KABANATA 28

1545 Words
KYLE’S POV “Okay cut! Good job guys!” Bumangon ako sa pagkadagan ko kay Maze then tumayo ako. Nakita ko namang bumangon din si Maze tsaka inayos ang nagulo niyang buhok ng dahil sa eksena naming dalawa. “Hay at last natapos na rin!” Sabi niya habang nagsusuklay. “Ano ba kasi problema ng chimay mo at bigla na lang nagsisigaw habang umiiyak? Mamaya may sayad na sa utak yung isang yun.” Ngumisi lang ako kay Maze pero hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa upuan doon habang hindi maialis ang ngiti sa labi ko. I’m positive, may gusto talaga sa akin yung chimay na yun. Una: Hindi siya nagalit nung hinalikan ko siya. Pangalawa: Iniiwasan niya ako nung sinabi kong balewala lang ang halik na yun s akin. Pangatlo: Ganyan ang reaction niya sa eksena namin ni Maze. Positive! May gusto talaga ang chimay nayun sa akin. BWAHAHAHAHAHA. Kung sabagay, hindi na rin nakapagtataka yun. Ako si Kyle Montefalcon, gwapo,, mayaman, sikat, malinis at mabango, halos lahat ng babae eh patay na patay sa akin. Zyne’s just a girl and I can’t blame her for falling for me. “Why are you smirking like that?” Napatigil ako sa pagdedaydream ng magsalita si Maze. Nakatingin siya sa akin na akala mo eh tinubuan ako ng tentacles sa katawan. “Pakialam mo ba!” sabi ko sa kanya sabay talikod. Sus! If I know naiinlove din sa akin ‘tong isang ‘to. Kung ang mala diyosa ang gandang babae ni Maze ay naiinlove sa akin, malamang sa malamang eh mainlove din ang mala chimay na gandang babae na si Zyne. Ha! Pasimple pa siya dati. Alam ko na yung mga pang-aasar niya sa akin, yung mga pambubuwsit niya eh way niya para magpapansin sa gwapong tulad ko. Feeling niya maiinlove ako sa kanya dail dun. Sus! Asa siya! Pero come to think of it, sa lahat ng mga babaeng naging patay na patay sa akin, siya na ang pinalamaswerte sa lahat. Aba! Araw-araw ba naman siyang nasa tabi ko. Nagkaroon siya ng priviledge na ipagluto ako ng pagkain, ipagtimpla ako ng kape, ipaglaba ako at ipaglinis ako ng bahay. Minsan nga nagpapatulong pa ako sa kanya magbihis! Nakikita niya pa ang abs ko! Tingnan mo nga naman yung swerete ng chimay na yun. But come to think of it, hindi lang basta abs ko ang nakita niya. Nakita niya na rin yung… uhmmm… you know, yung pinaka mahalagang parte ng lalaki. Naalala ko bigla yung unang beses kaming nagkita ni Zyne. Naliligo ako nun at biggla siyang pumasok sa banyo ko and she saw… everything. Tsk… Tsk… Tsk… Kala mo inosente pero umpia pa lang pinagnanasahan na ako. Hay! Pagbigyan na lang yung chimay na yan. Hayaan ng ibonus sa kanya ang katawan ko tutal naman ngayon alam kong broken hearted siya sa kin. Malamng umiiyak yun sa kabilang kwarto. Nasasaktan na yun sa mga nangyayari. Iniisip na niya na ano ba namang laban niya sa ganda ni Maze di ba? BWAHAHAHAHAHA. Mapuntahan nga yung chimay na yun at ma-comport. Tumayo ako at naglakad palabas sa set papunta sa kabilang kwarto. Nakita ko naman siyang nag-aayos ng gamit. Nilapitan ko siya at tinapik yung brso niya. “Chimay…” “Hmmm?” sabi niya without bother looking at me. “Bakit ka sumigaw kanina sa set?” I asked her with an evil grin on my face. “H_ha? Ah… eh… u-uhmmm k-kasi------” Bago pa siya matapos sa pagsasalita, hinirap ko siya paharap sa akin at hinawakan yung waist niya. “Kasi nagseselos ka, yun ba yun?” Iniwas niya yung mukha niya sa akin. “A-Ano b-ba y-yang sinasabi mo akin?” “Bakit hindi ka makatingin?” Hindi siya umimik kaya naman ang ginawa ko ay hinawakan ko yung chin niya at pilit na iniharap yung mukha niya sa mukha ko. Nagtama ang mga mata naming dalawa at biglang nabura ang nakakalokong ngiti sa mukha ko. Halata nga sa mata niya na galing siya sa pag-iyak at parang any minute, meron na namang tutulong luha dito. And the way she looks at me… it is full of sadness. Agad-agad akong napabitiw sa kanya at iniwas ko yung tingin ko. I saw this kind of expression before, nung araw na dinala ko si Zyne sa bahay namin which turns out to be na dating bahay nila. The way na umiyak siya habang tinatawag ang Daddy niya… parang biglang naramdaman ko din ang sakit. One thing that I hate is seeing someone cries. Parang bigla kong nakikita ang Mama ko dati nung panahong wala siyang ibang ginawa kundi iyakan yung ama kong hindi ko alam kumg saang lupalop ng mundo napunta yun. “Uhmmm… Kie! Gutom ka na ba?” Nilingon ko si Zyne at nakita kong nakangiti na naman siya sa akin. Another fake smile na parang napakadaming tinatago. Pero dati, nalilinlang ako ng mga ngiting yan, bakit ngayon kitang-kita ko ang lungkot sa mata niya kahit nakangiti siya. I took one step closer to Zyne at tinignan ko ng maigi yung mga mata niya. “U-Uhmmm… K-Kie!” Katulad ng dati, parang bigla na naman akong nawala sa sarili ko. Inangat ko yung kamay ko then I touched her cheeks by the use of the back of my hand. Hindi kumibo si Zynen instead nakatitig lang siya sa akin na parang nagtataka kung ano ang ginagawa ko. Parang bigla ko na lang siyang gustong yakapin ng mahigpit at i-comport sa kung ano mang hinanakit na dinadala niya. Bakit kanina sobrang natutuwa ako sa thought na may gusto siya sa akin at nasasaktan siya ngayon dahil nagseselos siya? Pero bakit ngayong nakita ko ang mukha niya, parang bigla din akong nakaramdam ng sakit? Ano ba ‘tong nangyayari sa akin? “Nababaliw ka!” I shouted unconsciously. “H-Huh?” Takang-takang tanong ni Zyne. Agad kong inilayo ang kamay ko sa pisngi niya. “Uhmmm… A-Ano eh na-nababaliw a-ako sa gutom.” “Ah! O-Okay. Aayusin ko na yung pagkain mo…” “Sige.” Sabi ko sabay talikod. Anak ng tokwa! Bakit ba ako sumigaw?! Nakakahiya!” Humarap ako kay Zyne. “Chimay!” “Hmmm…” “A-Ang pangit m-mo!” Pagkasabi ko sa kanya nun ay lumabas ako agad ng kwarto at dumiretso sa labas ng bahay para magpahangin saglit. Pakshit! Ano bang nangyayari sa akin? Why am I acting like that towards her? May gusto ba ako sa chimay na yun?! Napahawak ako sa magkabilang braso ko dahil para akong kinilabutandahil sa pinag-iisip ko. Si Zyne?! Type ko?! End of the world na ba? Ayun na ata ang pinaka-impossibleng mangyari sa mundo. I mean kahit matrap kami sa isang isla, never kong maakit kay Zyne. Hindi siya sexy, flat chested, hindi marunong mag-aayos, mukhang dugyutin palagi. Paano siya ang matutipunan ng isang tulad ko diba? Pero bakit ka naapektuhan sa kanya?” Hindi kaya kinukulam na ako ng babaeng yan?! Baka naman pinapainom ako nun ng gayuma?! Kailangan ko ng mag-ingat sa kanya. Ay ewan! Kung ano-ano ng weirdong bagay ang pumapasok sa isip ko. Makakain na nga lang ng lunch at baka mamaya gutom lang ‘to. Pabalik na sana ulit ako sa loob ng bahay ng biglang may mahagip ang mata ko ng isang pamilyar na tao sa park katapat nung bahay na pinagsho-shootingan ko. T-Teka, siya ba yun? Tinitignan ko ng maigi yung manong na nagwawalis doon sa park. Nakasuot siya ng kulay pulang damit at maong ma pantalon. Kitang-kita ko rin ang tagaktak na siya na pawis dahil sa sobrang tirik ng araw. Napatigil siya sa pagwawalis at saka niya pinunasan ang pawis sa noo niya gamit yung bimpong nakasabit sa balikat niya. …at biglang nagtama ang mga tingin namin. Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mata niya at parang hindi niya malaman ang gagawin niya ng makita niya ako. Dali-dali akong tumakbo papalapit sa kanya. “P-Papa…” Nung tawagin ko siya ay nagulat naman ako ng tumakbo siya palayo sa akin. “S-Sandali l-lang…” Hindi niya ako pinakinggan at tuloy pa rin ang pagtakbo niya palayo na para bang takot na takot siya sa akin. “Uy oh! Si Kyle Montefalcon yun diba? Yung artista?!” Narinig kong sigaw nung isang babae. “Oo nga Tara magpapicture tayo!” Nagulat na lang ako ng may humarang na grupo ng mga babae sa dinadaanan ko. “Kyle, pwedeng magpapicture sayo?” “H-Huh? Mamaya na lang!” sabi ko sa kanila habang pinipigilan ko ang inis sa tono ko. “Sige na please isa lang talaga!” Bago pa man ako maka-angal, meron na namang panibagong grupo ang humarang sa akin at mga magpapaicture din. Napatingin ako doon sa way na tinakbuhan ni Papa. Nakita kong nakatayo na lang siya sa isang sulok doon habang nakatingin sa akin knowing na hindi ko na siya mahahabol. He bowed his head to me at tuluyan na siyang naglakad palayo. Para akong pinanghinaan. Mahigit sampung taon kaming hindi nagkita. Mahigit sampung taon niya akong hindi nakasama. At ngayong nakita ko siya, Bakit siya tumakbo palayo sa akin? Bakit niya ako iniiwasan? Hindi ba siya masayang makita ang anak niya? O baka naman…. … tuluyan na nga niyang kinalimutan na meron siyang anak?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD