ko.
"Anak, naiintindihan mo naman ang Daddy mo di ba? Alam mo naman kung saan siya nanggagaling? Anak sobrang nasaktan kami noong nakita ka naming nasasaktan. Mas doble pa nga iyong sakit na naramdaman namin ng Daddy mo. Lalo na ako. Dahil hindi man si Vince ang mismong naglayo saiyo sa amin. Pero siya ang naging dahilan para gawin mo iyon. Pero naiintindihan din kita anak, kasi nagmahal ka lang naman. At kapag nagmahal ka, may mga bagay na magagawa ka talaga na kahit hindi kagustuhan ng iba pero para sa iyo alam mong iyon ang tama. Hindi namang mali ang magmahal anak. Natural lang naman ang masaktan kasi parte iyon ng pagmamahal. Pero hindi mo maiaalis sa amin ng Daddy mo na mag alala dahil minsan ka ng nasaktan ng dahil sa kaniya. At natatakot kami na baka masaktan ka ulit. At baka sa pagkakataong ito ay mas lalong hindi mo kayanin." saad ni Mommy. Ramdam na ramdam ko ang pag aalala sa tinig niya. At ang higpit ng hawak niya sa mga kamay ko. "Hayaan mo muna ang Daddy mo. Pasasaan ba kapag nakita naman niyang masaya ka. Kapag nakita niyang maayos ka. Siguradong siya na mismo ang magbibigay ng basbas niya sa inyo." aniya pa.
"I love you, Mom. And I'm really sorry. Sana tanggapin niyo si Vince. Tanggapin niyo po kami." usal ko.
"Halika nga dito." utos ni Mommy sa pagak na boses. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Kahit anong mangyayari susuportahan kita, anak. Wala akong karapatan hadlangan ang kaligayahan mo. Pero anak, kung magkataon man na hindi mangyari ang inaasahan mo. Sana this time. Hayaan mong damayan kita ha. Huwag mo na kaming iiwan. Promise?" pakiusap ni Mommy habang lumuluha na rin.
"Opo, Mommy. Pangako po. Thank you po. Thank you talaga. Atleast alam ko na kahit isa man lang sa inyo ni Daddy naiintindihan ako. I love you, Mommy."
"I love you too, baby." aniya.
______
Vince POV
Araw ng Linggo. Maaga akong gumising dahil ngayon ko balak sopresahin si Katniss. Halos isang linggo kaming hindi nagkita dahil sa sunod sunod na proyektong natanggap ng kompanya ko. Madalang ko na din siyang makausap sa telepono dahil sa twing hindi ako busy ay siya naman ang may inaasikaso. In short, conflict of schedule. Kaya kahapon ay naisip ko na sopresahin siya ngayon. Alas nuwebe pa lang nang umaga ay nakaayos na ako. Nakasuot ako ng Lacoste white polo shirt and khaki gabardine bermuda shorts na pinartneran ko naman ng white slip-on sneakers.
Kasalukuyan na akong nasa loob ng aking sasakyan. Maaga akong gumayak dahil kailangan ko pang dumaan sa Mall bago puntahan si Katniss. Inistart ko na ang kotse ko at binaybay ang daan papunta sa pinakamalpit na Mall na madadaanan ko.
Pagkalipas ng halos trenta minutos ay nakarating na ako sa Mall. Nag park lang ako ng maayos at mabilis na umibis ng sasakyan. Pagkapasok ko sa Mall ay dumiretso agad ako sa bilihan ng mga stuff toys. Nahihirapan akong mamili sa dami ng nakadisplay doon. Never pa akong nagbigay ng stuff toy sa isang babae. Kahit si Bea noon ay hindi ko nabigyan nito. Kasalukuyan akong namimili sa malalaking stuff toy ng may isang staff ang lumapit sa akin.
"Hello sir! Baka po may maitulong ako?" anito.
Napapakamot sa ulong tumingin ako sa kaniya. "Actually mukhang kailangan ko nga iyon ngayon. Can you suggest kung anong magandang bilhin?" tanong ko sa kaniya.
"Para po kanino sir?" balik tanong niya.
"Para sa girlfriend ko." usal ko. At tipid na ngumiti.
"Ano po bang paboritong kulay ng girlfriend niyo sir?" tanong nito.
"Neutral colors ang paborito niya. More on nudes."
"So cream or brown sir ang bilhin niyong kulay. Dito po tayo sir." aniya at tinuro ang mga stuff toy na puro brown at cream ang kulay. "Gaano po katangkad si girlfriend sir?"
"5'5." maikling sagot ko.
"Sa tingin ko iyong mga 3 or 4 feet stuff toy na lang po ang piliin ninyo sir. Base po kasi sa itsura niyo sir mukhang professional na po kayo. And I assume ganoon din po si girlfriend. Hindi na po niya gugustuhin ang sobrang lalaking stuff toy dahil pang highscool lang po iyon." aniya.
Iniabot niya sa akin ang dalawang 3 feet stuff toy. Isang cream at isang brown teddy bear. Wala itong ibang desenyo kundi ang ribbon nito sa leeg. Kahit simple ito ay napakacute ng itsura ng mga ito. Hindi ako tuloy makapili kung ano sa dalawa ang pipiliin ko. Ilang segundo nang nagpapalit palit ang tingin ko sa dalawang teddy bear pero nahihirapan pa rin akong pumili.
Hindi ko alam na ganito pala kahirap pumili ng regalo. Tsk. Tsk.
"May picture po ba kayo ni girlfriend, Sir?" biglang tanong ng staff sa akin.
Imbes na sumagot ay kinuha ko ang cellphone ko at ipinakita ang wallpaper ko. It was Katniss. Stolen shot iyon noong kasal ni Aya at Nathan. Nasa simbahan kami noon at habang ginaganap ang kasal ay kinunan siya ng litrato ng photographer na kinuha nila Nathan. May hawak siyang sunflower at tinititigan niya iyon. Nakita ko iyon sa soft copy na pinadala ng photographer kila Nathan kaya humingi ako ng kopya kay Aya. Napakaganda niya sa larawang iyon.
"Sobrang ganda pala ng girlfriend niyo, Sir." anang staff na nag assist sa akin. "Ito na lang pong brown ang kunin niyo, Sir. Sobrang puti po kasi ng girlfriend niyo po. Kasi kung cream po ang kinuha niyo baka hindi na po masyado mapansin ang stuff toy dahil mag bleblend lang po ang kulay nito sa kutis ng girlfriend niyo po." paliwanag pa nito.
Kinuha ko ang brown na teddy bear at dinala iyon sa counter. Sumunod din ang staff na nag assist sa akin at siya na ang naglagay ng teddy bear sa paper bag pagkatapos maipunch ito ng cashier.
Pagkatapos kong mabayaran ay iniabot niya sa akin ang paper bag. "Magustuhan sana iyan ng girlfriend niyo, Sir." aniya. Kinuha ko ulit ang wallet ko at kumuha ng tatlong isang libo doon at iniabot sa kaniya. "Para saan po ito, Sir?" takang tanong niya.
"Tip." sagot ko. At ngumiti ng bahagya. "Salamat sa tulong."
"Nako sir, ang laki po nito." aniya.
"Ilibre mo ng lunch ang mga kasama mo. Mauuna na ako. Salamat ulit."
"Thank you, Sir!" pasasalamat nito. Tinanguan ko lamang siya at mabilis ng lumabas ng tindahan na iyon.
Dumiretso ako sa flower shop sa loob din ng Mall na iyon. This time ay hindi na ako nahirapan mamili dahil tulips at rose ang paboritong bulaklak ni Katniss. Bumili ako ng bouquet of british grown tulips and elegant roses in complementary tones of pink and lilac. Pagkabigay sa akin ng staff ay mabilis na akong lumabas ng mall at dumiretso sa parking lot. Inilagay ko ang teddy bear at bouquet sa backseat ng kotse ko. At sumakay sa driver seat at pinaandar iyon papunta sa bahay ni Katniss. Tinawagan ko ang sekretarya nito kahapon at tinanong ang schedule ng dalaga. Sabi ng sekretarya nito ay wala itong appointment sa araw na iyon. Sigurado daw mamamalagi lang ito sa bahay nito sa Tagaytay dahil uuwi ito kinahapunan kahapon. At dahil hindi ko pa napupuntahan iyon dahil sa La' Tina Café ko lang siya pinupuntahan noon, tinanong ko sa sekretarya rin nito ang address ng bahay ni Katniss.
Pagkatapos ng halos isa't kalahating oras ng pagdadrive ay narating ko na rin ang bahay ni Katniss. The house uses simple yet modern features. The house is painted with minimalist colors of gray and light gray that gives it a fresher and more modern look. It also has accent walls made of bricks and darker shade of gray. Not the usual colour for a woman. It's more of a bachelor house.
Umibis ako ng sasakyan. Inayos ko ang damit ko at ang buhok ko. Tiningnan ko ang mukha ko sa side mirror ng aking sasakyan. Pagkatapos ay kinuha sa backseat ang teddy bear at bouquet ng bulaklak na binili ko kanina. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Para akong highschool student na aakyat ng ligaw sa crush niya.
Napakatorpe! Nakakabading iyan 'pre. saad ng isang parte ng utak ko.
Dumiretso ako sa main door. Huminga muna ako ng malalim bago pinindot ang doorbell. Nakailang doorbell na ako pero wala pa rin nagbubukas ng pinto. Sumilip ako sa bintana pero wala akong makita. Bumalik ako sa pinto at muling nag doorbell. Pagkatapos ng tatlong ulit na pagdoorbell ay biglang bumukas ang pinto. Awtomatikong napangiti ako ng malaki pagkakita kay Katniss. Nakapikit pa ang mga mata nito ng buksan nito ang pinto. Magulo ang buhok nito at siguradong kakabangon lang sa higaan. Ngunit nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng makita ang kabuuan niya. She is wearing a cycling short and a white sando. Pero wala siyang bra.
F*ck! F*ck! saad ko sa isip. Her breasts was expose. Kitang kita iyon dahil sa nipis ng suot nitong puting sando. "Sh*t! Katniss!" sigaw ko na nakapagpagising sa diwa nito dahil sa gulat.
"Babe!" aniya.
"Look at yourself! Dammitt!" naiinis na sigaw ko ulit.
She look at herself. At biglang nanlaki ang mata niya. "Sh*t! S-sorry." she said at mabilis na isinara ang pinto.
Ako pala ang masosopresa! F*ck those big d*mn arrrgghhhhhh!!!!