ZYNE’S POV
“Saan ba nagpunta si Kyle ha?! Bakit mo ba kasi siya hinayaang umalis?!” sigaw sa akin ni Maze.
“H-Hindi ko talaga alam! Sabi niya sa akin magpapahangin lang daw siya…”
“You’re such a useless freak!!! Call him now!!!”
“Naiwan niya yung cellphone niya…”
“Arghhh! Then go outside and look for him. Ano ‘to? Ako pa ang maghahanap sa kanya para sayo?! Ako na ba ang chimay niya ngayon?! Bilisan mo at magsisimula na ulit yung shooting!”
“O-Ok!”
Dali-dali akong lumabas ng bahay kung saan nagshoshooting ng movie. Halos mag-iisang oras na rin kasing hindi bumabalik si Kie dito. Ang sabi niya sa akin magpapahangin lang siya sa labas pero nung lumabas naman ako para tawagin siya na handa na ang lunch niya ay wala siya dun. Inikot ko na yung buong bahay pati na rin yung garden, pero hindi ko siya makita. Wala rin naman nakakaalam kung nasaan siya nagpunta. At ngayon, sa akin nila hinahanap si Kie at hindi ko malaman kung nasaan siya nagpunta. Nagagalit na ng sila sa akin dahil magsisimula na ang shooting.
Pero wala man lang ni-isa sa kanila ang nakakaalam kung saan nagpunta si Kie. Halos atakihin na ako sa takot dito dahil pag-iisip ng iba’t-ibang bagay kung bakit siya nawala.
Sinubukan kong hanapin siya doon sa park baka sakaling doon siya nagpapahangin kahit alam kong imposible na pumunta siya doon ng tangahaling tapat. Alam ko namang ayaw na ayaw niyang naarawan at pinagpapawisan, pero nababakasakali pa rin ako. Wala naman din kasi siyang ibang pagtatambayan eh.
Hay nasaan na kaya si Kie? Bakit kasi bigla na lang siyang nawala?
Tumawid ako doon sa park na nasa tapat ng bahay kung saan kami nagshoshooting tapos nag-iikot ako dun. May nakita naman akong tindero ng taho at cotton candy doon na busy sa pagkukwentuhan. Agad ko silang nilapitan para magtanong.
“Uhmmm… Manong nakita niyo po ba si Kie?” tanong ko sa kanilang dalawa.
“Kie? Sinong Kie?” tanong nung nagtitinda ng taho. “Ah si ano po… Uhmmm… si Kyle Montefalcon?”
“Yung artista?” tanong naman nung nagtitinda ng cotton candy.
“Opo! Siya nga po. Yung artista na sikat, gwapo , mayaman, malinis at mabango!”
Nagkatinginan yung dalawang manong sa harap ko at bigla na lang silang humagalpak ng tawa.
“HAHAHAHAHAHAHA! Miss may sayad ka ba?”
“HAHAHAHAHAHAHA! Baka naman avid fan ni Kyle Montefalcon? HAHAHAHA!”
“E-Eh?”
“Paano mapupunta ang isang Kyle Montefalcon dito sa lugar na ito? Sa sobrang sikat nun, hindi yun maglakad ng basta-basta lang sa park na ito!”
“U-Uhmmm. K-Kasi may shooting po kami doon sa kabilang bahay…” pagdadahilan ko naman sa kanila.
“Shooting? Naku kung nagshoshooting man sila dito eh malamang nasa lugar yun kung saan may aircon.” Sabi nung nagtitinda ng taho sa akin.
“Balita ko masyadong maarte yung artistang yun eh. Kalalaking tao napaka-arte. Kahit daw sa mga fans diring-diri yun!” sabi naman nung nagtitinda ng cotton candy.
“Tama! Tsaka pare-pareho lang yang mga artistng yan eh! Palibhasa ang yayaman! Masasama ang ugali n’yan.”
“Tama! Tsaka kung makapagsalita sila sa TV kala mo napakahumble pero sa totoong buhay, napakababa ng tingin nila sa mga fans!”
Napasimangoot naman ako sa sinabi nung dalawang tindero. “Mga Manong, sana hindi maging maging mapait yang mga paninda niyo. Ang bibitter niyo po kasi eh. Wag niyo husgahan yung tao kung hindi niyo naman siya kilala ng personal!” pagkasabi ko sa kanila nun ay kaagad ko na silang tinalikuran.
Nakakainis naman yung dalawang yun. Ba’t grabe naman sila makapagisip ng gano’n. Oo nga may pagka maarte si Kie, pero hindi totoong nandidiri siya sa mga fans niya. Alam ba nila kung paano iniyakan ni Kie ang isang batang tagahanga niya na namatay dail sa leukemia?
Hay! Karamihan na talaga ng mga tao ngayon, grabe makapanghusga. Nakakabadtrip.
“Idol mo ba talaga si Kyle?”
Napalingon ako doon sa nagsalita at nakita ko ang isang middle aged man na nakaupo sa may bangketa.
“Kanina ko pa naririnig yung pinag-uusapan niyo, grabe mo siya ipagtanggol doon sa dalawang lalaki. Fan ka ba niya?” tanong nung matanda sa akin.
Nilapitan ko naman siya at tumabi ako sa kanya. “Hmmm… fan? Siguro po fan talga ako ni Kie.”
Nakita kong napangiti yung lalaki dahil sa sinabi ko.
“Ba’t po kayo napangiti?” tanong ko sa kanya.
“Wala lang, tinawag mo kasi siyang Kie eh!”
Napatakip naman ako bigla ng bibig. Oo nga pala ayaw ni Kie na may nakakaalam na yun ang nickname niya kasi according sa kanya ang pangit daw. Ang cute kaya ng Kie.
“Ahmmm a-ano po k-kasi, y-yun ang pang-aasar ko sa kanya!” sabi ko doon kay Manong, “Kaso baka hindi naman kayo maniwala na kilala ko siya personally…”
“Naniniwala ako sayo. Uhmmm… ano bang klaseng tao si Kie?”
“Si Kie? Mayabang, mainitin ang ulo, suplado, laging sumisigaw, saksakan ng arte at alcohol freak!” proud na proud kong sabi sa kanya.
Nakita ko namanag halos malaglag siya sa kinauupuan niya dahil sa mga sinabi ko. “E-Edi t-totoo nga yung yung mga sinabi nung mga tindero kanina?”
Napailing ako, “Hindi po. Opo maarte si Kie, pero hindi totoong diring-diri siya sa mga fans niya. Medyo may pagkamahangin siya pero hindi mababa ang tingin niya sa ibang tao. Alam niyo po ba dati, nagkaroon ng fan si Kie na bata. Yung batang yun may sakit na leukemia. Alam niyo po ba, kahit ayaw ni Kie pumunta sa mga lugar katulad ng zoo, dahil sa request ng batang iyon, pumayag si Kie. Nung mawala sa mundo yung batang yun, nakita ko rin kung gaano siya nalungkot.”
Tinignan ko yung manong at nakangiti siya habang nagkukwento ako.
“Isa pa nga pala, alam niyo ba kahit puro pang mayayaman ang kinakain ni Kie, nung dalhin k siya sa may karinderya na may ihawan, sarap na sarap siya sa pagkain nun. Grabe! Nakakatawa talaga siya! Tawag niya pa sa isaw ay bulate! HAHAHAH!” masayang-masaya kong kwento sa kanya.
“Buti naman lumaki siya ng gano’n..” Napatingin ako ulit kay manong at halos magulat ako ng biglang may tumulong luha sa gilid sa mata niya. “
“T-Teka Manong ! Ba’t po kayo umiiyak?! Hala! Teka! K-Kilala niyo po ba si Kie ng personal?!”
Pinunusan niya ang tumulong luha sa pisngi niya then nginitian niya lang ulit ako, “Di ba hinahanap mo siya?”
Napatayo ako bigla ng maalala ko ang dahilan ng pagpunta ko dito sa park, “Oo nga pala! Hala! Saan na kaya nagsuot yung lalaking yun?!”
“Nakita ko siyang pumunta doon sa may dulo nitong park…” sabi iya sabay turo doon sa lugar kung saan maraming puno.
“Salamat po!” Agad-agad naman akong tumakbo papunta doon.
Naku naman! Nasaan na kaya yun?! Tsaka ano ang ginagawa niya sa lugar na ito?! At kung magpapahangin siya, bakit naman siya papunta dito sa part ng park kung saan puro puno?!
Agad kong nakita si Japoy na nakaupo sa likod ng isang malaking puno kaya naman nilapitan ko siya agad.
“Kie!” Umupo ako sa harap niya para mas masilip ko ang mukha niya, “Uy, Kie! Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa hinahanap sa set.”
Hindi sumagot sa akin si Kie, instead nakayuko lang siya at iniwas ang tingin niya sa akin. Nakita ko namang may tumulong pawis sa may noo niya. Mukhang kanina pa siya dito. Tanghaling tapat pa naman at ang taas ng araw.
Naglabas ako ng panyo sa bulsa ko at ipunas sa noo ni Kie.
“S-Salamat!” rinig kong bulong niya.
“Naku! Tignan mo yung kamay mo oh, ang dumi!”
Kinuha ko sa bag ko yung alcohol niya na lagi niyang pinadadala sa akin. “Ito oh, Alcohol…”
Nakita kong napatingin si Kie doon sa inabot ko sa kanya then inaangat niya ang ulo niya at napatingin sa akin. Doon ko lang napansin na para bang galing sa iyak si Kie.
“K-Kie… O-okay ka lang ba?”
“Zyne…” he streatch his hands at akala ko para kunin yung alcohol sa kamay ko. Pero nagulat ako ng hawakan niya ang wrist ko at hilahin ako palapit sa kanya at saka ako niyakap ng mahigpit na mahigpit.
“K-Kie… may problema ba?”
“Diba kumakanta ka sa simbahan?”
“H-huh?”
“Pwede bang kantahan mo ako… kahit isang kanta lang… kahit hanggang chorus lang…”
Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses ni Kie. Hindi ko alam kung anong nangyai pero naramdaman ko na para bang may masakit na nangyari kay Kie ngayon.
Niyakap ko rin siya ng maghigpit at walang tanong-tanong, sinumulan kong kantahin yung unang kantang pumasok sa isip ko.
Hinimas-himas ko ang likod ni Kie to comport him.
Naramdaman ko naman na mas isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko at mas hinigpitan niya yakap niya.
Habang nakayakap siya sa akin, nararamdaman ko ang panginginig ng katawan ng katawan niya kaya naman katulad niya, mas hinigpitan ko rin ang yakap sa kanya.
“Ang ganda pala ng boses mo…” Halos pabulong niyang sabi sa akin. “Ngayon lang kita narinig kumanta. Kung alam ko lang na ganyang boses ang maririig ko, edi sana linggo-linggo na rin akong nagsisimba….”
“Uhmmm… Kie…”
“It comforts me. Thank you, Zyne.”
“Kie…Anong problema?”
Hindi sumagot si Kie but instead, he just buried his face in my shoulders at nararamdaman ko na na lang ang panginginig ng katawan niya.
“Kie?”
“Zyne…. Bakit gano’n?” hindi niya na natuloy ang sinasabi niya dahil napalitan na nga mga hikbi ang boses niya.
At sa pangalawang pagkakataon… nakita kong humagulgol sa harap ko si Kie.