KABANATA 27

2534 Words
KYLA’S POV “Sure kang uuna ka ng uwi pabalik sa Pagadian?” Tanong sa akin ni Kuya Kyle habang nag-aayos ako ng gamit ko. “Oo Kuya. Kailangan ko na talagang bumalik. Marami pa akong kailangan aasikasuhin para doon sa upcoming fashion show pati na rin si Mommy kinukulit na niya akong bumalik sa pagadian eh.” Nakita kong sumimangot si Kuya Kyle, “Tsk… mawala lang saglit ang bunso niya grabe na mag-alala.” Napangiti na lang ako sa reaksyon ni Kuya dahil aware naman akong nagseselos na naman siya. “Ikaw kasi Kuya! Puntahan mo na si Mommy sa bahay pagkauwi mo. Miss na miss ka na kaya nun!” “Ako? Mamimiss nun?” I giggled. “Hay naku! Ewan ko sayo. Ay! Oo nga pala, nasaan si Zyne? Bakit di mo siya kasama?” Iniwas agad ni Kuya ang tingin niya sa akin. “E-Ewan. B-Baka n-naglalakad l-lang y-yun sa beach… o b-baka n-naghuhunting ng mga u-unggoy!” I smirk, “Oh baka may nakasalubong siyang gwapong lalaki na naka topless sa beach?” Nakita kong napatingin agad sa akin si Kuya Kie. “Tapos nakiipagkilala sa kanya yung lalaki. Dahil maganda si Zyne, for sure naakit sa kanya yung gwapong lalaki. Tapos naiinlove sila sa isa’t-isa at tuluyan na niyang itinanan si Ate Zyne palayo sa among niyang mapang-api!” Nakita kong kumunot ang noo ni Kuya to the point na halos magkadikit ang dawang kilay niya. Matawatawa na ako sa itsura niya pero grabeng pagpipigil ang ginawa ko para lang wag magalit ang isang ‘to. Hayst! Ba’t ba ang sarap -sarap niyang pagtripan? XD “P-Paki k-ko b-ba! E-Edi m-magtanan s-sila! M-Maghahanap na lang a-ako ng b-bagong PA!” After he said that ay sinamaan niya ako ng tingin. “Teka! Eh! Wala naman akong pakialam sa chimay na yun! Wag mo sa akin sabihin yan kundi doon sa intsik na nagtapat at nagbabalak manligaw sa chimay na yun!” Pagkatapos sabihin ni Kuya yun ay dumiretso na siyang lumabas ng kwato ko sabay balibag ng pinto. Bigla naman nawala yung ngiti sa mukha ko. Nagtapat? Nagtapat na ba talaga si Yuan kay Zyne? Sinabi na ba talaga niya yung totoo niyang nararamdaman? Ano kayang reaksyon ni Zyne? Alam ko na gusto ni Kuya Kyle si Zyne pero hindi ko alam ang nararamdaman ni Zyne. Kung iisipin, malapit din sila ni Yuan. Hindi rin malabong magkagusto si Zyne sa kanya. Hindi mahirap mahalin si Yuan. Pero sobrang hirap niyang kalimutan. I sigh then nahiga ako sa kama. Bakit kaya ang swerte-swerte ni Zyne sa buhay? Kahit isa siyang hamak na personal assistant lang, dalawang lalaki ang nagmamahal sa kanya. Ako? Oo halos nasa akin na lahat. Mayaman, nakapag-aral sa magandang paaralan at successful sa buhay. Pero hindi naman ako mahal ng nag-iisang lalaking minahal ko buong-buo. Tama nga sila, hindi lahat ng bagay na gusto mo ay makukuha mo. But I can give all those things just to have him. Dahil kahit na sinabi kong magmomove-on na ako, mahal ko pa rin talag siya. .. at alam ko, walang pera, walang career ang magkakasaya sa akin kundi siya lang. He’s all that I need… but he’s the only one I can’t have. After lunch, nagcheck out na ako sa resort dahil pabalik na rin naman ako sa Pagadian. After ng check out, dumiretso na ako sa parking lot para ilagay yung mga gamit sa kotse. Bubuhatin ko na sana yung maleta ng bigla na lang may bumuhat nito at siya siya na ang naglagay sa loob ng kotse ko. “Yuan?” He look at me then smile, “Hay naku! Aalis ka na pala ni hindi ka man lang nagpaalam sa akin. Nakakatampo ka naman Kyla.” I forced a smile. “Sorry na. Nawala sa isip ko na sabihin sayo. Medyo occupied kasi ang utak ko ngayon sa pag-oorganize ng fashion show.” Ginulo ni Yuan ang buhok ko. “Don’t stress yourself, okay? Make sure you have enough rest.” “Thank you sa concern!” sabi ko sa kanya. “Anyways, uhmmm uuwi na rin kasi kami tomorrow morning. Free ka ba bukas ng gabi? Let’s eat dinner together.” “Together?” “Yup!” “T-tayong d-dalawa lang?” “Yup!” “O-ok. Free naman ako bukas ng gabi. Saan tayo kakain?” “Hmmm… doon sa usual na restaurant na kinakainan natin sa eastwood.” “Ok then. See you bukas!” “Ingat sa biyahe at sa pagdidrive ah!” paalala sa akin ni Yuan. I opened the door of my car then sumampa na ako sa kotse ko. Nagwave sa akin si Yuan then naglakad na rin siya palayo. Bago ko paandarin ang kotse ay agad-agad kong kinuha ang planner ko then tinignan ko yung schedule ko for tomorrow evening. May rehearsal bukas ang mga models and I need to be there. Pero siguro kaya naman akong i-cover up ng isang pang organizer ng event? Kinuha ko yung phone ko sa bag ko then tinawagan ko yung isang pang organizer na kasama ko. “Hello, Angeline. Is it okay kung hindi ako maka-attend ng rehearsal tomorrow night? Something came up kasi and I need to meet someone.” “Your boyfriend?” tanong niya sa kabilang linya. Bigla naman akong namula ng dahil sa tanong niya. “H-Hindi n-no. B-Business m-matter. A-ano ba yang pinagsasabi mo?” I heard her laugh. “HAHAHA! I’m just joking, Kyla! Don’t be too defensive. Anyways sure, okay lang. I’ll cover up for you. Ingat.” “Sige, bye!” after that, I ended the call. Look talaga yun! Nang good time pa! Napahinga ako ng malalim. Hay, but I did something stupid. Mas pinili ko si Yuan kaysa sa trabaho ko. Ito na naman ba ako, magpapatanga ulit? I smile a little. Kung sabagay, eversince na minahal ko si Yuan, naging tanga na ako. Ano ba naman ang pinagkaiba ngayon? Siguro gagawin ko na lang ‘to hanggang sa mapagod na ang puso ko at hiling ko… … sana nga mapagod na ang puso ko. ZYNE’S POV “Home at last!” sabi ni Kie pagkarating na pagkarating namin sa condo unit niya sabay salampak sa sofa. “Paki ligpit na lang yung gamit ko sa kwarto ko1” utos niya sa akin. “Okay po!” sagot ko sa kanya tsaka diretso sa kwarto ni Kie para ayusin ang gamit niya. Kauuwi lang namin galing subic at dalawang araw na rin ang nakalipas simula ng mangyari yung halik na yun. Pero magmula nung araw na yun, nag-iba ang pakikitungo namin ni Kie sa isa’t-isa… or should I say, ako ang nag-iba. Hindi ko alam kung bakit pero simula ng sabihin niya sa akin na balewala lang sa kanya yung halik na yun, hindi ko na maai-alis sa puso ko yung bigat na nararamdaman ko. I tried to hide this pain with a smile pero kahit ang pag-ngiti ngayon hindi ko na halos magawa. Napatingin ako sa salamin sa kwarto ni Kie tapos napahawak na lang ako sa mukha ko. Why am I wearing this kind of expression in my face? I look so sad and fragile. Isang expression sa mukhang pinaka ayokong nakikita lalo na sa sarili ko. Naalala ko nung bago pa mamatay si Kuya Ryne, ipinangako ko sa kanya na magiging matatag ao, na hinding-hindi na ako magpapatalo sa kahit anong sakit at lagi akong magtitiwala sa diyos. Nangako ako sa kanya na magiging masaya ako. Pero bakit ngayon nakaramdam ako ng labis na kalungkutan? Bakit ako nasasaktan ngayon? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Ayoko na ng ganitong pakiramdam. I was distracted by my thoughts nung marinig kong may nagbukas ng pinto sa kwarto at nakita ko si Kie. “Tapos ka na?” tanong niya sa akin. Agad-agad naman akong napayuko, “S-Sorry hindi pa…” “gano’n ba? Ako na lang dito. Paki ayos na lang yung hapunan natin.” “S-Sige!” Lumabas ako agad ng kwarto ni Kie at dumiretso sa kitchen para magluto ng dinner. Napakamot ako ng ulo. Bakit ba ang awkward ng pakiramdam naming dalawa? Nakaasar na ako! Ano ba ‘tong inaasta ko! Para mawala sa isip ko yung pakiramdam na ito, nagpakabusy na lang ako sa pagluluto ng hapunan namin. At dahil hindi talaga ako kagalingan sa pagluluto, nagprito na lang ako ng fried chicken. Habang piniprito ko yung fried chicken, bigla na lang akong napangiti. Siguro kung nakikita ako ngayon ni Daddy at Kuya paniguradong pinagtatawan nila akong dalawa. My Dad and my brother is a chef. Kahit si Mommy magaling magluto, pero ako yun ang weakness ko. Nagbabake ako dati, pero ang pagluluto talaga ng mga ganitong bagay ang hindi ko magawa. “Zyne, what exactly is this?” tanong ni Kie pagkagat na pagkagat niya nung fried chicken na niluto ko. “Sunog ang labas pero sa hilaw ang loob. Yung totoo, may plano ka ba talagang ipakain sa akin ‘to?!” Napayuko ako then tinikman ko yung chicken, “E-E-Edible p-pa naman siya eh----” “Edible?! Anak ng---!!!” Napatingin ako kay Kie kaya naman biglang nagtama ang mga tingin namin. Simula kasi nung nangyaring incident, I avoided having an eye contact on him. Ito na ulit ang unang pagkakataon na nagkatinginan kami. “S-Sorry…” paghingi ko ng tawad sa kanya sabay yuko. “Nevermind…” rinig kong sabi niya, “Oorder na lang ako!” sabi niya sabay tayo sa hapagkainan. I sigh. I made him feel awkward, hindi ako nakikipag-eye contact sa kanya, hindi ko siya gaano kinakausap and now palpak pa ako sa pagluluto. I’m a useless personal assistant. Kinabukasan, maaga kaming umalis papunta sa isang private subdivision sa ozamis para sa shooting. This time ang location ay isang malaking bahay. Sa totoo lang medyo kinakabahan ako na pumunta sa shooting ngayon dahil baka makita ko si Yuan. After nung magtapat siya sa akin ay hindi pa kami nag-uusap. Alam ko namang dadating din ang araw na ibibring up niya ulit yun at tatanungin ako sa desisyon ko… but still hindi pa ako handa sa ngayon. Buti na lang at wala si Yuan sa scene ngayon kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Mukhang scene lang ata ni Maze at ni Kie ngayon. Nung makapasok kami sa loob ng bahay, nakita ko si Maze na nakaupo sa sofa habang nakatingin sa bintana at mukhang malalim ang iniisip niya. Ni hindi niya napansin ang pagdating namin ni Kie. Dumiretso naman kami ni Kie sa isang room doon para magpalit na siya ng damit at makapag-ayos na. “Uhmmm… Kie! Ano pala yung isusuot mo ngayon?” tanong ko sa kanya. “Pakikuha nung pajama…” “Pajama?” “Oo.” Kinuha ko naman yung pantulog niya at inabot sa kanya. Siguro ang scene ngayon ay matutulog si Kie kaya siguro pajama ang suot niya. After ng konting pag-aayos ay pumunta na kami sa kabila pang kwarto dahil magsisimula na ang shooting. Nagulat naman ako na nasa loob din ng kwartong yun si Maze habang nakasuot din siya ng pantulog. “Ready na ba kayong dalawa?” tanong nung director kay Kie at Maze. “Yup! I’m ready…” sabi ni Kie. Maze smile, “Me too, I’m ready!” “Give your best, okay? And action!” Pinanuod ko si Kie at si maze na nagpalitan ng linya habang ramdam ko ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang kinakabahan ako sa eksenang ‘to. “You know what? Mahal na mahal kita…” sabi ni Kie kay Maze habang nakatitig ito sa mata niya at napakalapit ng mukha nila sa isa’t-isa. “And I respect you. Kung hindi ka pa handa then titigil ako------” “No!” sigaw naman ni Maze sabay kapit sa mga braso ni Kie. “No please… I -I want to do this. Mahal na mahal din kita at kung ano man ang mangyari ngayon, hindi ako magsisisi. I’m all yours…” And with that bigla-bigla na lang hinalikan ni Kie si Maze habang yakap-yakap niya ito ng mahigpit. Hindi ito yung tulad ng halik nila nung nasa White Beach kami. Mas aggressive ngayon at parang sabik na sabik sila sa isa’t-isa. Nakita ko ang unti-unting pagbaba ng halik ni Kie sa leeg ni Maze. Napakapit ako sa dibdib ko dahil parang nakaramdam ako ng kirot. Galing sa leeg ay nakita kong hinahalikan na niya ang balikat ni Maze habang binababa niya ang strap ng damit nito. Bigla na lang tumulo ang luha ko. Gusto kong ialis ang tingin ko sa eksena pero hindi ko magawa. I was rooted to the ground. My eyes are fixed on them habang nanlalaki ito at patuloy ang pagtulo ng luha ko. “T-Tama n-na…” mahina kong bulong. Itinigil ni Kie ang paghalik sa balikat ni Maze at saka niya ito tinignan sa mata. “I love you!” sabi niya dito at bago pa makasagot si Maze agad-agad niya hinila ito pahiga sa kama at pumaibabaw dito. “t-tama n-na…” Hinalikan ni Kie si Maze sa noo, sa pisngi, sa ilong at sa labi nito. “T-tama n-na p-please…” Hinalikan niya ito sa baba, pababa sa leeg. “T-Tama n-na. T-Tama n-na. T-Tama n-na p-please!” hindi ko nalaman na napasigaw na ako kaya lahat sila ay napatingin sa akin pati na rin sina Kie at Maze. “Okay, cut!” rinig kong sigaw ng director at tsaka siya tumingin sa aki. “Ano bang problema mo?! Ba’t ka sumigaw?! We’re in the middle of a shooting!” Napayuko ako, “S-Sorry…” pagkasabi ko nun ay agad akong tumakbo palabas sa kwarto at lumipat doon sa kabilang kwarto kung saan nagbihis kanina si Kie. Agad-agad kong sinara ang pinto at napaupo na lang ako sa sahig habang patuloy na bumabagsak ang luha sa mata ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa puso ko to the point na halos hindi na ako makahinga. Patuloy lang akong humahagulgol ng iyak at sa bawat pagpatak ng luha ko, onti-onting kong naalala yung mga sinabi sa akin ni Kuya Ryne dati. “Kuya! Ano ba yung pakiramdam ng inlove?” “Uhmmm… ano nga ba? Madalas gusto mong makita yung taong yun, gusto mo siya palaging makasama. Masasaktan ka pag may kasama siyang iba lalo na kung wala sayo yung atensyon nya. Pero kahit gano’n, gugustuhin mo pa rin siya makasama. Isang ngiti niya lang mapapawi na lahat ng sakit at lungkot na nararamdaman mo. At pinakamasaya ka, pag nasa tabi ka niya.” “Ang complicated naman ng pakiramdam na yan, Kuya.” “Oo, Zyne. Napaka komplikado nga… pero meron at merong dadating na isang lalaki at ipaparamdam sayo ang ganyang bagay..” “M-Mahal…” buong ko, “M-Mahal ko n-na ba talaga s-siya?” Napapikit ako habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Siguro nga, may nararamdaman na ko kay Kie. Siguro nga nagkakagusto na ako sa kaya. Pero bakit sa kanya pa? Bakit sa lalaki pang parang imposible kong maabot?” Bakit ako nagkagusto sa isang taong malabong mangyari na mahalin rin ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD