"Asan ka Anak?" ani Mommy. Tinatamad na sumandal ako sa headboard ng aking kama. At kinusot kusot ang mga mata ko. Late na ako nakauwi sa condo ko dahil tinapos ko lahat ng mga papeles na for signing na kahapon. Pinipilit kong maging sobrang busy hanggat hindi ko pa alam kung paano kakausapin at haharapin ulit si Vince. Nag decide na akong balikan siya. Pero ang gusto ko sana ay iyong bongga. Naisip ko kasi ang bongga ng pagbalik ko ng singsing sa kaniya. Siguradong durog na durog siya non. Ako din naman. Pero alam kong mas lalo siya. Tama naman siya. Pwede naman naming ilaban magkasama. Pero naduwag lang talaga ako. And I'm sorry for that until now. "Nasa condo, Mommy. Bakit?" saad ko. Tiningnan ko ang orasan sa bedside table ko. Alas otso?As early as 8o'clock? Ano na namang meron!

