KABANATA 8

2120 Words
*** KYLE’S POV Napapunas ako ng pawis sa noo ko. Nandito kasi kami ngayon sa studio at kasalukuyan kaming nagsho-shooting sa may eskinita dito para sa movie namin. Nakakabadtrip naman eh! Napaka-init na nga ng lugar na ‘to, napakabaho pa. Pinagpawisan tuloy ako. “Kie!” Lumapit si Zyne sa akin at inabutan ako ng towel, malamig na tubig at Alcohol. “Potek! Ang init naman.,” reklamo ko sabay kuha ng alcohol at lagay nito sa kamay ko. “You’re welcome!” sagot niya while smiling at me. Sinamangutan ko siya, “Namimilosopo ka ba?!” I shouted. “Hindi. Bakit?” tanong niya saakin habang mukhang inosenteng-inosente. Pinagtritripan ba ako ng babaeng ‘to? Tskkk! Pagod ako at isa pa kanina pa akong nayayamot sa paligid. Pag ito di talaga tumigil. Ay! Naku di ko alam ang pwede kung magawa sa kanya. “Kunin mo ang yosi ko!” Utos ko sa kanya. “Yosi? Ano yun?” tanong ni Zyne. “Tanga ka ba or what? Hindi mo alam yun? Yung nilagay ko sa pouch ng bag ko na color black yung case yun yung yosi!” I said. “Ah! Yun ba yun? Tinapon ko na yun eh!” tugon niya. “H-Huh?! Tinapon mo?! Bakit mo tinapon?!!” I shouted. “Di ba yun basura?” She asked innocently. “Hindi basura yun! Sira ka talaga!” Pinapainit talaga ng chimay na ‘to ang ulo ko! Kabibili ko lang nun eh! Tapos itinapon lang? “Basura kaya yun. Lahat ng masama sa katawan ay basura kaya tinapon ko yun,” she told me calmly while smiling. Naku! Kyle. Pigilan mo ang sarili mo at baka mapatay mo na ‘tong chimay na yan. “Bumili ka ng bago.” Maawtoridad kong sambit. “Ayoko!” pagtanggi niya. “How dare you to disobey me? Ako ang amo mo ha! Baka nakakalimutan mo na ako ang nagpapasahod sayo!” I shouted again. “Alam ko!” She simply replied. “Wahhhhhhhhh! Gēgē Kyle. Wag mong sigawan si Zyne.” Sabi ni Yuan sabay hatak kay Zyne. “Zyne- my future wife. Nag-order ako ng pizza, Tara kain tayo!” Yuan said. “Wow! Favorite ko yun!” Zyne giggled. After that ay siya na mismo ang naghatak kay Yuan sa may tent at doon sila kumain ng pizza. Grrr… nakakagigil talaga ‘tong chimay na ‘to. Nakakaasar talaga sobra! Napakapakialamera pa! Itapon ba naman yung yosi ko. Grabe di man lang niya sinunod ang utos ko bagkus nakipaglandian pa siya kay Yuan. “Kuya Kyle! Yung mukha mo halos magusot na oh!” Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Kyla doon. Tinignan ko siya, “Di ka ba nagseselos?” I asked. “H-hah? Saan?” painosenteng sabi niya. Ngumuso naman ako doon sa direksiyon nina Yuan at Zyne na kasalukuyang kumakain ng pizza. “Hindi ‘no. Ba’t naman ako magseselos?” sabi niya sa akin pero halatang-halatang namang nagseselos siya. Buti na lang at di siya nag-artista di siya marunong umarte eh! “Sus! Hindi daw___” Di ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla na lang siyang nagsalita. “Che! D’yan ka na nga Kuya.” Tinabig ako ni Kyla at tsaka siya nagwalk-out. Tignan mo yung babaeng yun oh, ang sungit-sungit. Kanina kaya nagmana yun? Impossible namang sa akin! [ Phone Ringing ] Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ko kung sino ang tumawag. Mommy Calling…. Tskkk! Ano na namang kailangan ng isang ‘to? I answered the call. “Ano?” Bungad ko sa kanya. [ “Oh! Highblood ka.” ] “Tskkk! Kung wala kang sasabihin ibababa ko na ‘to!” pagbabanta ko. [ “Etong batang ‘to naman. Masyadong highblood. Punta ka dito sa bahay. Nagluto ako ng favorite mo!” ] “No, thanks. May pagkain na ako dito,” pagtatangi ko. [ “Basta pumunta ka dito or else Isesend ko sa media yung picture mo nung bata ka pa. Yung nakahubad ka pati na din yung picture mo nung natatae ka sa salawal mo. Hihintayin kita dito! Byebye.” ] Bago pa ako makareact, in-end na niya yung call. Grrr… Pati ba naman siya ibablackmail ako? Pareha sila ng chimay ko. Ang galing mamblack mail! Lumapit ako kila Yuan at nakita kong may hawak-hawak na dalawang ticket si Yuan. “Zyne! Di ba idol mo si Taylor Swift? Eto oh! May ticket ako para sa concert niya. Tara samahan mo akong manood mamaya!” pagyayaya niya kay Zyne. “T-Talaga? Isasama mo ako?” She asked. “Oo naman. And well going to enjoy the night!” Agad-agad kong hinila si Zyne palayo kay Yuan. “Iba na lang ang isama mo at may pupuntahan pa kami,” sabi ko. “But! Kahit ngayong gabi lang Gēgē Kyle pahiram naman kay Zyne. Pleaseeeee!” “Iba na lang isama mo! “ Nakita kong Biglang dumaan si Kyla kaya naman ay hinatak ko siya. “Kyla! Di ba idol mo si Taylor Swift?” I asked. “”H-Huh? Ako? Ah, Oo. Bakit?” She asked. “Good! Date daw kayo ni Yuan mamaya sa concert ni Taylor Swift. Bawal tumanggi nabilhan ka na ng ticket.” At itinulak ko si Kyla kay Yuan sabay sabi, “Enjoy guys!” Bago pa sila makapagreact ay kinaladkad ko na si Zyne palayo roon. “Sorry! Di ka makakapanood ng libreng concert ngayon. Ganti na lang sa pagtapon mo sa yosi ko,” sambit ko. “Okay lang yun. Masaya rin naman akong magtrabaho sayo!” She said. Tinignan ko siya at nakita ko na naman ang maganda niyang ngiti. Nakakabadtrip na man! Nagdrive na ako papunta sa bahay nila mommy. Malapit lang din naman ito sa set kaya madali lang akong nakarating. Kung nagtataka siguro kayo kung bakit ako nakahiwalay ng bahay sa kanila? You see may iba na siyang pamilya. 15 years old ako nung ikinasal ulit si mommy sa asawa niya ngayon’ yun ang daddy ni Kyla. Hindi ko totoong kadugo si Kyla dahil anak siya nung unang asawa ng daddy niya. But still itinuring na namin ang isa’t-isa na parang totoong magkapatid. Kung sino ang Tatay ko? Aba ewan ko sa lalaking yun. “Hay! Nakarating na din. Pag di talaga masarap ang pagkain na niluto ni Mommy ay patay siya sa akin.” Tinignan ko si Zyne. “Baba na!” I said. Tahimik na bumaba si Zyne sa kotse. Tinignan ko ulit siya at parang biglang nag-iba ang facial expression niya. “Dito ang bahay niyo?” She asked. “Di ba obvious?” She just nod pero di siya ngumiti. “May problema ba?” tanong ko sa kanya. Nagbigay lang siya sa akin ng pilit na ngiti. “W-Wala naman,” tugon niya. Tskkk! Kung ano-ano na ‘tong iniisip ko. Baka pagod lang siya kaya ganyan siya ngayon. Pumasok na kami sa loob at kaagad naman kaming sinalubong ni Mommy. “Baby Kyle ko! I miss you so much.” She hugged me to the point na halos masakal na ako. “Let me go! Nasasakal na ako.” Reklamo ko. “Opsss! Sorry!,” she giggled. “Oh! Girlfriend mo?” tanong ni mommy habang nakatingin kay Zyne. “Nope. P.A ko yan!” I said. Nilapitan ni Mommy si Zyne. “Ang ganda mo naman Hija para maging P.A ni Kyle. Gusto mo bang maging artista?” My mom said. “Ah! Hindi po,” tugon niya. “Mom! Wag mo na siyang guluhin. Gutom na ako nasaan na ang pagkain?” Dali-dali naman akong nagpunta sa dining area. Nung makita kong lasagna pala ang inihanda ni Mommy ay di na ako nagdalawang isip na lantakan ito. Habang kumakain kami, si Mommy lang yung daldal ng daldal sa aming tatlo. “Ay Oo nga pala, anak. May ipinakukuhang damit si Kyla. Pakibigay na lang sa kanya,” sambit niya. “Ok!” Simple kong saad. Ngingitian ako ni Mommy, “Masarap ba yung lasagna ko?” She asked. Agad-agad kong ibinaba ang plato. “Hindi. Ang pangit-pangit ng lasa!” tugon ko. “Ah! Kaya pala muntik mo ng maubos lahat. She said while flashing her smile. Hinatak ko yung braso ni Zyne, “Halika na nga! Punta na tayo sa kwarto ni Kyla.” “A-Ah Sige!” pagsang-ayon niya. Umakyat kami sa kwarto ni Kyla sa may second floor kaso nagulat na lang ako ng pagdating namin sa di inaasahan ay parang ayaw pumasok ni Zyne. Doon ko lang napansin na nanginginig na siya habang tinitigan ang cabinet ni Kyla. Ano bang problema ng isang ‘to? Bigla na lang tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Tito Zin pala ito. Kaya sinagot ko ito. “Hello, Tito Zin. Bakit?” I asked. [ “Kie! Nasaan ka?” ]  “”Sa bahay nina mommy!” tugon ko. [ “Kasama mo si Zyne d’yan?” ] “Oo. Teka! Bakit?” I asked again. Narinig kong napamura si Tito Zin sa kabilang linya. Pati din si Tito, ang weird niya. May saltik ba ang utak ng mga tao ngayon? “Ano bang problema?” tanong ko. [ “Lissen, Kie. Inalis mo muna si Zyne d’yan. Pumunta ka sa resthouse mo sa Molave. Susunod agad  ako doon at doon ko na ipapaliwanag ang lahat. Pero sa ngayon ilayo mo na si Zyne d’yan!”  ] Bago pa ako makareact ay ibinabaan na niya ako. Tinignan ko si Zyne at nakita kong grabe na ang panginginig niya. Parang siyang natatakot na ewan habang nakatitig sa cabinet. Hindi na ako nagdalawang isip pa at hinatak ko na siya pababa ng hagdanan. “Mom! Alis na kami.” I shouted. Then Tuloy-tuloy akong lumabas sa bahay while hatak-hatak ko pa rin si Zyne.I pinasok ko si Zyne sa kotse tsaka ako nagdrive patungo sa resthouse ko. Kung saan madalas akong nagpunta dun pag gusto kong nagtago sa mata ng media. While nagdri-drive ako ay di ako mapakali kasi kanina pang di umiik si Zyne. Nakaupo lang siya habang yakap- yakap niya ang kanyang sarili at mahahalata mo sa kanyang mga mata na siya’y natatakot. Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit ganyan siya? *** ZYNE’S POV While kami ni Kie, tahimik lang kami pareho. Aware ako na di kami sa unit papunta kundi sa ibang lugar. Di ko nga lang alam kong saan. Marahil ay naguluhan siya sa ikinikilos ko ngayon. Pero kasi nung makita ko ulit yung bahay na yun lalong na yung cabinet sa kwarto ni Kyla ay bigla na lang bumalik sa alala ko yung mga bagay na matagal ko ng ibinaon sa limot. Naalala ko na naman yung takot at sakit na naramdaman ko noon. Naalala ko naman yung karumaldumal na krimen na nasaksihan mismo ng dalawa kong mata at kahit anong pigil kong gawin ay di na mawala ito sa isip ko. “We’re here!” pagdedeklara niya. Matapos niyang makapag-park sa isang Magandang resthouse. Tumango lang ako tsaka bumaba sa kotse. “Mahal na mahal ka ni Papa, Zyne!” Bigla akong napahinto ng bigla na lang nag-flashback yung nangyari noon. “Wag na wag kang lalabas sa cabinet na ‘to! Ako na ang bahala sa kanila, okay?” Naramdaman kong nanginginig ang buong kong katawan. Bakit? Kailangan kong maalala ang mga ‘to? Bakit?! Sampung tao. Mga Baril. Mga kutsilyo. Isang Duguang katawan. Dalawangpung saksak. Dalawangpung tama ng bala. Malamig na bangkay. Bigla na lang akong napaluhod. “P-Papa! P-Papa!” At di ko napigilan ang pag-agos ng aking mga luha. “Zyne! Anong nangyayari sayo? Ayos ka lang ba?” Agad-agad na lumapit si Kie sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata, “S-Sorry may naalala lang ako.” Huminga ako ng maigi at sinubukan kong pigilan ang luha ko. Pinaka ayuko talaga sa lahat ay makita ako ng ibang taong umiiyak. Natatakot ako na baka nag-aalala sila sa akin kaya hangga’t maari ay ipinapakita ko sa kanila na matapang ako. Kinalma ko ang aking sarili at huminto sa pag-iyak tsaka ko binigyan ng matamis na ngiti si Kie. “Kie! Wag mo ng pansinin yun ah! Tara pasok tayo sa loob!” Tinignan ko yung paligid. “Wow! Ang ganda naman dito! Sayo ba ‘tong resthouse na ‘to?” Patayo na sana ako ng bigla akong hilahin ni Kie at yakapin. “Hindi masamang umiyak.” Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay di ko na mapigilang umiyak. Then Tuloy-tuloy na ang paghagulgol ko. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ako nakaiyak sa yakap ng isang taong malapit sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD