Thirteen

1908 Words
IT'S PAIVER THE 9TH RANK who gave back her glasses. Umalis ito matapos maabot ang kaniyang salamin. So he's really here? Talagang makapangyarihan ang namumuno sa kanila. He's intelligent enough to sent her here. Ano pa nga ba ang bagay na ito na sisiw lang at nasa ranggo pa? Lalabas na sana siya ng silid nang madatnan niya si Simeon sa tapat ng pintuan. Prenteng nakatayo at diretsong nakatingin sa kaniya. Kung babasahin ang emosiyon sa mukha nito, pagkadismaya at pinaghalong inis ang makikita, pero para saan? Kailangan niyang gumanti. Hindi puwedeng magpatuloy ang ginagawa sa kaniya ng mga estudyante rito at makaapekto pa sa misyon niya. "I asked you to stop and what did you do? You still fought with that student." Sinundan siya nito nang lagpasan niya ito. Hindi siya nagsalita, inis na nagpatuloy sa paglalakad tangan ang salamin sa mata. Bahagya niyang hinawakan ang namamagang panga. "Nakarating sa mga opisyales ang ginawa mo." Napahinto siya sa paglalakad. Kuso. Hindi puwedeng humarap siya sa mga opisyales, but would they kick-out a tokuyu student, when tokuyu's population is already decreasing? Still, it is possible. "They gave you a warning," pagpapatuloy pa nito. "And if this happen again then you need to face the consequences." What if that consequences could affect her mission? This is bad, pero anong magagawa niya? She's always calm and very patient, pero sa mga kagaya ni Blan na nananadya hindi niya kayang magbulag bulagan na lang "How did you know that?" Nagpatuloy siya sa paglalakad. Natagalan bago sumagot si Simeon. "Does it matter? What you need to do is to avoid them." Avoid them? Sila ang lumalapit sa kaniya. Sinundan siya ni Simeon hanggang marating ang silid para sa mga peculiar in body. Peculiar in body has two sections; they are fewer compare to the other kind of peculiars who has three sections per classifications. Good thing, Blan is not one of her classmates. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang ginawang paghabol ng paningin sa kaniya ng mga estudyante. Ganito na talaga ang nangyayari sa araw-araw, the only difference is that she can feel their fear. Attention is the thing she's avoiding when she entered this school. Hindi niya rin naman inaakalang mapapansin siya sa eskuwelahang ito at makakagalaw siya nang malaya, but because of that Sharein Arzago, nagkaroon ng dahilan ang mga estudyante na pagtuunan siya ng pansin. Nagtagal ang paningin ni Mr. Tolentino kay Simeon na kasunod niya. Mr. Tolentino is the youngest instructor in the university, he's only twenty-seven years old at pinayagan nang magturo. He is assigned in teaching about the do's and don't as a peculiar in body; how to use the ability correctly, how to handle and how to hide it. Akala niya'y wala lamang dito ang pagpasok niya nang late, pero imbis na si Simeon na tinitignan nito ang mapansin ay siya pa ang pinahinto. "Kindly, stay at the door, Ishihara." Lumapit ito sa kanila. Walang emosiyon siyang napahinto. Imbis na kabahan ay nakipagtitigan pa siya sa instructor na kaagad namang ngumiti, like he was saying that she doesn't have to feel nervous when she's not, even a bit. "Puwede ka nang maupo, Simeon." Nagteleport ito sa harapan niya. Hindi naman natinag si Simeon mula sa pagkakatayo sa likuran niya. "Mr. Watanabe, I said you may sit now." Nandoon ang awtoridad sa boses nito, istrikto ngunit mabait pa rin ang tono. "Ayoko." Natahimik ang lahat. Nasundan iyon ng mahihinang tawa. Nang tignan naman ito ng guro ay nahinto kaagad ang kanilang mga kaklase. Inis siyang napatingin sa gilid nang marinig ang sinabi ni Simeon. Hindi lang pala ito sa kaniya makulit. Tumango tango si Mr. Tolentino rito. Tila pinipigilan ang inis. Sa lahat ng guro ay isa ito sa mapagpasensiya, pero mukhang hindi nito kayang tiisin si Simeon dahil hindi na rin naman ito ang unang beses na sinasagot sagot siya nito. "Fine, then stay there as long as you can." Hindi man lang makikitaan ng kaba ang mukha ni Simeon. "Why would I?" "Why would you?" Tila hindi makapaniwalang tanong naman ni Mr. Tolentino. Bago pa man lumaki ang sagutan sa pagitan ng mga ito ay nagsalita na siya. "What do you need?" Kaagad na umamo ang mukha ng guro nang lingunin siya. Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Hindi niya kaagad nakuha ang hinihingi nito. Sa huli ay kumunot lang ang noo niya. "Your weapon." Kahit nagulat siya ay hindi iyon bumakas sa kaniyang mukha. It's one of the rules. Bawal ang ganitong armas kung hindi naman kailangan para sa pagsusulit. Ang mga ranggo ang dapat na bumawi ng balisong, hindi niya alam kung bakit hindi ginawa ng mga ito. Marahil ay gulat kaya hindi kaagad na rumehistro sa kanilang utak. Dinukot niya mula sa bulsa ng kaniyang coat ang balisong nang hindi inaalis ang paningin sa guro. Nilagpasan niya ito para maupo na kahit na hindi pa man siya pinapayagan. Naramdaman niya naman ang pagsunod ni Simeon sa kaniya. Dahil talagang seryoso ito sa pagbuntot sa kaniya, ito ang katabi niya sa upuan. Nang dumapo ang paningin niya rito ay nakakaloko na itong nakangiti sa kaniya. HUMINTO MULA SA PAGTUGTOG ng violin si Yrrana. Nagkamali siya. Wala ang kaniyang pokus sa pagtugtog. Pinupuno ni X ang utak niya. Hindi niya inaasahan ang nasaksihan nila kanina. She really is something. "The aquaintance party is near and you still play badly," it's Nyttea. Imbis na makaramdam ng pagkainsulto ay napailing pa siya. Ibinaba niya ang instrumento sa kaniyang lamesa. They were on their classroom, having a break from class a few hours ago. "Paiver is still gone," si Laxy. Dalawang oras mula nang humiwalay sa kanila si Paiver at hindi pa rin ito bumabalik. "I'm leaving!" Hazethe announced. Hindi man lang nito hinintay ang sagot nila at kaagad nang umalis. She was Ashton's underling, aside from Ian Chen. Hindi rin sila gaano magkasundo, kadalasan ay magkaiba ng paniniwala. Tinignan niya ang unang ranggo na tahimik na nakatayo sa tapat ng aquarium na naroroon. Pinapanood ang mga alagang isda. What an introvert. "You already have a gown, Yrrana?" It's Nyttea again. Marahan itong umupo sa lamesang katapat niya. If Hazethe is Ashton's underling, then Nyttea is Juszine's. Umiling siya. Sunod naman tinanong ni Nyttea si Laxy. Humina sa pandinig niya ang boses ng mga ito. She's still thinking about X. She knows, kayang kaya ni X na ilagan ang mga tira ni Blan pero tila sinadya nitong hayaan para magawa ang balak. X's mind was astonishing. It's like she's watching a threat. Maybe Ashton is right. Kaagad na dumapo ang paningin niya sa unang ranggo. What if X is a multi-peculiar? Every student here sees a multi-peculiar as a threat. Lahat, gustong makuha lahat ng ability. She won't deny it, she wants to have it all too. "Should I have a duel with X too?" She unknowingly asked. BALISA SIYANG LUMABAS SA silid ng mga ranggo. Hindi niya makuha kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Habang pinapanood niya ang unang ranggo ay mas hindi siya mapakali. She needs to go out. Napansin niyang mas naging tahimik ang unang ranggo. Nagsimula iyon nang utusan ito ng lalaking bago sa paningin niya. They call him Simeon. Hindi niya maikakaila. Nang magsalita ito nang nakaraan lang, maging siya ay natakot din. Pamilyar ang awtoridad sa boses nito. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman. Is the first rank begin to act that way because of him? Because Simeon exists and he over powered the first rank? Everything is getting weirder. There's so many questions in her head. She needs to find out the answers. Like why the first rank followed "that boy's" order at kung kaninong badge and nakita niya sa puno na malapit kung saan tinali si X. Kung wala sa kanilang sampu ang nagmamay-ari niyon. Maybe it belongs to the former rank na pinalitan niya. She was ranked two years from now when a rank leave the tenth position for an unknown reason. The reason why she got the rank is because her parents are friends with the first rank's family which are the Yomashi's. Yomashi's are known by every peculiar around the globe because they are one of the strongest leaders in the association. But, one thing is for certain. They are very private so as their informations. Lalo na ang mga miyembro ng kanilang pamilya na nag-aaral pa lang kagaya ng unang ranggo, na ni minsan ay hindi inilabas sa publiko. Lahat ng nakakaalam sa pagkatao ng mga ito ay tikom ang labi. Nahinto ang kaniyang mata sa badge na hawak. Then... who's in the scene before them? Pabagsak niyang binuksan ang pinto ng silid. Nahinto mula sa pagdidiscuss si Mr. Concepcion sa klase. Natahimik rin ang mga estudyanteng gulat na napatingin sa kaniya. There she saw Blan. Hanggang ngayon ay makikita pa rin ang sakit sa mukha nito kahit na nagamot na sa infirmary at napainom na ng painkillers - na hindi na ipinagbabawal sa unibersidad. Pinabalik ito sa klase matapos gamutin kaya dito niya kagad pinuntahan. "W-what is it, tenth rank?" It feels like the instructor is hesitating whether to approach her or not. Tinignan niya ang instructor bago balingan si Blan na gulat namang napatingin sa kaniya. "Ako na naman?" sa tono ng pananalita nito ay tila ba babalian niya rin ito ng buto kagaya ng ginawa ni X. She's really strong, when she's just a new enrollee. Tinalikuran niya ang pinto para hintaying lumabas ang kaniyang pakay sa hallway at doon kausapin. "Yes, Blan. Kaya tumayo ka na at sundan mo ang ika-sampung ranggo." Dinig niya pang sabi ni Mr. Concepcion. Iniluwa ng pinto si Blan. Bugbog sarado na nga't lahat ay nandoon pa rin ang kayabangan sa anyo. "Ilan kayo ng mga bata mo?" diretsa niya. "What are you saying?" Inis pa ito. She was about to grab him when he stepped back. Gusto niyang matawa. May takot pa rin pala sa ranggo. "W-we are six... if we would still include Blue then..." "Are you a rank before?" Nanlaki ang mata nito at kaagad na natawa, naudlot nga lang nang makita marahil na seryoso siya sa itinatanong. "Wish I was. And-" Well, naisip niya rin namang imposible. Dahil kung ranggo ito, hindi siya basta bastang matatalo ng bagong salta na kagaya ni X kahit pa na malakas ito. Sumandal siya sa pader, itinaas ang kanang kamay para pahintuin ito. "What kind of rope have you used?" Natigilan ito. "A P-puget Sound Rope..." Really? A rope that is strong enough to pull ships? Paano nakawala si X kung walang bakas ng kutsilyo ang lubid para putulin iyon? It's impossible to breakfree to a rope without ripping it because it was tied. Nang makita ng kapwa niya ranggo ang lubid, wala iyong sira. Like it was perfectly untied. "You tied the rope at the side?" Tila maamong tupang umiling si Blan. "No. At the back." How did she escaped? "She is saved by someone..." mahina siyang napabulong. "Well, ofcourse the second rank would. Galit na galit nang makasalubong namin. He asked for the direction-" "What?" Hindi siya makapaniwala. So Quuor really wants to save X? But... the second rank isn't there. Paano niya ganoon kabilis na maliligtas si X? Naabutan niya pa ito sa penthouse. "Aside from the second rank, puwede rin namang ang kaibigan ni Ishihara." Nagpatuloy sa pagsasalita si Blan. "'Cause why not right? He is always her savior." Taka niyang tinitigan si Blan. Then, it's him. Simeon. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD