HINDI NIYA NAHANAP ANG KANIYANG salamin kagabi. Napilitan siyang bigo na bumalik sa kanilang unit. If they happen to find out about this, she's dead.
Kinuha niya mula sa cabinet ang handcuffs at binulsa iyon sa kaniyang coat.
Lumabas siya ng kuwarto matapos magbihis ng uniporme. Naabutan niya sa sala si Simeon na nakatalikod, isang metro ang layo mula sa kaniya.
"Goodmorning!" Sumaludo ito. Naroroon na naman ang nakakalokong ngisi.
Bumaba ang paningin niya sa gilid ng labi nito. Mukhang bagong band-aid ang nakalagay roon. Ibinalik niya ang paningin sa mata nito at tinignan ng ilang segundo bago nagpasiyang lagpasan para lumabas ng pinto ng unit.
"Wait! Sabay na tayo!"
She let him tail behind her. Hindi niya na masiyadong ininda iyon. Honestly, sa mga nagdaang araw hindi na naman talaga siya gaanong naiinis sa tuwing dinidikitan siya ni Simeon. Nasanay na lang siya sa prisensiya nito.
Nang makarating sa tapat ng university ay kaagad niyang inilibot ang paningin sa paligid. Tumagal rin nang ilang minuto ang paghahanap niya bago niya makita ang kaniyang hinahanap. Nakaupo sa isa sa mga benches, laughing with his circle of friends.
"Xionne, no. Don't do it." Naramdaman niya kaagad ang kamay ni Simeon na pumigil sa kaniyang braso. "You are not going to win. He is a peculiar in body."
Minamaliit ba nito ang kakayahan niya?
Nilingon niya si Simeon. Inalis niya ang kamay nito sa kaniyang braso at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa tapat ng nakaupong si Blan na nakasandal sa konkretong lamesa. Naiwan doon si Simeon na walang nagawa kundi panoorin siya. Tila naging senyales iyon para lumayo ang mga kanina lang ay katawanan nitong mga babae at lalaki. Maging ang nakaupo sa kabilang lamesa na si Blue ay gulat na napaangat ng paningin sa kaniya.
Look how happy he is, he's not even thinking about what he did last night... disgusting.
Nawala ang ngisi ni Blan nang makita siya. Nagtagal ang titigan nilang dalawa bago ito nagsalita. "What are you doing infront of me..." naudlot ang sanang sasabihin nito nang dumapo marahil ang paningin kay Simeon. "So who among them saved you?"
Lalo siyang nawalan nang gana na tignan si Blan.
Humalakhak ito. "Nevermind. This won't hide the fact that you still lose-"
"I don't think that's a proper duel."
Narinig niya kaagad ang bulungan ng mga dumadaming estudyante sa paligid nang magsalita siya.
Blan gritted his teeth.
"One on six isn't fair, I think?"
Gusto niyang mangisi nang marinig ang biglaang pagpapalit ng asta ng mga kaibigan nito na ngayon ay hinuhusgahan na si Blan. So the one on one thing is really a big deal for these batch?
"You b***h-"
Kaagad niyang nadakma ang braso nito nang sana'y kukuwelyuhan siya. Pinilipit niya ito bago isinubsob ang mukha sa lamesa.
She lean to whisper at Blan's right ear. "Now... let's have a proper duel." Pabato niya itong binitawan.
Kaagad naman nitong inunat ang nasaktang braso. Galit na galit ang mga mata at handa na siyang saktan. Ngunit, nanatili siyang walang nararamdaman na kahit ano. Bumabakas sa kaniyang mukha na hindi siya natatakot dito.
Tumakbo ito pasugod sa kaniya. Inihanda niya ang kaniyang sarili. Ngunit... nawala na lang ito sa harapan niya.
She bent down when she felt a pressure behind her. She's right. Kung hindi siya kaagad napayuko ay matatamaan siya ng sipa ni Blan.
Siya naman ang nagtapon ng sipa, ngunit nakailag ito at naitulak siya. Hindi ganoon kalakas para tumilapon siya.
Nanumbalik ang ngisi ni Blan sa labi. Mukhang handa nang asarin siya. "Do you really think you'll going to win against me?"
Dahil muli silang nagkapalit ng puwesto ni Blan ay natatanaw niya na naman mula sa kaniyang direksiyom si Simeon, halatang gusto siyang paatrasin sa laban.
Tinignan niya nang masama si Blan. Hindi niya pinatulan ang sinabi nito. Muli niyang inilibot ang paningin, may hinahanap.
"Ano na, Ishihara?" Mayabang nitong pinatunog ang leeg.
Imbis na tignan si Blan ay nanatili ang paningin niya mula sa likod nito. Taka na ring napalingon doon si Blan. Napangisi siya. Ginamit niya ang pagkakataon na iyon para tumungtong sa concrete bench sa gilid at sipain si Blan na kaagad na tinamaan dahil sa bilis ng kaniyang ginawa. That's how you divert the attention of your enemy.
Tinapakan niya sa dibdib ang nakahigang si Blan. Lumuhod siya para magkalapit sila. "When you're in a duel. You shouldn't lose your focus. You should only look at me. Only to me."
Nawala ang inis sa mukha nito.
Naghiyawan ang mga naroroon. Kaagad silang kinantiyawan, like she said a sweet pick-up line for Blan. Which is gross.
Inalis niya ang kaniyang paa at hinayaan na makatayo si Blan. Kaagad siyang kwinelyuhan nito. Hinayaan niya lang ito.
Kaagad siyang ngumisi. "Go. Beat me."
And this is the last time that you'll going to touch me.
Nararamdaman niya ang panginginig ng kamao nito, marahil sa galit at inis sa kaniya.
Nakatanggap siya nang malakas na sapak. Napaupo siya sa damuhan.
Her jaw were already swollen because of what happened last night, hindi biro ang sakit niyon nang muli na namang matamaan, tila nadudurog na.
Muli siyang hinigit ni Blan mula sa kuwelyo at inangat. Doon niya namataan ang kararating lang na mga ranggo. Ibinalik niya ang paningin kay Blan na hindi mabura ang galit sa mukha. Napahawak siya sa kamay nito, nasasakal siya.
Gamit ang natitirang kamay ay marahan niyang kinapa ang nasa bulsa ng kaniyang coat.
Tila huminto ang mundo ni Blan nang narinig ang tunog niyon nang matagumpay niyang maikabit ang isang parte ng posas sa kaliwang kamay nito.
Natahimik ang mga estudyanteng nasa paligid. Maging ang mga ranggo ay nahinto sa akmang pagpigil.
Marahas siyang pinakawalan ni Blan. Hindi pa rin makapaniwala habang nakatingin sa posas sa kaliwang kamay.
We're not yet done.
Isa pa lang ang nakakabit sa kamay nito, pero tila ba napaka laking bagay na nito para rito.
Now she can see his burning anger.
Inilabas niya ang susi mula sa kaniyang coat at iwinagayway kay Blan. Muli siyang napangisi.
"Chase me," she ordered.
She run as fast as she could. Mistulang tuta naman siyang hinabol ni Blan.
"Ishihara!" Dinig na dinig niya ang mabagal at mariin nitong pagsigaw sa pangalan niya.
Kusang humahawi ang mga estudyante na nadadaanan nila. Abang na abang ang lahat sa mangyayari.
Huminto siya nang mag teleport ito sa harapan niya.
"Bakayarou."
How stupid of him to teleport at the right time?
Hindi niya na inaksaya ang panahon at tinadyakan nang malakas si Blan.
Halatang hindi nito inaasahan na tatama ito sa bakal kaya naman bakas ang gulat at sakit sa mukha nito. Mabilis niya dinakma ang braso nito at umikot mula sa likod. In a one swift move, she was able to put the cuff in his right hand, trapping him in that big electric post.
Nakita niyang sumunod ang mga kaninang nanonood sa bench papunta sa puwesto nila.
Muli siyang pumunta sa harapan ni Blan. Napatayo ito mula sa pagkakaupo at pilit na kumakawala.
Bakayarou. Hindi ba nito alam na sa bawat galaw ay mas hihigpit ang posas?
"Tangina ka, Ishihara! Humanda ka kapag nakaalis ako rito-"
Asta siyang nagiisip. "We are done. It's in your rules right?"
"b***h! This is not fair!"
"Have you heard what I said before we began? Let's have a proper duel. I don't remember saying a fair duel." Hindi niya inaasahang dadapo ang paningin niya kay Simeon.
"I'm going to kill you-"
"You will?" Bagot niyang nilingon ang mga estudyanteng nanonood, napaatras pa nang bahagya ang iba. "Then do it. Prove them that you are a coward who can't accept his defeat."
Natahimik ang lahat ng naroroon. Maging ang mga ranggo ay hindi na nakalapit kahit na kanina pang gustong umawat ng mga ito, mga nagbababa ng paningin.
Ganito ba sila inensayo ng paaralang ito? Ang alam lamang ng mga ito ay maging mayabang, hindi ang maging matapang.
"Well yeah, you are right... 'cause I'm not yet done." Hinugot niya ang balisong mula sa bulsa ng kaniyang coat. "I'm finally going to end our duel."
Ang galit na mukha ni Blan ay napalitan ng takot. Halos pilitin nitong umatras kahit na hindi naman na nito kakayanin.
Napasinghap ang mga naroroon. Kaagad niyang narinig at naramdaman ang kilos ng mga ranggo.
"Ishihara! Halt!"
Ngunit bago pa man niya masugatan sa mukha si Blan ay may pumigil na sa kaniyang palapulsuhan.
"Back-off." Mariin niyang tinignan si Simeon na matalim din ang pagkakatitig sa kaniya.
"This is enough, Xionne."
Nanatili ang blangko niyang paningin dito. "It isn't. Until I didn't see him bleed, it isn't."
Muling nanumbalik ang ingay mula sa mga manonood. Samu't saring komento tungkol sa takot ng mga ito sa kaniya ang kaniyang naririnig.
Nanlambot ang kaniyang kamay na may hawak ng balisong nang biglaan siyang yakapin ni Simeon. The way Simeon caressed her hair is calming.
"Enough..." and he said that softly.
Muling nag-iba ang reaksiyon ng mga naroroon. Hanggang sa hindi niya na nagustuhan ang mga naririnig.
Itinulak niya si Simeon. Hindi siya nagsalita. Hindi niya na ito tinignan. She left him there hanging. Sandali siyang nahinto nang hindi tumabi ang isang babae sa kaniyang dadaanan.
She looks so weird. Tinitigan siya nito na para bang sinusuri siya. Sa huli ay walang gana niya lang itong tinignan at nilagpasan.
Hindi niya gusto ang naramdaman niya nang sandali siyang yakapin ni Simeon. No one should care about her. Hindi niya kailangan ng taong mag-aalala sa kaniya. She'll just feel weak with them.
MASAMA ANG TINGIN NA IPINUKOL ni Paiver kay Blan. Nang makitang umalis si X pagkatapos pigilan ni Simeon ay sinundan niya ito.
"Paiver! Saan ka pupunta?" It's Laxy.
Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy sa pagsunod kay X na tuluyan nang pumasok sa loob ng university. Nang maabutan niya ito sa hallway sa ikatlong palapag ay kaagad niya itong hinila papasok sa loob ng laboratory.
Bahagya pang nagulat ito sa ginawa niya. Kaagad na binawi ang braso mula sa kaniyang pagkakahawak.
The anger and slight confusion is evident on her face. Well, that's her usual reaction whenever she sees him — anger.
Ang matalim nitong paningin sa kaniya ay unti-unting lumambot.
Bumaba ang paningin nito sa kaniyang badge at name plate.
Bago pa man makapagsalita si X ay isinuot niya na rito ang salamin na kanina niya pang dala-dala.
"Make sure to be careful next time, Agent."
When he said that, her face seems enlighted. Nakilala na nito panigurado kung sino ang kaharap.
Iniwan niya kaagad ito at nagteleport palabas.
He won't let anyone to hurt Xionne. She's more special than him.
Itutuloy. .