Araw nang sabado at wala akong pasok sa school nang araw na iyon.
“Hello?” inaantok kong sagot. Nakita ko na si Andrea ang caller kaya sinagot ko ang tawag.
“Hi May Ann, Maya for short. Gumising ka na at tanghali na. Punta ka dito kina school. Nandito kami ngayon sa library.
“Di ba pwedeng mamaya na lang ako pumunta? Inaantok pa kasi ako.” Sagot ko kay Andrea. May group research kasi kami ngayon at ka group ko siya, si Bryan at si Jacob. Lumipas ang mga araw na di kami nagpapansinan ni Jacob. Hindi na siya tulad noong mga bata pa kami na hilig akong asarin. Mukhang hindi na rin naman niya ako natatandaan pa.
“Di pwede. Bawal ang late. Sige, tatawagan ko pa sina Bryan at Jacob. Bye.” Magsasalita pa sana ako pero binababa na ni Andrea ang phone. “Bawal ang late, eh ngayon ka lang naman naging maaga sa usapan.” Kausap ko na lang sa phone kahit alam kong wala na si Andrea sa linya.
Kahit inaantok pa ako ay kumilos na rin ako.
"Ma, punta lang ako sa school library." Paalam ko kay mama pag pasok ko sa kusina para magtimpla ng kape.
Tiningnan ako ni mama bago bumuntong hininga. "Himala at pupunta ka ng school library ngayon kahit Sabado."
Nakasimumingin akong tumingin sa kanya. "Wala akong choice. Need ko na mag aral ng mabuti ngayon dahil graduating na ako."
"Mabuti naman anak at naisip mo 'yun. Masaya ako para sa pagbabago mo." nakangiting saad nito. "Kumain ka muna ng kanin bago ka umalis. Hindi 'yung kape ka ng kape tulad ng papa mo. Ang bata mo pa pero ang hilig mo na sa kape.
"Nagmana ako kay papa 'eh." Sagot ko.
"Sana pati talino ni papa mo minana mo."
"Ma naman." Naiinis na saad ko.
"Aba, May Ann, maganda ka naman pero need mo din ng utak."
"Ma, gragraduate ako. Huwag kang mag alala. Di man ako ang top 1 at least hindi ako bagsak." pagtatanggol ko sa sarili ko.
"Oo nga pala, alam mo bang dumating na ang anak ng kapitbahay natin."
Kunot noo akong tumingin sa kanya. "Sino naman yang sinasabi mo, 'Ma?"
"Yung kalaro mo nung 8 years old ka pa lang." Bigla itong napangiti na tila nay naalala. "Natatandaan ko pa ang chubby na batang yun, nagpaalam ba naman sa amin ng papa mo na gusto ka niyang pakasalan."
Muntik na akong masamid sa iniinom kung kape ng marinig ko ang sinabi nito.
"Ano?!" gulat kong tanong.
"Ang lakas naman ng boses mo May Ann. Mas malakas pa sa pagtilaok ng manok." saway nito sa akin. "Si Jacob, yung anak nung may ari ng bakeshop sa harap. Kung hindi lang galit ang papa mo nun sa mga Chau, baka pumayag kami na ipagkasundo kayong dalawa." natatawang sagot nito.
"Di ko maalala ang sinasabi niyo." naguguluhan kong saad.
"Masyado ka pa kasing bata para matandaan. Huwag kang mag alala at hindi naman namin 'yun sineryoso. Masyadfo pa kayong bata ng mga panahon na 'yon. Sige, na kung aalis ka umalis ka na. Baka malate ka pa sa lakad mo."
Di ko na lang pinansin si mama at nagtuloy na lamang ako sa paghigop ng kape at pagkain ng almusal. Bakit ang naalala ko ay ang mga pang-aasar ni Jacob sa akin noon?
“Good, kumpleto na tayo.” Wika ni Andrea nang makaupo na ako.
“Ano bang gagawin natin?” tanong ni Bryan habang ngumunguya ng tinapay.
“Kaylangan nating mag isip ng topic para sa isusubmit nating research paper.” Wika ni Andrea. Lahat kami kay Andrea nakatingin. Si Jaco ay nakaupo katabi ni Bryan pero tahimik lang ito.
“Bakit hindi na lang about sa unemployed rate ang topic natin.” Mungkahi ni Jacob. Nagsalita na rin ito sa wakas.
“Sige.” Sang ayon agad ni Andrea. Di man lang kami tinanong ni Bryan kung payag ba kami.
“Maghanap na lang muna tayo ngayon ng articles about unemployed rate.” dagdag ni Jacob sabay tayo.
“Bakit nakaupo pa kayo 'dyan?” Tanong ni Andrea sa amin ni Bryan. Tumayo na rin ito ng magsimula ng maglakad si Jacob para maghanap ng books.
"Kumakain pa ako 'eh." sagot ni Bryan.
"Gusto mong isumbong kita at kumakin ka dito sa loob ng library?" inis na saad nito kay Bryan.
“Huwag naman Andrea. Alam mo naman na mahal na mahal ko ang mga tinapay sa bakeshop ni Jacob eh.” sagot ulit nito at tumayo na rin. Wala na rin akong nagawa kundi sundin ito.
Umalis na ako upang maghanap. May nakita akong research book same ng topic namin pero nasa bandang taas ang libro kaya kaylangan ko pang tumuntong. Inapak ko ang paa ko sa pangalawang layer ng bookshelves at pilit na inaabot ang libro ng biglang magsalita si Jacob.
“Anong ginagawa mo?” Mataas ang boses nito na nagpabigla sa akin kaya nawalan ako ng balanse. Ito siguro ang nagagawa ng mahilig sa kape, nagiging magugulatin. Inihanda ko na ang sarili ko sa pagbagsak pero wala akong naramadamang sakit. Iminulat ko ang mga mata ko.
“Aray!” Narinig kong may nagsalita sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko si J na nakahiga sa sahig.
“Sir, bakit kayo nakahiga diyan?” Nagtataka kong tanong sa kanya.
“Bakit kaya di mo tanungin ang sarili mo bakit nakapatong ka sa akin.” Inis na sagot niya. Dahil sa sinabi niya dun ko lang napansin na nakaupo ako sa bandang tiyan ni Sir Nico. “ Pwedeba tumayo ka na diyan. Ang bigat mo!” Sigaw niya sakin.
“Naku Sir,” Natataranta akong tumayo. “Pasensya na kayo sir. Di ko alam na nadaganan ko pala kayo.”
Pinagpag ni sir Nico ang suot niya nang nakatayo na siya. “Sa susunod mag-ingat ka. Dahil di na kita sasaluhin kapag nagpakatanga ka pa.” sabi niya bago pumasok sa loob ng opisina niya.
Nagulat ako sa sinabi niya. Ibig sabihin sinalo ako ni sir Nico! Di ako makapaniwala na nagmagandang loob siya sa akin. May itinatago rin palang concern sakin ang boss ko. Di ko tuloy maiwasang kiligin. Magpahulog kaya ulit ako?