Chapter Seventeen

1838 Words
Lord, alam ko matagal kong pinangarap na mahalin ako ni Vince kung paano ko siya minamahal. Pero tama ba? Tama ba sa pagkakataon na 'to sumugal ulit ako. Tama ba na hayaan ko ulit ang puso ko na mahalin siya. Pero paano kung masaktan niya ulit ako? Pano? Gusto kong yakapin si Vince habang umiiyak siya sa harapan ko. Gusto kong pawiin iyong sakit na nakikita ko ngayon sa mata niya. Dahil ako pa rin si Katniss. Ako pa rin iyong matalik niyang kaibigan. "Kung gusto mo kong tumigil sa panliligaw sa iyo sabihin mo lang titigil ako. Kung pagkakaibigan na lang ang kaya mong ibigay tatanggapin ko. Basta huwag ka lang ulit aalis. Dahil mas kaya kitang mahalin sa malayo, kaysa ang mahalin ka pero wala ka." Mas hinigpitan niya pa ang hawak sa mga kamay ko. Na baka pag binitawan niya ang mga iyon ay biglang mawala ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. Kasi mismong sarili ko nahihirapan akong sagutin. Magtiwala lang po kayo sa nararamdaman niyo Ate. Hindi po kayo ipapahamak niyan. Biglang nag echo sa tainga ko ang boses ni Brielle. Paulit ulit. Napapikit ako. Kapagkuwan ay dumilat pagkatapos ng malalim na buntong hininga. "Vince, Halikan mo ko." utos ko. "What?" tanong niya. "Sabi ko halikan mo ko." ulit ko. "Pero bakit?" tanong ulit niya. Binitawan niya ang mga kamay ko at mas lalong umusog papalapit sa akin. Tinitigan niya ako ng mataman. "Huwag mo kong tingnan na parang pinagtritripan kita. Saka huwag kang pakipot diyan dahil ilang beses mo na kong hinalikan. Hindi pa kita sinasagot pero nakadami kana." litanya ko. "Seryosos ka?" paninigurado niya. "Mukha ba kong nagbibiro?" "Pero bak---" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil ako na mismo ang humalik sa kaniya. Dahil sa gulat ay hindi siya nakahuma. Ngunit makalipas ang ilang saglit ay gumagalaw na ang mga labi niya sa ibabaw ng mga labi ko. Kinuha niya ang mga kamay ko at ipinatong sa mga balikat niya. Naramdaman kong hinawakan niya ng dalawang kamay niya ang bewang ko at mas nilapit ang katawan naming dalawa. Hinahalikan niya ko ng may pag iingat. Bawa't galaw ng mga labi niya ay nagdadala ng kiliti sa bawa't parte ng katawan ko. Ang init na nararamdaman ko sa bawa't haplos ng mga palad niya sa likod ko ang nakapagpawala ng alinlangan ko. Ang mumunting kagat niya sa mga labi ko ang mas nagpaigting ng nararamdaman ko. Sigurado na ko. Unti unti kong inilayo ang mga labi ko. Ngunit hindi ko inalis ang pagkakapatong ng mga braso ko sa balikat ni Vince. "Oo." wika ko. Tiningnan niya lang ako. Iyong tingin na naguguluhan. Iyong tingin na nagtatanong. Idinikit ko ang noo ko sa noo niya. "Ang sabi ko Oo." "O-oo na? A-as in O-oo.?" nauutal na tanong niya. "Oo as in Girlfriend mo na ko Mr. Montecillo." sagot ko. Nanlaki ang mga mata ko ng halikan niya ako ulit. At sa pagkakataong iyon, mas malalim at mas may pananabik. Buong puso kong tinugunan ang bawa't halik niya. Hanggang sa kapusin na kami ng hininga. Nagkatinginan kami at tumawa ng malakas. "Your mine now, Ms. Mariano." aniya. "I love you Vince." "I love you too, Katniss." turan niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. At ganoon din ako sa kaniya. ______ Vince POV "Babe hindi kita masusundo mamaya. May biglaan meeting kasi ako mamaya." Dalawang linggo na ang nakalipas ng sagutin ako ni Katniss. Masaya kami. Kahit pa pareho kaming busy ngayon dahil sa pagpapatakbo ng kaniya kaniya naming kumpanya sinisigurado namin na may oras pa rin kami para sa isa't isa. Ngunit may pagkakataon talaga na kahit ang nakaplano naming lakad ay biglang nacacancel. Katulad ngayon. "It's okay babe. Kailangan ko din naman pumuntang warehouse mamaya para icheck iyong shipments na dumating kahapon." sagot niya sa kabilang linya. Mas madalas pa ata kaming mag usap sa telepono kaysa sa personal. "Bakit kasi ikaw pa ang mismong nagchecheck niyan sa warehouse? Wala ka bang mapagkakatiwalaang tao para gawin iyan para sayo? Dagdag trabaho pa iyan sayo." suhestiyon ko. "Babe, iyan ang secret recipe ni Mommy kung bakit niya napalago ang negosyo niya. Iyong pagiging hands on. Kaya nga kapag may problema mabilis niya na lang nasusulusyonan. Kaya there's no way na baguhin ko iyon. Okay? Don't worry kaya ko naman e." sagot niya. May kumatok sa pinto ng opisina ko. Pumasok doon ang personal secretary ko na may dalang pagkain. "Sir, delivery po." Inilayo ko ang cellphone ko sa tainga ko. At hinarap ang secretary ko. "Kanino galing?" "Kay Ma'am Katniss po." aniya. Nginitian niya ako ng nanunukso bago nagpaalam na lalabas na. Binalik ko ang cellphone ko sa tainga ko. "Still there?" tanong ko sa kabilang linya. "No." aniya. "I'm here na." "What do you mean?" tanong ko. Nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at tumambad sa akin ang nag iisang anghel na nakita ko dito sa lupa. "Hi babe! Miss me?" bati niya. Tumayo ako sa upuan ko at nagmadaling tumakbo papunta sa kaniya. "Your here." wika ko. Sabay yakap ko ng mahigpit sa kaniya. "Miss na miss? Kakakita lang natin nong monday, Mr. Montecillo." aniya. "At friday na ngayon, Ms. Mariano. Apat na araw din iyon." sagot ko. Binitawan ko siya at ginaya paupo sa couch. Kinuha ko ang pagkain na inilapag ng sekretary ko sa desk ko. "Sana sinabi mo na lang na pupunta ka para sa labas na lang tayo kumain." "Edi hindi na suprise iyon?" aniya. Inilabas niya sa paper bag ang mga pagkain at inayos iyon sa table. Hinubad nito ang coat nito. Tumambad sa akin ang kaseksihan nito. She is wearing a silky backless tied up croptop. At kitang kita ang makinis na likod nito. Napahawak ako sa sintido ko dahil parang biglang na stress ako. "Babe, kain na. Ayaw mo ba ng food?" aniya. Naglagay ito ng pagkain sa kutsara niya at iniumang sa bibig ko. "Say ah?" aniyang nakangiti sa akin. Isinubo ko iyon. Mabilis kong nginuya at nilunok. "Babe, iyan ang suot mo mamaya pagpunta ng warehouse?" tanong ko. "Oo. Bakit?" balik tanong niya. Magana itong kumakain. Makakalahati na nito ang pagkain nito. Samantalang ako ay nakakatatlong subo pa lang. "Pwede bang magpalit ka? Gusto mo dumaan tayo sa Mall ngayon?" "Ayoko." tanggi niya. "O edi sasamahan na lang kita. Sasabihin ko sa sekretarya ko icancel na lang ang meeting ko mamaya." Uminom ito ng juice bago ako tiningnan ng nang uusig. "Ano ba talagang problema sa suot ko?" tanong niya. "Masyado kasing revealing. Di ba mga lalaki ang tao doon sa warehouse. Baka imbes na trabaho amg asikasuhin nila doon. Ikaw na lang ang pag aralan nila." sagot ko. Hindi mapigilang sumimangot habang nagpapaliwanag sa kaniya. Pinitik nito ang ilong ko at tumawa ng mahina kapagkuwan. "Babe,may blazer naman ako. Hindi naman ako pupunta doon na itong panloob ko ang suot ko. Ikaw lang ang makakakita nito. Promise." aniya sabay kindat sa akin. At hindi pa siya nasiyahan kinagat kagat niya pa ang ibabang labi niya. "Sinasabi ko sayo Katniss Louise Mariano. Kapag ako hindi nakapagpigil magiging Montecillo ka." "Ano?" maang maangan na tanong niya. "Mabubuntis ka talaga at no choice ka kaya kailangan mong magpakasal sa akin." sagot ko. "Vince! Iyang bunganga mo. Mamaya may makarinig sa iyo e." aniya. Namumula ang mga pisngi nito sa hiya. Kaya pinisil ko ng mahina ang pisngi niya. "Kaya tigilan mo iyang kakatukso sa akin. Nagpipigil lang ako babe. Pero hindi ko maipapangako kung hanggang saan ko kaya." "I'm curious din babe. Bakit nga ba?" tanong niya. "Gusto kong iharap ka sa altar na virgin ka. Iyon ang dream wedding mo di ba? Ang sabi mo noon, kapag kinasal ka gusto mo virgin ka pa rin. Kasi gusto mo iyong lalaking pakakasalan mo, siya na ang una't huling lalaking pagbibigyan mo ng sarili mo. At kahit pa alam kong ako iyong lalaki na iyon. Gusto ko pa rin tuparin ang dream wedding mo." sagot ko. Flashback.. "Vince, alam mo ba gusto ko din pag kinasal ako sa garden din. Gusto ko ng garden wedding." ani Katniss. Kasal ulit ng Mommy at Daddy ni Chris ngayon. Para i celebrate ang silver wedding anniversary ng mga ito. Nagdecide daw ang mga magulang ni Chris na mag renewal of vows. At dahil imbitado ako kaya imbitado din si Katniss. "Kanino ka naman ikakasal?" kunyaring hindi interesadong tanong ko. Sumimangot ito at hinampas ako sa balikat. "Ang sama mo! Tingin mo walang gugustuhing pakasalan ako?" "O sige na. Sana may magkamali." sagot ko. Inirapan niya ako. At tumingin sa mga parents ni Chris. "Kapag ikinasal ako gusto ko punong puno ng bulaklak ang paligid. Iba't ibang bulaklak. Magagandang flower arrangement. Tapos neutral colors iyong theme namin. Mostly nude siguro. Tapos gusto ko iyong cake namin five tier. Apat na patong pero lahat cake iyong iba kasi styro." natatawang usal niya. "Tapos gusto kong kanta sa kasal ko iyong kanta ni Cristina Perri iyong a thousand years. Tapos gusto ko gabi kami ikakasal para madaming ilaw. Iyong mga capiz lights nakalagay sa mga puno. Tapos after nang you may kiss the bride. After namin mag kiss biglang may fireworks display." aniya. Kitang kita mo ang saya sa mga mata ni Katniss habang dinedetalye niya ang dream wedding niya. Parang naiimagine niya pa ang bawa't eksena at detalye sa mismong araw na iyon. "Pero ang pinakaimportante sa lahat ay gusto ko kapag kinasal ako. Gusto ko birhen pa ko." aniya. "So tatanda kang NBSB?" tanong ko. "Hindi naman. Pero ang gusto ko kasi kung sinoman siya na pakakasalan ko. Gusto ko siya na ang una at huling pag aalayan ko ng sarili ko." nakangiting sagot niya. He's such a lucky guy. End of Flashback.. She's teary eyed habang nakangiti siya sa akin. Kaya naman pinunasan ko ng mga daliri ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata niya. She laughs a little. And pinched my nose. "I never imagine na maaalala mo pa iyong mga ganoong bagay. Sa ating dalawa kasi ikaw iyong makakalimutin." aniya. "I may forget a lot of things. But when it comes to you. Malabong mangyari iyon. Mukha akong maloko pero matino ako kapag para sa iyo." sagot. "Fine." aniya. Pagkatapos ay tiningnan niya ang relo niyang pambisig at isinuot ang blazer coat niya. "Babe, i have to go na. May dadaanan pa kasi ako bago ako pumunta sa warehouse." paalam nito. "Text me once natapos ka na sa warehouse, okay?" bilin ko habang ihinahatid siya sa pinto ng opisina ko. "Yes sir. And don't forget to call me once makauwi kana after ng urgent meeting mo." bilin din niya. "Yes babe. I love you. Mag iingat sa pagdadrive." "I love you too." usal niya. At mabilis niya akong dinampian ng halik sa mga labi. Binuksan na niya ang pinto at bago lumabas ay pinisil nauna niya ang ilong ko. "Bye." aniya. At isinara ko na ang pintuan. Isinandal ko ang sarili ko doon at pumikit. After this busy schedule magbabakasyon talaga tayo babe. I promise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD