***
ZYNE’S POV
Dear Mr. Sleepyhead Kie,
Una sa lahat ay sana di ka magagalit sa akin dahil in-alarmed ko yung alarmed clock mo ng 6am. You need to wake up early para naman di lumamig yung niluto kong lugaw. See you this afternoon!
Zyne
I’m giggling while inilalagay ko sa bedside ni Kyle yung note na ginawa ko. Panigurado akong magagalit siya at lalaki ang butas ng kanyang ilong habang binabasa niya ang note ko. Sayang nga lang at di ko ito makikita. I found him very cute pag-galit siya. Tinignan ko ang natutulog na mukha ni Kyle. Para siyang angel na inihulog galing sa langit na animo’y di makabasag pinggan. Ang amo ng mukha niya pero pag gising daig niya pa yung dragon kong makabuga ng apoy.
Once he smile makikita mo talaga ang nakapeaceful niyang sarili na parang kahit sinong dumikit sa kanya ay gagaan ang loob. Kaya nga gustong-gusto kong dumikit sa kanya. Parang pakiramdam ko kasi ay nawawala ang problema ko. I smiled then lumabas na ako sa unit habang bitbit ang gitarang bigay ni Kuya Ryne sa akin. Dumiretso ako sa isang simbahan na malapit lamang sa unit ni Kie. Sumali ako sa choir nila and every morning before the 9am mass ang practice. Nung makarating na ako sa simbahan ay mukhang wala pa yung ibang members ng choir.
Pero may naririnig na akong kumakanta habang nag-pipiano. Teka! Yung boses na yun. Kilalang-kilala ko ang boses na yun. Kaya dali-dali rin akong pumasok sa loob ng simbahan kung saan nanggagaling ang tinig na yun. And there nakita ko ang isang babaeng napakaganda habang kumakanta at nag-pipiano. Hindi ako nagkamali siya nga yun! Siya yung babaeng madalas pakinggan ni Kuya Ryne na kumakanta sa malayo. Pinanood kong kumanta yung babae. Tama nga si Kuya napakaganda na nga niya at maganda pa ang boses niya like a voice of an angel.
Napatigil siya sa pagkantana ng mapansin niyang may nanonood sa kanya. “Excuse me! Do you need something?” She asked. Agad naman akong napaayos sa pagtayo. “Hello po! Ako po si Zyne yung bagong member ng choir,” pagpakilala ko rito. Ningitian niya ako and dali-dali rin siyang naglakad palapit sa akin. “Hi, Zyne! I’m Kyline! It’s nice meeting you! I hope maging kaibigan tayo!” She said. “Oo, naman!” I replied. Hinila niya ako paupo dun sa tabi ng piano. “Gitara ba yang dala mo? Pwedeng patingin ako?” tanong niya. “Oh! Sige,” pagsang-ayon ko.
Nilabas ko ang gitara at ipinakita sa kanya. “Wow! Grabe sobrang ganda naman n’yan!” papuri niya. “Gift ng Kuya ko!” I said then smile. “Ang ganda talaga sobra. Kumakanta din ba yung Kuya mo?” saad niya. “Oo, actually ang ganda ng boses ng Kuya ko!” pagwiwika ko. “Sasali din ba siya sa choir gaya mo?” She asked. I smile then said, “He just died last week.” Oh! Sorry. Condolence.” Ngumiti ulit ako, “ It’s okay. Sayang nga lang at di ka niya nakilala!” sambit ko. “H-Huh?!” nalilito niyang tugon. “Nothing! Kanta na lang tayo.” Kaya nagstrum na ako gamit ang gitara ko.
“Alam ko ang kantang yan!” She say. Sabay naming kinanta ni Kyline yung isa sa paborito kong song which is yung what a beautiful name it is. Nakalimutan ko nga lang kong sinong kumanta niyan eh! Pagkatapos namin itong kantahin ay nagkatinginan kaming dalawa at sabay na tumawa. “Ang ganda ng boses mo, Zyne!” She giggled. “Mas maganda yung boses mo, Kyline!” I said. “Ano ka ba? Di naman eh!” pagtanggi niya. Napangiti na lang ulit ako. Tama nga si Kuya Ryne mabait nga siya. Ngayon pa lang kami nakapag-usap pero ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya.
Minutes later ay nagsidatingan na din yung ibang members ng choir at ipinakilala naman ako ng president nila. Every break ay nagdaldalan kami ni Kyline, gaya na lang ngayon. “So, bakit ngayon mo lang naisipang sumali sa amin?” tanong niya. “Kakalipat ko lang kasi. Nagtratrabaho ako bilang isang P.A,” tugon ko. “P.A? Ng isang artista?!” tanong niya pa. “Oo. Alam mo ba sobrang sikat niya!” Nangigil kong tugon. “Really? Sino?!” tanong niya pa ulit. “Si Kie!” I replied.
After ng 9am mass ay nagpaalam na ako kina Kyline dahil may pupuntahan pa ako. Dumiretso ako sa isang malapit na flower shop at Bumili ng isang bouquet ng roses. Then nagtungo na ako sa cemetery kong saan inilibing si Kuya. Naupo ako sa puntod niya at tsaka ko ipinatong sa lapida ang dala-dala kong bulalaklak, nagsindi na rin ako ng kandila. “Kuya Ryne! May good news ako sayo. Nameet ko na yung babaeng gusto mo. Kyline pala ang name niya, kasing ganda niya ‘no? Tapos ang bait-bait niya pa at galing niyang kumanta. Sayang nga lang at di mo siya nakilala, pero wag kang mag-aalala next time isasama ko siya para makantahan ka niya!”
Biglang umihip ang malakas na hangin na parang niyayakap ako nito. “Kuya okay lang ako! Masaya naman ako ngayon sa bagong trabaho ko. Yung boss ko si Kie, alam mo Kuya gustong-gusto ko talaga siya? Masaya kasi ako tuwing andyan siya sa tabi ko. Hindi ko nga Alam kung bakit basta magaan ang loob ko sa kanya!” Nahiga ako sa damuhan. “Sana mas makilala ko pa siya. Ewan ko pero gusto kong mas makalapit sa kanya,” dagdag ko pa.
***
KYLE’S POV
“Bakit ka nag-alarmed ng 6am?! Hindi mo ba alam na ngayon lang ako bumabawi ng tulog? Alam mo bang ilang araw na din akong puyat? Ha?!!” sigaw ko kay Zyne pagtapak na pagtapak pa lang niya sa loob ng unit. “Wait, Kie! Steady ka lang ah! At wag na wag kang gagalaw! Wag mo ding baguhin ang facial expression mo!” She said that made me feel confused. “H-Huh?” Wala sa sarili kong saad. Nilabas niya ang phone niya at itinapat ito sa mukha ko.
*CLICK*
“Ang cute!” sabi niya while hinahawakan niya pa ang kanyang pisngi at mukhang manghang-mangha siya doon sa cp niya. Wait! Did she just took a picture of me?! Anak ng kabayo naman oh! “Give me that freaking phone!” I yelled at her. “Ayoko nga!” She said. “Hoy, babae! Wag mong ubusin ang pasensya ko kung ayaw mong patalsikin kita!” pagbabanta ko. “You’ve been saying that a lot of times pero di mo pa din naman ginagawa!” Nakangiti niya wika. Talagang inuubos ng mistress ni Tito Zin ang pasensya ko! Ang hanap din ng P.A ko marunong mag-english!
“Gusto mo bang totohanin ko?!” I shouted. “Di mo kaya!” Simple niyang sagot. “At bakit naman hindi?!” sigaw ko pa ulit sa kanya. She just shrugged and give a innocent smile. Grabe naman kong makangiti ‘tong babaeng ‘to! Nakakawala ng galit! “Wag mo nga akong daanan sa ngiting yan! Akin na yang phone!” I said. “Ayoko nga, sabi eh!” wika niya. “I said give it to me! Ako ang boss dito kaya sundin mo ang sinasabi ko!” sigaw ko ulit. “Nope!” She answered. Anak ng tokwa naman talaga oh!
Dahil wala na akong choice lumapit ako sa kanya at pilit kong inagaw ang cellphone kaso ayaw niyang ibigay. “Wahhhhhhh Bitiwan mo Kie! Baka masira wala akong pambili!” She shouted. “I don’t even care. Basta ibigay muna ‘to sa akin!” sigaw ko naman. “Hindi ko naman ipagkakalat eh! Promise kahit maglaslas ka pa heheheh!” Pangngungumbinsi niya. “Akin na kasi!” Sigaw ko ulit. Hinawakan ko yung cellphone sa kamay niya.
Kaso grabe siya kong makakapit rito kaya pati siya ay nasama. Kaya nakaupo siya sa may sofa habang ako naman ay nasa ibabaw niya na naging dahilan para matigilan kaming dalawa. Para akong nahypnotize na ewan nung natitigan ko ang kanyang mga mata. Parang ang dami nitong emosyon na tinatago by just looking at her eyes. I felt that this girl is so mysterious. Like she’s hiding something behind her innocent smiles and it makes me feel awkward.
Bigla na lang bumukas ang pinto ng unit ko. “What’s the meaning of this?!” She said. Biglang na lang akong itinulak ni Zyne kaya napatayo na lang ako at tsaka ko hinarap ang nagsalita. “What are doing here?” I asked habang nakakunot ang aking noo. Hindi ako pinansin ni Maze but instead tumingin siya kay Zyne at itinuro ito. “You! What’s your name?” She asked. “Z-Zyne po!” Nuutal niya sagot. “Zyne? Diba ikaw yung P.A ni Kyle?” Lumapit siya dito. “Know your place, Zyne. P.A ka hindi p****k!” dagdag pa niya.
“Get me a glass of water. I’m thirsty.” Utos ni Maze kay Zyne. Agad namang tumayo si Zyne at dali-daling nagtungo sa kitchen. I smirk. “Where’s your P.A, Maze? At bakit yung chimay ko ang inutusan mo?” I asked. She rolled her eyes. “Ano naman ang eksena niyo kanina? Grabe ka Kyle pati chimay mo papatusin mo na din!” She said. “Why not? She’s beautiful!” Then I stretched my arms. Sumimangot si Maze, “Tskkk! Bumababa na pala ang taste mo ngayon.” Wika niya na parang di makapaniwala sa sinabi ko.
Again she just rolled her eyes on me. “Sinong natutulog dun sa kabilang room?” She asked while pointing it. “Si Zyne, bakit?” I asked. “Ok. Then I can sleep in your room naman, diba?” She asked again. “H-Huh?!” tanging sambit niya. Tinignan ako ni Maze ng tingin na parang she’s up to something. “I know you’re a great actor Kyle and alam mo ding magaling ako. Pareho nating gustong maging successful ‘tong movie na ‘to. Then kailangan na nating dalhin sa higher step ang pagpapanggap natin,” pagsisimula niya. Kaya napakunot na ulit ang aking noo. “What do you mean?” I asked confused.
“Alam mo naman siguro na mahilig akong magpaikot ng media, diba?” Lumapit siya sa akin then she place her hand on my chest. “Then, I’ll be moving here tomorrow. And doon ako sa kwarto mo matutulog!” She winked tsaka niya ako tinalikuran at tuluyan na siyang lumabas sa unit ko. I smirked again. Grabe talaga ang Plano ng babaeng yun! She’s willing to do anything para mas sumikat pa. But, I can’t deny, I like her plan. Nakaupo ako sa sofa. Tomorrow, magkakaroon na ako ng ka-live-in partner. This is going to be interesting.