Vince POV "Vince tama ba iyan pre!" awat ni Chris sa akin. Andito sila ngayon nila Nathan at Francis sa condo ko. "P-pare akin na i-iyan!" inaabot ko ang bote ng alak na kinuha niya sa akin. "Tang'na pare ang dami dami mong pera di ka makabili niyan!" saad ko sa lasing boses. "Ulol! Kaya kong bumili kahit isang truck nito. Ang sinasabi ko tumigil ka na kakainom. Tingnan mo nga sarili mo. Ni magpagupit di mo na magawa. Tang'na naliligo ka pa ba ha?" ani Chris. Halos dalawang buwan na ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Katniss. At halos dalawang linggo na din ako walang palya sa kakainom. Aaminin kong tinanggap ko ang desisyon niya. Pero hindi ko sinasabing mahihirapan akong tanggapin iyon. Mahal na mahal ko si Katniss. Kaya iyong word na let go. Tang'na mamatay na nakaisip ni

