"Joke ba iyan? Hindi nakakatawa, Vince." sagot ko. Hindi niya pa rin ako tinitingnan kaya hindi ko sigurado kung seryoso ba siya o ginugoodtime niya lang ako.
"I'm serious, Kat. Be my girlfriend." Sa wakas tumingin na din siya sa akin. I saw pain in his eyes. Or I'm just seeing myself. He's lost. But maybe hurt. And I'm hurting too.
"Ano bang akala mo sa hinihiling mo? Parang bumili ka lang ng candy sa tindahan ah? Piso piso may sukli pang smile. Vince, Ako 'to? si Katniss? Bestfriend o? Bestfriend."
"That's why sa iyo ako humihingi ng pabor. Kasi bestfriend kita. Kasi alam ko higit sa kahit kanino pa man ikaw ang mas higit na makakaintindi sa akin. Alam mo kung gaano ako nasaktan noon, at kung gaano pa din ako nasasaktan ngayon."
"So okay lang na ako naman ang saktan mo. Kasi bestfriend e. Oo, sige naiintindihan kita. Pero paano naman ako?" Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nasasaktan na ako. Anytime feeling ko tutulo na iyong mga luha ko.
"Do you love me?" Parang nanikip ang dibdib ko. "May gusto ka ba sa akin, Kat?"
Sh*t! Vince ano ba? Badtrip naman e. "Kat, I'm asking you."
Hinawakan niya ang mukha ko at binaling paharap sa kanya. Nakatingin siya sa akin na parang binabasa niya pati laman ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot. Aamin ba ako? I wanted too. But I'm scared. Paano kung? "Tell me, Kat, Do you love me?"
"Oo." I said. He smile. "As my bestfriend." Dugtong ko.
Is he hurt? Hindi ako sigurado. Pero parang nakita ko sa mga mata niya na nasaktan siya sa sinabi ko. Pero hindi, imposible. Mahal niya pa si Bea. Siya pa din.
"Kung ganon, be my girlfriend. You don't have feelings for me. So, hindi kita masasaktan, right?"
"But what if i did afterwards? And maramdaman mo na si Bea pa din ang mahal mo. What will happen, Vince?" I looked straight to his eyes. I want to know. I wasn't sure if i can handle whatever he might say. But i want to know.
"I crossed the breach when we get there. Dahil honestly hindi ko alam ang sagot, Kat. All i wanted now is to forget her. And the only person I know that can help me is you." He hold my hand and slightly squeeze it. "Please."
You ask for it, Kat. Are you ready? Tanong ko sa sarili ko. I wanted too. But I'm not sure.
"What's the catch? Hindi biro ang hinihiling mo, Vince. Anong kapalit?" Baliw kana, Katnis! Baliw kana talaga. Sabi ng isang parte ng utak ko.
"Ikaw ang magsabi. Kahit anong gusto mo, Kat."
Humigop ako ng hangin. Piling ko kasi kapos na kapos ako ng hangin. Umasta akong nag iisip.
Pero nag iisip naman talaga ako. Tsk!
"If pumayag ako gusto ko ako lang, No sidechicks. My rules, dahil sabi mo gusto mo makalimutan siya. Kung paano ang trato natin noon sa isa't isa ganon pa din tayo." Magsasalita sana siya pero pinigilan ko siya. "No buts, my rules."
"Ano pa?" tanong niya pa kapagkuwan.
"Wala pa akong ibang naiisip, sa susunod na lang kapag naisip ko na."
"So it means pumapayag ka na? Tayo na? Girlfriend na kita?" Hindi ko alam pero parang excited siya. Anyare?
"Yes?" Sagot ko na parang tanong. Ano ba talaga, Katniss? "Am, Yes! Girlfriend mo na ko." Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Hindi lang basta yakap. Mahigpit na yakap.
Bahala na! Masaktan na kung masasaktan.
________
"What? Katniss, nababaliw ka na ba?" Hindi makapaniwala na saad ni Aya. Andito kami sa field nakaupo sa ilalim ng puno kung saan kami madalas tumambay kapag vacant namin. Sinabi ko sa kanila na kami na ni Vince. At kung ano ang napagkasunduan namin. Kaya ito hysterical ang lola mo.
"Masokista ka 'te? Baka gusto mo saksakin ka na lang namin ngayon. Di iyong papatayin mo paunti unti iyong sarili mo." ani Mich.
Ang brutal talaga ng mga bunganga nito.
"Grabe naman kayo! Sabi naman niya gusto niya na kalimutan si Bea. Saka chance ko na ito para mabaling naman sakin iyong paningin niya. Malay niyo di ba makapag move on siya. Di may chance na na mahalin niya ko. Baka nga mapaibig ko pa iyon."
"G*ga! Kung talagang mapapaibig mo iyon sana matagal na. Ilang taon na kayong mag bestfriend pero sa iba pa din nainlove di ba? Nag momove on pa nga. Sige sabihin nating maka move on. E paano kung sa iba na naman nainlove, aber? Paano ka?" ani Aya. Hindi ako nakaimik sa tinuran niya. Dahil kahit ako hindi ko alam ang sagot sa tanong niya.
"Katniss, matalino ka naman, bakit di ka muna nag isip. Bawiin mo iyong kasunduan niyo. Kahit saan mo tingnan talo ka diyan. Ikaw din ang masasaktan sa huli. Baka this time ikamatay mo na."
"Aya, Mich. Please i want to try. Please, huli na to. Kapag walang nangyari. I give up. Titigil na ako. Makikinig na ako sainyo. Mag momove on ako. Lalayuan ko na siya. Pero please, ngayon lang. Suportahan niyo ko. Please." Pakiusap ko sa kanila. Pinagdaop ko ang mga palad ko at lumuhod sa harap nila.
Inalalayan akong makatayo ni Aya at niyakap. Nakiyakap din si Mich sa amin. "Last na ito, Katniss. Kapag hindi mo ginawa iyang sinabi mo samin, Friendship Over talaga tayo." ani Aya.
"Promise." Sagot ko at niyakap ko sila ng mahigpit. Alam kong iniisip lang nila ako. Dahil higit sa lahat sila ang nakakita sa akin kung paano ako lihim na nasasaktan noong mga panahon na magkasama pa si Vince at Bea. But i know, naiintindihan nila ako ngayon. Sana lang hindi ko pagsisihan ang desisyon ko. Sana.
______
Sabado ngayon at wala akong klase. Isang linggo na ang nakakaraan simula ng maging girlfriend ako ni Vince. Maayos naman ang lahat. Parang ganoon pa din kami. Except na lang sa madalas niyang paghawak sa kamay ko tuwing magkasama kami. Holding hands while walking ang peg. Palagi niya din akong tinitext o tinatawagan. Hatid sundo niya din ako tuwing uwian at papasok sa University. Pero kapag may klase pa siya ay kila Aya at Mich na ako sumasabay. Masaya ako. Kasi ngayon nag level up ung relationship status namin. Pero may kulang pa din. Hindi pa din ako ang mahal niya.
Kinuha ko ang unan ko, tinakip ko sa mukha ko at tumili ng malakas. Maloloka na talaga ako! Aiiisssh!
"Katniss, Iha!" tawag ni mommy sa akin. "Buksan mo itong pinto. May bago kaming product. I want you to try this. Bilis!" aniya.
Bumangon ako sa kama at binuksan ko ang pinto. All out ang smile ni mommy habang hawak ang bagong mga produkto na sinasabi niya. It's a new perfume and new liptints.
"Try mo baby! Bilis." Inispray niya sa akin ang perfume. Infairness ang bango nga! "What can you say?" Excited na tanong ni mommy.
"Mabango mommy. For sure bebenta iyan."
"Saiyo na iyan baby! And saiyo ko din ipapangalan ang perfume na iyan. Try this liptint, i know it suits you." Humarap ako sa vanity mirror ko at nag apply ng shade na bigay ni mommy. "Ang ganda baby! Bagay sa iyo. Gusto mo ba ikaw na din ang model ng mga ito?"
"Ayaw ko po. Mommy, alam mo naman hindi ako pang ganyan. Di ako mahilig mag pose sa camera." tanggi ko.
"Sayang kasi ang ganda mo anak. Ayaw mo mag artista, ayaw mo mag model, ayaw mo mag beauty queen. Ang ganda ganda mo kaya baby. Di mo ba talaga mapagbibigyan si mommy? Promise ngayon lang. Sayang kasi baby sa iyo nakapangalan ang collection na ito e." Naglungkot lungkutan ito na animo'y kawawang kawawa.
"Sige na po. Pero ngayon lang ah. Promise niyo iyan." Kung di ko lang talaga kayo mahal!
"Thank you baby! Next week pa naman ang photoshoot ng products. Inaasikaso pa ang lay outs. I love you baby. Alis na ko."
"Love you too, mom." Kumaway muna ito bago isara ang pinto ng kwarto ko. Biglang nag ring ang phone ko. Tumatawag si Vince sa f*******: messenger. Nag request pa ng videocall. Dumapa ako sa kama bago ko sinagot ang tawag niya.
"Babe. Busy?" tanong niya agad sa akin pagkasagot ko ng tawag niya. Hanggang ngayon hindi pa din ako sana'y sa endearment niya sa akin. Sinabi ko naman sa kanya na hindi na kailangan. Pero mukha pa rin daw kaming mag bestfriend kung magtatawagan lang kami sa pangalan namin.
"Nope." sagot ko.
"Bakit parang nakasimangot ka na naman? Bad day?" aniya.
"Hindi naman, kaso feeling ko nabudol ako. Mommy wants me to do a photoshoot para sa bagong products niya. Ginamitan ako ng paawa effect. Ayon, it's a yes for me!"
"In short, magmomodel ka ng product ni Tita Macy. You can do it babe. Don't worry I'll be there sa photoshoot mo." aniya.
"Okay. Saka wala na din naman akong takas kay Mommy." tinanggal ko ang tali ng buhok ko at pumihit pahiga sa kama. Nangalay ata iyong likod ko.
"Why?" tanong ko sa kanya ng makita kong titig na titig siya sa akin.
"Ang ganda mo lalo kapag nakalugay ang buhok mo. Huwag mo na itatali iyan ah."
"Mainit kaya! Saka huwag mo nga akong binobola." tinaasan ko siya ng kilay.
"Pero mas maganda ka pa din kapag nagsusungit ka. Don't you ever do that sa harap ng ibang lalaki ah. Baka mapaibig mo. Iwan mo ko."
"Baliw. Puro ka kalokohan. Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"Wala nga akong magawa e. Pero may gig kami mamaya. Sama ka?" aya niya sa akin. Noong mag bestfriend pa lang kami ni Vince never niya ako pinapasama sa gig nila dahil mapupuyat lang daw ako. Typical reason ng mga kuya. Kaya naman nagulat ako ngayon ng ayain niya ako.
"Dati ayaw mo akong pinapasama sa mga gig niyo. Anyare?"
"Your my girlfriend now. And I have all the rights now." he said. Hindi ko siya maintindihan kaya nag thumbs up na lang ako.
"Kaso baka di ako payagan ni Mommy."
"Sunday naman bukas. Ako na lang magpapaalam kay Tita Macy. Does she know about us?" tanong niya.
"Hindi ko pa nga pala nasasabi. Sorry po" hinging paumanhin ko sa kanya sabay peace sign. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanila. Patay ako nito malamang. Lalo na kay Daddy.
"Tayong dalawa na lang magsabi mamaya. Wait for me okay? Susunduin kita." bilin niya.
"Ay ay Captain!" sagot ko at sumaludo pa ako sa kanya. Ngumiti ako ng pagkatamis tamis.
"I miss you babe." Hindi ako nakahuma. Parang lumabas ang puso ko sa dibdib ko. Tama ba ako ng dinig? Namimiss niya ako. May sasabihin pa sana si Vince ng biglang mamatay ang cellphone ko.
Ang galeng! Low Batt! Aiishhh!
______
Hindi ko alam kung anong isusuot ko mamaya. First time ko pa lang kasi pupunta ng gig ni Vince. I never into bar also. So pano? tanong ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang closet ko at tiningnan ang mga damit ko na nakahanger doon. Nag try ako mag fit ng damit. Mix and match. Pero hindi pa din ako makapag decide ng masusuot. Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan.
"Boyfriend mo nasa baba." boses iyon ni Kuya Andrei. Binuksan ko ang pinto. "Ayos din ang bestfriend mo e 'no! Bantay salakay." ang lakas ng tawa ni Kuya kaya sinuntok ko ito sa braso.
"Ang sama mo!" sinuntok ko ulit siya ng isa pa ulit sa braso niyan.
"Binibiro ka lang e. Magtropa kami 'non no!" kung alam na ni Kuya, malamang alam na din ni Mommy. Lagot! Kala ko ba sabay namin sasabihin.
"Kuya, sinabi na niya?" tanong ko kahit alam ko naman na ang sagot.
"Oo. Andoon siya sa baba ginigisa ni Mommy. And tinatawagn niya si Daddy kaya malamang sa malamang niyan lagot ka."
"Lakas manakot e 'no! Pasalamat ka talaga Kuya kita. Kung hindi." litanya ko.
"Anong gagawin mo? Aber?"
"Susumbong kita kay Mommy, ang pangit ng girlfriend mo." tatawa tawang bumaba ako ng hagdan.
"Katniss! Lagot ka sakin pag naabutan kita." binebelatan ko pa si Kuya ngunit bago ako makababa ng hagdan ay nakatayo na si Mommy sa harapan ko. I'm dead!