KABANATA 25

1652 Words
*** KYLE’S POV Nasaan na ba kasing chimay na yun? Ba’t ba ng tagal-tagal niyang bumalik sa hotel ah? Sabi niya saglit lang siya sa beach. Pero kanina pa siyang alas-tres umalis eh. Anong oras na ngayon? Napalingon ako dun sa wall clock. It’s 3:15. Eh! Bakit ba? Kahit 15 minutes ago lang siya umalis ay naiinip na ako. Ayoko pinag-aantay ng matagal. Dahil sa sobrang badtrip ko, nahiga na lang ako sa kama at sinubukang matulog. After 5 minutes… Anak ng kabayo naman oh! Bumangon na lang ako sa kama at napakamot na lang ng ulo dahil sa sobrang inis. Bwisit na P.A yan ah. Kesa pagaanin ang trabaho ko puro kunsumisyon pa nag dinadala sa akin. Bakit ko nga ba yun pinayagang sumama kay Yuan? Ang kapal ng mukha ng babaeng yun. Binabayaran ko siya para magtrabaho hindi para lumandi. Arghhhhh! Nakakaasar naman. Tumayo ako at tsaka isinuot Yung tsinelas ko at nag T-shirt. After that ay dali-dali akong lumabas ng kwarto. Mapuntahan na nga yung chimay na yun at maturuan ng leksyon. Dapat ipaalala ko sa kanya na trabaho niyang pagsilbihan ako hindi yung intsik na yun. Pagkababa ko sa lobby, nagulat naman ako ng lapitan ako ng isang grupo ng mga babaeng naghahagikgikan na akala mo eh kinikiliti yung mga singit nila. “H-Hi! K-Kyle M-Montefalcon.” Sabi nung isang babaeng at kumaway pa. At kahit na iritang-irita na ako, ngingitian ko sila tapos nagwave ako sa kanila dahil mga fans ko sila na naging dahilan para tumili ang mga ito. “OMG! Nagsmile siya! Nagsmile siya! Ang gwapo niya talaga!” Girl 1. “Uwaaaahhhhhh! Makalaglag panty ito.” Girl 2. “Di na kailangan malaglag ng panty ko dahil willing akong hubarin ‘to para sa kanya!” Girl 3 Tinalikuran ko sila. Potek! Nakakadiri. But oh well, can’t blame them. Iba talaga ang nagagawa ng charms ko. Bago pa maisipan ng mga babaeng ‘to na sunggaban ang katawan ko, dumiretso na agad ako sa beach. Sa hindi kalayuan nakita ko agad sina Yuan at Zyne na parehong nakahiga sa buhanginan. Ano ba yan? Magsa-sun bathing na nga lang sa buhanginan pa nakahiga? Nakakadiri. Medyo lumapit ako sa kanila at naaninag ko na itinaas ni Zyne yung kamay niya at parang may tinitignan siyang bato. Bigla naman kinuha ni Yuan yung bato sa kamay ni Zyne at tinignan niya rin ito. Medyo lumapit pa ako sa kanila at nakita kong umayos ng upo si Yuan at iniabot ulit yung hawak niyang bato kay Zyne. “Sayo na lang. Ingatan mo yan, puso ko yan.” Rinig kong sabi ni Yuan. Bigla akong napahinto ng marinig ko yun. For a second, parang bigla atang may kumurot sa puso ko. Tokwa, epekto ba ‘to ng sobrang pagkain ng matataba at masesebong pagkain? Iiwasan ko na nga yan at baka magkasakit pa ako sa puso. “Ikaw talaga Yuan. Ang hilig mong magbiro. Pero kung puso mo ‘to hindi ko ‘to matatanggap.” Dinig kong sabi ni Zyne at nakita ko ring nakaayos na siya ng upo. “Huh? Bakit naman?” nalilitong tanong ni Yuan. “ Kasi dapat binibigay mo yan sa babaeng mahal mo.” Sagot naman ni Zyne. I nod. Tama! Tama si Chimay! Bakit niya Ibibigay ang puso niya kay Zyne ha? Mahal niya ba ‘to? Adik ba siya? Naka-drugs ba siya? Obvious na obvious na si Kyla ang mahal niya ‘no. Hinintay ko ang sunod na sasabihin ni Yuan pero nakakatitig lang siyang maigi kay Zyne na akala mo eh pagkain si Zyne. Ay! Tokwa. Baka mamaya r****t pala ‘tong lalaking ‘to ah? Pero nagulat ako ng biglang hawakan ni Yuan ang mga kamay ni Zyne. “Y-Yuan. May problema ba?” Tanong ni Zyne. “Keep the heart shape stone please?!” Yuan pleased. “H-Huh?!” Nalilitong sambit ni Zyne. “Sabi mo dapat ibigay ko yung puso ko sa babaeng mahal ko di ba? Then I’m giving you my heart…” Yuan mumbled. “T-Teka Yuan----“. She said pero di na niya natapos ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang nagsalita si Yuan. “Zyne, hindi ko alam kung paano nangyari ‘to. Oo aaminin ko sayo unang beses pa lang kitang nakita, na-attract na ako sayo. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko hanggang crush lang yun. Pero habang nakakasama kita, palalim ng palalim yung nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na iba na ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama. May times pa na naiinis ako kay Ğeğe Kyle kasi pinapahirapan ka niya. Meron ding times na nagseselos ako kasi feeling ko hindi malabong magkagusto siya sayo lalo na’t magkasama kayo sa isang bahay at lagi kayong magkasama. Zyne…” Mas lalong hinigpitan ni Yuan ang hawak niya sa kamay ni Zyne. “Mahal kita…” pag-amin niya sa kanya. Napatulala si Zyne sa sinabi ni Yuan at katulad niya ay parang napatulala din ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang gusto kong kong sumugod doon at sapakin si Yuan. Parang bigla akong nakaramdam ng sobrang galit, sobrang inis at sobrang insecurity. At the same time, nakaramdam din ako ng takot sa magiging sagot ni Zyne kay Yuan. “Uhmmm ano… kasi… ahmm---“nauutal na sabi ni Zyne. Bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay bigla na lang akong napasigaw ng malakas at tinawag ang pangalan ni Zyne. “Zyne!” Parehong napalingon sa akin sina Yuan at Zyne habang tuloy-tuloy ang paglalakad ko palapit sa kanila. “K-Kie?!” Hindi ako umimik at hinawakan ko lang si Zyne sa wrist niya at hinatak ko siya papalayo kay Yuan.. “T-Teka K-Kie-----” pagpapatigil niya sa akin. “Babalik tayo sa loob. Madami akong ipapagawa sayo!” I said habang tuloy-tuloy pa rin ang paghila ko sa kanya. Bwisit! Hindi ko alam kung bakit nagagalit ako. At hindi ko rin alam ba’t ko ba hinihila ‘tong chimay na ‘to ngayon. “teka, di ba nagpaalam si Zyne? Bakit ngayon pinapabalik mo na siya?” Instead na sagutin ko siya ay tinabig ko lang ang kamay niya at tsaka ko siya tinignan ng masama. “Wag kang makialam!” After that ay dire-diretso ko ng kinaladkad si Zyne pabalik sa kwarto namin. Bakit ba asar na asar ako? ZYNE’S POV “K-Kie! Teka lang, ano ba? Ano abang problema mo?!” Tanong ko sa kanya habang hatak-hatak niya pa tin ako. Imbis na sagutin niya ako ay di niya na lang ako pinansin. Ramdam na ramdam ko ang galit niya pero hindi ko naman alam kung bakit siya nagagalit. Ano kayang problema ng isang ‘to? “Uy! Kie!” Tawag ko sa knaya. But still hindi niya pa din ako pinapansin hanggang sa makarating na kami sa kwarto namin. Pagkasaradong-sarado niya ng Pinto ay tsaka na lang niya ako binitiwan. “Uy, Kie! Bakit galit ka? Ano bang problema? Bakit mo naman ako hinatak ng ganon kanina?” Tanong ko sa kanya. Though some ways ay thankful ako sa paghatak niya sa akin kanina, hindi ko talaga alam ang isasagot ko kay Yuan. Hindi ko alam kung paano ako magrereact dahil dahil sa sinabi niya. But still, mali pa rin na iniwan ko ng ganon si Yuan. Kawawa naman siya. Alam kong hindi madali sa kanya ang ginawa niyang pag-amin sa akin kanina tapos bigla lang sisirain ni Kie. “Uy, kie. Kawawa naman si Yuan, iniwan ko siya. Ba’t mo ba ako kinaladkad? Ano bang ipapagawa mo sa akin? Gagawin ko na agad para makabalik agad ako dun.” I said. Biglang humarap sa akin si Kie at nagulat ako ng makitang sobrang galit na niya. “Makabalik?! Para saan?! Para sagutin mo siya ha?!” Sigaw niya. “N-Narinig m-mo y-yung s-sinabi n-niya?” I asked. Hindi niya ako sinagot instead lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso at saka niya inilapit ang mukha niya at tinitigan niya ako sa mata. “Listen! Wala kang ibang dapat intindihin kundi ang trabaho mo lang sa akin. You’re my P.A for Pete’s sake! Ako ang nagpapasahod sayo! Ako ang nagsusuweldo sayo kaya naman sa akin ka lang dapat titingin! Wag ka ng makipaglandian kay Yuan!” Sigaw niya. Nanlaki ang mata ko dahil na rin sa sinabi niya at halos mapaiyak ako dahil sa sakit ng mga binitiwan niyang salita. “Kaibigan ko si Yuan..” Halos pabulong kong sabi sa kanya. “Amo mo ako! Kaya sundin mo ako!” Sigaw niya pa ulit. Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at bigla ko na lang siyang sinampal. “Oo, pinapasweldo mo ako. Pero hindi mo binabayaran ang buhay ko. Tandaan mo yan!” Sigaw ko din sa kanya. May tumulo na luha sa gilid ng mata ko na agad ko namang pinunasan. “Aalis muna ako saglit,” Halos pabulong kong paalam sa kanya at tinalikuran ko na siya. Maglalakad na sana ako papunta sa may pintuan ng bigla ulit akong hilahin ni Kie pabalik at isinandal niya ako sa pader. “K-Kie----” nauutal kong saad. “Z-Zyne! Y-You’re s-so---” nauutal niya ding saad. Tinignan ako ng masama ni Kie at nagulat ako ng biglang inilapit niya ang mukha niya to the point na ramdan ko na ang paghinga niya. “Y-You’re s-so…” dagdag pa niya. At sa isang Iglap lang naramdaman ko ang labi ni Kie na nakadikit sa labi ko. 1 second 2 seconds 3 seconds Biglang humiwalay sa akin si Kie. “You’re so ugly..” bulong niya sa akin. Afterwards, lumayo na siya sa akin at tuluyang lumabas sa kwarto namin. Pagkasarang-pagkasara niya ng Pinto, napaupo na lang ako sa sahig habang hawak-hawak yung labi ko at sa ‘di malamang dahilan hindi maialis ang ngiti sa mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD