NATAPOS ANG KLASE KAAGAD na dumiretso si X sa Canteen, baka wala ng pagkain na matira sa kanila kapag na-late. Kagaya ng palagi, nakasunod sa kaniya si Simeon na tila may araw sa ulo dahil sa paraan ng pagkakangiti. Hinayaan niya itong gawin ang gusto dahil hindi niya rin naman ito mapipigilan.
She place her usual meal on her steel tray. Dinig niya naman ang pagrereklamo ni Simeon sa paulit ulit na menu sa canteen staffs.
"May sinusunod kaming utos. Iyan lamang ang mga putahe na inaprubahan ng kataas taasang Yomashi," anang pa ng isa sa server.
"Really? We are eating this dish for a couple of days until now..." Kahit nakatalikod siya, para pumili ng kakainin sa mahabang lamesa alam niyang nakanguso na ngayon si Simeon. "So I have no choice, but to use my cook-"
Nahinto sa pagsasalita si Simeon nang lingunin niya ito. Now he's smiling innocently at her. Balak pa siyang ipahamak. Kahit na hindi siya ang may pasimuno, parehas pa rin sila ng unit na tinitirahan kaya sasabit at sasabit siya dahil obligasyon niyang isumbong ang mga ganitong bagay.
Nagpatuloy sa pagbulong si Simeon habang kasunod niya, nilakad niya naman ang daan papunta sa lamesang madalas niyang upuan.
Nahinto siya nang makitang may nakaupo na roon.
"Oh..." it's Blan and his circle.
Talagang nangaasar ito. Palibhasa'y nakatanggap na siya ng warning sa mga opisyales at hindi niya na ito puwedeng galawin.
Naramdaman niya rin ang paghinto ni Simeon sa likuran niya.
Tinalikuran niya ang puwesto nila Blan. Hindi niya ipapahamak ang sarili para lang makipag-agawan ng lamesa. Another thing, she knows that Blan just wants her to get punished.
Kuso...
Unbelievable.
Natulala na lang siya sa pagkain na kumalat sa sahig matapos niyang mapatid. Hindi niya inaasahan iyon. Nasundan iyon ng panibagong tray na bumagsak na rin sa sahig.
She stood up immediately when Simeon grabbed Sharein from her collar. Mabuti na lang at hindi gaano malala ang pagkakabagsak niya.
Ang anak ng opisyales ang pumatid sa kaniya. Surely, her enemies would take the official's warning as an opportunity to beat her without her fighting back. What a bunch of stupid students.
"Let me go! Ikaw ba ang pinatid ko?!" Sinubukan ni Shasha na alisin ang kamay ni Simeon, ngunit talagang malakas ito at mahigpit ang pagkakakuwelyo.
Pinigilan niya ang nanginginig kamay ni Simeon. Mula sa gilid ng kaniyang mata ay nakita niya kaagad ang pagtayo at paglabas ng mga ranggo sa pribadong espasiyo ng mga ito. Mabilis na nakalapit sa gawi nila dahil kapwa malapit ang kuwarto at kinaroroonan nila sa entrance ng canteen.
"Let her go... there's no use. The food is already wasted," she calmly said.
Kamalas malasang ang mga natirang pagkain sa mga nakahain doon ay ang mga pagkain pang hindi niya nakakain. Kung meron man ay halos isang kutsara na lang din. She was so hungry. Hindi siya pumunta sa kantina para mag-agahan dahil inuna niyang gantihan si Blan.
Nagtagal ang paningin sa kaniya ni Simeon. Nang bumitiw ito mula sa pagkakahawak sa kuwelyo ng anak ng opisyal ay doon lamang siya lumabas sa kantina.
Hindi niya naramdaman ang pagsunod Simeon sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit naninikip ang dibdib niya. Dahil ba sa gutom? O dahil hindi siya makaganti sa hindi makatarungang ginawa sa kaniya?
Nagtagal siya sa pond kung saan sana siya pupunta para kumain, tutal ay ilang oras pa naman bago ang susunod na klase. Pinanood niya ang paglangoy ng iba't ibang isdang naroroon.
"If only I could fry all of you," anang niya pa.
Nagbaba siya ng paningin sa kaniyang sapatos. Kahit na nagulat sa paglitaw ng isang pares ng itim na sapatos sa harapan niya ay nanatili siyang walang emosiyon - ang may-ari niyon ay isang ranggo.
Ang ikalawa.
"Here..." The second rank extended his hand for her.
Nagtagal ang paningin niya sa yakisoba na hawak nito. Gutom siya, pero nangibabaw ang pagda dalawang-isip niya.
"You like yakisoba, right?" dugtong pa nito.
Is he really this kind? Hindi niya maintindihan kung bakit sa lahat ng ranggo, ito pa ang makakasalamuha niya. Tila pilit nitong pinagkukrus ang kanilang landas.
"Just take it. Accepting help won't hurt."
Wala siyang nagawa kundi dahan-dahan na tanggapin ang yakisoba na inaalok nito. It was placed on a disposable plastic container with a disposable fork.
She just nod her head, without saying thanks. Kahit na hindi niya nakikita ang mukha ng ranggo, alam niyang umaasa ito sa pasasalamat dahil ganoon naman ang dapat, pero hindi siya sanay sa ganoon, hindi siya talagang sinanay.
"I'll... go ahead. Nice to talk to you."
And again, iyon na naman ang sinabi nito bago umalis. Why is it nice to talk to her when she didn't even said a word to him? Kahit na papaano'y gumaan ang pakiramdam niya. Hindi pala lahat ng ranggo ay sakim, may mabubuti rin.
Sinimulan niya nang kumain. Nahinto nga lang nang matapos ang ilang minuto'y lumitaw si Simeon sa harapan niya.
Napatitig siya sa dalawang yakisoba na dala nito, nakalagay rin sa disposable plastic container. He's smiling, but there's something in his eyes. Naalala niyang natapon din ang pagkain nito nang kuwelyuhan ang anak ng opisyal na si Shasha.
"You're here..." why is she feeling guilty all of a sudden?
Umupo ito sa tabi niya. "May nilutong yakisoba sa canteen. Kumuha ako nang para sa'kin. 'Di kita kinuhanan."
Nagbaba siya ng paningin sa dalawang yakisoba na nakapatong na ngayon sa hita nito. Lumipat ang paningin niya sa bigay ng ikalawang ranggo.
SUMUNOD NA RIN SI HAZETHE sa kapwa ranggo nang isa-isang lumabas mula sa pribadong espasiyo nila sa kantina. Hindi pa siya sigurado kung magpapatuloy sa paglabas dahil ang unang ranggo ay nanatili sa loob, nakatayo at pinapanood ang senaryo.
Kahit na hindi niya gusto ang katauhan ni X, alam niyang mali pa rin ang ginawa ni Shasha. It was very rude. Talagang sumusobra na.
Tahimik na pinanood ng lahat ang pagtahak ni X ng daan palabas.
Bumalik ang paningin niya kay Simeon. Naningkit ang kaniyang mga mata. So he's that angry... why does X seems so special to him when she is just new to the university and even that Simeon.
Thankfully, Ruhence isn't there, pero pabor din sa kaniya kung maglalaban ang dalawa. That would prove if Simeon is really a rank before or not. If he isn't then... it's a chaos.
Lumabas ang grupo nila sa Shasha. Binantaan pa si Simeon na talagang walang takot na makikita sa mukha kundi galit. Kinulot niya ang kaniyang buhok gamit ang daliri, napaisip.
"Here." Inabot niya ang isang container ng yakisoba sa nakaupong si Simeon.
Nagpaluto na lang bigla si Quuor ng yakisoba. Nagkaroon siya ng ideya.
Nagbubunot ito ng d**o malapit sa tabi ng canteen. Tila roon inilalabas ang sama ng loob. Tamang tama na hindi ito naka buntot kay X ngayon.
Mula sa pagkakaupo sa plant box ay tiningala siya nito.
"Ayaw mo? Natapon pagkain mo kanina. Maybe you're hungry."
Tumayo ito. Akala niya'y tatanggapin na nito ang inaalok nang tignan siya nito na parang tinatanong kung ano ang gagawin nito sa pagkain.
"What? I'm just offering you this because maybe you are hungry kasi natapon ang pagkain mo-"
"Bakit isa lang?"
Tinabingi niya ang kaniyang ulo. Hindi makapaniwala sa narinig. Like, seriously? Anong isa lang?
"Give me another one." Kahit na sa ganitong usapan ay may awtoridad pa rin ang boses nito.
Sarkastiko siyang natawa. "Fine. I'll give you another one, but..."
Gusto niyang mapangiti nang makita sa mukha nito na tila kahit anong hilingin niya ay ayos lang para lang sa isa pang yakisoba.
"Meet me at the park. Nine o'clock in the evening..."
Mabagal na kumurap sa kaniya si Simeon.
Nanatili siyang tahimik para hintayin ang isasagot nito.
"Where's my yakisoba?" He impatiently asked.
Unbelievable. He trade his time just for a yakisoba. Is it because he is that hungry? Or it is his favorite? Nakita niya rin kasing nagrereklamo ito sa mga meal kanina at walang yakisoba roon.
Gaya nang napag-usapan, ibinigay niya ang gusto ni Simeon. Hindi niya ipinahalata ang pagsunod dito habang masayang tinatahak ang daan papunta kung saan. A yakisoba for Simeon's happiness, how cute.
Napaatras siya at napatago sa building nang huminto si Ashton. Nang silipin niya ang tinatanaw nito, ang penthouse nilang mga ranggo ang una niyang nakita. What's with their penthouse?
"Really? Quuor?" Kaya ba ito nagpaluto ay para ibigay kay X?
Everyone's getting weirder and weirder right now.
Nang maglaho si Quuor ay nagtagal pa si Simeon sa tinigilang puwesto bago tinuloy ang paglalakad. Lakad na hindi na masaya gaya kanina. Kahit ang pagkakahawak nito sa yakisoba ay wala na ring gana.
Napailing siya. So... the yakisoba is for X and him to share while sitting on the pond? How sweet.
She feel bad though, but Yrrana is right. It's interesting. She saw how X abandonned the yakisoba that was given by Quuor. Ginamit niya ang pagiging peculiar in hearing para marinig ang usapan ni Simeon at X.
"The yakisoba is too bland. Give me that." Kahit walang emosiyon ang pagkakasabi ni X, alam niya kung ano ang nararamdaman nito ngayon. It's obvious that the other yakisoba is for her. So probably, guilt?
Umalis siya nang tuluyan doon at hindi na pinilit na marinig ang sunod na usapan.
Nine p.m. sharp, she was already in the park to wait for Simeon. Hindi man siya sigurado kung sisipot ito ay maghihintay pa rin siya. She just wants to ask a few questions to satisfy her curiosity and to solve her puzzle.
It was already dark and cold. The cold air gives chills to her body, but the silence is also scaring her.
"So, why do you want to have me here?"
Napapitlag siya nang magteleport sa kinasasandalan niyang puno si Simeon. His eyes were dark, the Simeon earlier is far more different that the Simeon right now.
"To ask about you," diretsa niya.
"Then I won't answer that."
He really won't? Napangisi siya. Then...
Hindi niya inaasahang magagawa kaagad nitong makaiwas. She tried to punch him. He is that strong to twist her fist. She groaned when she hit the tree when Simeon pushed her using her hand without letting go of it.
In just one wrong move from her and she is trapped, when she's a rank. Naalala niya ang pinagusapan ng mga matagal ng ranggo, the last time when this boy commanded the first rank.
Simeon is no-ordinary peculiar.
"I knew it..." nginisian niya ito.
Nagtagal ang titigan nila. Tila naubos ang lakas niya nang magtagal ang pagtama ng mata niya sa mata ng lalaking ito. Unti-unting nalanta ang ngisi niya.
"It's not always good to be curious, Rivera..."
Her surname...
Matapos sabihin iyon ay naglaho ito nang parang bula. Nanatiling nakalutang sa ere ang kamay niya. Hindi siya nakagalaw. Sobra pa sa tripleng beses ang kaba na nararamdaman niya ngayon.
There's something wrong with his eyes...
Itutuloy...