ZYNE’S POV
“I’m very, very sorry, Zyne, but Ryne is…” He trailed off then tinalikuran niya ako as he removed his eyeglasses and wiped his tears.
Huminga ako nang malalim then hinawakan ko ang kamay niya bago ko siya nginitian. “Dr. Zin, thank you po sa lahat ng ginawa ninyo sa pamilya namin. Kahit na wala na sina Mama at Papa ay hindi ninyo po kami pinabayaan ni Kuya Ryne. Inalagaan ninyo po kami na parang tunay na anak kahit hindi po tayo magkadugo,” I said, then I bow my head.
“Thank you po ng maraming-marami. You lessen the burden of my brother kaya salamat po talaga!” I added.
“Zyne!” he mumbled.
Niyakap ako ni Dr. Zin. He’s our family doctor and isa rin siya sa malapit na kaibigan ng parents ko. Simula bata pa lang kami ay inalagaan na niya kaming magkapatid, at noong namatay naman ang parents namin ay siya na ang laging tumutulong sa amin ni Kuya.
I tapped his back. “Puwede ko na po bang makausap si Kuya Ryne?” I asked.
He released me from his hug, then I gave him another smile bago ako pumasok sa loob ng kwarto. Pinagmasdan ko ang katawan ng kuya ko na kasalukuyan nang nakabalot ng kumot ang kaniyang katawan. “Kuya Ryne, siguro ay kasama mo na sina Mama at Papa, ‘no? Sigurado akong maganda riyan sa lugar na kinaroroonan mo? Hindi ka na masusundan pa ng kahit anong sakit at paghihirap pa, kaya…” Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. “Kuya, huwag mong isiping nagtatampo ako sa iyo dahil iniwan mo na ako. Sabi ko naman sa iyo, eh, kakayanin ko ‘to! Ako pa, si Zyne Takahashi, ang nag-iisang kapatid ni Ryne Takahashi. Kahit ano’ng ibato sa akin, makakayanan ko. Kaya, Kuya, huwag mo akong intindihin, hah? Pakisabi na lang kina Papa at Mama na miss na miss ko na sila at mahal na mahal ko sila! Ikaw rin, Kuya, mahal na mahal din kita. Mami-miss din kita, sobra. Alam ko na balang-araw, magkakasama rin tayong apat!” sambit ko habang pinupunasan ang aking mga luha.
Tumayo ako galing sa pagkakaupo at hinalikan ang noo ni Kuya sa huling pagkakataon. “Goodbye, Kuya Ryne. I know you’re with God now and I know he will protect you from all the pain and suffering. Hindi ka na mahihirapan pa, kuya ko.” May tumulo ulit na luha sa aking mga mata kaya pinunasan ko agad ito. Kinuha ko isa-isa ang mga gamit namin ni Kuya sa loob ng kwarto kung saan siya na-confine at kung saan din siya binawian ng buhay.
I gave the room one last look then I smiled. “I’ll miss you, Kuya…” After I said that ay tuluyan na akong lumabas. “Dr. Zin! Ayos na po ako. Puwede ninyo na pong iayos si Kuya. Pero may pupuntahan lang po ako saglit, ah? May kakausapin lang po ako,” I said.
He just tapped my shoulder and says, “Go ahead. Ako na ang bahala sa Kuya mo.”
“Thank you so much, Dr. Zin!” pagpapasalamat ko sa kaniya.
“By the way, Zyne. My nephew needed someone to assist him. Okay lang ba sayo kung—”
Pinutol ko agad ang sasabihin ni Dr. Zin at siya’y aking niyakap. “Kahit anong trabaho pa yan. Okay lang sa akin, basta hindi illegal, tatanggapin ko po iyan!”
Medyo natawa naman siya sa sinabi ko. “But, you better take good care of your health, young lady!” pagpapaala niya.
“I will!” tugon ko rito.
“And, oh, be strong, Zyne,” Dr. Zin said, then he tapped my shoulder again.
I gave him my sweetest smile and naglakad na ako patungo sa lugar kong saan kami laging nagkikita ng kaibigan ko, na siya lang ang madalas kong nasasabihan ng lahat ng saloobin ko—sa chapel. Pero bago iyon ay napadaan muna ako sa emergency room kung saan ay napapalibutan ng isang pamilya ang doktor.
“I’m sorry to say this, but she only has a limited time to live. Ang tanging bumubuhay na lang sa kaniya ay ang machine, and once we cut the machine, she’ll die,” the doctor said.
I heard them protest.
Parang ayaw nilang maniwala sa sinasabi ng doktor na para bang inaasahan nilang sasabihin nitong nagbibiro lang siya, na gino-good time lang sila nito, na pawang kasinungalingan lang ang sinabi nito.
But I knew better.
This scene happened to me, not once but twice already. One thing I’ve learned; kahit na anong iyak at sigaw pa ang gawin ko ay hindi ko na maibabalik ang buhay ng mga taong mahal ko. Kaya dapat hanggang kapiling mo pa sila ay huwag kang magsayang ng oras iparamdam mo sa kanila kung gaano sila kahalaga at kung gaano mo sila kamahal.
Maglalakad na sana ako palayo nang bigla kong narinig ang sigaw ng isang lalaki.
“Ano’ng kailangan niya para mabuhay? Pera ba? Sabihin mo sa akin kung magkano! Handa akong magbayad kahit magkano pa iyan! Maraming nawawalang dugo sa kaniya?!” Inilahad ng lalaki ang kamay niya at ipinakita ito sa doktor. “Kunin ninyo na ang dugo ko! Kung kinakailangan pati buhay ko ay kunin ninyo na rin, idugtong ninyo ‘to sa buhay niya! Huwag na huwag mong sasabihing wala nang pag-asa!” Hinawakan niya ang kwelyo ng damit ng doktor.
“Nakikiusap ako, iligtas ninyo siya! Hindi siya puwedeng mamatay! Parang awa ninyo na, huwag ninyo siyang hayaang mamatay!” sigaw nito.
Napabuntonghininga na lang ako dahil parang nararamdaman ko rin ang sakit na nararamdaman ng lalaking iyon. Napahawak na lang ako sa aking dibdib nang bigla na naman itong nanikip. Agad na akong lumayo sa E.R at dumiretso sa chapel. Pagkaupong-pagkaupo ko ay napahagulhol na lamang ako habang nakatingin ako sa imahe ng best friend ko na si God.
Dapat nga ay nagagalit na ako sa kaniya ngayon, di ba? Kasi kinuha niya ang mga magulang ko. Si Kuya Ryne, siya na lang ang mayroon ako, pero kinuha na rin niya. Akala ko ay ‘di na ako masasaktan sa pagkawala ni Kuya, pero mali pala ako, kasi noong nakita ko ang lalaki kanina, parang naramdaman ko lahat ng sakit.
Gusto kong sumigaw at magalit sa kaniya, pero hindi ko magawa dahil kahit sa dami ng pinagdaanan ko, ay hindi niya ako pinabayaan. Sa kabila ng kamalasang nangyayari sa akin ay may mga tao pa rin siyang ipinadala upang tulungan ako.
Matapos humupa ang aking pag-iyak ay lumuhod ako at nagdasal.
God! Nandito na naman po ako, pero this time, para magpasalamat sa iyo. Salamat dahil hindi na po nahihirapan si Kuya Ryne sa sakit niya. Masakit man pong iniwan na ako ng mga taong mahal ko pero—
“Bakit ninyo siya kukunin agad sa akin? Hindi ba ako puwedeng sumaya sa piling ng taong mahal ko?”
Pero mas mabuti na rin po ‘to. Kagaya po ng laging kong ipinagdadasal ko sa inyo—
“Bakit siya pa? Bakit ang babaeng mahal na mahal ko pa? Puwede bang ako na lang ang kunin ninyo? Huwag lang siya.”
Kagaya po ng lagi kong ipinagdarasal sa inyo noon, ikaw na po ang bahala kung papagalingin mo si Kuya or kukunin ninyo na siya sa akin. Ang gusto ko lang naman ay ‘di ko na siya makita pang nahihirapan pa. Masakit man, pero wala akong magagawa kundi ang tanggapin ito. God, salamat po at—
“Hindi ko kayang mawala siya sa piling ko! Bakit hindi ninyo na lang kami hayaang magsama? Bakit?!”
God, wait lang po, ah? May patatahanin muna ako saglit. Sobrang ingay niya po talaga at hindi ako maka-focus sa pagdarasal. At mas kailangan ka po niya ngayon.
Tumayo ako at lumapit sa kinauupuan ng lalaki na hanggang ngayon ay iyak pa rin nang iyak. Siya rin iyong lalaking nakita ko kanina sa emergency room na sumisigaw at umiiyak.
“Bakit? Mawawala na ba siya? Patay na ba siya?” I asked kaya napatingin siya sa akin at mukhang nagulat yata siya dahil na rin siguro sa bigla kong pagsulpot. I just smile.
“E-eh?” he asked.
“Ang sabi ko, patay na ba iyong iniiyakan mo?” I asked again.
“H-huh?” he responded.
Bingi yata ‘to, eh. “Nakita ko kayo sa E.R, at hindi ko sinasadyang marinig ang sinabi ng doktor. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman siya patay. Ang sabi niya lang, once na pinutol na iyong life machine sa katawan niya, ay saka lang siya mawawala.” Pagkatapos ko iyong sabihin ay ngumiti ako at naupo sa tabi niya.
“Sino ka ba? At ano ba’ng alam mo?! Ang sabi ng doktor, ang makina na lang ang tanging bumubuhay sa kaniya. Ano pa ang pagkakaiba noon? Tatanggalin din naman nila iyon sa katawan niya! At isa pa, huwag mo nga akong kausapin dahil wala kang alam! Wala kang alam kung ano mang nararamdaman ko ngayon!” He shouted.
And again, I gave him a smile and sighed. “7 years old ako noong pinasok ng mga magnanakaw ang bahay namin,” pagsasalaysay ko.
“H-Huh?!” tanging saad niya.
“Nasa ibang bansa noon ang mama ko habang ang kuya ko naman ay naroon sa isang camping. Kami lang dalawa ni Papa ang naiwan sa bahay. Noong pinasok na kami ng magnanakaw ay nagtangkang lumaban si Papa sa mga ito kaya napatay siya,” pagpapatuloy ko pa.
“Teka lang, ah. Bakit mo naman kinukwento ‘to sa akin?” he asked.
Hindi ko sinagot ang tanong niya, instead ay nagpatuloy lamang ako sa aking pagkukwento. “After 3 years ay namatay naman ang mama ko dahil sa sakit. Mula noon ay si Kuya Ryne na ang nag-alaga sa akin.”
“Wait I don’t understan—”
He didn’t finish what he was trying to say when I suddenly spoke. “But he got hospitalized with the same disease as my Mama. And he died…” I heaved a sigh. “25 minutes ago…” I added. Nang dahil sa sinabi ko ay natigilan siya.
“C-condolence!” nauutal niyang sambit.
Binigyan ko ulit siya ng matamis na ngiti sabay sabing, “Pero sa kanilang tatlo ay hindi ako nawalan ng pag-asahang mabubuhay pa sila at makakapiling ko pa sila nang matagal sa mundong ‘to. Death is really painful lalo na kapag ang taong mahal mo pa ang mawawala. But, do you believe in miracle?”
“H-huh?!” wala sa sarili niyang tugon.
“Miracles are true as long as you believe in it. Kaya kung ako sa iyo ay hindi ko iiyakan at isusuko ang taong lumalaban pa para makasama ako.”
Pagkatapos ko iyong sabihin ay saka ako tumayo at kinuha ang panyo sa aking bulsa. Ang panyong ‘to ay lagi kong hawak-hawak kada umiiyak at nasasaktan ako. Para kasi sa akin, parang si Mama na rin ang pumupunas ng luha ko tuwing ginagamit ko ito. Inabot ko ito sa lalaki at tinanggap naman niya.
“Gawa yan ng mama ko, pero hindi ko na kailangan iyan ngayon. Mayroon ng taong mas nangangailangan nito. Kaya ingatan mo iyan. At kapag hindi mo na kailangan ay ibigay mo sa taong mas nangangailangan nito,” I said then I gave him a one last smile bago ko tuluyang lisanin ang chapel.
Sana kahit papaano ay napagaan ko ang loob niya...
Nagpunta ako sa garden kung saan ay madalas hilingin ni Kuya Ryne na pumunta kami rito para hintayin ang paglubog ng araw. Nandito ako mismo sa ilalim ng puno at nakaupo.
“Kuya Ryne, bakit gustong-gusto mong pagmasdan ang paglubog ng araw?”
“Para makita at maramdaman ko kung gaano ako kamahal ni God, dahil hanggang ngayon ay nandito pa rin ako para makita ang panibagong araw na kasama ka!”
Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang bigla kong naalala ang sinabi ni Kuya. Pero this time, ako na lang ang mag-isang nanonood ng paglubog ng araw dahil wala na siya. Kanina, kitang-kita ko kung paano siya bawian ng buhay. Pero bago siya mawala ay nagawa pa niyang sabihin ang mga katagang kahit kailanman ay hindi ko muli pang maririnig mula sa kaniya.
“Zyne, Aishiteru… Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng kuya.”
Tiningnan ko ang aking relo. It’s exactly 1 hour before sunset. Nakaupo lang ako sa ilalim ng puno at hinihintay lumubog ang araw. I remember all the things that my brother and I have done together. Siya ang nakasama ko sa hirap at ginhawa. Never niya akong pinabayaan.
Napapikit na lamang ako habang nararamdaman kong unti-unti na namang tumutulo ang aking luha. Instead of wiping my tears ay ngumiti lang ako. Sabi kasi noon ni Kuya, nakakatulong daw ang pagngiti dahil nakakagaan ito ng pakiramdam.
“Kuya, naka-smile na ako, kaya sana ay ikaw rin…”
Dumating na ang pinakakaabangan kong sunset and I think this is the most beautiful sunset I’ve ever seen. Parang sinasabi nitong kailangan kong magpatuloy at mabuhay kahit na wala na sila, at kailangan ko ring harapin ang panibagong araw na di na kasama si Kuya Ryne. Tumayo ako at pumasok sa hospital para kunin ko ang iniwan kong gamit. Napadaan ulit ako sa E.R at nakita ko na naman ulit iyong lalaking binigyan ko ng panyo na sumisigaw.
“She’s already awake!”
Kaya kaagad na pumasok ang mga doctor at nurse sa loob ng emergency room. “Totoo ba ito? Buhay ang kapatid namin?” tanong ng isang babae.
“Totoo! Binanggit niya pa nga ang pangalan ko,” he said. Then a woman hugged her.
“Thanks, God! He saved my daughter,” she said while wiping her tears.
Bigla namang napatingin iyong guy sa may side ko, then mouthed me, “Thank you!” I nodded and umalis na ako roon.
Well at least, someone got their happy ending today.
As for me…
I should start praying for another miracle…