It's been one week since Vince and I broke up. Aaminin ko nahihirapan ako. Pero pinipilit kong kumbinsihin ang sarili ko na ito ang tamang gawin. We need space to breathe. Hurting him is the last thing I want to do. But I have to. We have to. Andito ako ngayon sa condominium ko sa Mandaluyong. Ayokong umuwi sa tagaytay dahil mas lalo ko lang naiisip si Vince doon. Ayoko rin magtagal sa opisina dahil kahit doon ay nakikita ko siya. At ang mas masama ay naamoy ko pa siya. Sobrang hirap pero pinipilit kong kayanin. Tumayo ako sa kama ko at pumunta sa kusina para kumuha ng bote ng alak. Pagkatapos ay dumiretso ako sa balcony. Makikita mo ang mga sasakyang na stack sa traffic. Ang nagtataasang gusali. Ang mga ilaw na nagbibigay ng liwanag sa buong city. Gabi na pero parang wala akong ginawa

