***
YUAN’S POV
“Ang tagal naman nila!” reklamo ko sabay upo dun sa sofa sa set at ako’y gumulong-gulong. “Naiinip na ako!” dagdag ko pa. “Hoy! Ikaw na intsik ka. Pwede ba tumigil ka na sa kagugulong mo d’yan! Yung damit mo nagugusot na eh! At isa pa pinaghirap yang plantsahin!” Kyla shouted. Umayos ako ng upo at tsaka ko siya sinamangutan. Tskkk! Kumukulo talaga ang dugo ng babaeng yan sa akin. Hindi ko nga alam kung anong ginawa ko sa kanya para magalit siya ng husto sa akin eh! Pero ang tagal namang dumating ni Gēgē Kyle. I want to see Zyne! Sana kasama niya.
Napahawak ako sa t’yan ko. Nagugutom na talaga ako! Hindi naman ako makaalis sa set para makabili ng pagkain baka kasi bigla na lang dumating yung future wife kong si Zyne. Pero gutom na gutom na ako! I don’t know what to do. “Makakain na din ako sa wakas!” Kaya napalingon ako kay Kyla at nakita kong nilagyan niya ng mainit na tubig yung cup noodles. “Kyla! Paghingi ako, pleaseee!” pagmamakaawa ko with paawa-awa effect pa ng mata. Inirapan niya lang ako, “Ayoko nga! Bumili ka ng sayo!” She said. “Eh! Kahit limang subo lang.” Nagpuppy eyes pa ako sa kanya.
“Ayoko nga sabi! Wag mo nga akong guluhin kita mo namang kumakain ako eh! Chupi ka na d’yan!” Nangigil niyang sambit. I pout. Ang damot naman ng babaeng ‘to! Kahit limang subo lang pero ayaw niya pa din. Napahawak na lang ako sa aking tiyan na kumakalam na. I’m really hungry! Narinig kong nag-ring ang cellphone ni Kyla at sinagot naman niya ito. “Ms. Cuevas! About dun sa gown na ire-rent niyo?! “ Tumayo si Kyla tsaka lumabas sa set para siguro mas marinig niya yung sinasabi nito. Bigla namang akong may naisip! Sorry, Kyla. Gutom na gutom na talaga ako eh!
Umupo ako sa inuupuan ni Kyla kanina at tinignan ko ang ready to eat niyang noodles. I bowed my head at ito’y aking nilantakan. Tuloy-tuloy lang ako sa pagkain. Grabe! Gutom na gutom talaga ako ngayon. Hmmm… Ang sarap naman ng noodles na ‘to! Saan kaya niya ‘to nabili? Para makabili din ako ng ganito at sisiguraduhin ko talagang dadamihan ko. “Hey! That’s my food!” Kyla yelled. Halos mapatalon ako sa gulat ng bigla na lang sumulpot si Kyla sa likuran ko paglingon ko ay kitang-kita kong sobrang pula na ng mukha niya sa galit. Scaryyyyy!
“Sumubo lang naman ako ng konti eh!” I said. “Konti?! Eh kita mo namang ubos na eh!” sigaw niya ulit. Grabe naman ng temper ng isang ‘to katulad ng kay Gēgē Kyle. “Cup noodles lang ikinagagalit mo na agad! Nanghingi nga ako sayo ayaw mo naman kaya ayan kinain ko na lang!” wika ko. “Patay gutom! Beggar! Taong kalye! At lahat na! Grrrr. Kainis!” She shouted. “May patay gutom! Beggar! At taong kalye bang artista?” I asked. “Oo meron! At wag mo ng itanong kung sino dahil sasabihin ko na. Ikaw yun! Ikaw!” She shouted again.
Wow! Grabe ang sakit niya namang magsalita!. “Teka nga lang ah! Ba’t ba galit na galit ka sa akin?!” I asked again. “Tinatanong pa ba yan?! Edi syempre! Mula ulo hanggang paa mo naasar ako. D’yan ka nga’ng intsik!” Iniwan ako ni Kyla na nakatayo dito at pumasok na siya sa dressing room. “Ba’t galit na galit yun?” Napalingon ako doon sa dumating at nakita kong kapapasok niya lang sa set kasama ang pinakamamahal kong si Zyne. “Zyne---- My future wifeyyyy!” Tumakbo ako palapit sa kanya at tsaka ko siya niyakap ng mahigpit.
