***
KYLE’S POV
“Wela’s and Dodo Karinderya?” I mumbled. “Where here!” Sabi ni Zyne sa akin then hinila niya ako papasok sa isang maliit, madumi, mainit at mabahong kainin na ‘to. Kinalas ko ang pagkakahawak niya sa akin, “Ba’t ganito ang kainan dito? Ang liit-liit! Ang baho-baho pa! Tinitignan ko pa lang yung lugar parang nasusuka na ako!” reklamo ko. “Grabe ka naman! Masarap ang mga pagkain d’yan ‘no. Wag mo na lang pansinin yung ambiance ng lugar o di kaya isipin mo na lang na nasa mamahalin kang restaurant!” She said.
“There’s no way I’m gonna eat in that place. Milyong-milyong germs ang nagkalat d’yan. Baka mamaya magkasakit pa ako!” wika ko. “Hindi yan. Tignan mo ako oh! Matagal na akong kumakain d’yan pero ito ako ngayon buhay na buhay pa din!” Pangngungumbinsi niya pa. “Basta Ayoko d’yan!” Tinalikuran ko na siya. Di ko kayang sikmuraang kumain d’yan eh! Napakadumi! Mamaya kung ano pang mangyari sa akin. Edi! Iiyak ang buong pilipinas pag mawala ako.
‘Tong babaeng ‘to talaga puro kamalasan na lang ang dala sa buhay ko. “Kie!” Humabol si Zyne sa akin. “Galit ka ba?” She asked. Tinignan ko siya. “Di ba obvious? Sabing ayokong kumain d’yan eh! Ang kulit-kulit mo!” Nagulat ako ng bigla na lang lumungkot ang mukha niya. “Ganon ba? Sorry ah! Kung sobrang kulit ko di ko naman alam na magagalit ka.” Tumingin sa akin si Zyne pero this time ay nakangiti na siya at inabot niya yung wallet ko.
“Tara dun na tayo kumain sa restaurant. Pasensya ka na rin sa ginawa ko ah! Promise di ko na uulitin.” Pagkatapos niya yung sabihin ay nauna na siyang naglakad sa akin. For a moment I feel a spang of guilt building upon my chest. Ay potek! Bakit ba ako naguguilty? Wala naman akong ginawa eh! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Grrr… Nakakainis… Nakakainis talaga sobra! “Hoy, Chimay!” sigaw ko sa kanya kaya napahinto siya sa paglalakad. Nilapitan ko siya at kinuha ko ang kamay niya then hinatak ko siya papasok sa pipitsuging kainan.
“Wahhhhhhhhh Nanay Wela at Tatay Dodo! Namiss ko kayo sobra!” sigaw ni Zyne. Pagpasok na Pagpasok naming dalawa sa loob ay tumakbo agad siya dun sa dalawang matanda na naroon sa counter at niyakap niya ang mga ito. “Hija! Ang tagal mong di kumain dito ah?” sambit nung matandang babae na tinatawag niyang Nanay Wela. “Naging busy lang po ako. Ayy Oo nga pala.” Hinatak ako ni Zyne palapit sa kanila. “Eto po si Kie. Ang amo ko!” Nakangiti niyang pagpapakilala sa akin.
“H-Hello po!” Habang iniiba ko ang aking boses. Buti na lang din at naka-cap and shade ako kung hindi ay baka may nakakilala na sa akin. Mahirap na ‘no at maissue pa ako. Si Kyle Montefalcon ay kumakain sa isang maduming lugar. Yucks! Biggest scandal of the year. “Hijo! Ikaw pala ang amo nitong si Zyne! Naku, salamat ah! Masipag na bata naman siya kaya paniguradong di ka mahihirapan sa kanya,” saad naman nung matandang lalaki na tinawag ni Zyne na Tatay Dodo kanina.
Oo nga ang sipag niya pero hirap na hirap ako sa kanya. Maya-maya lang din ay umupo na kami ni Zyne para kumain. Hindi ko maatim tignan ang mga pagkain dito kaya si Chimay na lang ang hinayaan kong pumili ng makakain namin. Tskkk! Ano bang pumasok sa kukote ko at bakit ko siya hinila papasok dito? Nung makita ko kasing lumungkot yung mukha niya ay di ako mapakali. Kung iisipin dalawang beses ko ng nakita yang expression niya ngayong araw.
Nung kaninang umaga nung ayoko kainin yung cake na ibinake niya para sa akin ngayon naman ng ayaw kong pumayag na kumain dito. Kahit pa na binawi niya agad yung expression na yun ay di ko pa rin maiwasang makaramdam ng guilt. Tsaka isa pa naalala ko kanina yung ngiti niya nung kinain ni Yuan yung cake na gawa niya pati na rin nung pumayag akong dito kumain. Ilang beses ko na siyang nakitang ngumiti. Pero yung ngayon ay parang kakaiba na di ko ma-explain.
All this time I feel very awkward when she smiles. Pero ngayon, parang tumagos talaga sa puso ko. Parang Biglang gumana yung pakiramdam ko. Parang… Parang… Para akong nababakla sa mga sinasabi ko. Arghhhhh! Ano ba ‘tong iniisip ko? Naku naman eh! Nababaliw na ba ako? O sadyang gutom lang ako? ‘Tong babaeng ‘to ay mistress ni Tito Zin at nilalandi niya din si Yuan. She’s my annoying and my crazy P.A. That what she is! At dapat tigil-tigilan ko ng mag-isip ng kung ano-ano pa.
“Kie! Naghintay ka ba ng matagal? Eto na yung pagkain natin oh!” Inilapag ni Zyne yung tray sa lamesa sa harap namin. Tinignan ko yung mga binili niya. Inangat ko yung isang stick na inorder niya at ito’y aking tinitigan ng mabuti. Nang maidentify ko ito ay dali-dali ko rin itong ibinalik sa tray. “Bulate? Seriously, ipapakain mo yan sa akin?” sigaw ko sa kanya. “HAHAHAH ikaw talaga Kie. Wag kang magbiro ng ganyan. Hindi Bulate ang tawag d’yan, isaw yan! Masarap yan!” May inilapag siyang isang maliit na mangkok sa harap ko. “Eto yung sawsawan!”
Tinignan ko si Zyne tapos yung Bulate na naka-stick pa talaga. Aba! Sosyal. Tsaka Tumingin ulit ako sa kanya. Seryoso talaga siyang yan ang ipapakain sa akin? “Oy! Kie. Kain ka na!” sabi niya sabay ngiti sa akin gaya ng ngiti niya sa akin kanina. Naasar na talaga ako sa mga ngiti niyang yan! It’s making me hard…. To resist her. Tinignan ko yung Bulateng nasa stick. God! Iligtas niyo po ako sa kapahamakan. Huminga ako ng malalim at tsaka ko ito tinikman.
*After an hour*
“Isa pa nga pong order ng Bulate!” sabi ko dun kay Tatay Dodo. “Heheheh isaw po ang ibig niyang sabihin!” pagtatama ni Zyne sa akin tapos tinignan niya ako. “Kie! Ang dami mo ng nakain, mamaya maimpatso ka na eh! Tama na yan.” She said. “Tumigil ka nga. Para kang Ina ko kung pangaralan ako eh! Hayaan mo akong kumain. Gutom pa ako.” I said. “Hijo! Ubos na yung isaw, balik ka na lang bukas.” Nakangiting saad ni Tatay Dodo.
“Ay! Gano’n po ba. Sayang naman.” Hayst! Gustong-gusto ko pa talagang kumain nun eh!” Bumunot ako ng pera sa wallet ko at inabot ko kay Tatay Dodo ang isang libo, “Eto po bayad.” Sambit ko. “Sobra-sobra ‘to. Sandali at susuklian kita!” wika niya. “Wag na po. Keep the change. Tutal ang sarap-sarap niyo pong magluto.” Tinignan ko ng nakaloloko si Zyne, “Unlike someone,” pagpaparing ko sa kanya. “Pero naubos mo yung cake na gawa ko!” She said. Tskkk! Kailangan pa talaga niyang inaalala sa akin?
“Ay! Oo nga pala may ice cream parlor. Malapit dito Tara kain tayo dun heheheh!” Nangigil niyang sambit. “Oo na. Ang takaw mo sobra!” pagsang-ayon ko. “Yehey! Nanay Wela at Tatay Dodo maraming salamat po sa masarap na hapunan!” pagpapasalamat niya rito. “Salamat din Hija! Ingat kayo ah?” Nanay Wela says. “Opo! Kayo din po ingat kayo. Sige po, byebye na!” pagpapaalam ni Zyne. Nag-wave si Zyne sa dalawang matanda at nauna ng lumabas sa kainan. Mukhang excited na excited siyang kumain ng ice cream ah! Napailing na lang ako. Parang bata…
Tinignan ko sina Nanay Wela at Tatay Dodo, “Sige po una na po kami. Babalik na lang po kami sa susunod. “Ah! Hijo. Salamat talaga ng marami.” Sabay nilang sabi. “Wala po yun at isa pa ang sarap niyo po kayang magluto____” Hindi ko na natapos sabihin ang gusto kong sabihin nang bigla na lang nagsalita si Tatay Dodo, “Hindi iyon! Salamat dahil mukhang masaya si Zyne ngayon,” dagdag pa ni Nanay Wela.
“E-Eh?” takang-taka kong tanong sa kanya. “Yang batang yan ang dami ng sakit at hirap ang naranasan niya. Pero ngayon nakita ko na masaya siya kaya salamat talaga Hijo!” Sabi ni Tatay Dodo. “Naku! Baka naman ay hindi ako ang dahilan.” I said. Nagulat na lang ako ng bigla silang natawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman, diba? “Ikaw talaga Hijo. Siguro sa ngayon ay di mo pa ito nakikita pero balang araw maintindihan mo din ang mga sinasabi ko.” Saad ni Nanay Wela.
Akmang sasagot na ako ng bigla na lang sumigaw si Zyne. “Kie! Tara na.” Kaya tumakbo na ako palapit sa kanya. Ano kayang ibig sabihin ng mga sinabi nila Nanay Wela at Tatay Dodo? Ang weird! Bumili kami ng ice cream ni Zyne doon sa may ice cream parlor at tsaka umupo sa isang bench. Buti na lang at gabi na ngayon kaya kokonti na lang ang mga tao sa park na ‘to. “Ang sarap talaga nito! Ang tagal ko ng di kumain nito,” sabi niya.
Tinignan ko siya at halatang ang saya-saya na naman niya ngayon. “Gusto mo ba si Yuan?” Halos mapatakip ako sa aking bibig dahil sa tanong ko. Ba’t yun pa ang lumabas sa bibig ko? Tumingin si Zyne sa akin, “H-huh? Si Yuan? Oo, gusto ko siya.” She told me while smiling. At talagang deretsahan talaga ang sagot niya ah! “Tskkk! Two timer ka pala eh! Alam kong may namamagitan sa inyo ni Tito Zin tapos gusto mo din si Yuan?!” I shouted. “Si Tito? You mean si Dr. Zin?” Ngumiti ulit siya, “Gusto rin siya!”
“H-Huh? Seriously?!” I asked. “Ang bait kasi nila sa akin. Si Yuan lagi niya akong pinatatawa habang si Dr. Zin naman ay lagi niya akong tinutulungan.” Mukhang na misunderstood niya yata yung tanong ko eh! “Si Kyla din gusto ko ang bait-bait niya kasi sa akin. Tsaka si Kyline din yung bagong kaibigan ko heheheh! At ikaw din Kie. Gusto kita!” Napalingon ako bigla sa kanya at nakita kong nakangiti siya sa akin. Badtrip naman eh! Ano ba ‘tong nararamdaman ko? Bakit parang kinakabahan ako?
“Eh! Si Maze gusto mo?” I asked. Nakita ko naman na gulat siya na parang ewan. Di niya sinagot ang tanong ko instead ay ngumiti lang siya. Kahit siya may kinaiinisan din pala. Pero natural lang na mainis siya kay Maze. Sa ginawa ba ng babaeng yun sa kanya paniguradong may kinikimkim na din siyang galit rito. But I’m not sure. “Ang hilig mong ngumiti ‘noh?” I asked again. Ngumiti lang siya at tsaka Tumingin sa kalangitan.
“Sabi kasi ng Kuya ko. Nakakabawas daw ng kalungkutan ang pag-ngiti.” Tinignan ko siya. “Malungkot ka ba?” tanong ko. Ibinalik niya ulit ang tingin niya sa akin at ngumiti. “Tara na uwi na tayo. May shooting ka pa bukas kailangan mong matulog ng maaga para may energy ka kinabukasan.” Tumayo siya at nagsimula ng maglakad. This girl is so mysterious. And sa di malamang dahilan ay nacu-curious ako sa buhay niya.
***
KYLA’S POV
“I’m hungry. I’m really, really, really hungry. Kyla! May pagkain ka ba d’yan?” reklamo ni Yuan sa akin na kasalukuyang nakabulagta sa sofa. “Wala. At pwede ba umaayos ka d’yan magugusot na yang damit mo eh!” I shouted. Umayos naman siya ng upo. Ano ba naman ‘tong lalaking ‘to? Kung makaasta parang bata. Eh! Ang tanda-tanda na kaya niya. “Wahhhhhhhhh sana matapos na ‘tong photoshot na ‘to! Gutom na gutom na ako eh!” reklamo niya pa.
“Nasaan na ba kasi yung P.A mo? Utusan mo kayang bumili ng pagkain.” I suggested. “Wala eh! May sakit si Manang.” He sigh. “Hayst! Ang swerte talaga ng Kuya mo ‘no? Meron siyang maganda, maalaga at mabait na P.A. Pag si Zyne lang talaga ang naging P.A ko. Ako talaga ang mag-aalaga sa kanya.” Sumimangot ako bigla. Wala na siyang ibang bukang bibig kundi si Ate Zyne.
Malas niya lang at si Kuya Kyle ang naging amo ni Ate Zyne. Mamaya manyakin lang siya ng lalaking yan pag siya ang naging amo nito. “Ay! Kyla. Picture tayo ang gwapo-gwapo ko sa suot na ‘to eh! Kailangan ko ng remembrance!” He said. “Kanina ka pa kaya d’yan pinipicturan! Di ka ba nagsasawa sa mukha mo?!” I said. “Eh! Iba naman kasi yung behind the scenes tsaka yung picture na para sayo lang at hindi para sa iba!”
Nagulat ako ng bigla niya akong hilahin paupo sa sofa. Tsaka niya lang ako inakbayan tapos tinapat niya yung camera ng phone niya saamin. “One… Two… Three… Smile!” sabi niya. Pagkatapos na pagkatapos niyang kumuha ng picture kaagad niya ring inalis ang pagkakaakbay sa akin tapos tinignan niya yung picture namin. “Ang gwapo ko talaga!” Pag puri niya sa sarili niya. “Hindi malabong mainlove si Zyne sa akin!” dagdag niya pa.
Oo, Yuan. Hindi lang kay Ate Zyne pati na din sa iba.
Tinitigan ako ni Yuan at ramdam na ramdan ko ang lakas ng t***k ng puso ko dahil lang napalapit ako sa kanya.
Ilang taon na akong ganito.
Mapadikit pa lang siya sa akin ay bumibilis agad ang t***k ng puso ko at di na ako mapakali pa. Simula high-school ay magkakasama na kaming dalawa. Dati sobrang close naming dalawa yung tipong di na kami mapaghiwalay pa pero nagkaroon ng gap sa aming dalawa ng mangyari ang bagay na yun.
Simula nung nagkagusto ako sa kanya.
Umamin ako sa kanya na nahuhulog na ako sa kanya kaya nga lang ay tinanggihan niya ako at sinabing kapatid lang ang Turing niya sa akin. Sinubukan kong siyang kalimutang. Sinubukan kong lumayo sa kanya at tuwing lalapit siya sa akin ay di ko siya pinapansin. Pero wala pa ring nangyari.
Dahil hanggang ngayon ay si Yuan pa rin ang laman ng puso ko.
Ang problema nga lang, kahit anong gawin ko ay di niya pa rin magawang tumingin sa akin. Dahil parang isang kapatid lang ang pagmamahalan na ibinibigay niya sa akin. Madali lang siyang ma-attract sa ibang babae katulad na lang kay Ate Zyne.
Pero bakit di niya magawang tumingin sa akin? Bakit?