KYLE’S POV
“So, how long have you been together?” tanong ng isang reporter sa amin.
“Matagal na. Ever since nagkasama kami sa shooting ng movie na ‘to, ay mas lalo kaming napalapit sa isa’t isa. But we decided to keep it private,” sagot ni Maze habang pinupulupot niya ang kaniyang kamay sa braso ko na para bang tuko kong makakapit sa akin.
Halos mapairap na nga ako sa mga pinagsasabi niya. No wonder, she won a lot of acting awards. She’s a very good actress.
“Pero since mahalaga at mahal namin ang mga fans namin ay naisipan naming ipakita sa kanila ang real deal between me and Maze!” sabi ko naman doon sa reporter.
Kala niya siya lang ang marunong umarte? Pwes, nagkakamali siya!
Sinasakyan ko lang naman ‘tong trip ng babaeng ‘to sa para sa more exposure. Since alam na nila ang relasyon naming dalawa ay magkakainteres na silang manood sa upcoming movie namin.
Usong-uso na ang mga ganitong style sa mga artista ngayon. Kaya magpapahuli pa ba kami?
Pagkatapos ng mall tour ay dumiretso na ako sa backstage at kaagad kong hinanap si Zyne. Nang makita niya ako ay dali-dali niya rin akong nilapitan at ako’y kaniyang inabutan ng tubig.
“Inom ka muna, Kie!” she said while flashing her smile.
Ano na namang nginingiti ng isang ‘to?
“Ayoko n’yan! Kunin mo na lang iyong pinabaon kong alcohol.”
Kaagad niya ring hinalungkat ang dala-dala n’yang bag at kinuha ang alcohol. Binuksan niya ito at akmang lalagyan na sana ang mga kamay ko nang bigla na lang may tumabig sa kamay niya.
“Tabi ka nga!” Kinuha ni Maze ang alcohol at ito’y lumapit sa akin. “Akin na ang kamay mo.”
Instead of giving my hand to her, I just smirked then kinuha ko ang alcohol sa kaniya. “The show is over. So, you should stop acting now,” I said.
“Acting?!” gulat na gulat niyang tanong.
Ano’ng akala niya? Totohanan na iyong kanina? Siympre, hindi iyon mangyayari. As in, NEVER! Over my dead body.
“Let’s go!” Hinila ko agad si Zyne palayo sa lugar na iyon dahil baka kung ano na namang gawin ng babaeng iyon at idamay pa ako. Mahirap na.
“Wait, Kyle!” she shouted. Sinubukan niya kaming habulin pero dahil sa nakatakong siya ay hindi na niya kami naabutan pa.
“Uy, Kie. Bakit mo naman iniwan ang girlfriend mo? Hindi ba, dapat sabay kayo?” Zyne asked.
“Duh! She’s not my girlfriend and will never be,” I replied.
“H-huh? Hindi ba, kasasabi mo lang kanina na may relasyon kayong dalawa?!” naguguluhan nitong tanong.
I smirked. “Alam mo, ang mga artista ay gumagawa ng mga eksena lalo na kapag may bagong movie or project silang ginagawa. Kumbaga sa businessman, gumagawa sila ng pakulo para bumenta ang produkto nila. Naiintindihan mo ba?” Inilapit ko ang aking mukha sa kaniya. Nagulat na lang ako nang bigla na lang itong sumimangot.
“E kung ganoon, para niyo na rin silang niloloko sa ginagawa ninyo? Hindi ba, masama iyon? At ano na lang kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nila ang totoo?” she complained.
“Bakit ba? At ano ba’ng pakialam mo? P.A lang kita at hindi ikaw ang konsensiya ko! Get in the car,” I said kaya dali-dali ring pumasok si Zyne sa loob ng van. Sa may passenger seat siya umupo habang ako naman ay nasa likuran.
Tsk! Nakakabadtrip.
Parang feeling ko tuloy ay nakokonsensya ako dahil sa mga sinabi niya. “Kie, nagugutom ka na ba? Gusto mo bang ipagluto kita ng dinner?” she asked while smiling.
Tiningnan ko siya. “Marunong ka bang magluto?”
She smiled again, at halos bumagsak ang panga ko sa sagot niya.
“Hindi!”
“What?! Hindi ka marunong magluto?!”
“Relax ka lang, Kie. Baka atakehin ka sa puso n’yan. Ikaw rin.” Tumawa ulit siya.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha. Anak ng kabayo naman, eh! Anong klaseng P.A ba ‘tong nakuha ni Tito Zin?
Grabe kong makatanong, pero hindi naman pala marunong magluto! Mukhang araw-araw akong gugutumin ng babaeng ‘to.
Inilabas ko ang wallet ko bago ko siya inabutan ng isang libo. “Bumili ka na lang ng makakain natin at ng recipe book. Simula ngayon, dapat mag-aral kang magluto, dahil kung hindi ay palalayasin kita rito! Naiintindihan mo ba ako?!”
Halos lumuwa na ang mga mata ko sa sobrang galit. Nakakaramdam ako ng pangungunsumi sa babaeng ‘to.
“Wow! Panda eyes. Ang cute-cute mo Kie. Ganito itsura mo, oh,” natatawa niyang saad habang ginagaya niya ako.
Tsk! Puwede kayang kahit isang beses lang ay patulan ko na ‘tong isang ‘to? Kahit ngayon lang!
“Uy! Mukhang napipikon ka na, Kie,” dagdag pa niya.
“Ewan ko sa iyo! Bumili ka na lang ng makakain natin bago pa kita ihulog sa veranda!” I shouted.
“Opo, Boss. Ito na bibili na ako,” tugon niya at nag-salute pa siya sa akin.
Lumabas siya sa condo at ako naman ay nakaupo na lang sa sofa habang hinilot-hilot ko ang aking sentido. Grabe! Mas napagod pa ako sa pang-aasar ng babaeng ‘to kaysa sa mall tour namin kanina.
Tumayo na ako at ako’y dumiretso sa banyo para makaligo na. Hayst! Kailan kaya matatapos ‘tong mall tour namin? Ibat’t iba na lang ang lagi kong nakakasalamuha!
Potek talaga!
Tapos ay nahalikan pa ako ng lintang iyon kanina. After kong maligo ay nagpalit na ako ng pajama at dumiretso na ako sa sala para manood ng movie. Nakaligo na ako at lahat pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Zyne.
Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng iyon? Nandiyan lang naman sa kabilang kanto ang mall. Ang bagal naman kumilos ng babaeng na iyon. Gutom na gutom na ako, eh!
“Ang baho-baho naman ng pinasuot mo sa akin!”
Napatayo naman ako nang bigla akong makarinig ng pamilyar na boses. Sa tingin ko ay papalapit ito sa unit ko.
“Excuse me lang, ha! Lahat ng damit sa store ko ay mabango. Sadyang ikaw lang talaga itong mabaho!”
Biglang may nag-doorbell sa condo ko, at mukhang kilala ko na kung sino ang mga unexpected bisita ko, ah. Pagbukas ko ay tumambad sa akin ang mukha ng aso at pusa.
“Kuya Kyle!” Agad akong dinamba ni Kyla and then gave me a warm hug. “Inaaway na naman ako ni Yuan!” sumbong niya sa akin.
“Wow! Ako pa talaga ang nang-aaway sa iyo, Yúchǔn de?”
At bago pa magpatayan ang dalawa sa harapan ko ay inawat ko na sila. “Awat na baka magkatuluyan kayo n’yan, eh,” pag-awat ko sa dalawa.
“Ewwww! Yucks! Never!” sabay nilang saad.
Pumasok sila sa loob ng unit ko without me inviting them to come in. “Gēgē Kyle. I’m so hungry! May pagkain ka ba riyan?” Yuan asked.
“Oo, parating na rin iyon!” I replied.
And right on que ay bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Zyne habang bitbit niya ang mga pinabili ko.
“Kie, pasensya na at ako’y natagalan. Nahirapan kasi akong maghanap ng recipe book,” paghingi niya ng paumanhin. Bigla na lang siyang natigilan nang makita niya si Yuan at Kyla. “May bisita pala. Hi. Ako si Zyne,” nakangiti niyang sambit.
“Whoah!” wala sa sariling saad ni Yuan at bigla siyang bumulong sa akin. “Girlfriend mo ba iyan?”
“What?! Iyan? Magiging girlfriend ko? Hell no! Sira ka ba? P.A ko iyan ‘no!” tugon ko.
“Really???”
“Yeah. Ako papatol sa ganyan? Oh, come on—”
Hindi ko na natapos ang pagsasalita dahil bigla na lang akong iniwan ni Yuan at hinarap si Zyne. “Nice meeting you. I’m Yuan.Your so beautiful, like an angel. Would you please marry me?”
“Ha!” Hinila ko si Yuan palayo kay Zyne at saka ko siya binatukan. “Loko ka talaga, Yuan. Hapon iyan, hindi Chinese! At isa pa, wala ka talagang taste sa mga babae. Tsimay ko iyan, eh!”
“Eh? Ang ganda kaya niya. Sa ating dalawa, ikaw ang walang taste, ‘no!” he mumbled.
Lumapit si Kyla kay Zyne. “Ate, huwag mong pansinin yang Intsik na iyan. Layuan mo rin iyan dahil ang baho at ang manyak pa n’yan!”
“Hoy, Kyla. Grabe ka namang manira, ah! Sinisira mo ang dangal ko n’yan, eh!” sigaw ni Yuan kay Kyla.
“Zyne! Huwag na huwag kang maniniwala sa babaeng iyan. Sinungaling yan! Mabango ako at ‘di ako manyak, okay? At higit sa lahat ay bagay ako para maging next boyfriend mo.” Matapos iyong sabihin ni Yuan ay kinindatan niya pa si Zyne.
Jusko! Ako yata ang kinilalabutan sa mga pinagsasabi niya. Grabe naman ‘tong si Yuan, pati ba naman ang tsimay ko ay papatusin niya rin? Ganyan na ba siya kadesperado?
“Grabe, ang landi mo, Yuan. Pati ba naman si Ate Zyne ay lalandiin mo rin?!” Pinalo ni Kyla si Yuan sa braso. “Ate, huwag mo na lang ‘tong pansinin, okay? Nagugutom lang ‘tong malanding Intsik na ‘to!” dagdag pa ni Kyla.
Zyne just giggled.
Tsk! Nagsama ang aso’t pusa at takas sa mental sa isang lugar.
End of the world na ba?
Pinaayos ko na kay Zyne ang pagkain na binila niya which is lasagna. Inutusan ko na rin siyang magtimpla ng juice. Pero dahil mukhang abnormal ang babaeng ito ay sinundan ko siya sa kusina. Baka kung ano-ano pa ang ilagay niya.
Mahirap na!
“Okay na ba iyan?” I asked.
“Yes. Ise-serve ko na lang. Oo nga pala, Kie. Sunday na bukas, ayos lang ba na mga 5:30 AM ako umalis? Ihahanda ko na lang ang breakfast mo.”
“Pupuntahan mo ba ang family mo?” I asked again.
She just smiled bago niya kinuha ang tray na naglalaman ng pagkain at pumunta na siya sa sala.
Hmmm...
Bakit kapag family niya ang pinag-uusapan, eh, ngumingiti lang siya?
Nakakapanghinala naman.
Hindi kaya…
Napatakip ako sa bibig nang dahil doon sa bigla kong naisip.
Pero kasi, hindi rin malabong mangyari iyon!
Nakakapagtaka talaga, eh!
Alagang-alaga siya ni Tito Zin at siya rin ang nagpumilit na maging P.A ko siya.
Hindi kaya…
Hindi kaya…
Hindi kaya…
Hindi kaya kabit siya ni Tito Zin?!
Oh my goodness!
Hindi kaya niloloko na ni Tito Zin si Tita Min?!
I think I need to investigate!
Kailangan kong malaman ang pagkatao ni Zyne Takahashi na ito!
No matter what it takes!