Eleven

1863 Words
WHEN HE HEARD WHAT THAT blue-haired boy said kaagad siyang nagteleport. He won't waste a minute. Napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung nasaan ang eksaktong lugar na kinaroroonan ni X. Una siyang nag-teleport sa field. Inikot ng paningin niya ang bawat establisyemento na nakapalibot dito. Nahihirapan siyang pumili kung saan siya mauunang pumunta. If only he is a peculiar in sight. "How about our fee, Blan?" Mula sa 'di kalayuan ay namataan niya ang anim na estudyante. They were probably heading to their units. "Ang sabi ko hubaran niyo. Ginawa niyo ba? Nah." "Gago ka ba? Bukas na bukas kapag nakita 'yon ng mga ranggo mayayari tayo and you want X to be completely naked?" "Basta, semestral break. Bigay niyo bank accounts niyo." Para siyang niyanig nang marinig ang pinagusapan ng mga ito. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero nanginig sa galit ang kalamnan niya. Kaagad siyang nagteleport sa haligi ng unit. Sumandal siya roon at pinagkrus ang kaniyang mga braso. Impatiently waiting for them to go near him. Mula sa abalang paguusap ng anim ay napalingon ang mga iyon sa kaniya. "P-pangalawang ranggo..." "Magandang gabi, pangalawang ranggo." Nilingon niya ang kaniyang gilid. Gusto niyang masuka sa inasta ng mga ito. Akala mo'y matitinong estudyante at walang ginawang kahindik hindik. "You all look exhausted. What's up?" He sarcastically asked. Nagkatinginan ang anim. Napaatras ang lima. Naiwang mayabang na nakatingin sa kaniya ang may mahabang buhok. They were still on their uniforms kaya naman naroroon pa ang mga nameplate ng mga ito. Blan. Naikuyom niya ang kamao niya. Isa sa duo. Hinapit niyang kaagad ang kuwelyo nito at sinandal sa haligi na kinasasandalan niya kanina. "Nasaan si X?" "Teka lang naman, pangalawang ranggo. Easy." Nakakaloko itong napaatras, nakaharang ang mga palad sa dibdib. Hindi sila puwedeng manakit ng estudyanteng walang atraso sa kanila kaya naman kahit na gusto niya nang sapakin ang isang ito ay pinigilan niya ang kaniyang sarili. "Just tell me where she is." Mariin niyang tinitigan si Blan. Nakakaloko itong tumawa at nagtaas ng kamay na para bang sumusuko sa pulis. Wala siyang nagawa kundi ang marahas itong bitawan. "At the park." Kaagad niyang tinignan ang kinaroroonan ng parke kahit na hindi man ito direktang makikita mula sa kinatatayuan niya. Dahil sa pagkataranta ay imbis na magteleport siya papunta roon ay napatakbo siya. Nahinto lang siya nang matanaw ang mga kapwa niya ranggong papasok na rin sa daan papunta sa parke na natatakpan ng mayayabong na puno. Pero hindi lang ito ang nakaagaw ng pansin niya. May isang ranggo na patungo sa penthouse nila na hindi nakita ng mga kapwa ranggo niya na papunta sa parke. Ligtas na si X, Quuor, kinumbinsi niya ang sarili. Papunta na roon ang mga ranggo kaya alam niyang maliligtas na si X. Muli niyang tinuon ang paningin sa tumatakbong ranggo. The first rank? Bakit ito nagmamadaling makauwi sa penthouse nila? IS THIS SELF PITY SHE'S FEELING right now? Bakit ngayon lang? Why just now when she's already fine? Maybe because she didn't even realize that she was on danger earlier 'cause all that she think about is her mission and neglected herself? They teleported. Nang tignan niya ang paligid ay nasa hallway sila ng unit niya. How the hell did he know her unit number? Hindi niya alam kung ano ang unang gagawin, kung ano ang unang sasabihin. Umawang ang labi niya nang makitang magpindot ng numero si Simeon doon. The door opened. Based on the gathered informations, teleportation won't work in the newly renovated units. That's for the safety of the students. Matagal niyang tinitigan si Simeon na naglalakad na papasok sa loob. Huminto ito hawak ang pintuan, like he was waiting for her to enter. Pumasok siya na nagtataka pa rin bagama't hindi halata sa mukha. "Sarado na ang cafeteria since it's already midnight. I'll cook for you here. You should take a bath first and I'll do my thing-" "How did you know my password?" "Isn't it obvious? We're now room mates." Itinuro nito ang pintuan ng kwarto na kaninang umaga lang ay bakante. Meron ng placard ang pintuan, it says "Simeon's zone". "But-" "Lumipat ako." "And why the hell here in my unit?" Hindi niya inaasahang tataas ang boses niya. "Is that how you say thank you?" Nahinto ang inis na nararamdaman niya. Siya ang huling nag-enrol kaya ang nakuha niyang unit ay ang isa sa mga natitirang bakante sa dulo ng highest floor. "We can't cook in here," she said instead to say she's sorry and she's thankful. It is the new protocol. Sa Cafeteria ka lang makakakuha ng pagkain, it is part of the discipline that the students should learn: to eat on time. "I'm not hungry. You can break the rule if you really are hungry. I'll take a bath and sleep." Mabilis siyang pumasok sa pintuan ng kiwarto niya. Hinubad niya ang cloak at tinapon ito palabas ng kaniyang kwarto nang hindi na ulit tinitignan. "Really? This is how you say thanks?" Narinig niya pa ang reklamo nito mula sa labas ng kaniyang pinto. Kinuha niyang ang tuwalya sa likod ng pinto at binalot ang sarili. Napaupo siya sa at napasandal sa pintuan. Pinalaki siya para maghiganti. So she won't let Blan to live a peaceful life. She'll give him what he wants. She glanced at the clock on her bedside table. It's already one o'clock in the morning. And hell, she forgot about her glasses. Malalagot na naman siya. Malalaman na naman ang kapalpakan niya. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng kaniyang kuwarto para pumunta sa parke. She need to get her eyeglasses back. Ngunit bago pa man siya makalabas ay napahinto siya sa naamoy. Pagkain. Mukhang masarap, pero hindi pamilyar sa kaniya kung ano iyon. "Where are you going?" Nilingon niya ang may bandang sofa. Nakapatong sa lamesita ang naamoy niyang pagkain. Nakaupo naman sa mahabang sofa si Simeon, tinitingala ang nakatagilid na siya na nakaharap patungo sa pintuan palabas. "How..." Nakangiting binalingan ni Simeon ang nakatabing electric cooker sa outlet sa tabi ng sofa. Nginuso iyon. Kaagad niyang tinignan kung nakabukas ang mga bintana. "I already closed the windows. Para walang makakita at... makaamoy." Hindi siya nagsalita. "It's just a food, Xionne. You manage to survive not to eat anything for five days when you didn't win archery." Nasabi niya na lamang iyon sa isip. Pumasok sa kaniyang utak ang isang alaala. "Hindi ka kakain?" Nandoon ang konting pagkadismaya sa tono ng pananalita nito. Nahinto siya sa paghakbang. She can literaly hear the sound of her stomach. "Well..." unti-unti siyang napaharap sa tanggapan. Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa mahabang sofa sa tabi ni Simeon at hindi pa sigurado kung uupo. "Take this as my gratitude." Tumabingi ang ulo nito, hindi agad nakuha ang sinabi niya. "Wow, your way of saying thanks is really unique." Kinuhanan siya nito ng mangkok at kutsara na nakahanda na sa lamesita. "Here." He should be thankful too since she decided to eat even if... she doesn't want to! Malaking bagay na ito para sa kaniya. "What is this?" Talagang hindi nga pamilyar sa kaniya ang pagkain. Now she wondered. Saan naman nakuha nito ang mga sangkap? "This is Tinola. Look how smart I am to manage to cook this in that cooker!" Bahagya siyang napasimangot. "Anyone can do that." Sinalinan siya nito at sabay silang kumain. Well, this isn't bad. Kahit sa amoy pa lang naman ay masarap na iyon. Hindi sinasadyang dumapo ang paningin niya sa cloak na nakasampay sa single sofa. Nilingon niya si Simeon na nakatingin na rin sa kaniya bago lumipat na rin ang paningin sa cloak na iyon. "I am a rank... before. That's why I have a cloak." She felt a sudden guilt when she saw Simeon's reaction. Kunwari siyang napaubo. "I'm not asking about your whats in life. I'm only interested if it's about my mission." Akala niya'y mawawala ang kakaibang timpla ng paligid pero mas lumala iyon nang tignan siya nang matagal nito. Ibinaba niya ang kinakain kahit na hindi pa man siya tapos. It was somehow uncomfortable. "I'm already full. Thanks for the dinner." Nakita niyang tumingin sa wallclock si Simeon. "...and for the early breakfast." She was about to stood up and proceed to what she has to do, but Simeon pulled her down. "Wait. Just stay still." Kahit nagtataka ay hindi siya nagsalita. Tinignan niya lang na ayusin ni Simeon ang kanilang pinagkainan. Pumunta ito sa isa sa mga kabinet na naroroon at bumalik sa puwesto dala ang first aid kit. "I can do it-" gusto niya sanang kunin ang kit kay Simeon pero kaagad nito 'yung nilayo. Dahil para sa kaniya ay aksaya lang sa oras ang pakikipagtalo, hinayaan niya na itong gawin ang gusto niya - ang gamutin siya. Matapos nitong ilagay ang gauze sa kaniyang pisngi ay isinarado nito ang kit at matagal pang tinignan ang mukha niya na ikinailang niya. "You are pure Japanese?" Kumunot ang noo niya. "Because I can't see any Filipino trace in your face," patuloy pa nito. "And your accent says it too." Napaiwas siya ng paningin. She wants to ask about those things that the boy knows about her. Kung saan nakuha at nakalap, pero talagang sadya siyang tamad magsalita. "Why are you doing this?" Iyon ang lumabas sa kaniyang bibig. "Why do you keep on following me? Helping me like what you said so? You were even sent in the punishment hall because of me." Inalis nito ang pagkakatingin sa kaniya at bahagyang natawa. Muli siyang hinarap nito nang may ngisi sa labi. "It's just nothing, that won't make them kill me." Dumapo ang paningin niya sa pasa nito sa labi. "Is this how you're living? Well, I envy you. You can do whatever you want freely." Kinuha niya ang kit na hawak nito at bumunot ng isang bilog na band aid. She doesn't know how to do it kaya basta-basta niya na lang 'yung inilagay sa pasa nito at kaagad na tumayo. Awang ang labi siya nitong tiningala, nagulat sa ginawa niya. Should she say something? Maybe yes. Ngunit gaya nang palaging nangyayari, hindi siya nagsalita. Tumagilid siya at tinahak ang daan palabas ng unit nang hindi nagpapaalam. HAVE YOU EVER EXPERIENCE BEING hanged with the time? 'Cause right now, Simeon is. Ni hindi niya na nainda ang sakit nang bahagyang masagi ng daliri ni X ang pasa niya nang itapal nito sa pasa niya ang pabilog na band aid. At first he doesn't know how to react yet, o kung saan man siya magrereact. Sa pagpapakita ba ng kaunting pag-aalala ni X? O dahil sa ginawa nitong pagtapal ng band aid sa pasa niya? Band aid sa pasa. Matagal siyang gulat na nakipagtitigan dito. Damn her blank eyes. Why does she look so innocent after what she did to his face right now? After a second, basta na lang tumagilid si X para tahakin ang daan papunta sa pinto at lumabas nang hindi lumilingon. Sinundan niya ito ng tingin awang pa rin ang labi sa pagkamangha. Kinapa niya ang band aid sa gilid ng kaniyang labi. A minute passed by and he burst out of laughter. She should have used an ice instead.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD