***
MAZE'S POV
“I’m tired!” Sumampa ako sa kama. “Matutulog na ako paki patay na lang ng ilaw pag matutulog ka na, Goodnight!” Nagtalukbong na ako ng kumot at pumikit na. Pinatay naman ni Kyle ang ilaw and maya-maya lang ay naramdaman kong Sumampa na din siya. Kaso nagulat ako ng bigla niyang alisin ang kumot sa harap ko at pumaibabaw siya sa akin. “What are planing to do Kyle?” I asked. He just smirk pero unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Tskkk! Guys. Of course I should expect this to happen.
Kyle still a guy after all and no matter how mean and cold-hearted he is, he’s still a guy who will fall head over heels on my goddess beauty. “Maze!” He mumbled. “I know what your planning, Kyle. Go on just do it!” An evil grin formed into his face. “Good at least di na ako mahihirapan sa gagawin ko!” Hinawakan niya ang magkabila kong braso at unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin. I closed my eyes waiting for his lips to touch mine but instead_____
Nagulat na lang ako ng bigla niya akong itinulak ng malakas kaya nahulog ako sa kama. “Ouch! Why did you do that?!” I screamed. Humiga siya doon and he spread both arms and legs in a starfish manner. “Hayst! Sa wakas masosolo ko na din ang kama ko! Ikaw babae! Doon ka sa sofa sa sala matulog!” He said. “What?! “ I asked. “Di ako sanay na may ibang tao sa loob ng kwarto ko, kaya labas na!” He shouted. Tumayo ako at hinarap siya. “Papatulugin mo ako sa sofa?! Are you insane?!” I shouted.
Tinignan ako ni Kyle then a evil grin formed in his face again. “You should ask that to your self bago mong gustuhin na tumira dito. Kung di mo kayang matulog sa sofa ay lumayas ka na sa unit ko!” After he said that ay tumayo siya at kinaladkad ako palabas sa kwarto niya at itinulak niya ako sa may sofa. Dali-dali rin siyang naglakad pabalik sa kwarto niya at isinara ito. Tumayo ako at tsaka lumapit sa may pintuan ng kwarto niya. Bubuksan ko na sana ito kaso naka-lock na pala. Sh*t naman oh! Paano na yan? Wala na akong choice kundi sa sofa ako matutulog ngayong gabi. He’s an indeed a devil.
***
KYLE’S POV
Dear Babe,
Kailangan kong umalis ng umaga dahil may interview ako sa isang morning show. Anyways, I won’t sleep here tonight pero babalik ako kinabukasan. Kaya pa naman siguro ang isang Kama sa unit mo, diba? Nag-order na ako ng kama paki antay na lang d’yan. And oh! Tell your tangang chimay na paki duvet ang bed sheets ko.
Maze
Nilukot ko ang note ni Maze na iniwan niya sa may sofa dito sa sala at ito’y tinapon ko sa may basurahan. Tskkk! Grabe din talaga ang fighting spirit ng babaeng yun. Handang magwaldas ng pera makabili lang ng kama para mas lalong sumikat. Pero nakapagtataka lang saan naman siya nakakuha ng damit? Naka-amoy naman ako bigla na parang may ibinibake. Aba! Syempre kinabahan ako kahit gaano pa kabango yan pag si Zyne ang nasa kitchen ay delikado. Mamaya baka tuluyan ng masunog ‘tong building na ‘to.
Kaya kaagad rin akong tumakbo papunta sa kusina at nadatnan ko si Zyne na nag-aayos ng mesa then may isang slice ng cake at fresh milk ng nakaready na sa hapagkainan. Nang makita niya ako, agad siyang ngumiti sa akin. “Good morning, Kie! Nag-bake ako ng chocolate cake yan na muna ang breakfast mo ah! Umupo ka na at kumain.” Tinaasan ko ng kilay si Zyne tsaka ko tinignan ang cake, “Ikaw nag-bake niyan?” I asked. “Yep!” tugon niya. Kinuha ko ito at inamoy-amoy. Okay naman ang amoy nito. Pero natatakot pa rin akong kainin ‘to baka kung ano-ano pa ang inilagay niya rito eh! “You know how to bake?” I asked again.
“Oo naman. Kahit di ako marunong magluto ng ulam marunong naman akong mag-bake!” Tinaasan ko ulit siya ng kilay. Bakit parang nakakatakot paniwalaan ‘tong babaeng ‘to? “May pagkain naman sa set kaya dun na lang ako kakain!’ I said. “H-Huh?” Bigla na lang lumungkot ang mukha niya. “Eh! Paano ‘tong ginawa ko para sayo?” Bigla na lang din akong napalunok ng 'di oras. Ba’t parang nahabag naman ako bigla sa isang ‘to?
Umiling-iling ako. Kyle! Dapat mas mahabag ka sa sarili mo. Pagkinain mo yan paniguradong didiretso ka sa ten feet underground. Sayang ang gwapo mong genes kung di mo naman ipapamana. “Ipamigay mo lang sa iba!” I shouted. “Bumaba na tayo para makaalis na tayo!” Tinalikuran ko na siya at mas nauna na akong maglakad patungo sa parking lot. Aish! That girl is making me crazy.
*At the set*
“Zyne- asawaaaaaa koooooo!” Pagdating na pagdating namin sa set ay kaagad na tumakbo si Yuan kay Zyne at niyakap ito, “Inaaway ako ni Kyla! Ang sabi niya ang baho-baho ko daw!” Inilapit ni Yuan ang dibdib niya kay Zyne. “Smell me. Diba di naman ako mabaho?” Ang u***g- uto namang si Zyne ay sumunod sa sinabi nito at inamoy niya si Yuan. “Hindi ka naman mabaho eh! Ang bango-bango mo kaya! Baka binibiro ka lang ni Kyla.” Nag-pout naman si Yuan na parang bata. “Biro man o totoo nasaktan niya pa din ang damdamin ko!” Yuan said.
“Wag ka ng malungkot, Yuan. Ayyy wait____” May inilabas na Tupperware si Zyne sa bag niya inabot niya kay Yuan. “Eto oh! Kainin mo yan para di ka na malungkot.” Wow!” Kinuha ni Yuan yung Tupperware at kaagad niyang tinikman ang poisonous cake na Gawa ng chimay ko. “Zyne! Grabe ang sarap naman nito. Gustong-gusto ko talaga ‘to!” Yuan says. “T-Talaga? Nagustuhan mo?” She asked. “Oo naman. Basta gawa ng asawa ko ay masarap talaga!”
Napangiwi naman ako ng bigla kong tinitigan yung cake. Then tinignan ko si Zyne at mukhang ang saya-saya niya habang kinakain ni Yuan yung cake na ibinake niya. Parang bigla na lang nag-init ang ulo kaya nilapitan ko sila at inagaw kay Yuan yung Tupperware na naglalaman ng cake. “Akin na yan. Di mo alam kung anong nilagay sa chocolate cake na yan. Tapos kinakain mo pa. Wag ka namang patay gutom Yuan.” I said. “Akin yan eh!” Pag-agaw ni Yuan sa Tupperware.
“Tumigil ka!” Tumingin ako kay Zyne at itinuro ko siya. “Ikaw! Ayusin mo na ang gamit ko.” Kaya dali-dali naman niyang kinuha ang gamit ko at ako naman ay dumiretso na sa dressing room bago pa magagawa ni Yuan yung Tupperware. Mahirap na baka magkasakit pa siya! Tsaka concern lang naman ako sa kalusugan niya. Tskkk! Grabe talaga yung babaeng yun. Nilalandi na nga niya si Tito Zin pati ba naman si Yuan. Para siyang ahas!
Tinignan ko naman ang chocolate cake. Mukha naman siyang masarap. Kumuha ako ng katiting at ito’y aking tinikman. Infairness ang sarap ng cake na ‘to. Sumubo ulit ako just in case nagkamali ang una kong lasa. Oh di naman siya gano’n kasarap gaya ng inaakala ko. Cheap! Sumubo ulit ako. Di talaga masarap. Ano ba naman ‘tong cake na ‘to? Sumubo ulit ako. Ano ba yan? Ang pangit-pangit talaga ng lasa. Nakakadiri!
Pero last na talaga ‘to baka sakaling magbago pa ang lasa. Kumuha ako ng isang malaking serving at isusubo ko na sana ito ng bigla na lang bumukas yung pinto ng dressing room. '‘Kie! Ito na yung damit m______” Napatigil si Zyne at napatingin sa akin habang ako naman ay nakanganga at nakatapat yung tinidor na may cake sa bunganga ko. Kaya kaagad ko rin itong ibinalik sa Tupperware then nakita kong Nakangiti siya sa akin.
“Gusto mo din pala yan sana sinabi mo sa akin kanina para nadalhan din kita at di mo na inagawan si Yuan!” She said. “Anong gusto? Di ko nga yan kinain eh! Tinititigan ko pa lang yan nasusuka na ako!” I shouted. “Ahhh okay. Uhmmm… Kie may chocolate sa gilid ng labi mo!” Napahawak ako sa gilid ng labi ko at tama nga siya may chocolate nga. Pahamak naman ‘to oh! Lumabas na si Zyne sa dressing room habang dinig na dinig ko ang pigil ng tawa niya. Tskk! Nakakabadtrip naman.
Hindi naman talaga masarap, ang pangit-pangit nga ng lasa eh! Pero kasi sayang naman kong itatapon might as well ay nagmagandang loob na akong ubusin yun. Kaya titiisin ko na lang yung lasa nito. Mga bandang 9pm na kami natapos sa shooting at pagod na pagod na talaga ako. Buti na nga lang at 'di na umabot pa ng madaling araw. Nakaramdam na din ako ng gutom kaya napagpasyahan kong magdine-in na lang kaysa si Zyne pa ang magluto. Mahirap na.
“Kie! Saan tayo kakain?” She asked. “Sa fine dining lang,” sagot ko then nagsuot na ako ng cap at shade. Mahirap na baka pagkagukuhan pa ako roon and worst ma-issue na nakikipagdate ako kay Zyne. “H-Huh? Diba mahal ang mga pagkain dun?” tanong niya ulit. “Di ba obvious? Mukha ba akong kumakain sa mumurahin?!” I shouted. “Di ka ba nagsasaw____” She didn’t finish what she was going to say when I suddenly spoke. “Wag ka na nga’ng makulit. Di kita pakainin d’yan eh!”
Pero di niya pa din pinansin ang sinabi ko at nagpatuloy siya sa pangungulit sa akin. “May alam akong masarap na kainan, malapit lang din dito. Tara dun na tayo kumain!” Nakangiti niyang sambit. “I don’t need your opinion! Kung ayaw mong kumain ay maiwan ka na dito sa unit at bahala ka d’yang magutom!” sabi ko sabay baba. Sumunod naman siya sa akin, isa lang ang ibig sabihin niya. Gusto niya ding kumain. “Kie! Doon na kasi tayo kumain.” Pangngungumbinsi niya sa akin.
“Ayoko nga eh! Ang kulit mo din.” Pagwiwika ko. “Okay. Pero wala ka namang maibabayad sa restaurant na yan eh!” sambit niya. Huminto ako at humanap sa kanya. “Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Ako? Si Kyle Montefalcon na mayaman ay walang maibabayad sa restaurant na yun? Nahihibang ka na ba?! Gusto mo ipakita ko pa sayo yung wallet ko?!” I yelled. Kinapa ko yung wallet sa bulsa ng pantalon ko pero wala akong nakapa. Kinapakapa ko pa yung mga bulsa ko pero wala talaga.
“Eto ba yung hinahanap mo?” May itinaas si Zyne at nakita ko yung wallet ko na hawak-hawak niya. “Give it to me!” Aagawin ko na sana ito kaso mabilis niya itong nagtago sa bulsa ng pantalon niya. “Kain muna kasi tayo dun eh!” She said. “What the f*ck? Do you want me to sue you, theif?!” I shouted. “HAHAHAHAH ang cute-cute mo talagang magalit, Kie. Anyways kakain na ako at talagang gutom na gutom na ako. Pahiram muna ng wallet mo ibabalik ko na lang mamaya!” She say.
Tumakbo si Zyne palayo sa akin. Akala niya susunod ako sa kanya. Manigas siya dun! Mabuti ng magutom kaysa kumain doon sa gusto niyang kainan. Maya-maya samo’t saring germs pa ang kumakalat roon. Naramdaman kong kumukulo na yung sikmura ko. Kung nagmumura ‘tong t’yan ko ay malamang kanina pa akong namumura dito. Anak ng kabayo naman eh! “Hoy babae! Hintayin mo ako!” I shouted at her.