bc

Be Still My Heart

book_age16+
18
FOLLOW
1K
READ
playboy
goodgirl
comedy
sweet
humorous
lighthearted
campus
highschool
enimies to lovers
school
like
intro-logo
Blurb

Maya was selected as Muse in their class not because she's pretty enough but because the elected escort is Jacob, her ultimate enemy since childhood.

Alam ng buong campus ang alitan ng pamilya nila at ngayon 4th year high school lang sila magiging mag classmate kaya sinamantala ng mga classmate nila na pagtambalin silang dalawa.

"I object the nomination." mariin na sabi ni Maya.

"Maya naman! Huwag ka namang KJ." wika ni Ashley na nag nominate sa kanya. "Si Jacob nga walang angal eh." dagdag pa nito na sinang-ayunan naman ng iba niyang klasmeyt.

"Bakit ako? Di hamak naman na mas maganda si Elize kaysa sa akin." giit niya. Ayaw niya talaga na maging muse ng klase nila. Lalo na at may taunang paligsahan sa campus for Mister and Miss Dream High.

"Alam naman ng lahat 'yan, hindi mo na kailangang sabihin na hindi ikaw ang pinakamaganda." biglang saad ni Jacob habang nakaupo ito sa upuan nito sa tabi ng bintana. Napalingon siya dito at nakita niya na nakatingin ito sa kanya.

"Anong sinabi mo?" inis na wika niya ng marinig niya ang tinuran nito.

"Walang ulitan sa bingi." nakangising sagot nito na mas lalong nagpainit ng ulo niya.

"Okay." sagot niya habang nakatingin dito. "Tinatanggap ko ang nominasyon." ramdam sa paligid ang tensyon sa pagitan ng dalawa.

"Yun naman pala eh." sagot ng elected President nila. "So okay na ha, wala ng atrasan. "Si Maya na ang Muse ng 4-Mahogany."

Bago siya umupo ay tiningnan niya muna ng masama si Jacob. “Ang kapal talaga ng mukha mo, Jacob.” Inis na wika niya sa sarili. Hindi man siya ang pinakamaganda pero matalino naman siya. Hindi katulad nito na pa-pogi lang ang alam gawin.

Kilala ito sa campus bilang isang playboy. Oo, gwapo ito. Singkit ang mga mata dahil may lahi itong chinese. Maputi at matangkad. Papasa ito bilang isang chinese member ng KPOP group. Pero di niya ito gusto dahil wala itong ginawa mula pagkabata pa nila kundi ang asarin siya.

“Makakaganti din ako sa pagpapahiya mo sa akin. Makikita mo.” Gigil na wika niya ulit habang hawak ng mahigpit ang ballpen.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Hay naku, nasaan na ba si Jasmin?! Kanina pa tayo naghihintay sa kanya! Matatapos na ang lunch break wala pa rin siya” Naiinis na saad ni Kimberly habang nakatingin sa labas ng cafeteria. “Di na naman siguro sila pinalabas on time Ms. Hernandez.” sagot ko sa himutok ni Kimberly. Nandito kami ngayon ng mga kaibigan ko sa loob ng cafeteria. Nakaugalian na namin na sabay-sabay kaming mag lunch. Naging magkaklase kami noong 1st year at nagkasundo. Pero after 1st year ay nagkahiwalay hiwalay kami ng sections pero di nasira ang pagkakaibigan namin. “Bakit hindi nyo siya tawagan?” suhestyon ni Florence. “Wala ako pantawag, eh. Meron ka ba?” sagot ko kay Florence. “Wala din ako eh, ikaw Kimberly , meron ka ba pantawag?” tanong ni Florence kay Kimberly. “hehehe, wa rin eh.” nakangising sagot din nito. “Wala pa rin tayong pagbabago, lagi pa rin walang load.” saad ko. Biglang tumunog ang cellphone ko, “Nagtext si Jasmin, parating na daw siya." Basa ko sa phone ko.  Tumayo ako pagkatapos kong basahin ang text. "Pipila na ako, para pagdating niya eh may pagkain na tayo, ano ang sa inyo?” “Tulad pa rin ng dati ang akin” sagot ni Kimberly, “Ako rin,” sagot naman ni Florence. “Okay.” Pumila na aq sa counter. At ang haba ng pila. Isang lalaki ang nasa unahan ko. Di ko makita ang kanyang mukha dahil masyado siyang matangkad para sa isang tulad ko na 5’2 lang ang taas. Humahalimuyak din ang mamahalin nitong pabango. Mukhang gwapo pag nakatalikod, eh pag humarap kaya? Baka chaka? Bigla akong natawa sa naisip ko. Di ko namalayan na ang lalaking nasa harap ko na ang nasa counter. “Miss, isang sinigang at rice.” Wika ng lalaki sa babaeng nasa counter na mukhang namalikmata  pa sa pagtitig sa lalaking kaharap. Medyo familiar sa akin ang boses ng lalaking nasa harapan ko pero di ko matukoy kung sino. Mukhang natulala pa yata ang babae kaya nagsalita na ako dahil naiinip na ako sa di pa pagkilos ng babae. “Miss, isang isang sinigang daw at rice.” Mukhang nagising na ang babae sa pagsalita ko. “Ah, eh, yun lang ba?” tanong ng babae sa lalaki na nakangiti pa sa kaharap na parang nangangarap. “Yun lang miss.” seryosong saad nito sa baritonong boses. Pati boses, mukhang gwapo.              Pagkalipas ng ilang minuto ay tumabi na ang lalaki sa kaliwa upang hintayin ang kanyang order. Ako na ang nasa harap nang counter at di ko maiwasan na tingnan ang mukha nang lalaking nagpatulala sa babae. Naramdaman siguro nito na nakatingin ako kaya gumawi rin ito ng tingin sa akin. Mas lalo kung nasilayan ang gwapong mukha nito. "Bakit parang familiar siya saakin?" bulong ko sa sarili ko. “Maya, tinatanong ka nung crew kung anong order mo. Kanina ka pa nakatulala diyan.” nakakunot na ang noo nito habang nakatitig sa akin. “Ha?” Ay putek, nakalimutan kong ako na ang nasa counter. “Ah,, oo nga pala.. hehehe.. Thank you.” saad ko dito. Nakakahiya. Pasimple ko pang pinahid ang labi ko. Baka tulo laway pa ako sa kanya habang nakatingin. Kinuha na nung lalaki ang order niya at umalis. Nung nasabi ko na ang order ko at gumilid para hintayin i serve ang order ko, may narealize ako. "Teka! Bakit kilala niya ako? Eh hindi naman ako nagpakilala sa kanya?" Biglang may isang imahe anglumitaw sa isip ko. "OMG! Si Jacob Chua. Anong ginagawa nito sa St. Luis Academy?! Kaylan pa siya nakabalik ng Pilipinas?" Kilala niya ito dahil magkapitbahay sila. Anak ito ng kakompetensya nila sa negosyo. Mula kasi ng magtayo ng Bakeshop ang pamilya nito ay unti-unti ng nabawasan ang customer ng kanilang bakery na ikinainis ng parents niya. Pinagbawalan siya ng parents niya na makisalamuha sa pamilya nito lalo na dito. Kaya sa tuwing magkakadaupang-palad sila ay di niya ito pinapansin. Nagulat na lang siya isang araw ng kausapin siya nito at sa pagkataranta niya na makita siya ng parents niya ay naitulak niya ito. Labis ang pagkabigla sa mukha nito at Simula noon ay wala na itong ginawa kundi ang asarin siya sa tuwing nakikita siya nito. Mukhang nagtanim ito ng sama ng loob ng naitulak niya ito dahil nasaksihan ito ng mga kaibigan nito at ng parents niya. Kaya labis ang kagalakan niya ng mabalitaan niya na umalis ito ng Pilipinas at Pumunta ng Hongkong kung nasaan ang grandparents nito dahil mawawala na ito sa landas niya at matatahimik na siya. Pero ngayong bumalik ito ay bigla siyang nangamba para sa magiging high school life niya. Inilapag ko na ang order namin sa table. Nandito na rin si Jasmin. Sinisermunan ni Kimberly ito na halata namang di nakikinig dahil abala sa pagtingin sa labas. “Jasmin makinig ka naman. Pag na late ka na naman mauuna na talaga kaming kumain.” “Sorry, di na mauulit. Wala kasing magkalakas ng loob sa klase na sabihan si Ms. Hernandez na break na.” “Yan din yung sinabi mo last time, eh.” naiinis na sagot ni Kimberly dito. "Ikaw na kasi magkusa sa susunod." “Maya , sino yung chinitong kausap mo kanina?” tanong sakin ni Florence habang ngumunguya ng fries. “Ha? Sino?” patanong kong sagot.                “Yung lalaking kausap mo habang nakapila ka kanina.” nakangising sagot sakin ni Florence. "Infairness, ang gwapo." Umakbay ito sa akin. "Di ko alam na malakas din pala ang loob mo na kumausap ng lalaki." “Si Jacob.” Biglang nabilaukan si Florence sa fries na kinakin niya. "Si... Jacob 'yun?" gulat na tanong nito sa akin. "Oo." maikling sagot ko. "Yung matabang chinito na lagi kang inaasar nung mga bata pa tayo?" tanong ulit nito sa akin. Magkapitbahay at matagal na kaming magkaibigan ni Florence kaya kilala niya rin ito. Tumango na lang ako bilang sagot. "Oh my God! ang gwapo na niya ngayon, friend." titingin pa sana ito kung saan nakaupo si Jacob pero pinigilan ko siya sa mukha. "Huwag mo nang tingnan." gigil na sagot ko. "Mamaya, malaman pa niya na pinag-uusapan natin siya." "Eh, totoo naman na pinag-uusapan natin siya ngayon." "Kahit na, huwag ka naman pahalata." mulat kong saad. Nakangising tumitig ito sa akin. "Natatakot ka ba? Masyado na kayong matanda para asarin ka pa niya tulad ng dati." "Sana nga. Pero kung sakali man na guluhin niya ang buhay ko, lalaban na ako." sagot ko dito. “Maya, bakit ngayon ka lang?” Bungad sakin ng isa sa mga  seatmate ko na si Andrea. “Bakit?” tanong ko habang inaayos ang gamit ko bago umupo. “Wala lang. Pero alam mo na ba ang bagong balita?" nakangiting tanong nito sa akin. "Balita? Hindi, wala pa akong alam. Bakit? ano ba 'yun?" balik tanong ko dito. "May bago tayong klasmeyt." "Sino?" tanong ko dito pero natigil ito sa pagsagot ng biglang pumasok ang napakabait kong homeroom teacher na si Mrs. Nadine Lee. “Good morning class.” Si Mrs. Lee ang unang bumabati sa amin. Nakangiti ito sa amin habang nagalalakad papunta ng table nito. Sa edad nitong limampu't pito ay napakaganda pa rin nitong tingnan. "May bago tayong transferee student. Mr. Jacob Chua, pumasok ka na."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook