***
KYLE’S POV
“Sh*t! Sh*t! Sh*t!” Paulit-ulit kong mura habang inuumpog ko yung ulo ko sa may manibela ng kotse ko. Pagkatapos kasi nung nangyari saamin ni Zyne kanina ay dumiretso ako palabas ng room namin ng hindi alam kung saan ako papunta kaya naman nauwi ako sa parking at pumasok sa loob ng kotse ko habang paulit-ulit na inuumpog ang sarili sa manibela. I think I’m going insane. Why the heck did I do that? I kissed her… again. Pero this time with her eyes wide open.
Nakita niya, naramdaman niya. And now, ano ng sasabihin ko sa kanya kung bakit ko siya hinalikan?! Because she’s… uhhh… ugly?! Anak ng tokwa naman oh! Eh! Ano ba kasing reason ko kung ba’t ko ginawa yun sa chimay na ‘you?! Isa pa… Anak ng tokwa. Mamaya hindi yun nag-tootbrush. Nakakadiri! Napabuntong hininga na lang ako sabay pikit habang nakatakip ang palad sa mata ko.
Naalala ko na naman yung itsura ni Zyne kanina. Nung napatitig ako sa mata niya, nung napadapo yung tingin ko sa labi niya… Para akong nakukuryente ng mga oras na yun. Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko siya hinalikan. Basta ang alam ko lang ng oras na yun, mababaliw ako kung di ko ginawa yun. Potek! Nagiging manyak na ba ako? At sa dinami-dami ng gusto kong manyakin ay yung chimay na yun pa? Bumababa na ba ang taste ko?!
Napakamot na lang ako sa aking ulo. Baka naman inlove na ako sa chimay na yun? Ay! Tokwa. Ano ba yang iniisip ko? Nakakadiri! Ako?! As in ako, si Kyle Montefalcon na gwapo, mayaman, sikat at mabango ay magkakagusto sa chimay na yun? Imposible! Ayun na ang pinaka-imposibleng bagay na pwedeng mangyari. Zyne’s complete opposite ng babaeng magugustuhan ko. Ay, ewan. Bago pa ako masiraan ng bait, makapag-round trip na nga lang muna. Wala lang yung nangyari kanina kaya hindi ko na dapat isipin. Sus, halik lang yun. Ilang babae na ba ang nahalikan ko? Madami-dami na rin. Walang pinagkaiba yun sa halik ko sa chimay na yun. As in wala.
Pinaandar ko na yung kotse ko at pinaharurot ng takbo palabas ng parking lot. Nag-ikot-ikot lang ako around white beach. Nung may nakita naman akong mga unggoy na nagkalat sa gilid ng kalsada, napahinto na lang ako saglit sa may tabi nun at nakipagtitigan sa unggoy. Nung narealize kong ang laking gwapo ko sa mga unggoy na ‘to at nakakabored na ang panunuod ko sa kanila, pinaandar ko na ulit yung kotse ko. Siguro mga alas-otso na ng gabi ng maisipan kong bumalik na sa resort dahil nagugutom na rin ako. I can’t risk naman na kumain sa restaurant dito dahil hindi ko dala ang mga pang-disguise ko.
Mamaya pagkaguluhan pa ako bigla. Alam niyo na, sikat. Baka kung sino-sinong mga germs people ang dumanba sa akin. Nung makarating na ako sa hotel ay nakita ko naman si Zyne na nakaupo sa dining table habang kumakain. Mukha atang hinihintay niya ako dahil hindi pa niya ginagalaw yung pagkain sa table. Nung makita naman niya akong pumasok, agad-agad siyang tumayo.
“Kie! Andyan ka na pala. Tara kain na tayo!” Sabi niya sa akin while smiling brightly. Tinignan ko lang siya tapos dumiretso ako sa dining table without uttering a word. Pakuha na sana ako ng pagkain ng biglang hawakan ni Zyne ang kamay ko at pinigilan sa pagkuha. “What?!” Pagalit kong sigaw sa kanya. “Mag-pray muna tayo, Kie!” Nakangiti niyang sabi sa akin. Tinabig ko yung kamay niya, “Oh! For pete’s sake! I’m hungry!” Sabi ko at tuloy-tuloy akong kumuha ng pagkain.
Napatingin naman ako kay Zyne at nakita kong nag-sign of the cross siya tsaka yumuko. “God, thank you po sa food namin ngayon at thank you dahil magkasabay kaming kakain ngayon ni kie. Sana po ay patuloyniyo po kaming gabayan at bigyan ng maraming blessings. Amen.” Nagsign of the cross ulit siya then tumingin sa akin at ngumiti. “Tara. Kain na tayo!” Masiglang masigla niyang sabi then kumuha na rin siya ng pagkain niya.
Hindi ko alam kung bakit, pero para akong nakonsensya na ewan. Ay, bwiset. Ba’t ba pagkaharap ko ang babaeng ‘to, kahit wala naman siyang ginagawa o sinasabi eh nakakaramdam ako ng iba’t-ibang nakaka bwiset na bagay? Pero kesa mag-react pa ako, pinili ko na lang manahimik na lang for the sake of my tummy. Gutom na ako eh. Ayokong mawalan ng gana ng dahil sa babaeng ‘to.
“Kie! Ba’t mo pala ako hinalikan kanina?” She asked. Halos maibuga ko yung pagkain sa bibig ko ng bigla niya akong tanungin nyan. Alam niyo yung tono na parang nagtatanong lang kung ano ang kinain ko kanina? Very casual. Ganon ang pagkakatanong niya. At nakaka speechless. “Trip ko lang!” Sabi ko sa kanya. Nakita ko naman sumimangot si Zyne, “P-Pero kasi… first kiss ko yun eh..” she said. “Second na kaya!” Bulong ko. “Anong sabi mo?” Tanong niya pa. “Wala! Ang sabi ko pakialam ko kung first kiss mo yun!” I said. “P-P-Pero h-hindi ka naman nanghahalik ng walang dahilan diba?” Tanong niya ulit and this time, nakita ko ang pamumula ng mukha niya.
I smirk. “Why Zyne? Ano bang nasa isip mo? Kung bakit ko ginawa yun?” I asked her. Hindi niya ako sinagot pero nakita kong mas namula ang mukha niya dahil sa tanong ko. “Let me guess, Zyne. You are thinking than I kissed you because I am starting to have a feelings for you… or baka naman dahil naiinlove na ako sayo… am I right?” I said. “K-K-Kie----“
“Let me clear myself. I only did that kasi trip ko lamg. Wala lang ang halik na yun. Kaya wag ka ng umasa o mag-isip pa na may ibang ibig sabihin yung halik na yun, okay?” I said. Kaya bigla na lang natahimik si Zyne. Tinignan niya ako na para bang may gusto siyang sabihin sa akin, na parang gusto niya akong sampalin. Pero nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang ngumiti. “Gano’n ba? Sige hindi na ako mag-iisip ng kahit ano. Uhm… tapos na pala akong kumain, maliligo muna ako saglit ah tsaka na ako maghuhugas ng pinggan.” After he said that ay tumayo na siya at dumiretso sa loob ng kwarto niya. And this time bigla na lang nawala ang ngiti sa labi ko at nakaramdam ako ng something na mabigat sa dibdib ko.
MAZE'S POV
“Oh! Maze. You’re so early para sa shooting natin ngayon ah.” Sabi ni direk sa akin ng nadatnan niya ako sa may tabi ng Beach habang nag-aantay ng shooting namin. “Lagi naman po akong maaga,” sagot ko sa kanya. Ngingitian ako ni direk. “Alam mo ikaw bata ka, napakadedicated mo talaga sa trabaho. Pero dapat matuto ka ring mag-enjoy.” Ningitian ko lang si direk then nagpaalam na rin siya dahil kailangan pa nila mag-prepare para sa shooting.
Enjoy? Well, hindi ko naman talaga gusto mag-artista at ginagawa ko lang lahat ‘to para kay mommy pero lately parang nag-eenjoy na ako. Napahawak ako bigla sa labi ko at naalala ko na naman ang kissing scene namin ni Kyle. He may have a foul attitude but I can’t deny, he can kiss well. At kahit na sobrang yabang niya, I can’t deny na siya ang Nagiging dahilan kung bakit masaya ako ngayon. Yun nga lang masyadong panira yung chimay niya. Nakakaasar talaga! Kung umasta kasi parang hindi P.A eh! Ang landi-landi ! Napakabigat talaga ng loob ko sa babaeng yun na kada makikita ko siya ay parang gusto kong indeed ang mukha niya sa sahig. Kumukulo talagaang dugo ko.
Nagbasa-basa lang ako ng script doon para marefresh yung utak ko sa lines namin mamaya habang nagseset-up pa sila. Nagulat naman ako ng biglang nag-abot ng tubig sa akin. Pagtingin ko si direk lang pala. “Salamat!” Sabi ko sabay kuha ng tubig na inabot niya. “Ang sipag mo naman masyado. Mamaya n’yan pati lines ng iba kabisado mo na.” saad niya. “Hindi naman po. Nagrerefresh lang ako ng utak.” I said. “Okay sabi mo eh. By the way, I’ve heard you have a good diction while you speak at gustong-gusto ko talaga yung way ng pagsasalita mo. Gusto mo bang mag-host sa isang reality show?” sabi niya.
Napatingin ako bigla kay direk. “Host?” I asked. “Yup! Actually, meron na akong nasa isip talaga na magho-host though parang hindi siya suit for the job. Ikaw talaga yung bagay doon eh kaso iniisip ko na baka hindi pumayag ang Mom mo. Pero nagbabasakali lang din ako na baka gusto mo.” Saad niya. Bigla namang lumawak ang ngiti sa labi ko. “Sige po! Opo! I'll accept your offer! Gusto ko po talaga yun! Please let me host that program! Please!” I said. “Pero paano ang Mom mo?” Tanong ng direktor sa akin. “Ako na po ang bahalang kumausap sa kanya!” I said. “Okay, it is settle then. Pagkabalik natin sa pagadian, we’ll have a contract signing.”
“Opo! Salamat po talaga.” Pagpapasalamat ko sa kanya. Ngiting-ngiting sabi ko kay direk. Sobrang tuwang-tuwa ko lang talaga ng nag-offer si Direk sa akin. Alam ko na hindi pa rin talaga ako magiging totoong broadcaster but still, gusto ko rin naman mag-host at alam kong mag-eenjoy talaga ako ng husto.
Alam ko rin naman na magagalit si Mommy at Daddy pero bahala na si Batman. Naka-oo na ako at hindi na ako aatras doon. Nagsimula na yung shooting namin. This time, si Yuan naman at yung isa pang actor ang kasama ko. Mamaya ko pa makakasama sa scene si Kyle ulit.
“Alam mo, kahit gaano pa karami ang tumutol sa inyo, kung mahal mo dapat wag mo na bitiwan…”
“Cut!” rinig kong sigaw ni Direk. “Yuan! Ano bang problema mo? Parang binabasa mo lang yung lines mo eh!” reklamo ni Direk kay Yuan.
“S-sorry po!”
“Okay! Magbreak muna tayo. Yuan please review your lines.”
“Opo, Direk!”
Nagsideritsuhan na muna kami sa mga tents namin para magbreak. Hayst! Di kami matatapos-tapos doon sa scene na yun dahil kay Yuan. Ano kayang problema ng intsik na yun?
Dumiretso muna ako sa loob ng tent ko dahil sobrang init na rin sa labas. Halos tangahali na kasi at patirik na yung araw. Pero pagpasok ko ay nagulat na lang ako ng madatnan kong nandito pala si Mommy.
“M-Mom?!” Tumakbo ako palapit sa kanya then I hugged her tightly . “Mom! Namiss kita! I’m glad you came here to visit me!” Masayang-masaya kong saad sa kanya.
Nagulat naman ako ng bigla niya akong itulak palayo sa kanya then she slapped mme.
Napahawak ako sa pisngi ko at ramdam na ramdam ko ang sakit… hindi nung sinampal niya ako kundi nung naramdaman ko ng bigla-bigla niya akong sinampal.
“B-Bakit niyo po ako sinampal?”
“You’re such a disgraceful child! I told you not to accept any offer na walang kinalaman sa pag-arte! Ano ‘tong nalaman ko na tinanggap mo yung paghohost d’yan sa isang pipitsuging reality show na yan?!
“Mom! Please po. Pagbigyan niyo na po ako kahit ngayon lang!” I pleased.
“No! Hinding-hindi kita mapapayagan sa bagay na yan!”
“P-Pero p-po---- “
“Athena wants to be an actress not a host or a newscaster!” sigaw ni Mommy sa akin.
Bigla akong natigilan at nakaramdam ng sakit… sakit na mas masakit pa sa sa pagsampal niya sa akin.
“I’m not Athena… I’m Maze…” halos pabulong kong sabi sa kanya.
Hindi siya sumagot sa akin but instead iniwas niya lang ang tingin niya sa akin.
“Mom… hanggang ngayon pa rin po ba sinisingil niyo pa rin ako dahil sa nangyari kay Ate Athena? Hanggang ngayon pa rin ba ako pa rin ang sinisisi mo? Hindi ko naman ginustong mangyari yun eh!”
“Manahimik ka! If you haven’t a spoiled brat then hindi mawawala ang Ate mo!”
This time, bumagsak na ang luha ko. “Paano kung ako yung nahulog sa bangka nun at hindi si Ate? Paano kung ako yung nalunod at namatay? Magagalit ka ba ng husto kay Ate Athena katulad ng ginagawa mo sa akin ngayon?!” pinunasan ko yung luha ko, “I guess not. Kasi eversince, laging sa kanya lang ang attention mo at pati na din si Daddy. Nakalimutan niyo ng may isa pa kayong anak!”
Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay tumakbo na ako palabas ng tent. Narinig ko pang tinatawag niya pa ako pero hindi ko na lang pinansin. Gusto ko lang maklayo… gusto kong mapag-isa.
Sana ako na lang yung nahulog sa bangka, sana ako na lang yung nalunod at namatay. Kung nangyari yun, edi sana mas masaya sila ngayon.