Nagising ako sa paghinto ng sasakyan. Hindi ko namalayan ay nakatulog pala ako sa biyahe. Inayos ko ang pagkakaupo at tumingin sa labas ng bintana ng kotse.
"Akala ko ba sa condo tayo pupunta? Laki ng condo mo ah. Buong mall?" saad ko.
"Naalala ko kasi wala pa lang stock na pagkain sa condo ko. Mag grocery muna tayo?" aniya na napapakamot pa sa ulo.
"Sana nagpadeliver ka na lang ng foods." sagot ko.
"Ipagluto mo nalang ako. Tagal ko ng hindi nakakakain ng lutang bahay e." nakangiting wika niya.
"Mag asawa ka na kasi. Para may magluluto para sa iyo." sagot ko habang hinahanap ang cellphone ko sa bag ko.
"Ayaw mo pa e." saad niya. Tiningnan ko siya at ngising ngisi ang loko.
Iniumang ko ang kamao ko sa kaniya. "Sapak gusto mo?"
"Pagmamahal mo lang babe. Iyon lang ang gusto ko." aniya sabay halik sa kamao ko. Inirapan ko lang siya. At umibis na ng sasakyan. Naglakad na ako papasok ng grocery store.
"Babe, wait naman." aniya. Nakita kong lumabas na rin ito sasakyan at sinigurong nakalock iyon. Hinabol niya ako kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Kukuha na sana ako ng push cart ng maunahan ako nito. "Ang liit na nga ng bias mo, bilis mo pa din maglakad." turan nito.
"Ano bang bibilhin mo?"
"Natin." pagtatama niya. "Pang stock lang sa condo. Saka iyong pang sinigang. Namiss ko na iyong sinigang mo e." aniya.
Naglakad ako papunta sa frozen section at namili ng karne na kailangan ko. Habang busy ako sa pamimili ay mataman na nakasunod si Vince sa akin. Nabili ko na ang lahat ng kailangan ko kaya pumunta kami sa dry goods para naman sa stocks ni Vince sa condo niya. Nasa canned goods section kami ng bigla akong kalabitin ng isang dalagita.
"Am, Miss. Okay lang po ba kayo mainterview?" anito.
"Para saan? Dito?" sagot ko at itinaas ang delatang hawak ko.
Mahina itong tumawa. Naguguluhan na tiningnan ko naman siya. "Hindi po. Mga studyante po kami sa St. Benedict University. Andoon po iyong mga classmate ko. Isa po akong psychology major. May ginagawa lang po kaming research. Need lang po namin mag interview ng couple's na matagal na po nagsasama. And ano po iyong mga struggles nila sa relationship nila. At kung paano po nila iyon naresolba. I'm sorry to assume po. Pero sa tingin ko po kasi matagal na po kayo mag asawa ni sir." sabay turo niya kay Vince na busy sa pamimili ng mga instant noodles sa kabilang gondola.
"Pero, hindi ko kasi siya asawa. Hindi rin boyfriend. We're actually bestfriends. Dati." saad ko.
"Dati? Hindi na po ngayon?" tanong nito.
"Nililigawan niya na ako. Corny no?" sagot habang natatawa pa ng bahagya.
Napangiti naman ito at tiningnan si Vince. "Cute niyo nga po e. Actually noong una ko po kayong nakita akala ko po talaga mag asawa po kayo. Kasi kung tingnan po kayo ni sir mukhang mahal na mahal niya po kayo. Puno po kasi ng admiration iyong pagtingin niya sa inyo." aniya. Sabay tingin akin. "Sayang naman po. Hindi po pala kayo pwede mainterview. Ako nga po pala si Brielle." pagpapakilala niya.
"Katniss." inilahad ko ang kamay ko para makipagkamay. Inabot naman niya ito. At ngumiti kapagkuwan. "Pasensya na ah. Pero madami naman couple diyan. Madami pa kayong pwedeng mainterview."
"Okay lang po. Pero iba po talaga iyong dating niyo ni Sir. Mukha pong interesting ang kwento ninyo. Anyway Ate Katniss, feeling ko po tama iyong magiging desisyon niyo kapag sinagot niyo na si Sir. Friendship is the best foundation sa isang relasyon. At meron na po kayo 'non. At higit pa po doon, kitang kita po sa kaniya kung gaano niya po kayo kamahal. Kaya kung anoman pong doubts ang meron kayo, isantabi niyo na po iyan. Dahil iyong chance po ninyo na maging masaya baka biglang mawala kapag pinatagal niyo pa po di ba?" mahabang litanya niya. Nginitian niya ulit ako. At parang binabasa ang reaksyon ng mukha ko. "Mukang mahal niyo din naman po siya e. Ang kaso lang, natatakot po kayo tama? Magtiwala lang po kayo sa nararamdaman niyo Ate. Hindi po kayo ipapahamak niyan." aniya. Sabay finger heart sign. Napangiti naman ako sa inakto niya.
"Para sa isang bagets na tulad mo. Ang dami mong alam." turan ko.
"Sabihin na lang po nating magaling lang akong bumasa ng tao. Una na po ako Ate. Baka hinahanap na po ako ng mga classmates ko. Bye po!"
"Bye! Ingat." paalam ko. Kumaway ito at naglakad na palayo. Nakita kong pabalik na si Vince sa pwesto ko. Kaya inirapan ko siya.
"Mamimili lang ng noodles pagkatagal tagal." turan ko.
Hindi niya pinansin ang sinabi ko at tinanaw si Bielle na kasama na ang mga classmates nito. "Sino naman iyon?" tanong niya.
"Wala. Mga estudyante lang na nag iinterview para sa rearch project nila." sagot ko.
Nilagay na nito ang mga pinamiling instant noodles sa cart. At tinulak na niya ito. Sumunod naman ako sa kaniya.
"Tungkol saan?" tanong niya ulit.
"Ang alin?" balik tanong ko.
"Iyong research nila." aniya. Kapag sinabi ko sa kanya ang mga sinabi ni Bielle sa akin malamang mag abnormal na naman 'to. At kung ano ano na naman ang tumakbo sa isip niya.
"Sa sardinas." maikling sagot ko.
"Sardinas? Anong klaseng research iyon? Wala na bang maisip ang mga proctor ngayon na maayos na research projects." aniya.
Papaniwalain talaga! saad ko sa isip ko.
"Tara na nga! Magluluto pa ko." yaya ko kay Vince. Mabilis akong naglakad papunta sa counter. At mabilis ding sumunod ito. Habang nakapila kami ay palihim kong tiningnan si Vince na may kausap sa cellphone nito. Hindi mawaglit sa isip ko ang sinabi ni Bielle kanina.
Magtiwala lang po kayo sa nararamdaman niyo Ate. Hindi po kayo ipapahamak niyan.
Biglang lumingon si Vince. Kaya nagtama ang mga mata namin. Ngumiti ito. At tumalikod ulit.
Should I Vince? Should I really trusted you with my feelings. Again.
________
Vince POV
Habang busy si Katniss sa pagluluto ng sinigang sa kusina. Isinalangsang ko naman ang mga pinamili namin sa kitchen cabinets. Nang maiayos ko na ay sinunod ko naman ayusin ang mga frozen goods at mga drinks. Noong college ay madalas kami ni Katniss dito sa condo ko. Pero dahil umuuwi pa rin ako sa parents ko sa subdivision kung saan din nakatira sila Katniss ay tuwing weekends lang kami tumatambay dito. O hindi kaya ay kapag may dapat projects na dapat tapusin at kailangan namin ang tulong mg isa't isa. Nagbago lang ang routine namin na iyon ng maging kami ni Bea.
"Vince, paabot naman ng kangkong diyan sa ref. Nakalimutan ko pala ilabas." utos niya.
Kinuha ko ang kangkong at inabot sa kaniya. "Thanks. Saglit na lang ito. Maghain ka na para makakain na tayo." aniya.
"Okay lang mag shower lang ako saglit? Init na init na talaga ko sa suot ko e." paalam ko dito.
"Sige." tugon niya.
Pumunta ako sa kwarto at mabilis na hinubad ang mga damit ko. Pumasok ako sa banyo sa loob ng kwarto ko at mabilis na naligo. Baka kasi mainip si Katniss. And worst ay baka layasan na naman ako 'non ng walang paapaalam. Pagtapos maligo ay nagbihis lang ako ng simpleng white tshirt at gray taslan shorts. Paglabas ko ng kwarto ko ay nakapaghain na si Katniss sa lamesa. Kasalukuyan itong nagtatali ng buhok niya. Habang nakaupo siya sa kitchen countertops. Parang nag slow motion ang lahat habang papalapit ako sa kaniya. Bawa't hawi ng buhok nito ay parang may mahikang pumapalibot dito na lalong nagpapaganda dito. Si Katniss kasi iyong klase ng babae na habang tumatagal mo tinititigan ay mas lalong gumaganda. Na hindi mo tititigan sa una mong kita. Pero siguradong lilingunin mo.
"Andyan ka na pala! Nakapaghain na ko. Kain na tayo?" aniya. Bigla akong natauhan ng magsalita ito.
"A-ah s-sige." nauutal na sagot ko. Bumaba na ito ng countertops at dumulog na sa hapag kainan. Umupo na rin ako sa pwesto ko. Kinuha ko ang kanin at nilagyan ko siya sa pinggan niya.
"Ako na lang. Kumain kana." tanggi niya ng lalagyan ko rin siya ng ulam sa plato niya.
Nagsandok na rin ako ng pagkain ko. At nagsimulang kumain. "Sarap talaga magluto. Pwede na talaga mag asawa." pabirong turan ko.
"Gusto mo ba?" Bigla akong nabilaukan. At kamalasmalasan ay wala palang tubig sa lamesa. Nagmadali akong pumunta sa ref at ininom ang tubig sa pitcher ng hindi na gumagamit ng baso.
Tawang tawa si Katniss. Nakahawak pa ito sa tiyan nito at halos nahihirapan ng makahinga sa kakatawa. "Tawang tawa ah. Muntik na kong mapahamak. Tuwang tuwa ka pa." malungkot na litanya ko.
"Ang OA nito! Paano kasi magbibiro ka tapos ikaw itong di kinaya iyong rebat ko. Ano ka ngayon?"
"E sa nagulat ako e." saad ko.
"Bet na bet mo kasi." kantyaw niya pa.
Patay malisya lang akong bumalik sa upuan ko at pinagpatuloy ang pagkain ko. Hindi na kami nagpansinan habang kumakain. Hindi na din ako nagtangka dahil mag backfire pa sakin ang gagawin ko. Katulad na lang kanina. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Ako na din ang naghugas dahil baka ako ang masabon kapag siya ang pinaghugas ko. Iyon kasi ang number one rule ni Katniss sa twing ipagluluto niya ako. Magluluto siya pero never siya maghuhugas.
Pagtapos ko maghugas ay dumiretso ako sa salas. Nakita kong nanonood si Katniss ng movie sa Netflix habang kumakain ng chips. Nakahiga ito sa couch kaya tumikhim ako. Mabilis itong tumayo at umayos ng pagkakaupo sa couch para makaupo ako. Dinala ko siya dito sa condo para sa isang bagay. Ang makapag usap kami ng tungkol sa amin. Pero ngayong katabi ko na siya ay hindi ko naman alam kung paano sisimulan. Malalim na napabuntong hininga ako sa naisip.
"May problema?" tanong ni Katniss. Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko.
"Doon sa kanina sa bar. Pwede na ba natin pag usapan?" tanong ko.
Kinuha nito ang remote at pinatay ang TV. "Tungkol saan?" aniya.
"Sa nararamdaman mo? Sa sitwasyon na sinasabi mo? Kung bakit nabibilisan ka? Kung bakit pakiramdam mo may mali? Kung anong tumatakbo sa isip mo? Gusto kong malaman kung bakit."
"Dahil?" balik tanong niya.
"Dahil gusto ko. Dahil feeling ko kahit anong gawin ko hindi kita mapapaoo. Hindi kita mapapasagot. Kasi feeling ko sa twing nakikita mo ko. Iyong nakaraan pa rin ang naiisip mo. Sa totoo lang, Katniss. Hindi ko na alam ang gagawin ko para lang paniwalaan mo ko. Kasi pagdating sayo nabobobo ako. Pagdating sayo nauutal ako. Pagdating sayo natotorpe ako. Pagdating sayo duwag ako." sagot ko.
Nang hindi siya sumagot ay naglakas loob akong lumapit pa sa kaniya. Hinawakan ko ang mga kamay niya. At dinala iyon sa mga labi ko. "Katniss, Mahal kita. Hindi ko alam kung bakit? Hindi ko alam kung pano? Kung iniisip mo na minahal kita dahil mahal mo ko nagkakamali ka. At kung iniisip mo na gusto ko lang isalba iyong pagkakaibigan natin mas nagkakamali ka. Katniss, mahal kita dahil iyon ang nararamdaman nito." sabay turo sa dibdib ko na hindi inaalis ang pagkakahawak sa mga kamay niya. "Siguro bago pa dumating si Bea, baka mahal na kita noon, pero hindi ko lang maamin sa sarili ko kasi ayokong mawala iyong bestfriend ko. Siguro kaya mas pinili kong mahalin si Bea kasi mas natatakot akong mawala ka. Kasi aminin ko man o hindi sa sarili ko, mas mahalaga ka, mas kailangan kita at mas mahal kita."
Nararamdaman kong nag uumpisa ng tumulo ang mga luha ko. At kahit hilam pa sa luha ang mga mata ko. Kitang kita ko sa mga mata ni Katniss ang pagdududa. Ang takot. Ang pangamba. At dahil doon mas nasasaktan ako. Dahil sa unang beses sa buong buhay ko. Nakaramdam ako ng takot. Takot na mareject. Takot na pagkatapos ng gabing 'to. Lumayo na siya ng tuluyan at hindi na bumalik pa.