NAPANGIWI SI YRRANA HABANG pinapanood ang ginagawa ni Hazethe, ang ikasampung ranggo. Nakikita niya ang pasadya nitong pagtabi sa nakatayo na si Ash, tila sinusukat ang pagitan ng kanilang tangkad. Imbis na punahin ay ibinaling niya ang atensiyon kay Quuor na tahimik na nakaupo sa sofa na katapat niya.
"You know what Quuor? I still don't get what you've done earlier," panimula niya. "Bakit mo inalok si X? Are you out of your mind?"
Nabaling sa kanilang dalawa ang atensiyon ng mga ranggo.
Quuor just smiled at her.
Yes, Quuor is really kind, pero ang ganoong kilos? Nakakapanibago para sa kaniya. Matagal niya ng kilala si Quuor, kabisado niya bawat kilos nito, bagama't hindi pa nakikita ang mukha.
"You can ask Nyttea, Laxy or Hazethe instead."
"Nyttea already have a date," anang Juszine. "Me."
Sunod niya namang binalingan ay si Laxy na nakaupo sa braso ng sofa.
"Oh please not me," kaagad na tumutol si Laxy. "May date na ako, si Paiver."
Taka namang nilingon ni Paiver si Laxy na tila ba walang alam sa mga sinabi nito, pero dahil nga likas itong walang imik ay hindi na ito tumutol at napailing na lang.
"Inalok ka ni Paiver?" Nakakalokong tumawa si Ian. "O baka ikaw ang nag-propose?"
"Ako nga, pakialam mo?" Laxy fired back. "Bakit ikaw? May date ka? Wala 'di ba? 'Cause they are disgusted at you! Naturingang babaero na wala naman talagang babae."
Nagsimula na namang magsagutan ang dalawa. Napabuntong hininga na lang siya. They are always like this.
"I do have! Si Hazethe!"
Lito namang napabaling si Hazethe kay Ian na kanina pa yatang may sinusuri sa unang ranggo. "Me? Hindi mo ako-"
"And she said yes immediately!" sapaw naman kaagad ni Ian.
Hindi na nagsalita si Laxy, halata ang pagdisgusto sa narinig.
Napahilot na lang siya sa sentido niya. Bumalik ang paningin niya kay Quuor na tumayo at nagbabalak na umalis. Nawala tuloy ang atensiyon niya rito.
"Ikaw, Ash? May naalok ka na?" Nakita niya ang makahulugang pagbaling ni Ian sa kaniya.
Naramdaman niyang nilingon rin siya ni Ash. Awtomatikong tumahimik ang paligid.
"Quuor," she immediately called the second rank. Huminto ito sa paglalakad. "Let me be your partner, instead..."
Narinig niya ang ginawang pagsipol ni Ian, tila kabado.
Nasundan iyon ng ubo ni Hazethe. The first rank's puppet that she also hates.
"I already have someone." When Ashton said that, mas tumahimik ang paligid.
Nanatili siyang tahimik at nakayuko. Oh. He already has someone? And who is it?
The awkwardness around vanished when they heard a loud knock from the door. Juszine teleported at the door para mabuksan ito. A man with a blue hair appeared, hinihingal at mukhang galing sa pagtakbo.
"H-help! Xionne Ishihara... is in danger!"
Nang marinig niya iyon ay kaagad siyang napatayo. No. Kapag may nangyaring masama sa baguhan na iyon ay malalagot silang mga ranggo.
"Wait! Quuor!"
Really? Bakit ganito kaalerto ang ikalawang ranggo kapag tungkol kay X?
Upon from hearing that, Quuor immediately teleported.
And the one she's not expecting.
"Ash!" It's Ian
Nagteleport na rin si Ash kasunod ni Quuor.
SHE STILL REMEMBERS THE EXACT scenario before she left that place - on how she's confident that she'll accomplish the mission immediately.
"You already know what will happen to him. Right, Ishihara?"
The fear crept into her mind as she hear those words. "Yes."
"Don't dare to run and escape." He sipped his favorite tobacco.
In the last minute, she glanced at the tall building. Tinatak niya na sa isip niya na sa sunod na tapak niya rito ay matagumpay na siya sa misyon niya. She thought everything is easy. Papasok lang siya sa unibersidad at papatayin ang unang ranggo, pero hindi, maraming balakid.
Sinuyod niya ng paningin ang madamong parte ng parke para hanapin ang kinalalagyan ng kaniyang salamin.
Gamit ang kaniyang paa na hindi nakatali ay sinipa niya ang isa sa mga tauhang estudyante ni Blan nang tangkain nitong lumapit.
That devil. He is planning to get her naked and leave her for tomorrow's embarassment. Pati ba naman ang bagay na ito ay kayang gawin ng mga totoy na estudyante rito?
"Puwede ba? Padaliin mo na lang ang trabaho namin! Gusto ko nang matulog!"
How about her? Gusto niya na rin sanang magpahinga, pero hinarang siya ng mga demonyong ito. Ang pinaka nakakainis pa, tila walang puso ang mga ito.
Masiyadong mahigpit ang pagkakatali sa kaniya kaya naman nararamdaman niya ang hapdi sa tuwing gagalaw siya.
"Would this make you all mighty?" Walang emosiyon niyang tinignan ang mga ito. "You are all disgusting."
Muli siyang nakatanggap ng sapak. Really. These boys have no balls. Maybe she should bring them to where she came from, for them to learn on what bravery really means.
"Bilisan niyo na!" Mula naman sa swing ay sumigaw ang inip na inip ng si Blan.
Natawa siya.
"Anong tinatawa tawa mo?"
Tamad niyang tinignan ang nagsalita. "Cowards."
"Aba't-"
"Mark! Mamaya na 'yan! Itali mo 'yung paa!"
They're very lame. Kahit ang paningingining pa lang ng kamay ng mga ito, ipinapakita na ang kahinaan ng mga ito.
Hinayaan niyang itali siya ng mga ito bago pa man siya magkaroon ng panibagong sakit na iindahin. These idiots didn't even checked her pockets. Everything went black when one of them covered her eyes with a black handkerchief, hindi iyon gaanong naitali. Maluwag na konting galaw niya lang, maaaring mahulog.
"Boss, paano namin 'to huhubaran? Nakatali!"
"Gumawa kayo ng paraan mga tanga!"
Namutawi ang mahinang bulungan mula sa lima.
Naramdaman niyang hinila ng kaharap niya ang kaniyang kurbata. "Makinig ka, Miss. Hindi mo kami kilala, 'di ba? Hindi ka magsusumbong sa kahit na sino-"
"Ako ba, kilala niyo?"
Lumambot ang pagkakahawak ng mga ito sa uniporme niya. Gusto niyang matawa sa ikinilos nito.
"Harold. Baka-"
"Tanga! Magpapauto ka rito!" Muling bumaling sa kaniya ang tumatayong lider sa lima. "Wala akong pakialam, Miss kahit na anak ka pa ng opisyal-"
"Paano kung anak nga ng opisyal?" sabat naman ng isa pa.
"Isa lang ang anak ng opisyal dito! Mag sitahimik nga kayo!"
Napangisi siya nang maramdaman ang bahagyang takot ng mga ito. You will going regret this, Blan. You will.
She isn't train physically, emotionally and mentally for nothing.
Dahil sa sakit, pagod at gutom ay nanghihina na siya. Her sight were already black, but she knew that her conciousness is slowly leaving her. The last thing that she heard are the sounds of her ripped uniform.
After a while, nagising siyang muli. Malamig. Alam niyang wala na ang grupo ni Blan. Kung tatyantahin ay halos kinse minutos lang siyang nawalan nang malay, dala nang matinding pagod.
Nararamdaman niyang tumatama sa balat niya ang simoy ng hangin. May awa naman pala kahit papaano ang mga iyon. She's not completely naked, pero gula-gulanit ang uniporme niya, enough for her undies to show-up.
Gusto niyang maawa sa sarili, pero mas inuna niyang inisip ay ang makawala sa pagkakatali, umuwi sa unit para maligo, at magpahinga. Hindi na siya umabot sa oras pang-hapunan sa kantina, kaya sigurado na siyang matutulog siya nang walang laman ang sikmura.
Hindi siya babagsak nang dahil lang dito. Tama. Maliit na bagay lang ito. Hindi dapat pagtuunan ng pansin. Ang misyon ang dapat niyang alalahanin.
When it's about her self it doesn't matter. What matters the most - what should matter the most is her mission.
Kinapa niya ang parteng bulsa ng kaniyang coat. Halos wala na siyang maramdaman pisikal, wala na siyang lakas. Bago niya pa man makuha ang maliit na balisong... lumuwag na ang lubid na nakatali sa kaniya. Unti-unti itong nalaglag.
Someone's here.
May kumalas ng pagkakatali sa kaniya.
Dahil doon ay malaya na sa pagkakadiin ang kaniyang ulo mula sa puno kasabay ng paglandas ng panyo sa kaniyang mata ay ang pagsuot sa kaniya ng pamilyar na itim na tela.
Bagama't may kalabuan ay nakakasigurado siya sa nakikita.
Simeon.
Kahit madilim ay nakikita niya ang pasa sa gilid ng labi nito.
"Shh..." Inilagay nito ang hintuturo sa labi na tila ba narinig ang pagtawag niya rito mula sa kaniyang isip.
Hindi niya alam, pero binalot nang kakaibang pakiramdam ang kaniyang dibdib. Uminit ang palibot ng kaniyang mata. Nagbabadyang tumulo ang kaniyang luha, pero pinigilan niya iyon.
Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit nang makita niya ito ay gustong bumuhos ng kaniyang luha? She can see it clearly, the look in his eyes like he's looking at a fragile thing which is her.
She thought he's jailed in the punishment hall right now?
Inayos nito ang pagkakasuot sa kaniya ng cloak.
She's wearing a cloak right now?
Naguguluhan niyang tinignan si Simeon. Gusto niyang magtanong, pero hindi siya nito tinapunan ng tingin. Ang buong atensiyon nito ay nasa paligid.
Mahigpit nitong hinawakan ang kaniyang pala-pulsuhan. Mula sa paglibot ng paningin sa paligid ay nahinto ito sa mukha niya.
He smiled at her, assuring her that she's already safe.
That's when she realized that she's wrong. She should be thankful that Simeon exists.
MULING NAKARAMDAM NG PANGHIHINALA si Hazethe dahil sa ginawa ng unang ranggo. Sinubukan niya itong pigilan, pero ano nga bang magagawa niya? Peculiar in body ang saiko ranku.
Masama ang tingin niyang binalingan ang lalaking may asul na buhok. Ash and Quuor teleported that fast.
Idiots! Ni hindi pa nga naririnig ng dalawang iyon kung saan ang lugar. Paano nila mas madaliang matutunton ang X na iyon? Papahirapan pa nila ang sarili nilang suyudin ang buong unibersidad.
"Ash!"
"I'm not going. Save her if you want to," anang ni Ruhence na nag-teleport paakyat sa hagdanan.
Jerk. Talagang bagay na bagay si Ruhence at Shasha.
"Where is she?!" Hindi niya inaasahang ganoon na lang ang magiging reaksiyon ni Paiver. "Nasaan si Xionne?!"
"Paiver, calm down." Lumapit kaagad si Nyttea.
"I won't. It's already eleven o'clock in the evening. I'm sure that it wasn't just a duel!" Wow. Paiver is really mad and furious right now.
"He's right." It's Juszine. "Nasaan si Ishihara?"
Kaagad silang lumabas ng penthouse. Sinundan nila ang lalaking nagpakilala na si Blue. He said that it's Blan who planned all of this at tutol siya sa nangyari, dahil hindi nito kayang labanan para pigilan ay wala na itong nagawa kundi magsumbong at humingi ng tulong sa kanila.
Just because X doesn't accept their duel invitation, ganoon na ang nagawa nito. This is how hungry for fights and victories their batch are. Lahat gustong umangat at maging bida.
The other ranks followed Blue through the forest. Hindi na rin sigurado ang Blue na iyon kung nasaan na sila Blan at X Dahil ilang minuto rin na nahinto sa penthouse para ibalita sa kanila iyon.
She stopped to use her ability. Pumikit siya at pinakinggan ang paligid.
"Shh..."
Nagmulat siya nang narinig ang boses ng isang lalaki na nagpapatahimik.
Sa parke.
Kaagad niyang tinakbo ang daan patungo roon. Narinig niya ang ginawang pagtawag sa kaniya ni Ian. Alam niyang nakasunod na ang ibang ranggo sa kaniya.
Nang makarating siya sa bukana nang mga nakahilera puno ay napahinto siya. Hindi siya namalikmata.
Malayo, pero alam niyang may nawala sa senaryo. Nahuli niya ito... dalawang bulto na biglang naglaho.
Kaagad niyang pinuntahan ang puwestong iyon. Bumaba ang paningin niya mula sa katawan ng puno pababa sa lupa.
A rope and a black handkerchief.
She was about to get the handkerchief, but something caught her attention. A silver object twinkled when it hit the post light.
Her heart began to beat fastly as she slowly examines the object.
Nang makarinig ng yabag ng paa ay kaagad niyang ibinulsa ang bagay.
Nagsimula na siyang manginig.
What is happening?
It can't be.
Pinanood niya ang ginawang paglibot ng paningin at pagsuri sa lugar ng mga kapwa niya ranggo. Nanatili siyang walang imik.
"Mukhang nakatakas na si Ishihara bago pa man natin siya maabutan." Pinulot ni Laxy ang lubid at sinuri ito. "She's skilled."
Nanatili namang tahimik si Paiver na nakatingin sa puno. Hindi ito mapakali. Mukhang hindi kuntento na ligtas na nga si X.
"Is this her glasses?" Ipinakita ni Juszine ang hawak.
Kaagad namang kinuha ni Paiver iyon sa kaniya. "Ako na ang magbabalik."
Nagkatinginan pa si Nyttea at Juszine. "Okay... easy."
Kinapa niya ang bilog na bagay sa kaniyang bulsa. Dumiin ang pagkakahawak niya rito. "I need to go. Kayo na ang bahala."
Kaagad siyang tumakbo. Wala siyang pakialam kahit na matalisod siya, kailangan niyang makabalik kaagad sa penthouse.
This is it.
All that she needs to do is to open the front door.
...and this will unlock everything.
Naibuga niya ang natitirang hangin sa labi nang tuluyan nang makapasok sa penthouse.
The first and the second rank were both standing, looking at each other like they were from an intense talk.
Wala na siyang pakialam sa pinagusapan ng dalawang ranggo. The first thing that she did was to look at their cloaks. Muli niyang kinapa ang bilog na bagay sa kaniyang bulsa.
It's all there. In their cloaks...
But...
Whose badge is this?
Itutuloy. .