“I’ve been waiting for you! Miss na miss na kita! Tell me pinapahirapan ka ba ni Gēgē Kyle? Bubugbugin ko siya para sayo!” I said. “”Tskkk! Grabe ka sa akin Yuan.” Sinikmuraan ako ni Gēgē Kyle in a playful way. “Puntahan ko muna si Kyla,” dagdag pa niya. “Sure Gēgē Kyle! Iwan mo na si Zyne sa akin. I’ll take good care of her!” I said while smiling. Instead na sagutin niya pa ako ay naglakad na siya palayo sa aming dalawa. Buti naman at masosolo ko na si Zyne. “Zyne! Tara pag-usapan na natin ang kasal nating dalawa,” pagyayaya ko.
“H-Huh?! Kasal?” nalilito niyang tanong. “Ayyy Oo nga pala di pa pala ako nanliligaw kaya starting today ako na ang manliligaw mo ah!” I replied habang kinakamot ko ang aking batok. “E-Eh? Alam mo Yuan pupuntahan ko muna si Kie baka kailangan niya ako eh!” She said. Tinignan ko si Zyne. “Do you like Gēgē Kyle?” I asked. “H-hah? Ayyy Oo naman sobra.” Ouch! Basted agad ako di pa nga ako nagsisimula eh! Ang daya talaga ng tadhana ayt. “Wahhhhhhhhh ibig sabihin ba niyan ay wala na akong pag-asa? Nililigawan ka ba niya? Tell me!” I beg.
“Naku hindi ganung like ang ibig kong sabihin. I mean gusto ko siya as a person kasi ang saya niyang kasama at ang cute-cute niya pa,” pagpapaliwag ni Zyne. Whews! Kinabahan ako dun ah! Buti naman kong gano’n. Tsaka may Maze na si Gēgē Kyle. Silang dalawa ang mas bagay at kami namang dalawa ni Zyne. “Ah okay. Ako? Like mo din ba ako?” I asked. Malay mo iba isagot niya heheheh. “Oo, naman.” Nakangiti niyang tugon. “I love you too!” I said. “E-Eh?!” tanging saad niya.
“At tsaka wag mo ng intindihin si Gēgē Kyle. Nakakaintindihan naman yung dalawang yun. After all magkapatid sila.” Hinila ko siya paupo sa sofa. “Magkwentuhan muna tayo!” dagdag ko pa. “Wait… Magkapatid si Kyla at Kie?!” gulat na gulat niyang tanong. “Yep!” I replied. “Pero… Bakit magkaiba sila ng surname?” She asked confused. Tinignan ko si Zyne, “Do you really want to know?” I asked. Lumapit naman siya sa akin at halatang interesadong-intresado siya sa kwento ko, “Oo naman!” Sh*t! Ang ganda niya talaga *sigh* gusto ko na siyang pakasalan.
Mas lumapit pa ako sa kanya upang sa gano’n ay masilayan ko ng malapitan ang napakaganda niyang mukha. “Kasi ganito ang nangyari__________” pagsisimula ko ngunit bigla na lang akong napalayo kay Zyne ng bigla na lang may naghagis ng kong ano sa akin. “Aray!” daing ko. Napahawak agad ako sa aking noo, nakita ko sa may sahig yung pair ng sapatos na isusuot ko mamaya. “Wag na wag mong maiwan yang sapatos mong amoy patay na daga dito sa loob!” sigaw ni Kyla. Napahimas ako sa aking ulo. Grabe na talaga ang galit ng babaeng yan sa akin.
***
KYLE’S POV
“Hayst! Nakakaasar talaga yung intsik na yun! Pati ba naman si Ate Zyne lalandiin niya! Like what the heck?!” Sabi ni Kyla while padabog niyang inaayos ang necktie ko. “Wag mong kalimutang hindi ako si Yuan ah! Baka mamaya ako pa ang mapatay mo sa sobrang galit mo sa kanya ah!” Natatawa kong sambit. “Sorry, Kuya. Nakakaasar lang talaga ako sa lalaking yun! “ Tinignan niya ako. “”Kuya Kyle, palayuin mo si Ate Zyne sa lalaking yun ah! Baka kung ano pang gawin niya kay Ate!” Tinignan ko ng maigi si Kyla. “Wait___ Are you jealous?” I asked.
“J-Jealous?! Ako? No, I’m not and will never be.” Mataray niya saad. Lumayo siya sa akin at inaayos ang mga gamit. Tinignan ko ng maigi si Kyla. Pulang-pula ang mukha niya. Tskkk! Deny pa more halata namang nagseselos siya. “Uhmmm… Kuya… Pinapapunta ka pala ni Mommmy sa_______” She didn’t finish what she was trying to say when I suddenly interrupted her. Magsisimula na ang shooting. Let’s talk later!” Agad-agad akong lumabas sa dressing room at pumunta sa set. Hayst! Pinakaayaw ko talagang conversation ay ang tungkol sa Ina ko.
Just in time ay nakita kong palapit sa akin si Zyne. Siguro tapos na ‘tong makipaglandian kay Yuan. “Kie, kanina pang nagagalit yung director. Hinahanap ka na!” Bungad niya sa akin. Nakita ko yung director namin na palapit sa akin then says, “Where have you been? !” Tinignan ko ng masama yung director. “Nandito na naman ako ah! Ano pang pinuputok ng butsi mo d’yan?” Naglakad ako palayo, “Tara na nga at magsimula na tayo!”
“Hayst! Kapagod.” Sumalampak ako doon sa kotse pagkatapos na pagkatapos ng shooting namin. “Nasaan na ang alcohol?” tanong ko kay Zyne. “Eto oh!” Inabot naman niya ito sa akin. “Pagkauwi natin sa unit ipagtimpla mo ako ng kape. Lagyan mo ng madamimg creamer ah!” I said. “Okay, Kie!” tugon niya. “Nga pala! “ Lumapit ako at binulungan ko siya. “Yung picture ko d’yan sa cellphone mo nabura mo na ba?” Iniwas naman niya yung tingin niya sa akin. “Uhmmm… Oo!” She said.
“Talaga? Patingin nga ng cellphone mo!” saad ko. “Oo nga. Wala di ko dala iniwan ko sa bahay!” wika niya. “Pag yun di mo binura. I swear ihuhulog talaga kita sa veranda!” pananakot ko.
Nung makarating kami sa unit, nagulat ako ng makita ko na andaming maleta na nakakalat sa unit ko at nakaupo naman si Maze sa sofa. Oh! Crap. Ngayon nga pala ang dating ng babaeng yan dito. “Ang tagal mo namang dumating!” reklamo niya. Tinignan ni Maze si Zyne, “You! Ilagay mo ‘tong lahat sa room ni Kyle.” Utos niya. Agad-agad na kinuha ni Zyne yung mga maleta ni Maze at dinala ito sa kwarto ko. “Talagang totohanin mo ang Plano ah!” sabi ko. “Why? Akala mo nagbibiro ako. Sorry to disappoint you!” She said. “Napaupo ako sa tabi niya, “Hindi mo ako nadisappoint. I like your plan!” I said.
“But let me clear something to you. Pag wala tayo sa harap ng ibang tao, wag na wag na tayong magpanggap! “ maawtoridad kong saad. “What?! Okay fine. Tulungan ko lang yung chimay mo dun baka kung ano ng ginawa sa gamit ko!” Tumayo siya at tinalikuran ako tsaka siya pumasok sa room ko. Ibang klaseng babae talaga yun. Maya-maya lang din ay sumunod na ako sa loob ng room ko para makaligo na. Nadatnan ko naman yung dalawa na nag-aayos ng gamit. Yung kaibahan nga lang ay si Maze lang yung nagbibigay ng instructions tapos si Zyne ang gumagawa.
Mukhang magiging kawawa yata ang P.A ko. Tignan natin kung uubra ang kakulitan niya sa katarayan ni Maze. Kumuha lang ako ng damit at pumasok sa banyo para makababad na ako sa bathtub. Hayst! Sa wakas makakarelax na din ako. Ang sakit ng mga buto ko dahil sa shooting na yun. “Ughhh! Your so stupid. Di ko naman sinabing alisin mo sa box yung sapatos ko?!” Rinig kong sigaw ni Maze sa labas kasabay ng isang tunog na parang may kung anong ibinato. “S-Sorry po!” paghingi ng tawad ni Zyne. Hmmm. Mukhang tumitiklop na siya ngayon ah! Poor girl.
Nung makalabas na ako sa banyo ay mukhang tapos na silang mag-ayos dahil ang ganda ng Higa ni Maze sa kama ko. “Kyle, palitan mo na nga yang P.A mo, napaka-stupid kasi!” She said. “Sino ba kasing nagsabing sayong utusan mo yung chimay ko?” Tsaka ko siya tinignan ng masama at ako’y lumabas ng kwarto. Nakita ko naman si Zyne sa may kitchen na nakasandal sa may sink habang hawak-hawak niya ang kanyang dibdib at hinihingal pa siya. Ano bang pinagawa ni Maze sa kanya at ganyan na lang siya kung mapagod? For a moment ay nakaramdam ako ng awa sa kanya. Kumuha ako ng tubig sa ref at ibinigay ko sa kanya.
“Inumin mo!” I said. Biglang napatingin sa akin si Zyne at ngitian niya ako. “T-Thank you, Kie!” pagpapasalamat niya sa akin. Tinignan ko na lang siya ng masama and left her. I really hate her smile. It made me feel so awkward. Hay naku! Makapagbasa na nga lang ng libro. Pumasok ulit ako sa room ko at nakita ko naman si Maze doon na nakapagpalit na ng pantulog while sinusuklay ang mahaba niyang buhok. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. “Why are you looking at me like that?” sabi niya sa akin.
“Tskkk! Hindi magsusuot ang isang matinong babae ng lingerie pag may kasama siyang lalaki sa isang kwarto lalo na kung di niya ito kaano-ano!” I said. She rolled her eyes, “Don’t tell me namamayak na yang utak mo dahil sa akin?” She asked. I smirk. “I’m a guy after all!” Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Maze at akmang kukunin ko na sana yung libro ko ng maalala kong naiwan ko ito sa kotse kaya I get my car keys instead. “Where are you going?” She asked. “It’s none of your bussiness!” I replied.
Lumabas na ako sa room at chineck ko muna yung kitchen kung nandon pa ba si Zyne. Wala na siya! Mukhang nasandun na siguro siya sa room niya. Lumabas na ako sa unit ko at nagtungo sa parking lot. Malapit na ako sa may kotse ko ng bigla na lang akong napahinto at nagtago sa likod ng poste ng makita ko sa di kalaunan ang dalawang pamilyar na tao. Si Tito Zin at si Zyne. Wait___ Anong ginagawa ni Tito Zin dito? At bakit instead sa akin siya makipagkita ay kay Zyne pa? May inabot si Tito Zin kay Zyne na papaer bag na agad ring tinanggap nito.
Hmmmm…. Sabi na eh! May namamagitan talaga sa dalawang yan. Malamang sinusustentuhan ni Tito si Zyne. Tapos nakikipaglandian pa siya kay Yuan! Grabe ah! Mahilig siya sa mga mayayamang lalaki. Ibang klaseng babae din ‘to eh! Akala mo ang tino-tino nasa loob pala ang kulo. Bigla na lang niyakap ni Tito Zin si Zyne. Huli kayo! Sinasabi ko na nga bang Tama ang hinala ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at tsaka ko ito kinuhanan, mabuti na lang at dala ko ang phone ko kaya may evidence na ako patay kayong dalawa ngayon!