KABANATA 30

2175 Words
ZYNE’S POV “Hay buhay parang life..” nag buntong hininga ako then napatingin ako doon sa malaking cross sa harap ko, “God, kung ano man po ang problema niya sana tulungan mo siya!” bulong ko. Nandito ako ngayon sa church para sa practice namin ng choir. Day off ko today at kahit na ayokong umalis sa bahay para samahan si Kie, mas pinili kong pumunta dito dahil hindi ko rin naman dapat kalimutan ang duties ko sa simbahan. At dahil medyo napaaga ang dating ko, mag-isa pa lang ako ngayon dito at inaantay ko yung ibang choir members. Nagstay muna ako sa loob ng simbahan at naupo sa isa sa mga upuan doon habang nag-iisip ng malalim. Hanggang ngayon wala pa rin akong idea kung bakit umiiyak nun si Kie ng makita ko siya sa park. Nung makauwi kami ng araw na yun, ni hindi na niya binanggit sa akin yung dahilan. Nagkulong lang siya sa kwarto niya magdamag. Gusto ko sanang tanungin siya kaso malakas ang pakiramdam ko na ayaw niyang pag-uusapn ang bagay na yun at kailangan niyang mapag-isa. Pero sana lang i-open niya sa akin. Gusto kong makatulong sa kanya at nasasaktan din ako pag nakikita ko siyang nalulungkot. Hay! Mahal ko na ata talaga siya. After a few minutes, nakarinig ako ng kotse na pumasok sa may bakuran ng simbahan kaya naman tumayo ako at naglakad palabas para silipin kung sino yung dumating. Pagkalabas ko naman ng simbahan, nakita kong may nakapark na isang malaking sasakyan at sa labas nun, may isang babaeng busy na ginagamit ang cellphone niya. Nung una, hindi ko siya masyadong namukhaan, pero nung inangat niya ang ulo niya, doon ko lang napansin na si Kyline pala ‘to. Nilapitan ko naman agad si Kyline. “Uy, Kyline! Nandiyan ka na pala!” bati ko sa kanya then tinapik ko siya sa balikat. Napatingin sa akin si Kyline at doon ko lang napansin na naka make-up pala siya ng maayos ngayon. Usually kasi, pagpumupunnta dito sa simbahan si Kyline, hindi naman siya nagmamake-up. “Ayos na ayos ka ngayon ah!” sabi ko sa kanya tapos napatingin ako sa damit niya. Nakatop and short lang siya, “Uhmmm.. kaso baka pagalitan ka ni Kuya Zach kasi naka shorts ka lang na papasok sa simbahan!” Ningitian naman ako ni Kyline, “I know we really looked alike but I think I’m prettier than her though!” Bigla naman akong naguluhan sa sinabi niya, “H-Huh?” She giggled. “Sorry. I’m not Kyline.” “E-Eh?! T-Teka w-waiit p-paanong----” bago ko pa matapos yung sasabihin ko, may bumaba bigla doon sa kotse at nakita ko ang isa pang kamukha ni Kyline. “Oh! Zyne!” bati nito sa akin. Napaturo ako sa kanya, “K-Kyline..?” “She is Kyline!” sabi naman nung babaeng napagkamalan kong si Kyline then siya doon sa babaeng kabababa lang sa kotse. “Twin, she thought I am you!HAHAHAHAH!” Nakita ko namang natawa rin si Kyline, “You can’t blame her! We’re twin sisters after all!” “Ah! Kakambal ka pala niya!” sabi ko sa kanya, “Sorry!” “It’s okay! I’m Kyleigh by the way!” sabi niya then she stretched out her hand. “Ako naman si Zyne!” sabi ko then nakipagshake hands ako sa kanya. “Sige, Zyne. Alis na ako. Inihatid lang namin si Kyline dito.” Tumingin naman si Kyleigh kay Kyline. “Take care twin sis! Your prince charming will fetch you later!” sabi niya sabay kindat. “L-Leigh!” Tumawa lang si Kyleigh at sumakay na rin sa kotse nila. “Sorry about that.” Sabi niya sa akin ni Kyline habang naglalakad kami papasok ng simbahan. “Sobrang kulit lang talaga niyang si Kyleigh. Naku! Kahit magkamukhang-magkamukha kami, sobrang opposite naman naming dalawa.” Napangiti ako bigla sa sinabi ni Kyline. “Kung sabagay, kami din ni Kuya ko sobrang magkaibba ang hilig namin, pero kahit ganon masaya pa rin ako na nagkaroon ng kapatid na tulad niya.” “Hmmm… Sigurado ako na ang gwapo ng Kuya mo! Kasi maganda ka eh. Sigurado nung buhay pa siya ang dami niyang naging girlfriend ‘no!” “HAHAHAh naku hindi rin. Kasi busy siya nun ainlove sayo! HAHHAH!” Bigla naman natigilan si Kyline at napalingon sa akin, “Mainlove sa akin?” Napatigil naman ako sa pagtawa ng marealize ko yung sinabi ko kay Kyline. Ay, isda! Nadulas ako. “Ah… hehe j-joke lang! J-Joke lang!” sabi ko kay Kyline while faking a laugh. “Ah heheh nagulat ako dun ah!” “Heheheh!” After that, me and Kyline walked in silence hanggang sa makarating kamisa loob ng simbahan. Napakadaldal ko nga naman, siguro kung pwedeng magalit sa heaven eh malamang galit na galit na si Kuya Ryne sa akin. Mahal na mahal ni Kuya Ryne si Kyline dati pa lang palagi na lang niya ito tinitignan sa malayo tapos madalas din siyang magstay noon sa simbahn pag may practice ang choir para marinig lang ang pagkanta ni Kyline. Sabi ni Kuya dati, marinig lang niya ang boses ni Kyline na kumanta, parang nagkaroon na rin siya ng lakas ng loob nun para kaharapin yung sakit niya. Yun nga lang, kahit magpakilala si Kuya kay Kyline, ayaw na niyang gawin. “Masasaktan lang siya pag nawala ako..” sabi niya sa akin ni Kuya nung pilitin ko siya na umamim na at magpakilala kay Kyline. “Alam ko at alam mo kung gaano kasakit ang maiwan at ayoko ng iparamdam pa sa kanya yun. Ano pang silbi na magpakilala ako sa kanya ngayon, na ligawan ko siya ngayon? Kung bilang na ang oras ko sa mundonng ‘to!” “P-Pero Kuya Ryne..” “Zyne, o-okay lang ba na pag nawala ako, uhmmm… magpakilala ka sa kanya at bantayan mo siya? P-Para bang kaibiganin mo siya and be there for her pag masaya siya at pag malungkot siya. Please…” Nginitian ko siya, “Sige Kuya, promise yan!” At ayun ang dahilan kung bakit ako napasali sa choir na ito. Pero siguro kahit na hindi hilingin yun ni Kuya, sasali pa rin ako sa choir at alam ko na magiging kaibigan ko rin siya because Kyline is such a nice person at naiintindihan ko na rin si Kuya kung bakit siya nagkagusto dito. Napatingin ako kay Kyline na ngayon ay busy na sa pagtugtog ng piano. Mukha naman siyang masaya ngayon eh. At alam ko, Kyline is also living a good life with no worries. Siguro sa ngayon, hindi niya muna ako masyadong kailangan. Pero merong isang taong alam ko, nangangailangan ng tulong ko. Alam ko na yung taong yun, sa kabila ng kasikatan at karangyaan, ay may isang mabigat na bagay na dinadala. “Sorry, Kuya…” bulong ko sa sarili ko, “Pero gusto ko rin munang bantayan ang lalaking yun… yung lalaking mahal ko.” KYLA’S POV Hay nakakawindang. Anong gagawin ko? Napatitig ako doon sa brown envelope na nasa harapan ko. Sa harap nito ay isang offer galing sa isang sikat na fashion company sa France. Sa totoo lang, matagal ko ng pangarap na makapag-trabaho sa kompanya na ito… pero ngayon parang nag-aalangan akong umalis ng bansa. Lalo na ngayon na bumalik na ang dati naming samahan ni Yuan. Ay tofu yan! Yuan na naman! Isang malaking opportunity na’tong nasa harap ko oh tapos may plano pa akong palagpasin dahil sa isang lalaking ni hindi ako magawang mahalin?! Napakagaling mo talaga Kyla. Para madistract ako sa pag-iisip, kinuha ko na lang yung cellphone ko para maglaro ng bigla naman itong magring. Yuan’s Calling… Pagkakitang-pagkakita ko pa lang ng name niya ay dali-dali ko ng sinagot yung tawag. “Hello? Yuan?!” “Hello, Kyla. May ginagawa ka ba ngayon?” “H-huh? Ah wala naman, bakit?” “Tara dinner sa labas. My treat!” Parang bigla naman nagningning ang mata ko, hindi dahil sa treat kung hindi dahil makikita ko ulit si Yuan. “Sure! Saan?” “Sa Eastwood ulit. Yung favorite restaurant natin!” “Sige ba! See you later!” “Alright. See then.” Dali-dali naman akong kumaripas ng takbo papunta sa banyo to take a quick shower. Nung matapos akong maligo, kinuha ko yung dress na kabibili ko pa lang at isinuot ito. Medyo nagpaganda din ako at ng matapos na ako sa pag-aayos, I looked at myself in the mirror. Maganda naman ako eh. Siguro papasa na ako sa taste ng karamihan. Pero bakit kaya hindi pa rin mahulog-hulog sa akin si Yuan? Hay. Nakakaasar naman! Sabi ko mag-momove on na ako pero bakit hanggang ngayon eh hindi ko pa rin magawa-gawa? Gano’n ko ba talaga siya kamahal? Hay nakakainis talaga yung intsik na yun! Ano bang meron sa kanya at nagustuhan ko siya ng husto?! Kesa magmukmok ako, inayos ko na yung gamit ko then bumababa na ako sa living room namin. Nagulat naman ako ng madatnan ko si Kuya Kyle doon na nakaupo habang nanunuod ng TV. “Oh, Kuya! Why are you here?” “Dito rin ako sa bahay na ‘to nakatira kaya ako nandito!” “Taray nito! Eh! Ni hindi ka nga mapauwi ni Mommy dito eh!” Iniwasan ni Kuya ang tingin niya sa akin, “W-Where is mom?!” “Nasa business trip kasama si Daddy, bakit?” “Ah wala… Sige akyat muna ako sa kwarto ko.” “Ay teka! Si Zyne ba’t di mo kasama?” “I cannot bring her here..” “H-Huh?” “Ah I mean, it’s her off today.” “I see…” After nun, umakyat na si Kuya Kyle at dumiretso siya sa kwarto. Ba’t para atang ang gloomy ng isang yun ngayon? Nakapagtataka. Dumiretso na rin ako sa parking lot namin at sumakay sa kotse ko at pinaandar ito papunta sa Eastwood. Nang makarating naman ako doon , nakita kong nag-aantay na sa akin si Yuan. “Kyla!” tawag niya sa akin sabay kaway. Nilapitan ko naman siya habang hindi maalis ang ngiti sa labi ko. “Sorry matagal ka bang nag-antay?” “Hindi naman! Tara ikot-ikot muna tayo?” “Sure!” “Okay let’s go!” sabi niya sabay akbay sa akin. As usual, madikit lang siya ng ganitong kalapit sa akin, halos tumambling na ang puso ko sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Akala mo nakikipagkarera ang mga ito eh. Weird. I’ve been in love with this guy for almost 5 years already, but his effect on me is still the same. Naglakad-lakad muna kami ni Yuan around Eastwood at nagtingin-tingin na rin ng mga damit doon sa loob ng mall. As usual, habang naggagala kami, pinagtitinginan siya ng mga tao. “Hay naku ang hirap mgkaroon ng bestfriend na sikat.” Bulong ko sa kanya. “HAHAHAH don’t mind them Kyla. Tara pasok tayo sa shop na yun!” sabi ni Yuan sabay hawak sa kamay ko. Bigla naman ako napahinto sa paglalakad kaya napabitiw bigla si Yuan sa pagkakahawak niya sa kamay ko. “Kyla, is there any problem?” “ah! K-Kasi b-baka ma-issue na naman tayo…” Nakita ko naman na ngumiti si Yuan s akin at kinuha niya ulit ang kamay ko, “Then hayaan mo ng ma-issue ulit tayo!” sabi niya sabay kindat. Napangiti lang din ako sa kanya at hinaaan kong hawakan niya ang kamay ko and again ayaw na naman mawala ng napakalawak na ngiti sa mukha ko. Bakit ba nakakakilig? Isang ngiti lang niya, isang hawak lang niya sa kamay ko eh nagkakaganito na ako? Parang gusto kong magtitili sa sobrang saya. At itong kasiyahan na ‘to, parang ang hirap iwanan. Para atang hindi ko kakayaning tanggapin yung offer sa akin na magtrabaho sa France ah. Nung medyo napagod na kami ni Yuan sa pag-ikot, naupo muna kami sa isa sa mga benches sa galing ng city walk para magpahinga. “Kyla thank you sa pagpayag mo na makipagkita sa akin dito ah.. Sabi ko kakain lang tayo ng dinner, pero nayaya pa kitang mag-ikot.” “Okay lang yun ‘no, wala naman akong ginagawa sa bahay eh tsaka isa pa nag-enjoy naman ako.” “Uhmmm.. a-actually m-may s-sasabihin din ako sayo eh…” “Ano yun?” Nilingon ko si Yuan at nakita kong seryosong-seryoso ang mukha niya. Biglang nagbuntong hininga si Yuan at saka siya lumingon sa akin, “Kyla, I know na napaka-kapal ng mukha ko para sabihin ‘to after all that had happened between us. P-Pero napakatanga ko para ngayon lang marealize ‘tong bagay na ‘to.” Bigla naman bumilis ang t***k ng puso ng puso ko at para akong kinabahan sa sasabihin sa akin ni Yuan. “Kyla!” Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at tinitigan niya ang mga mata ko sabay bitiw ng mga salitang… “I need you…. …to help me to court Zyne.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD