Chapter Eighteen

2335 Words
Araw ng linggo. Pabalik ako ngayon ng tagaytay. Tapos ko na kasi ang mga kailangan kong tapusin sa opisina. Sa sobrang dami ng kinailangan kong gawin at asikasuhin ay sobrang napagod talaga ang katawang lupa ko. Pero kung may maganda mang nangyari ay iyon ay ang relasyon namin ni Vince. And speaking of Vince busy pa rin ito sa sunod sunod na projects na natatanggap ng kumpanya nila. Kaya kahit gusto ko man siyang yayain na sumama sa akin. Ay hindi ko na lang siya ginambala pa. Tinext ko lang siya kaninang pag alis ko na uuwi na ako ng tagaytay ngayon. Hindi siya nagreply kaya sigurado akong busy siya. Palagi naman. Now you sounded like a girlfriend na nagtatampo sa jowa niyang workaholic. Tsk. Tsk. Imbes na dumiretso sa bahay ay dumaan muna ako sa La' Tina Café para umorder ng paborito kong tsokolate. "Ms. Katniss, ang tagal niyo pong hindi pumunta dito ah. Wala na tuloy kaming masilayang maganda dito." bola ni Aldrin. Isa siya sa bartender sa café na ito. "Wala kong piso." sagot ko. "Ma'am naman. Ang aga magsungit." aniya. "Joke lang. Bigyan mo ko ng dati pa rin. Tapos pahatid mo na lang sa favorite spot ko." utos ko sa kaniya. Iniabot ko ang buong one thousand pesos sa kaniya. "Keep the change." "Thank you ma'am. Ipaserve ko na lang po." ani Aldrin. Tumango lang ako at lumabas ng café. Pumwesto ako sa favorite spot ko kung saan matatanaw mo ang taal volcano at ang mga puno sa ibabang bahagi ng café na napapalibutan ng mga capiz lights. A breathtaking view. And my sanctuary. "One tsokate for Ms. Katniss." anang lalaking nag abot ng order ko. Inilapag niya ang tsokolate sa table ko. Nagpasalamat na ako pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa harapan ko. Ibinaling ko ang paningin ko sa kaniya. Parang nagkita na kami pero hindi ko maalala kung saan. "I'm sorry. Did I know you?" tanong ko. He smiled widely. "Nakakahurt naman iyon. Ikaw hindi ko nakalimutan pero ako mabilis mo lang nakalimutan." aniya. "Sorry. Pero hindi ko talaga maalala e. Are you a family friend? Colleague? Schoolmate? Business partner?" "Brix. The one who fall in love with you easily and you dumped that easy." nakangising wika niya. "Ikaw iyong sa bar. I'm sorry. My bad!" usal ko. "So dahil nakalimutan mo, okay lang bang umupo dito at makikape na din?" aniya. "Okay lang. Hindi naman akin iyang uupuan mo e. Basta huwag mo lang iuuwi." biro ko. "Kayo pa rin ba?" tanong niya. "Nino?" balik tanong ko. "Nong boyfriend mo? Iyong nasa bar din." "Yeah. I'm sorry, mukhang hanggang ngayon wala kang pag asa." "Mukha nga." aniya. At tumawa ng malakas. "Anong ginagawa mo pala dito?" "Taga rito ako. I mean sa tagaytay. Hindi dito sa café." sagot ko. "Ikaw?" "May kliyente lang akong pinuntahan dito. I mean dito sa tagaytay. Hindi dito sa café. Then sabi ng kliyente ko madami daw magandang view dito sa tagaytay. At hindi nga siya nagkamali." aniyang mataman na nakatingin sa akin. "A beautiful scenery indeed." "Luma na iyang ganiyang pambobola. Matagal ng bumenta iyan." natatawang saad ko. "Next time mag google ka." "Asan ang boyfriend mo? Bakit mag isa ka dito? Sa ganda mong iyan hinahayaan ka niya maggala gala mag isa." "Busy siya. Tawag ng salapi." sagot ko. "Kung ako boyfriend mo, di kita hahayaang umalis ng mag isa." ani ni Brix. "Buti na lang hindi. Mas gusto ko kasing nakakalis ako mag isa. At hindi binabantayan." Napakamot ito sa ulo. At ngumiti ng bahagya. "Ano bang sasabihin ko na hindi mo ko pwedeng barahin? Basag ako lagi sa iyo e." anito. Nginitian ko siya. "Huwag mo lang ako pormahan. At hiritan ng punchline mo. Makakausap mo ko ng maayos." sagot ko. "Let's just enjoy the view. Nakakarelax pala dito." usal nito. Tumango tango lang ako at hindi na nagsalita pa. Lumipas ang ilang minuto na walang nagsasalita sa aming dalawa. At mas pabor sa akin iyon. Dahil pumunta ako dito para magrelax. At hindi makipag chismisan dito. Nakatingin ako sa kagandahan ng lugar habang siya nararamdaman kong nakatingin sa akin. Malapit ko ng maubos ang tsokolate ko ng biglang mag ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ng blazer ko. Si Vince. "Hello." bati ko sa kabilang linya. "Asan kana babe?" tanong ni Vince sa kabilang linya. "Nasa tagaytay na po." sagot ko. "Bakit hindi ka nagsabi na may balak ka pa lang pumunta diyan? E di sana sinamahan kita." ani Vince. "Babe, di ba may meeting ka today? Mamayang 10am? Syempre before ako pumunta dito yayayain sana kita. Kaso tinawagan ko muna ang secretary mo para sa schedule mo for today. Kaso ayon, i found out na may importanteng meeting ka mamaya. Tapos late ka pa nakauwi kagabi. Kaya hindi na kita inistorbo pa." sagot ko. Naramdaman kong tumayo si Brix. Kaya tumingin ako sa direksyon niya. "Mauna ako, Katniss. It was nice seeing you again. Pero don't worry, for sure magkikita pa tayo ulit." anito at naglakad na papalayo sa akin. Hanep! Di man lang ako hinayaan magsalita. Maattitude din e. "Sino iyon? Bakit may kasama kang lalaki?" tumataas na bose na tanong ni Vince. "Hindi ko siya kasama. Nagkataon lang na nagkita kami dito sa café. Remember the guy doon sa bar. Iyong love at first sight thing. Brix ang name niya." "Yeah. I remember. Iyong siraulong na love at first sight daw sayo." anito. "Yeah. It's him. Hindi ko nga siya narecognize noong lumapit siya sa akin. Siya lang ang nagpaalala sa akin kung sino siya. See? Hindi ko maalala ibig sabihin wala akong pakialam sa kaniya. Kaya huwag ka ng magselos." "Ako magseselos? Kanino? Sa g*gong iyon? Never babe. Mas gwapo ko doon." aniya. "Talaga? Magbreak man tayo?" biro ko sa kaniya. "Hindi nakakatawa babe." aniya. "Gusto mo ba magbreak tayo?" "Joke lang iyon. Biro lang. Okay? I'm sorry." "Gawin mo nang biro ang lahat ng bagay pero huwag lang iyon. Dahil kahit biro pa iyon. Nasasaktan ako. Iyon ang kaisa isang bagay na kinatatakutan ko ngayon." turan ni Vince. Mahihimigan mo ang lungkot at disappointment sa boses niya. "Sige na. Kailangan ko ng mag asikaso dahil may meeting pa ako." paalam nito. "Babe, sorry na. Promise hindi na mauulit." pakiusap ko. Ngunit lumipas na ang ilang segundo pero hindi pa rin siya sumasagot. Tiningnan ko ang cellphone ko pero hindi pa naman niya pinapatay ang tawag. "Babe! Babe are you still there? Sorry na please. I won't say it again. Sorry na ha?" paglalambing ko sa kaniya. Makalipas ang ilang segundo ay nakarinig ako ng mga hikbi. "Hey, are you crying?" tanong ko. Pero mga hikbi pa din ang naririnig ko. "Babe, what's wrong? I'm sorry na please." . "Pagod lang ako. Kaya siguro sensitive ako ngayon. Sige na. Mag aasikaso na ako. Mag iingat ka diyan. I'll call you after ng meeting ko. I love you babe." "I'm sorry ulit. I love you too babe. Drive safely." sagot ko at binaba na niya ang tawag. Nagulat ako sa naging reaksyon ni Vince. Pero siguro pagod nga lang siya. But he really cry over a joke. So insensitive na ako ngayon? Tsk. _______ Shangri-la Hotel. Papunta ako ngayon sa restaurant kung saan nagpareserve sina Mommy at Daddy. Bigla kasi nilang akong tinawagan at inimbitahan mag dinner. At dahil matagal ko na silang hindi nakakasama dahil busy sila sa paglilibot sa buong mundo, mabilis lang akong pumayag. Miss na miss ko na din kasi sila. Pagdating ko ng restaurant ay agad akong pumasok. "Goodevening ma'am." masayang bati ng hostess ng restaurant na iyon. "Hi! I'm with Mr. & Mrs. Mariano." usal ko. "Ms. Katniss right?" tanong niya at mabilis akong tumango. "This way ma'am." Sinundan ko lang ang hostess habang inaayos ang suot ko. I'm wearing my usual business suit. Gusto ko sanang hubarin a blazer ko. Pero just like Vince. Daddy is conservative also when it comes to clothes. Nakita ko si Mommy na kumakaway sa akin. Kaya nginitian ko siya at kumaway din pabalik. Pero nagtaka ako ng hindi lang si Mommy at Daddy ang nasa table namin. May tatlong tao pang nakaupo doon. Pagkalapit ko ay mas nagulat ako dahil isa si Brix sa mga iyon. "Hi Katniss." anito. Tumayo ito at ipinaghila ako ng upuan. "Thank you." pasasalamat ko. Humalik ako sa pisngi ni Mommy na nasa tabi ko. "So, magkakilala na pala kayo." anang Daddy ko. "Sort of." sagot ko. Tiningnan ko si Brix at nakakalokong nakangiti lang ito sa akin. "Kung ganoon ay ipapakilala na namin ang sarili namin sa iyo iha." anang lalaking katabi ni Brix. Sa tantiya ko ay kasing edad lang ito ni Daddy. "I'm Henry Chua. And this is my wife Katrina. And of course this is our son Brix." aniya sabay akbay kay Brix. "Your dad and I are bestfriends noong highschool until now pa rin naman. Ang kaso ay hindi kami madalas magkita na after college dahil palaging nasa barko ang daddy mo at nanirahan naman kami sa US. Buti na nga lang at nagkita kami ng parents mo sa Paris dahil saktong andoon din kami ni Tita Katrina mo." mahabang saad nito. "Sabi ni Macy ay maganda daw ang anak nila. Pero hindi ko akalain na ganiyan ka kaganda iha. Nakakatulala ang ganda mo." ani Tita Katrina. "Maraming salamat po. Maganda din naman po kayo Tita." papuri ko sa kaniya. "Umorder na kami iha. Pasensya ka na. Kung gusto mo ng ibang pagkain ay papapalitan na lang natin." ani Tito Henry. "Hindi na po. It's okay." tanggi ko at nagsimula na ding kumain. Masayang nagkwekwentuhan ang mga magulang namin ni Brix habang ito ay panaka nakang sumusulyap sa akin. Paminsan minsan ay sumasali ito sa usapan na tungkol sa pagpapatakbo ng mga Chua sa kanilang negosyo. Minsan ay tinatanong din ako ni Tita Katrina na tipid ko namang sinasagot. Nagulat ako ng bigla na lang akong kalabitin ni Mommy. . "Are you okay anak?" bulong niya. Tumango lang ako ng bahagya bilang pagsagot. "Anak." tawag ni Daddy sa akin. "May gaganapin na party ang kompanya nila Henry sa dadating na sabado. It was there company's twenty-five year foundation anniversary. At wala pang partner si Brix sa araw na iyon. Baka naman maari mo siyang samahan?" Now this is interesting. saad ko sa isip ko. "Wala ka bang ibang pwedeng isama, Brix?" tanong ko kay Brix. Ibinaba ko ang kubyertos na hawak ko at tiningnan siya ng diretso sa mga mata. Akmang sasagot na siya ng magsalita ang Mommy. "Anak, pupunta din naman kami sa party. So you don't have to worry." aniya. "I'm not worried, Mommy. I'm just asking him. Kasi it's impossible na wala siyang ibang babae na mayaya sa party at kailangan pang kayo ang makiusap sa akin na samahan siya." sagot ko. "I'm sorry Katniss. But if your trying to say na kinausap ko ang parents mo para lang samahan ako. Your wrong. I don't know anything about it." ani Brix. "Anak, mabuting magkakilala kayo ng lubos ni Brix. He's a good guy. Isa pa bestfriend ko ang daddy niya. So nakasisigurado ako na galing siya sa mabuting pamilya. Mapapanatag ako kapag siya ang kas--" "So your trying to pair us up?" putol ko sa sinasabi ni Daddy. "A fix marriage or what? Wait, Chua is a chinese surname right? So it's a fix marriage i guess. Am i right?" usal ko. Sobrang pagtitimpi ang ginagawa ko para hindi ipakita ang pagkayamot ko sa sitwasyon. Pero kahit anong pagpipigil ko ay namamayani ang inis sa dibdib ko. "No it's not that Iha." sagot ni Tito Henry. "It's just that na gusto namin kayo magkalapit, magkakilala, baka kasi may chance na magkagustuhan kayo. Pero still nasa sainyo naman iyon. Hindi namin kayo pipilitin magpakasal or what kung hindi niyo naman gusto. We just had an idea dahil single si Brix. At sabi ng parent's mo ay single ka." "I'm not. I have a boyfriend. And Brix knows about it ." sagot ko. "Did you know about this?" diretsong tanong ko kay Brix. "Sort of." aniya. "I'm sorry I have to go." paalam ko. Tumayo ako at humarap sa kanilang lahat. "Tito, Tita, I'm sorry po pero hindi ko mapagbibigyan ang gusto ninyo ng parent's ko. May boyfriend na po kasi ako. And he's the one I wanted to marry soon." hinging paumanhin ko. "Daddy, Mommy mauna na po ako." "Umuwi ka sa bahay. Mag uusap tayo." utos ni Daddy. Mataman itong nakatingin sa akin. At kitang kita ang pagpipigil nitong pagalitan ako sa harap ng kaibigan nito. Tumango ako at mabilis na naglakad palabas ng restaurant. Malapit na ako sa parking lot ng biglang may humawak sa mga braso ko. "Katniss, wait." ani Brix na habol pa ang hininga niya. "I'm sorry about what happen. Sa maniwala ka man o hindi, hindi ko alam ang tungkol sa dinner na 'to." Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Bago mo pa ba ko makita sa bar kilala mo na ko?" tanong ko sa kaniya. "Hindi." aniya. "Noong nagkita tayo sa Tagaytay alam mo ng shiniship tayo ng parent's natin?" "Anong shiniship? Binabarko?" Ay t*nga! wika ko sa isip ko. "Pinagkakasundo? Pair up? Ganoon!" paliwanag ko. "Oo. Minsan na kaming nagdinner kasama ang parent's mo. At kilala ko sila dahil iniistalk kita sa IG account mo. Nakita ko sila sa isang post mo. Kaya alam ko na ikaw ang anak na tinutukoy nila." "Kaya pumayag ka agad kasi bet na bet mo naman ako simula pa lang? So hanggang saan ang iniexpect mo? Ang ipakasal nila tayo?" inis na turan ko. "No." sagot niya. "Oo may gusto ako sa iyo. Pero hindi ako katulad ng iniisip mo, Katniss. Masyado kang judgemental." Nakita kong bumalatay ang lungkot sa mga mata niya. Binitawan niya ang braso ko. Isang beses pa niya akong tiningnan bago tuluyang tinalikuran. "Brix!" tawag ko sa kaniya. Ngunti hind na niya ako nilingon pa. Ano iyon Katniss? Sh*t! Now I'm a bad person na. Great!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD