"Hi Mommy!" bati ko kunyare sa kanya pagkababa ko ng hagdan. Sumenyas si Mommy na pumunta sa salas. Nakita ko si Vince na nakaupo. Tipid na ngumiti ako at tumabi sa sa kanya.
"So kailan niyo pa sana balak sabihin? o wala talaga kayong balak sabihin?" tanong ni Mommy.
Sasagot sana ako kaso ay hinawakan ni Vince ang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Tinanguan niya ako na parang sinasabi na siya na ang bahala.
"Tita Macy, sorry po lung hindi namin nasabi sainyo kaagad. Nag alangan po kasi si Katniss. Lalo na po at ang pagkakakilala niyo sa akin ay bestfriend niya. Tapos haharap ako sainyo at magpapakilala ulit na boyfriend niya." sagot ni Vince kay Mommy.
"May magagawa pa ba ako? E sinagot kana ni Katniss. Pero masaya ako at ikaw ang boyfriend ng anak ko dahil atleast sa iyo palagay na ako. At malaki ang tiwala ko sa iyo, Vince. Kaya please lang 'wag na 'wag mong sisirain iho." bilin ni Mommy.
"Opo Tita Macy, makakaasa po kayo." wika ni Vince. "Am, Tita Macy, ipapaalam ko po sana si Katniss, isasama ko po siya sa gig ko tonight." paalam ni Vince. Hindi ito makatingin ng diretso kay Mommy. Halatang kinakabahan dahil namamawis ang mga kamay nitong nakahawak sa sa akin.
"Aba't kakasabi niyo pa lang sa akin na mag boyfriend girlfriend na kayo, hihiritan niyo na ako agad ng ganiyan."
"Mommy, please?" pakiusap ko. Nag beautiful eyes pa ako para payagan niya ako. "Ang photoshoot, Mommy. Hmmm?" natatawang banta ko.
"E kung isumbong kaya kita sa Daddy mo! Allowance baby? Hmmm?" banta niya din sa akin. Linapitan ko si Mommy at Niyakap siya. Natatawang yumakap din si Mommy sa akin. "Sige na! Magbihis kana." aniya.
"Mommy, i need help. Hindi ko alam ano isusuot ko e." bulong ko kay Mommy. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at Tumayo. Sabay kaming umakyat sa kwarto ko ni Mommy.
Black halter croptop, Highwaist white pants with Chanel strass belt na tinernohan ng Black low heel ankle boots ang pinasuot sa akin ni Mommy. Hinayaan lang niyang nakalugay ang buhok ko. Nilagyan niya ako ng konting liptint. At syempre inayos din niya ang kilay ko. Wala talaga akong alam sa pag mamake up. Liptint lang okay na ako. Kaya pagdating sa mga ganitong bagay si Mommy ang bahala sa akin. Maganda kasi ang taste niya. At dahil dati din siyang modelo noong kabataan niya.
Tiningnan ko ang sarili ko sa vanity mirror. "Thank you, Mommy!" hinawi niya ako buhok ko sa likod ng balikat ko.
"Baby! Please guard your heart okay? Always remember that love yourself more than anybody else. Look at you, your very pretty. So please, don't do anything that will harm you physically or emotionally. You know how much i and dad love's you. Though my tiwala ako sa kanya, pero kung saktan ka man niya sa kung anumang paraan, isumbong mo lang sa akin, akong bahala kanya."
"Yes, Mommy. I will, promise."
"My baby is not baby anymore. Dalaga ka na talaga. My boyfriend ka na." parang naiiyak na turan nito. "O, siya bumaba ka na ng makaalis na kayo. Promise to text me when you get there. Go home as soon as matapos ang gig nila Vince. Don't drink." bilin pa ni Mommy.
"I love you, Mommy. Thank you."
"Your welcome, baby. Sige na! hindi na ako bababa at may tinatapos pa akong mga papers na dapat basahin. Take care, okay. Go na!"
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan dahil baka naiinip na si Vince. Halos 30 minutes din ako inayusan ni Mommy. Pagdating ko sa sala ay may kausap ito sa phone.
"Oo, pare. Papunta na ako sinundo ko lang ang girlfriend ko. Sige." binaba na nito ang cellphone nito at nilagay sa bulsa ng pantalon nito.
"Babe, tara." aya ko sa kanya saktong paglingon niya sa akin. Hindi ito kumibo kaya pinitik ko ng mahina ang ilong nito. "Babe, huy!"
"Ah, eh babe, wag ka na lang kaya sumama." napapakamot sa ulong turan nito. Sumimangot ako. At aastang babalik na ng kwarto ko ng hawakan niya ang braso ko. "Halika na! Sorry, ang ganda mo kasi e. Baka mapaaway ako sa bar mamaya. O hindi kaya hindi ako makapag concentrate sa stage kasi mamaya may pumormang iba sa iyo don habang wala ako sa tabi mo."
"OA babe. Tara na! Sayang effort ko 'no." hinila ko na siya palabas ng bahay.
"May jacket ako sa kotse, mag jacket ka na lang ha?"
"Ayaw, sayang porma!" binelatan ko siya at nauna nang sumakay sa kotse. Nakita kong iiling iling pa siyang sumunod sa akin.
_______
Nang makarating kami sa bar ay inilibot ko ang tingin ko. Hindi siya parang restaurant lang na may stage na pwedeng mag perform. Literal na bar ito na may dance floor though may stage din para sa performers, pero basically gimikan talaga siya ng mga elites. Dumiretso kami sa backstage pagpasok namin sa loob. May maliit na kwarto doon na nakalagay ang pangalan ng banda nila The Peppermints Iyon ang pangalan ng banda nila. Noong tinanung ko si Vince bakit iyon ay dahil daw pare-pareho silang mahilig sa bubble gum. Ang labo di ba?
Kumatok si Vince bago buksan ang pinto. Nabaling ang tingin ng mga nasa loob ng kwarto sa amin ng makapasok kami. Nakatingin sila pare pareho sa kamay naming magkahawak ni Vince.
"Katniss?" ani Nathan. "Ikaw iyong girlfriend na tinutukoy ni Vince?" sabay lapit sa akin. Tumango ako. Tinapik nito ang balikat ni Vince. "Congrats pre! Kala ko matatagalan ka pang marealize e. What a suprise!" natatawang turan nito.
"So, ikaw pala iyong sinasabi nilang Katniss, I'm Carlo, owner of this bar and boyfriend ni Shammy." Shammy is Vince older sister. Inabot nito ang kamay niya para makipag hand shake. Ngunit nagulat ako ng iabot ko ang kamay ko ay halikan nito ang likod ng palad ko. Mabilis na inalis ni Vince ang kamay kong hawak nito.
"The next time you'll do it. Pasasabugin ko iyang nguso mo, kahit magalit pa si ate." ani Vince. Hinila niya ako at pinaupo sa couch na pang isahan lang. Nagtawanan ang mga kabanda ni Vince at even si Kuya Carlo.
"Seloso, amp!" ani Chris. "Kumain ka na ba, Kat?" tanong nito sakin.
"Kaninang lunch, i guess. Ang aga kasi akong sinundo ni Vince, di pa pala kami nakapag dinner." sagot ko.
"Sige wait lang papahatid ako ng foods dito." ani Kuya Carlo. Nagpaalam ito at lumabas muna ng kwarto. Kumuha si Vince ng monoblock chair at pumwesto sa tabi ko.
"Sorry babe. Di ka pa pala nag dinner." aniya.
"It's okay. Same lang naman tayo. Saka magpapadala naman daw ng foods si Kuya Carlo. Teka nga pala, ano bang pinagsasabi mo about sa akin at parang gulat na gulat sila lalo na si Kuya Carlo ng makita ako."
Pinisil nito ang ilong ko. "Wala iyon. Sabi ko sobrang ganda mo."
"Sabi ng tigilan mo iyang ganyang habit mo e." Kinuha ko ang cellphone ko. Binuksan ko ang cam at tiningnan ang ilong kong pinisil nito. "Tingnan mo, ang pula na naman." naiinis kunyaring turan ko.
"Kutis koreana." natatawang turan nito. Dumating ang pagkain na pinahanda ni Kuya Carlo. Nachos, sisig, fries and Beer. "Wala bang juice? o kahit tubig?" tanong ni Vince sa waiter na naghatid ng pagkain.
"Ano iyan pre bata? Nasa 20 na iyang girlfriend mo, nasa legal age na iyan para uminom." ani Nathan. Binato ito ni Vince ng throw pillow na nasa likod ko na ikinatawa naman nito. Bumaling si Vince sa waiter.
"Pre' pahingi na lang ng juice saka tubig. Hindi kasi umiinom ang girlfriend ko e." aniya. Sumunod naman ito at bumalik para kumuha ng inumin.
"Naks! Feel na feel ang girlfriend. Pustahan mga one month." ani Chris.
"Two." saba't ni Nathan.
"Twelve." ani Francis.
"Sa tingin mo aabot sila ng isang taon." tanong ni Chris.
"Twelve days pare. Maghihiwalay iyan." sagot ni Francis. Kaya nagtawanan ang mga ito.
Pinagbabato ni Vince ng french fries ang mga ito. Ngunit tawa pa rin ng tawa ang tatlo. Kumain lang ako ng kumain ng nachos dahil alam kong mag aalaskahan lang sila ng mag aalaskahan na naman. Pikon kasi si Vince pagdating sa mga kabanda niya, kaya madalas siyang maging pulutan ng mga ito. Katulad ngayon.
"Pare awa't na! Sinasayang mo iyong pagkain. Madaming batang nagugutom " ani Chris. Habang iniiwasan ang mga fries na binabato ni Vince.
"Iwan niyo na lang kaya kami ni Katniss dito tapos icheck niyo na iyong mga instruments niyo doon sa stage."
"Mamaya pang alas diyes ang salang natin pre!" ani Francis.
"O bakit ang aga niyo ko pinapunta dito. Alas otso palang, dalawang oras ko pa pag iintayin si Katniss dito. Mga kumag talaga kayo." naiinis na turan ni Vince.
"Naexcite kasi kami na after two years may papakilala ka na ding girlfriend, kaya ayon!" sabay peace sign ni Nathan na akala mo nagpapacute na korean actor.
Naiiling na bumaling sa akin si Vince. "Okay lang ba sayo babe, baka magalit si Tita Macy, two hours usually ang gig namin. Baka twelve na ng madaling araw tayo makauwi." nag aalalang tanong nito. Pinunasan nito gamit ang panyo niya ang gilid ng labi kong may nagkalat na cheese galing sa nachos na kinakain ko. My heart skip a bit. No it's beating fast. Ang lapit lapit ng mukha niya sa akin. Mga konting push lang for sure mahahalikan na niya ako.
Tulak niyo na nga! Yiiie!
Kinikilig na ako sa loob loob ko pero ayokong ipahalata kay Vince. May mga audience pa kami na akala mo ay nanonood ng korean series. Naka pangalumbaba pa ang mga ito at titig na titig sa ginagawa ni Vince. Sabay sabay na impit na titili na akala mo ay di maihing babae sa kilig.
"Ako na." Inagaw ko sa kanya ang tissue na hawak niya at ako na mismo ang nagpunas ng cheese sa gilid ng labi ko. "Sorry, ang kalat ko pala kumain." Sabay ngiti sa kanya. Nag beautiful eyes pa ako na parang sa korean series na napanood namin noon. Kaya natawa siya. O mas tamang sabihing kinilig?
"Tatawagan ko na lang si Mommy para hindi siya mag worry. Saglit lang." Lumayo ako sa kanya at tinawagan ko si Mommy para magpaalam. Bumalik ako sa kinauupan ko pagkatapos namin mag usap ni Mommy. "Okay lang daw sabi ni Mommy. Basta uwi daw tayo agad."
"Okay. Kukunin ko lang iyong isang gitara ko pa sa kotse babe. Ayos ka lang ba dito?" tanong niya.
"Pwedeng sumama?" nag aalangang balik tanong ko sa kanya.
"Sige." Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas. Ang dami ng tao sa bar. May bandang kumakanta sa stage habang may mga sumasayaw sa dance floor. Maingay, mausok at literal na bumabaha ng alak. Halos mga college student ang nandito sa bar ngayon. Pero may mga
Elites din kung pagbabasehan sa itsura at pananamit nila. Dumaan kami sa likod ng stage dahil sabi ni Vince mas malapit daw ang exit door doon papuntang parking lot.
"Babe, dito ka muna ah. Ako na lang ang kukuha ng gitara sa kotse. Wait for me here ha?" bilin niya. Tumango na lang ako at umupo sa bakanteng upuan malapit sa exit door. Kinalikot ko muna ang cellphone ko habang nag iintay kay Vince. Habang busy ako sa kakatingin sa i********:, may baklang humahangos na lumapit sa akin.
"Andyan ka lang pala be! Ikaw iyong kapalit na Vocalist ni Jane di ba? Halika na bilis! Ikaw na ang susunod na sasalang."
"Pero hindi ak---". tatanggi sana ako kaso ang laking bakla nito. Parang mas papasang bouncer sa laki ng katawan niya.
"Ang ganda ganda mo be! Bagay ka mag model imbes na bokalista! After nito mag usap tayo ah. Pasisikatin kita." litanya pa ng baklang mukhang bouncer ang katawan. Kinaladkad na niya ako kaya hindi na ako makapagsalita pa. Dinala niya ako sa backstage at binigyan ng mikropono. "Sige be a, goodluck." Pagkasabi 'non ay iniwan niya na ako sa bandang puro babae pala ang miyembro.
"Ikaw ba si Belle?" tanong ng babaeng may hawak ng drumstick.
"Actually paano ba to? Mali kasi ng nahila iyong baklang iyon e. Hindi ako iyong hinahanap niya. Bigla na lang kasi niya akong kinaladkad kaya di na ko nakatanggi. Sorry." napapakamot sa leeg na sabi ko sa kaniya.
"Hala! Ibig sabihin wala pa iyong papalit talaga kay Jane. Kahit kailan talaga sakit sa ulo iyong babae na iyon." anang babaeng may hawak na gitara. "Pero kumakanta ka ba?"
"Ha?" nalilitong sagot ko. "Nako pang banyo lang iyong boses ko. Baka mapahiya lang kayo sakin. Saka di ako marunong magperform. Sige a, alis na ako. Baka hinahanap na ako ng boyfriend ko e." Akmang tatalikod na ako ng hawakan nung babaeng may hawak na isa pang gitara ang braso ko.
"Kahit boses palaka ka pa. Please save us tonight. Maganda ka naman for sure madadala mo pa din ang crowd. Last chance na kasi namin ito. Kapag hindi pa kami magperform tonight hindi na kami papayagan ni Sir Carlo tumugtog ulit dito. Please?"
Patay na! Aisssh!