***
ZYNE’S POV
“Okay, guys! Pack up na muna tayo. Bukas na ulit yung ibang scenes. Make sure to be here on time tomorrow. For now, you may take your time para gumala or magpahinga,” sabi nung director sa amin matapos yung last scene nina Kie, Yuan at Maze. Nakita ko namang palapit si Kie sa akin. “Yung alcohol ko, nasaan?” Bungad niya sa akin. Agad-agad kong kinuha ang alcohol niya tsaka ko ito inabot sa kanya. “Ito oh!” Kinuha niya naman ito agad sa akin at naglagay sa kamay niya. After that ay naupo na siya sa upuan habang pinupunasan yung pawis niya.
Tinititigan ko pa lang si Kie. Naalala ko na naman bigla yung kissing scene nila ni Maze kanina. Hindi ko alam kong bakit paulit-ulit itong nagpla-play sa sa utak ko. And weirdest thing is, naninikip na ewan ang dibdib ko. Para bang nakaramdam ako ng sakit at galit at the same time. Isang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman. “Pakikuha yung tubig ko!” Rinig kong utos ni Kie sa akin. Agad-agad ko namang sinunod ang utos niya at kumuha ng tubig at inabot sa kanya.
“Ito oh!” Sabi ko sabay abot sa kanya while avoiding his gaze. Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Kie at sinilip ang mukha ko. “Hoy!” Sigaw niya. “B-B-Bakit?” Tanong ko sabay tingin sa kabilang direksyon para iiwas ang mukha ko sa mukha niya. Pero lumapit naman siya ulit sa direksiyon na tinitignan ko at pilit sinisilip ang mukha ko. “Hoy!” Sigaw niya ulit. “B-Bakit n-nga?” Tanong ko ulit. “May sira ba yang ulo mo ngayon at iniiwasan mong tignan ‘tong napakagwapo kong mukha?!” He shouted again.
“W-Wala a-ah.” Sabi ko while still avoiding his gaze. “Eh? Ba’t ka ganyan? Ba’t ka nakasimangot? Ba’t hindi mo ako tinitignan? Hoy! Chimay, ano bang problema mo?” He asked. Di na lang ako umimik. Sa totoo lang hindi ko rin alam ang isasagot sa tanong niya. Ano nga ba ang problema ko? Bakit parang naiinis ako kay Kie? Parang hindi ako ‘to ah. Usually kahit naiinis ako nagagawa ko pa ring kumalma at ngitian ang taong kinaiinisan ko. Tsaka isa pa kung maiinis man ako ay dahil sa isang mabigat na dahilan.
Pero ngayon bakit ako nagkakaganito? Naiinis ako ng hindi ko alam ang dahilan? Simula nung kissing scene nila ni Maze para akong nabadtrip na ewan. Napapukpok na lang ako sa ulo ko. Ang salitang badtrip at pangalan na Zyne ay never pang nagkatugma. Pero bakit ako nagkakaganito?
“Hoy! Nababaliw ka na ba?!” tanong ni Kie. Tinignan ko si Kie. “Oo, mukhang nababaliw na ako. Pwedeng pakidala na lang ako sa mental?” Tugon ko. “Ewan ko sayong chimay ka! Magtino ka nga d’yan. Yung yosi ko nasaan na?” Pagalit na sigaw ni Kie Agad-agad kong nilabas yung isang garapon ng stick-o at ito’y inabot ko kay Kie. “Eto oh!” Sabay abot ko sa kanya. Nakita ko namang kumunot ang noo niya at halos magdikit na ang dalawa niyang kilay.
“Pinagloloko mo ba ako?!” Sigaw niya sa akin habang nanlalaki na naman ang butas ng ilong niya. “Hindi ah! Sabi mo yosi. Kaya ito yosi oh!” I said. “You! You! You! Arghhhhhhh! Nakakaasar!” Sabi niya then umupo ulit siya habang nakasimangot at mukhang nabadtrip ko yata. Parang bigla na lang nawala lahat ng bad vibes ko ng makita ko ang itsura ni Kie. Ang cute cute niya kasi talaga pag-naasar.
Ang sarap picturan ng mukha niya tapos ipapa-print ko as a poster then ididikit ko sa bawat sulok ng kwarto ko. For sure gabi-gabi akong matutulog na may ngiti sa labi. “Hoy babae! Anong nginigiti-ngiti mo d’yan?!” Bigla na lang akong natauhan sa pantasya ko ng bigla na lang sumigaw si Kie. “Wala lang!” sagot ko sa kanya habang nakangiti. “Kie! Tara gala tayo sa beach mamaya. Wala ka namang shooting for today, ‘di ba? Tsaka isa pa tanghali na naman yung shooting niyo bukas kaya sige na gala na tayo. Please gala na tayo?!” pangungulit ko.
“Ayoko nga. Mas mabuting matulog na lang ako.” Tugon niya. “ Eh! Please? Gala na tayo, Kie.” Pangngungumbinsi ko pa. “Sabing ayoko ko nga eh. Ang kulit mo ring chimay ka!” He shouted. “Sige na please!” pagpupumilit ko pa rin sa kanya. “Ayaw nga niya eh. At sino ka ba para yayain siya?!” Napatingin naman kami pareho ni Kie doon sa sumigaw at nakita ko si Maze na papalapit sa aming dalawa. Iniwas ko na lang yung tingin ko sa kanya at nagkunwaring inaayos ko yung gamit ni Kie. Parang bigla na naman kasing bumalik yung nararamdaman ko kanina. Yung parang naiinis ako na ewan.
“What do you need?” Tanong ni Kie kay Maze. “W-Wala n-naman. G-Gusto ko lang sabihin na nice job kanina.” Sabi ni Maze. Medyo napatingin ako sa kanila at nakita kong nakangisi si Kie. “I told you. I’m going to give you a good scene,” Tumayo si Kie and he lean forward on Maze and said, “Masarap ba akong humalik?”
Napahigpit ang hawak ko sa tumbler ng tubig ni Kie dahil feeling ko kung hindi ko ‘to hahawakan ng mabuti ay baka maibato ko pa ‘to sa kanilang dalawa. Sumagi na rin sa isip ko na pumunta sa harapan nilang dalawa at itulak si Maze palayo kay Kie o di kaya ay hahatakin ko si Maze palayo. Aish! Ano ba ‘tong mga pinag-iisip ko? Bakit may pumapasok na masasamang bagay sa isip ko?! Pumikit na lang ako then I whisper to myself, ‘God, sorry po sa mga iniisip ko. Hindi ko alam ba’t ako nagkakaganito.
“I admit. Walang tatalo sa halik mo but don’t deny na hindi ka rin nag-enjoy sa scene na yun?” Natauhan ako bigla ng marinig kong nagsalita si Maze. This time ay tuluyan na akong napalingon kay Kie to see his reaction. Nakita kong ngumiti lang siya pero hindi siya nagsalita. Ngayon naman ay para akong sinaksak sa nakita ko. Bakit ganito? Bakit gusto kong marinig na sabihin ni Kie na hindi siya nag-enjoy sa kissing scene nila kanina? Ano ba talaga ang tumatakbo sa isip ko at ba’t ako nagkakaganito?
“Zyneeeee asawa koooooo!” Bigla na lang akong napalingon sa taong tumawag sa akin. Nakita kong papalapit si Yuan sa amin kaya naman I took this opportunity na ibaling sa kanya ang attention ko. “Yuan!” I called. “Wala na kaming shooting mamaya, gusto mo gala tayo sa beach?” Yuan asked. “H-Ha? Ah. Sige! Tara gala na tayo sa beach.” Sabi ko habang pilit kong pinapasigla yung boses ko.
“Next week maghanda ka na sa bed scene natin!” Rinig ko namang sabi ni Kie kay Maze. “Tskkk. Handa ako sa mga ganyang scene. Sige at ako’y matutulog na. Bye.” Sabi ni Maze tsaka tumalikod at naglakad palayo. Bed scene? Ayoko ng isipin kung ano mang mangyayari sa akin pag pinanood ko yung scene na yun. “Zyne? May gagawin ka pa ba?” Tanong ni Yuan. “Ah. Aayusin ko na lang yung gamit ni Kie.” Tugon ko.
“Ok. Then I’ll help you.” Tinulungan niya akong buhatin yung mga gamit ni Kie. “Ğeğe Kyle hihiramin ko lang si Zyne ah?” pagpapaalam niya. Umismid lang si Kie pero di naman niya kami pinigilan kaya naman naglakad na rin kami palayo ni Yuan sa knaya. Tinulungan lang ako ni Yuan na buhatin ang mga gamit ni Kie sa room namin then inayos lang namin saglit. After that, nag-usap kami na magkikita sa looby at sabay ng pumunta sa beach.
Nagpalit ako ng damit na pwedeng pampaligo . Simpleng maong short at T-shirt lang naman ang suot ko. Nung nagpalit na ako ng damit, nakita kong kapapasok lang ni Kie sa room namin. “Kie, pupunta muna ako sa beach kasama si Yuan ah!” pagpapaalam ko sa kanya. “Edi pumunta ka!” Sabi niya sabay pasok sa kwarto niya at isinarado ang pinto.
Napahinga ako ng malalim. Feeling ko nadisappoint ako kasi hindi man lang ako pinigilan ni Kie At lalo na ba’t ba pakiramdam ko ang weird-weird ko ngayong araw. Kung ano-ano ang nararamdaman ko ngayon. Napailing na lang ako. Hay naku! Kesa mag-isip ako ng kung ano, mag-eenjoy na lang muna ako sa beach kasama si Yuan. Bago ko tuluyang lisanin ang room namin ni Kie ay tinignan ko muna ang pintuan ng bedroom niya.
***
YUAN'S POV
“Diba si Yuan Chen yun? Yung artista?” Girl 1.
“Oo nga, siya nga. Sh*t! Ang gwapo niya pala sa personal.” Girl 2. Magpapicture kaya tayo sa kanya?”Girl 1. "Wag na nakakahiya, mukhang may inaantay siya eh. Girlfriend kaya niya?” Girl 2. Napangiti na lang ako bigla. Nandito ako ngayon sa lobby at inaantay si Zyne dahil may usapan kami na puounta sa beach.
At least masosolo ko na siya. Si Ğeğe Kyle kasi wala ng ibang ginawa kundi ang pahirapan si Zyne. Hay, pero nakakatuwa rin para ako akong nag-aantay sa girlfriend ko. “Yuan!” Napalingon ako sa tumawag sa kain at nakita ko si Zyne na papalapit sa akin. Nakasuot lang siya ng shorts at T-shirt but why is it ang ganda-ganda niya? Akala mo anghel siya na bumaba sa lupa at pinaibig ang isang mortal na tulad ko.
“Zyne!” I called. “Uy, sorry. Napag-antay pa ata kita ng matagal.” She said. Nginitian ko nmana siya, “Ok lang ‘no. Kahit ilang century pa kong mag-antay dito basta ikaw ang iniintay ko, ayos lang. Dahil alam ko namang dadating ka eh!” I told her then winked. Bigla naman siyang tumawa. “HHAHAH Ikaw talga Yuan. Masyado ka talagang palabiro!” Ngitian ko na lang siya habang nakatitig sa mukha niya. Hay Zyne, kelan mo kaya marerialize na hindi ako nagbibiro?
“Tara na sa beach?” Yaya ko sa kanya. “Sige!” pagsang-ayon niya. Naglakad kaming dalawa ni Zyne papunta sa beach. Medyo malakas yung alon ng dagat kaya naman wala na halos tao ngayon sa beach. Pero OK na rin ‘to dahil papano mabibigyan kami ng privacy. Gusto ko na maenjoy ang araw na ‘to kasama si Zyne ng walang umiistorbo sa amin.
“Uwaaaahhhhhh! Ang tagal na ata nung huling bese akong nakakita ng dagat!” Sabi ni Zyne habang tuwang-tuwa na nakatingin sa dagat tapos bigla siyang tumakbo sa may seashore para salubungin yung alon. “Uy, ingat ka. Malakas yung alon!” Sabi ko sa kanya habang tumatakbo ako papalapit. “Yuan!” She called. Nagulat naman ako ng bigla niya akong binasa ng tubig. “HAHAHA Ayan basa ka na. Bleh!” Sabi niya.
“Ah! Basaan pala ang gusto mo ah!” Sympre hindi ako nagpatalo at binasa ko rin ng binasa si Zyne ng tubig. “HAHAHAH! Uwaaaahhhhhh! Yuan grabe ka!” Sabi niya habang ginagantihan pa rin ako sa pagbasa. “Ano ka ngayon? Ha?!” I said habang patuloy ko pa rin siyang binabasa at di na siya makaganti sa ginagawa ko. “Uwaaaahhhhhh! Tama na! HHAHAHA! Tama---- aray ko po!” Bigla-bigla namang natumba si Zyne ng dumating yung malakas na alon kaya naman agad akong napahinto sa pagbabasa sa kanya at tumakbo papalapit at lumuhod sa harapan niya.
“Uy! Zyne ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? May masaki--- adshsjkvjjzbk!” Halos mabulunan ako sa pagsasalita ng biglang umalon ulit at tinamaan kami pareho sa mukha. Nagkatinginan kaming dalawa then we both laugh. “HAHAHHA! Mukha ka ng basang sisiw, Yuan!” Komento niya. “Nagsalita ang hindi HAHAHHA!” tugon ko naman. Tumayo kaming dalawa at naupo sa seashore kung saan hindi kami masyadong aabutin ng alon. “Hay! Napagod ako sa basaan natin!” Sabi niya habang naka-stretch ang mga hita niya at nakatingin sa langit.
“Sorry ah! Ang Dali ko lang mapagod. May asthma kasi ako and beside hindi na rin ako masyadong nakakakpag-exercise kaya ang bilis ko na tuloy mapagod.” She said. “Oh? Ako din kaya may asthma pero nung sumali ako sa iba’t-ibang sport dati, gumaling ang asthma ko. Never na akong inatake simula nun. Kaya dapat ikaw din mag-exercise ka palagi.” I said. “Hmmm. Tingin ko nga.” Bigla niyang itinaas ang mga braso niya then nahiga sa buhanginan in a a starfish manner. “Uwaaaahhhhhh! Ang sarap mahiga dito. Try mo din Yuan!”.
Ginaya ko si Zyne at nahiga rin sa buhanginan pero nakaside ako para makita ko ang mukha niya. Hindi ako makapaniwala na ganito ako kalapit sa babaeng nagugustuhan ko ngayon. Ang sarap talaga titiggan ng mukha niya lalo na pag nakangiti siya. Ang sarap din siguro sa pakiramdam kung ako ang magiging dahilan kung bakit madalas siyang nakangiti. Tinitigan ko si Zyne at naramdaman kong parang gusto kong hawakan ang mukha niya, gusto kong yakapin siya at gusto kong ibulong sa kanya lahat-lahat ng nararamdaman ko. Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil alam ko, hindi pa ito ang tamang oras.
“Huh? Ano ‘to?” sabi ni Zyne then may itinaas siya na maliit na bato. “Yuan, tignan mo oh! Ang weird ng korte nung bato.” She said. Kinuha ko sa kamay niya yung bato then tinignan ito, “ Oo nga ‘no. Parang Hugis puso.” I said. “Oo nga! Parang hugs puso nga siya. Ang cute naman!” sambit niya. Bumangon ako sa pagkakahiga at inabot ko yung bato kay Zyne, “Sayo na lang. Ingatan mo yan, puso ko yan.” I said. Bumangon din siya tsaka niya kinuha ang bato. “Ikaw talaga Yuan. Ang hilig mong magbiro. Pero kung puso mo ‘to hindi ko ‘to matatanggap.” Wika niya.
“Huh? Bakit naman?” tanong ko. “ Kasi dapat binibigay mo yan sa babaeng mahal mo.” Sabi niya sa akin habang nakangiti. Hindi agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi ni Zyne. Napatitig na lang ako ng seryoso sa mata niya at doon ko naramdaman ang biglang pagbilis ng puso ko. Para bang biglang naghalo-halo lahat ng emosyon ko ngayon at gusto ko ng ilabas. Zyne is such a wonderful lady at alam kong hindi malabong may ibang magkagusto sa kanya. Never pa akong nakaramdam ng ganito sa isang babae at ngayon, biglaan ko lang din napag-isip na dapat magtapat na ako sa kanya.
Pero ito na ba talaga ang right time? Right? Is there such things as right time para sabihin mo ang nararamdaman mo sa isang tao? Bago pa magtalo ang isip at puso ko, hindi ko na napigilan ang sarili ko at bigla ko na lang nahawakan ang kamay ni Zyne. “Y-Yuan. May problema ba?” Taning niya. “Keep the heart shape stone please?!” I pleased. “H-Huh?!” Nalilito niyang sambit. “Sabi mo dapat ibigay ko yung puso ko sa babaeng mahal ko di ba? Then I’m giving you my heart…” I mumbled.
“T-Teka Yuan----“. She said pero di na niya natapos ang gusto niyang sabihin ng bigla na lang akong nagsalita.
“Zyne, hindi ko alam kung paano nangyari ‘to. Oo aaminin ko sayo unang beses pa lang kitang nakita, na-attract na ako sayo. Pero hanggang doon lang yun. Alam ko hanggang crush lang yun. Pero habang nakakasama kita, palalim ng palalim yung nararamdaman ko. Hanggang sa isang araw nagising na lang ako sa katotohanan na iba na ang nararamdaman ko para sayo. Gusto ko palagi kitang nakikita at nakakasama. May times pa na naiinis ako kay Ğeğe Kyle kasi pinapahirapan ka niya. Meron ding times na nagseselos ako kasi feeling ko hindi malabong magkagusto siya sayo lalo na’t magkasama kayo sa isang bahay at lagi kayong magkasama. Zyne…” Mas lalo kong hinigpitan ang hawak ko sa kamay niya, “Mahal kita…” pag-amin ko sa kanya.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Zyne ng sabihin ko yun. Kahit ako nagulat din ako sa sarili ko ngayon. Nagtapat ako ng hindi manlang nag-iisip. Nagtapat ako sa kanya ng biglaan at parang ewan lang din ang mga pinagsasabi ko. But still… hindi ako nagsisisi sa mga binitiwan kong salita. “Y-Yuan…” Halos pabulong niyang tawag sa pangalan ko “Uhmmm ano… kasi… ahmm---” di na niya natapos yung sasabihin niya ng bigla na lang may tumawag sa pangalan niya. “Zyne!”. Halos mapatalon kaming dalawa ni Zyne ng marinig namin ang sigaw na yun. Nagulat na lang ako ng makita kong palapit sa amin si Ğeğe Kyle. “K-Kie?!” Hindi nagsalita si Kyle at bigla na lang niyang hinatak patayo si Zyne. “T-Teka K-Kie-----”
“Babalik tayo sa loob. Madami akong ipapagawa sayo!”He said. Tumayo rin ako at hinawakan ko ang wrist ni Kyle. “teka, di ba nagpaalam si Zyne? Bakit ngayon pinapabalik mo na siya?” Instaed na sagutin niya ako ay tinabig niya lang ang kamay ko, “Wag kang makialam!” After that, kinaladkad niya palayo sa akin si Zyne habang nakatingin siya ng masama sa akin. Okay? Bakit pakiramdam ko galit na galit saakin ngayon si Ğeğe Kyle?