KABANATA 2

2511 Words
KYLE’S POV “Kyle, move closer to Maze! That’s right, Yuan. Chin up! Put some facial expression on your face. And stop scratching your head. May kuto ka ba? Maze, Ayusin mo naman ang facial expression mo. Very good, now all of you, don’t move!” I saw flashes of cameras, then afterwards our producer clapped and said, “Very good! Alam kong papatok talaga sa manonood ang bagong movie ninyo. As of now, you may go!”   Ako ang bida kaya panigurado akong bebenta ang movie na ‘to! Sino ba namang hindi manonood sa movie ng isang Kyle Montefalcon, ‘di ba? Bulag na lang siguro ang hindi kikiligin kapag nakita nila ang pinakagwapo kong mukha. Ngingitian ko lang ang mga kababaihan, paniguradong puwede na silang mamatay.   “Hey, Kyle. Are you going home now?” she asked while putting her arms around mine. “Oo, pagod ako,” I replied. “Do you want to eat breakfast with me?” she asked again. “No, thanks. I need to take a rest. Inumaga na tayo sa photoshoot, eh,” I said. Bumitaw siya sa pagkakapulupot sa akin. “Tsk! KJ much.” After she said that ay naglakad na siya papalayo sa akin. That’s Maze Winter, at isa rin siyang patay na patay sa akin. Umupo ako sa may sofa bago ko iniligpit ang gamit ko para makauwi na rin ako.   “Bakit ikaw ang nag-aayos n’yan? Nasaan na ang P.A mo?” tanong ni Yuan, isa sa cast na kasama ko, and at the same time ay kaibigan ko na rin. Instik iyang isang ito. “Pinatalsik ko na, ang tanga-tanga kasi!” I said. “Dahil lang sa tanga kaya mo siya pinatalsik?! Yúchǔn de!” he said. “Sus! Huwag mo nga akong pakialaman. Nga pala, bakit kamot ka nang kamot sa ulo mo?” saad ko. “Si Kyla kasi, eh. Taktakan ba naman ng chalkdust ang ulo ko,” usal niya. Kyla Fallejo is in charge of the clothes we are wearing, and lagi nitong nakakaaway si Yuan Chen dahil na rin sa sobrang kakulitan ng lalaking ‘to. Yuan stretched his arms bago niya ipinatong ang kaniyang ulo sa headboard ng sofa. “I’m so tired! Gēgē, Kyle. Wǒmen huí jiā ba,” he said then sighed. [Gēgē = older brother; Wǒmen huí jiā ba = let’s go home] “Uuwi naman talaga ako, kaya bye na,” pagpapaalam ko sa kaniya, then I stood up and grabbed my things. “Wait! Pasabay ako. Sira ang kotse ko, eh,” usal niya. “Ayoko! Makisabay ka na lang kay Kyla.” Pagkatapos ko yung sabihin ay nagsimula na akong maglakad. “B-but—” he said. Hindi ko na siya pinansin at nagtungo na ako sa parking lot.   Salamat naman at sa wakas ay makakapagpahinga na rin ako lalo pa at sabi ni Tito ay ngayon daw ang dating ng bagong P.A ko. Sana naman ay hindi siya kagaya ng mga dati kong P.A.   Pagdating ko sa unit na aking tinutuluyan ay kaagad akong nagtungo sa banyo to take a quick shower before ako matulog. Siyempre, sikat ako kaya araw-araw ang dami kong nakakasalumuhang tao lalo na sa mall tour namin kahapon. Baka marami pala silang germs sa katawan.   Yucks! Mga kadiri sila.   Kinuskos ko nang maigi ang aking katawan, iyong tipong wala na talagang kahit ni isang germs na kumapit sa katawan ko.   While I’m in the middle of sanitizing myself ay halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang bumukas ang pinto ng bathroom at tumambad sa akin ang isang babae. Isang babaeng maputi, mahaba ang buhok at… hindi ko na ma-describe ang kaniyang itsura dahil bigla niyang tinakpan ang kaniyang mukha.   She screamed!   Kaya kaagad ko ring kinuha ang pinakamalapit na bagay sa akin, which is ang tabo at dali-dali kong tinakpan ang p*********i ko.    “Oh my! Oh my! May nakita ako. Oh my gosh! Hindi ko po sinasadya! God, patawarin ninyo po ako! Nakita ko yung ano niya—wahhhhhhhhh!” sigaw niya pa.   “What the f*ck? Who are you and what are doing here?!” I shouted.   “Oh, God. Hindi ko po talaga sinasadyang makapangboso! Sorry po talaga…” she said. Agad kong kinuha ang tuwalya at ito’y aking ipinulupot sa aking baywang. Lumapit ako sa babae at hinila ko siya paharap sa akin. “Who the hell are you?” I asked. Instead of answering me ay sumigaw lang siya at tumakbo papuntang living room.   Anak ng kabayo! Bakit may nakapasok na baliw rito sa condo ko? Sinundan ko agad iyong babaeng papunta sa living room at nagulat na lang ako dahil nandito na pala si Tito Zin habang iyong babae naman ay nakatayo sa likuran niya at umiiyak. “Ikaw na bata ka!” Tito Zin said at ako’y kaniyang binatukan. “Napakamanyak mo! Ano’ng ginawa mo kay Zyne ?” dagdag niya pa.   “Huh?” wala sa sarili kong sambit.   “Siya ang magiging P.A mo, pero sa unang araw niya pa lang ay pinaiyak mo na! Hindi kita pinalaking ganyan, kaya umayos ka!”    Wow as in wow! Ako na nga ‘tong nasilipan, ako pa ang mali ngayon, with matching batok pa talaga. Astig! “By the way, she’s Zyne Takahashi, anak siya ng kaibigan ko and from now on, she’ll be your P.A!” pagpapakilala ni Tito Zin rito.   Napatingin ako kay Zyne mula ulo hanggang paa. Mayroon siyang singkit na mata at mahabang straight na straight na buhok na kulay itim. Halatang may lahing hapon ‘tong babaeng ‘to. “Hi, Sir Kyle, it’s nice meeting you po, and about kanina, sorry po.” Nilahad niya ang kaniyang kamay, but I just looked at her hand with disgust. “When was the last time you sanitize your hand?” I asked.   “Kie, manners!” saway ni Tito Zin. Sumimangot ako, hindi dahil sinaway niya ako, kundi tinawag niya ako sa stupid nickname ko. ‘Tong si Tito talaga, ‘di marunong mag-ingat. Baka may makarinig pa ng mabaho kong nickname at masira pa ang career ko. “Kie, it’s not good to keep a girl waiting,” sabi ni Tito habang nakatingin doon sa kamay ni Zyne na hanggang ngayon ay nakalahad pa rin. Wala na akong magagawa pa kaya napilitan akong makipag-shake hands sa kaniya. Kaasar naman! Katatapos ko pa lang maligo, baka marumihan ulit ako. And worst, dumapo sa akin ang mga germs na galing sa kamay niya. “Be kind to her, okay? Huwag mo siyang pahirapan at aawayin. At higit sa lahat ay huwag na huwag mo siyang gugutumi—”  He didn’t finish what he was trying to say when I suddenly interrupted him. “Wait… wait, Tito, sino ba sa aming dalawa ang P.A? Bakit mo siya sa akin inihahabilin?” I asked. “Huwag kang magalit. Reminders lang ang sinabi ko sa iyo,” sabi ni Tito.   Zyne giggled kaya napatingin ako sa kaniya at nginitian niya lamang ako.  She’s creepy! Nanindig yata lahat ng balahibo ko sa balat. This girl is so weird. “Maiwan ko na kayo, ah. Kie, huwag kang pasaway at manyak!”  Hindi ko na lang pinansin ang huling sinabi ni Tito Zin kaya lumabas na lang ito. Grabe! Ako pa talaga ang pasawayat manyak ngayon? ‘Yang babaeng iyan, mamanyakin ko? Duh! Huwag na lang. Ang pangit niya para manyakin. “Uhmmm, Kyle?” “Call me Sir Kyle!” I corrected. Hinarap ko siya. “Ayaw ko ng marumi kaya make sure maliligo ka talaga. Kailangang 3 times a day, at dapat lagi kang magdadala ng alcohol. Ayaw kong magkaroon ng close contact sa mga taong maraming germs sa katawan. And another thing, may mall tour kami mamayang 3 PM kaya gisingin mo ako kapag 12 PM na, okay? Ipapakilala rin kita sa fashion designer namin para naman alam mo kung ano’ng aayusin mo. As for now, linisin mo muna ‘tong condo unit ko. And one last thing, huwag na huwag kang papasok sa bathroom ko ulit! Any questions?”   “Yes. Saan ako puwedeng matulog?” “Doon sa may right side na pinto, doon ka tutuloy. Iyong katapat niyan ay kwarto ko, kaya huwag na huwag kang papasok without my consent,” I answered. “Okay. How about my day off?” she asked again. “Every Sunday, but be sure na babalik ka sa Monday morning,” tugon ko.   “It’s okay. Babalik ako ng Sunday afternoon.” Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. “You mean, hindi ka uuwi sa inyo? Sa family mo?” I asked. She just smiled bago niya iniba ang tanong.   “Another question, sino ka ba? Ano’ng trabaho mo? Bakit may mall tour ka? Sikat ka ba?” sunod-sunod niyang tanong. Halos malaglag ang panga ko dahil sa tanong niya. Honestly, hindi niya talaga ako kilala? Saang lupalop ba ng mundo galing ‘tong babaeng ‘to? “Seryoso? Hindi mo talaga ako kilala?” I asked. “Kilala kita, ikaw si Kie na boss ko!” nakangiti nitong saad. “Don’t you dare call me by that stupid nickname, lalong-lalo na sa public. I’m Kyle Montefalcon. Ang sikat na sikat na artista. Saan ka ba galing? Sa mental ba?” naiinis kong sambit.   “Sorry, hindi ko alam. Hindi kasi ako mahilig manood ng TV.”   “Hayst! Maglinis ka na nga lang. Gisingin mo ako mamayang 12 PM, and make sure na malinis na ang condo ko, okay?” I said. “Okay, Kie!” pagsang-ayon niya. Kainis! Sabi nang huwag akong tawagin sa stupid nickname ko, eh! Ang kulit! Grabe, sobrang galing niya kung maka-address sa akin, akala mo close kami, wala man lang sir.    Bago pa mas lalong uminit ang ulo ko ay naglakad na ako papunta sa aking kwarto. Nang makapasok na ako ay ini-lock ko ang pinto just in case pumasok iyong weirdong babaeng iyon dito sa loob. Baka pagsamantalahan pa ako noon! Mahirap na. Nagbihis muna ako at ako’y humiga sa kama. At dahil na rin sa matinding pagod ay nakaidlip agad ako.    “Kie, gising na!” Zyne shouted. Naramdaman kong tinapik niya ang aking pisngi pero hindi ko ito pinansin. “5 minutes!” inaantok kong saad. “Hindi puwede! Mala-late ka na n’yan, eh,” she protested.  “Ang kulit mo!” reklamo ko bago nagtaklobong ako ng kumot. Good thing ay hindi na niya ako ako kinulit—    “May sunooog!!! May sunooog sa building!!!” Napatayo agad ako dahil sa aking narinig. “Sunog? Saan?!” I shouted. Agad kong inalis ang kumot na nakapulupot sa akin at dali-dali akong tumakbo. Halos madapa pa nga ako sa sobrang pagkataranta ko. Pagdating ko sa living room ay nadatnan kong nakatayo si Zyne habang tumatawa. “What are you waiting for? Nasusunog na ang building. Halika na!” I yelled at her. Tumawa siya. “Nagbibiro lang ako. Ayaw mo kasing gumising, eh. Ginawa ko lang iyon para bumangon ka na,” she said. Huminga muna ako nang malalim. “Do you want me to fire you?!” I shouted.   “Relax lang, masyado ka namang highblood,” she said while laughing. Aba! Walanghiya rin ‘tong babaeng ‘to para tawanan lang ako. “How dare you tease me like that? What the f*ck! It’s not even funny!” galit na galit kong sabi sa kaniya. Pero ang ginawa niya? Simple lang naman. Tinawanan niya ulit ako na para bang may nakakatawa sa sinabi ko. “Grabe, iiyak talaga ang mga anghel kapag narinig ka nilang magsalita!” natatawa niyang sabi.    Ba’t ba ang galing mang-asar ng babaeng ‘to? Parang gusto ko na siyang kaladkarin palabas ng unit ko at patalsikin na siya kahit unang araw niya pa lang ngayon. “Nga pala, paano ka nakapasok sa loob ng kwarto ko, eh, naka-lock naman iyon?” tanong ko. May kinuha siya sa kaniyang bulsa at ito’y kaniyang ipinakita sa akin. Spare key pala ito ng kwarto ko kaya napapalo na lang ako sa aking noo.  Grabe! Matalino rin pala ang Zyne na ‘to. Pero nakakapagtaka, paano niya nalamang may spare key sa kwarto ko?    Nagbihis na ako, then later on ay dumating na rin yung van na sususundo sa akin. “Hoy, babae! Wala ka na bang nakalimutang dalhin sa lahat ng ipinadala ko sa iyo?” tanong ko kay Zyne bago kami sumakay sa van. “Wala naman!” she replied. “Good! Let’s go.” Sumakay na kami sa van. Siya ay sa unahan, at ako naman ay nasa likuran. While nasa biyahe ay napatingin ako sa rearview mirror ng kotse at doon ko nakita ang mukha ni Zyne .    Ngayon ko lang napansin na kahit singkit pala ang mga mata niya ay maganda pa rin ito. Tapos ang buhok niyang sobrang straight ay para bang laging naka-rebond. Maputi pa ang balat niya. Tapos, iyong labi niya ay parang— Hayst! Bakit ko ba tinitigan ‘tong baliw na ‘to? Ano ba’ng nangyayari sa akin? Kadiri! Kinilalabutan tuloy ako sa mga sinasabi ko. Minutes later ay nakarating na rin kami sa mall kung saan kami may mall tour. Maraming fans ang nag-aabang sa labas.   “Wow, Kie! Ang dami mo palang fans,” namamangha niyang sabi. “I said, don’t you dare to call me in my stupid nickname or else I’ll kill you!” pagbabanta ko. “Grabe naman ‘to! Papatayin mo agad ako?” Nung bumaba na ako sa van ay dinagsa agad ako ng mga fans ko. Mabuti na lang at maraming humaharang sa mga ito kaya hindi agad nila ako malalapitan. Pero siyempre, iyong iba ay pilit akong hinahawakan sa kamay. Jusko naman! Nakakadiri. “Nadala mo ba iyong alcohol?” pasimpleng bulong ko kay Zyne habang naglalakad kami.    “Oo!” tugon niya. “Good!” Mamaya talaga ay maliligo ako ng alcohol. Kung makahawak naman ‘tong mga taong ‘to, para bang wala silang germs na dala. Nakakadiri talaga! Sobra! “Si Ms. Maze Winter!” Nagsitilian ang mga tao nang bumaba na ang leading lady ko sa movie, si Maze. Maze waves her hand to her fans.  “Kei, ang ganda-ganda niya!” sambit ni Zyne. “Saan banda?” bored kong tanong sa kaniya. “Grabe ka naman! Ang ganda kaya niya. Para siyang si Goddess Venus,” nangigil niyang saad.   Ang OA naman ng babaeng ‘to. Ang common na kaya ng beauty ni Maze, at isa pa ay mas hamak na mas maganda naman si Venus kaysa sa babaeng iyon. “Kyle, I miss you so much, babe,” Maze said then tumakbo ito palapit sa akin. Huh? Babe? Ano’ng pinagsasabi ng babaeng ‘to? Bago pa ako makariwas ay pinulupot na niya ang kaniyang braso sa akin bago niya ako hinalikan sa pisngi. And the next thing I knew, narinig ko na ang malakas na hiyawan at sigawan ng mga tao. Kasunod noon ang pag-flash ng mga cameras. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD