The Bar. Hindi sana ako sasama kila Aya kung hindi lang parang batang nangungulit si Vince. Wala itong tigil sa kakakulit sa akin na bawiin ko iyong sinabi ko sa kaniya. Pero dahil natutuwa ako ay hindi ko binabawi iyon. Hindi ko naimagine na may ganitong side pala si Vince. Iyong pa baby. Hindi mo rin naman maiimagine dahil ang laki laking mama nito. He's 6'1" kaya ang awkward tingnan kung magpapabebe ito.
Kami lang ni Aya at Mich sa table namin ngayon. Kinakausap kasi nila Nathan si Kuya Carlo kasama sila Vince, Chris at Francis.
"Hoy babae! Ispill mo na!" ani Aya.
"Ang alin na naman?" tanong ko. Ininom ko ang orange juice na inorder ko. Wala kasi ako sa mood uminom ngayon.
"Anong meron sa inyo ni Vince?" anito.
"Ilang beses ko bang sasabihin na nililigawan niya lang ako. Iyon lang."
"Bakit ka niya nililigawan?" tanong ni Mich.
"Baka trip niya ko maging katulong."
"Nakakatawa." ani Aya. Inirapan pa ako nito bago sumimsim sa iniinom niya.
"Kasi iyang mga tanong niyo obvious naman iyong sagot. Bakit ba nanliligaw ang lalaki? Malamang gusto niya maging girlfriend iyong babae di ba?" paliwanag ko.
"Ang ibig sabihin namin e kung anong sinabi niya sa iyo nong nagpaalam siyang manliligaw siya sa iyo?" ani Mich.
"E di. Pwede bang manligaw? Ganoon."
"Kausapin mo iyang kaibigan mo, Mich. Sarap kausap." ani Aya na hinihilot pa ang sintido niya.
"Fine. He said he loves me. Na mahal na mahal niya daw ako. Na hindi naging sila ni Bea kahit pa umalis ako. Na narealize niyang mas mahal niya na ako kung kailan wala na ako. Happy?"
"So kayo na?" ani Aya.
"Nanliligaw pa nga lang di ba? Malamang hindi pa. Saka ayokong padalos dalos. Hindi na rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kaniya." saad ko.
"Mamatay? Malugi man negosyo?" ani Aya.
"Oo. Maghiwalay man kayo ni Nathan." nakangising wika ko sa kaniya.
"Hoy bawiin mo nga iyan! Inggit na inggit sa lovelife. Pati ako damay!" ani Aya.
"Baka si Mich ang inggit. Siya walang lovelife e." kantyaw ko kay Mich.
"Di ka nakakasiguro diyan." ani Mich.
"Bruha ka! May tinatago ka ding kalandian. Spill mo iyan!" excited na bulalas ni Aya.
"Saka na. Baka mapurnada pa." ani Mich. Inismiran ito ni Aya. Kaya natawa kami ng malakas ni Mich. Napahalakhak na din si Aya.
Patuloy lang kami sa pag aasaran ng biglang dumating sila Nathan.
"Mukhang nagkakasayahan kayo ah." ani Francis.
Sabay kuha ng isang bote ng beer at ininom ito.
"Nagkwekwentuhan lang kami. Catch up, you know?" sagot ni Aya. Tinabihan ito ni Nathan. Samantalang si Chris ay tumabi kay Mich.
"Asan si Vince?" tanong ni Aya. "Don't tell me di pa sinasagot ni Katniss nambababae na agad." nakangising tanong ni Aya. At kapagkuwan ay sinulyapan pa ako.
"Imposible iyon. Inlove na inlove ang mokong e." ani Francis sabay kindat sa akin.
Baliw!
Biglang dumilim ang paligid at tanging spotlight lang ang natirang liwanag. Nakatutok ang spotlight sa stage. Lahat kami ay napatingin sa lalaking may hawak ng gitara na papunta sa gitna ng stage.
Ano na naman 'to?
"Goodevening. It's been two years ng huli akong tumapak sa stage na ito. That time, hindi na ako tumugtog kasama ang banda ko. Dahil sa isang babae. Dahil sa twing makikita ko ang stage na ito. Ay naaalala ko kung paano ko siya nasaktan. Kung gaanong daming luha ang iniyak niya habang kumakanta siya sa stage na ito at nagpapaalam sa akin. Pero andito ako ngayon sa stage na ito dahil din sa kaniya. After two years, nagkita ulit kami. At kasama ko siya ngayon dito." aniya.
Luminga linga siya sa paligid. Alam kong hinahanap niya kung saan kami nakapwesto. "There. Hi Katniss! Kaway ka naman babe. Baka sabihin nila nag iilusyon lang ako e." utos niya pa.
Biglang tumutok ang isa pang spotlight sa kinauupuan namin nila Aya. Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. Kinakalabit ako ni Aya ngunit hindi ko siya pinapansin. Narinig kong kinakantyawan ng mga audience sa loob ng bar si Vince. Sinilip ko siya sa pagitan ng mga daliri ko. Pero mukha naman siyang hindi apektado. Ngiting ngiti pa nga ang loko.
"Pasensiya na kayo. Mahiyain talaga iyan e. Anyway, I came here for just one reason. Nahihirapan kasi akong papaniwalain siya na mahal ko talaga siya. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa nakaraan namin. So naisip ko kantahan siya sa harap ninyo. Para ipakita sa kaniya na seryoso ako." ani Vince. Inayos nito ang pagkakasabit ng guitar strap sa leeg niya.
"Babe, listen. This song is for you." Nginitian niya ako bago niya ipikit ang mga mata niya. At ilang segundo ay nagsimula na siyang kumanta.
Do you hear me, I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm trying
Girl, I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard
Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
Nakangiti siyang kumakanta kahit pa nakapikit ang mga mata niya. If you'll see him singing. Mararamdaman mo at makikita mong inlove siya. At hindi ako bulag para hindi rin iyon makita. Pero mas gusto kong baliwalain.
They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you, I promise you, I will
Idinilat nito ang mga mata nito at tumingin sa akin. Nakangiti ito ng matamis sa akin. Iyong ngiting makalaglag panty. Iyong ngiting Kim Young-Kwang na bida sa korean series na d-day.
Sh*t! Ang gwapo talaga e. turan ng isang parte ng utak ko.
Lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again
I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday
Nang matapos itong kumanta ay nagpalakpakan ang mga audience. May mga babae pang kinilig. At syempre may mga na inggit. Kanina pa ako naiihi sa kaba at kahihiyan. Nagpaalam ako sa mga kasama ko. At akmang aalis na sa kinauupuan ko ng magsalita ulit si Vince sa mikropono nito.
"Babe, would you be my girlfriend?" tanong ni Vince.
"Hindi." sigaw ko. Madami ang nalungkot sa sagot ko. Ngunit walang wala iyon sa lungkot na makikita sa mukha ni Vince ngayon.
"Sa ngayon. Naiihi na kasi ako. Banyo break muna?" nakangiwing dugtong ko.
Nagtawanan ang mga tao sa bar. Ganoon na din si Vince na parang iiyak na kanina. Nag thumbs up ito kaya dumiretso na ako papunta ng comfort room. Nakita ko pang nagpasalamat ito sa mga nanonood at kapagkuwan ay bumaba na ng stage. Mabilis akong umihi. Pagkatapos ay inayos ko ang sarili ko. Still in shock pa din ako sa nangyayari. Kung may mas lalala pa sa word na shock ay iyon ang nararamdaman ko ngayon. Imagine dati hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Vince na gusto ko siya dahil natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin. Tapos na brokenhearted ako. Lumayo. Tapos pagbalik ko, hinahabol habol na ko ng bestfriend ko. At ang mas matindi ay gusto niya kong maging girlfriend for real. Hindi rebound, kundi certified girlfriend.
Kung nananaginip ako ngayon, sampalin niyo na ako. Hindi ko na kinakaya ang mga ganap sa buhay ko. saad ko sa isip ko.
"Inhale. Exhale. One more time, Katniss. Inhale. Exhale. Very good. Kalma lang. Alam kong kagandahan ka, pero ikaw lang iyan. Okay?" kausap ko sa sarili ko. Napabuntong hininga ako ng malalim. "Easy. Si Vince lang iyon. Na mahal na mahal ka." Natawa ako sa naisip. Tiningnan kong muli ang sarili ko sa salamin. At nang masiyahan sa itsura ko ay lumabas na ako ng comfort room.
"Ang tagal mo naman."
"Ay kabayo!" sigaw ko. Hinawakan ko ang dibdib ko sa gulat. Feeling ko ay lumabas ang puso ko ng very slight. "Bakit ka ba nanggugulat?"
"Tinatanong kita. Kung ginugulat kita di sana bulaga sinabi ko di ba?" ani Vince.
Inirapan ko ito. At pinalo ang braso nito. "Pilosopo ka pa! Ano ba kasing ginagawa mo diyan?" tanong ko.
"Inaantay ka. Ang tagal mo kasing bumalik. Akala ko napano ka na." anito.
"Naghilamos lang ako. Dami mong eksena e." saad ko. Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa pwesto namin kanina. Ilang saglit ay nasa tabi ko na rin si Vince at sinasabayan ako sa paglalakad.
"Sorry. Hindi mo yata nagustuhan." aniya.
"Hindi naman sa hindi nagustuhan. Pero hindi ko lang maintindihan."
"Ang alin?" tanong nito.
"Ang sarili ko." sagot ko.
"Bakit?" tanong ulit niya.
"Masyado kasing mabilis iyong pangyayari. Hindi ko alam. Pero parang may mali. May hindi tama. Ewan ko. Pero naguguluhan pa talaga ko."
"Sa nararamdaman mo o sa nararamdaman ko?" tanong niya ulit.
"Sa sitwasyon." sagot ko.
Tiningnan niya ako ng mataman. Pinipilit basahin kung anong tumatakbo sa isip ko. Nang bigla na lang niya akong hawakan sa braso ko at hilahin palabas ng lugar na iyon. Dumiretso kami ng parking lot at inalalayan niya akong makasakay sa kotse niya.
"Baka hanapin nila tayo." wika ko.
"Itetext ko na lang si Nathan na nauna na tayo." sagot niya. Sinuot niya ang seatbelt ko ng hindi pa ako kumikilos. Pagkatapos ay sinuot niya ang kaniya. Nang masigurong nakaayos na ako sa pagkakaupo sa loob ng sasakyan ay mabilis niyang inistart ang makina.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Sa condo ko. Mag uusap tayo." aniya.