***
ZYNE’S POV
“Ate Zyne! Saan na po pupunta si Asha?” Tanong isang bata sa akin. “Pupunta na siya sa heaven tapos magiging angel na siya at babatayan niya tayo!” I replied. It’s Asha’s burial. Kasama ko ngayon yung mga batang nakasama ni Asha para makipaglibing sa kanya. “A-Ate Z-Zyne!” Nilapitan ako ng isang batang babae na nagngangalang Akira. Nang makalapit na siya sa akin ay doon ko lang napansin na umiiyak pala siya, “A-Ate… Makikita ko pa po ba si Asha? Makakapaglaro pa ba ulit kaming dalawa?” Mangiyak-ngiyak niyang tanong sa akin.
Umupo ako para maging ka-level ko si Akira then I hugged her, “Oo naman! Makikita natin siya balang araw. Pag dumating na ang araw na kailangan na rin nating maging angel ay makakasama na natin si Asha. Syempre matagal-matagal pa yung mangyayari pero dapat lagi nating isipin na hindi niya tayo iniwan. Lagi siyang nandito..” I said then I pointed my heart. “T-Talaga p-po?” She asked. “Oo naman!” I replied. Biglang humagulgol sa iyak si Akira kaya naman ay binuhat ko siya at hinayaan ko siyang umiyak sa braso ko. Sa lahat kasi ng batang nakasama ni Asha ay si Akira lang ang sobrang napalapit sa kanya.
Mag-best friends silang dalawa kumbaga, kaya naman alam kong masyado ding nalulungkot ang bata sa pagkawala ni Asha. “Zyne! Tara upo na tayo!” Nilapitan ako ni Kie. “Sige!” pag-sang-ayon ko. Tsaka ko ibinaba si Akira then pinunasan ko yung mga mata niya, “Akira, tabi ka na sa mommy mo ah?” She nod then tumakbo na papunta s mommy niya sa di kalayuan. Isang maikling mass lang ang ginawa namin para kay Baby Asha.After nun ay dinala na amin si Asha doon sa mismong lugar kong saan siya ililibing.
Habang naglalakad kami ay halos di ako makalingon kay Kie dahil ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Alam kong grabe siyang nasaktan sa pagkawala ni Asha. In a very short period of time, na attached siya ng husto s bata. In some ways I fell glad dahil nakita ko ang good side ni Kie. Alam ko namang mabuti siyang tao eh! But he always hide his kindness behind his cold personality. Pero ngayon ay inilabas na niya ito, He even cried for Asha. Yun lang, sana in some ways,,, makatulong ako na ma-ease ang sakit na nararamdaman niya.
“Zyne!” Napalingon ako kay Kie ng bigla niya na lang akong tawagin. “W-Why?” I asked. But instead na sumagot siya ay bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko na naging dahilan para magulat ako. “K-K-Kie!” Nauutal kong sambit. “Please let me hold your hand for a while!” Sabi niya sa akin na pabulong na. Hindi na ako umangal at hinayaan ko na lang hawakan ni Kie ang kamay ko. Hindi ko alam kong bakit niya ginagawa ‘to, but I felt na dapat ko muna siyang hayaan. Baka sa paraan na ito, kahit papano ay matulungan ko siya. And it’s so weird, in some ways ay parang na-cocomport din ako.
Bago ilibing si Asha ay hinayaan muna nila kaming tignan siya sa huling pagkakataon. Hindi ko mailalis ang tingin ko doon sa mukha ng bata. Napakapeaceful nito. Para bang sinasabi niyang kahit na maikli lang ang buhay niya sa mundo ay Masaya pa rin siya. Naramdaman kong napahigpit ang paghawak ni Kie sa kamay ko then I look at him, kagaya ko ay nakatingin din siya sa mukha ni Asha.”She’s safe now! She’s now in the place where pain can’t reach her,” bulong ko sa kanya. Kie nodded, “Yeah, I know. Sana Masaya din siya. “Of course! She is. Alam kong Masaya si Baby Asha ngayon,” I said.
Isa-isa naming binasbasan ng holy water ang coffin ni Asha then nag-umpisa na silang ibaba ito sa hinukay nilang libingan. Habang ginagawa nila yun ay nakita kong humagulgol na sa iyak ang Lolo ni Asha while Yakap-yakap naman ng iba pa nilang kamag-anak. Nakita ko rin sa mga mukha ng batang nakasama ni Asha ang labis na kalungkutan. Kahit grabe rin ang kalungkutan na nangyayari, I still manage to smile.
“Baby Asha! You are still blessed. Maikli man ang naging buhay mo sa mundong ‘to, napapaligiran ka naman ng mga taong nagmamahal sa’yo!”
Naalala ko yung libing nila daddy at mommy. Puro mga ka-officemate lang nila at malalapit na kamag-anak ang nakipaglibing sa amin nun. Same goes with my Kuya Ryne. Puro mga classmate at malalapit na kaibigan niya lang ang pumunta sa lamay niya. While nung sa mismong libing na niya ay lima lang kami. Ako, si Tito Zin, si Tita Min at yung dalawang best friend ni Kuya. Malayo kami sa kamag-anak namin kaya kahit ni isang sa kanila ay di nakadalo. Isa pa nung mga panahon na yun ay trabaho lang ang inaatupag ni Kuya kaya wala siyang masyadong kaibigan.
Nakakalungkot ang pangyayaring yun, sana pag ako naman ang nawala ay gusto kong napapaligiran rin ako ng mga taong naging malapit sa akin. Gusto kong madaming magpapaalam sa akin. Nung matapos ng ilibing si Asha, nilapitan kami ng Lolo niya. “Zyne! Kyle! Salamat ng madami sa lahat ng ginawa niyo sa Apo ko. Kahit sa huling sandali ay nakita ko siayng ganoon kasaya!” pagpapasalamat ng Lolo ni Asha sa aming dalawa. Hinawakan ko yung kamay niya, “Wala po yun. Kulang pa nga po yung nagawa namin ni Kie para kay Asha eh!” I said.
Pagkatapos ng ilang paalaman ay umalis na rin kami ni Kie. “Kie! Wala ka pa namang schedule ngayon. Pwede ka pang makapagpahinga! Gusto mo bang umuwi na tayo? Ipagluluto kita ng lunch!” Sabi ko sa kanya habang nag-dri-drive siya. “Heh! Manahimik Ka nga! Stay away from my kitchen. Baka mamaya ay kong ano pa ang gawin mo dun eh!” He said. “Ang sama mo sa akin ah! Di ko naman susunugin yung kitchen mo eh!” I said. “Hindi nga! Pero papatayin mo naman ako sa lasa ng Luto mo!” Saad niya.
I pout. Lagi na lang nagrereklamo si Kie sa Luto ko. Alam ko namang di ako masarap magluto eh! Pero dapat magpasalamat pa rin siya kasi ipinagluluto ko pa rin siya kahit di ako marunong. “K-Kain n-na l-lang t-tayo d-dun s-sa K-Karinderya n-na k-kinainan n-natin d-dati!” He said. “Yung kina Tatay Dodo at Nanay Wela?” I asked. Kie just nod as a response. Napangiti naman ako. Sus! Kaya pala ayaw niyang ipagluto ko siya kasi ang gusto niya doon kila Tatay Dodo at Nanay Wela kumain ng tangalian.
Nung una aayaw-ayaw pa siyang kumain doon, pero tignan mo nga nagustuhan niya naman pala doon. “Hoy babae! Anong ningiti-ngiti mo d’yan?!” bulyaw niya sa akin. I face him while smiling from ear to ear tsaka ako umiling. “Ewan ko sayo!” sigaw niya pa then pinaharurot na niya ang sasakyan.
KYLA'S POV
“Kyla! Why did you do that? Bakit ka nagpatawag ng press conference?!” He said. Nandito ako ngayon sa dressing room ngayon, I’m currently preparing for my press con. Plano ko sanang wag ipaalam kay Yuan ‘to dahil alam kong pipigilan niya lang ako. Pero di ko alam kung sinong nag-inform nito sa kanya. Dahil sa alam niya na din ay hindi ko na lang siya papansin and act as if he’s not here. “Kyla!“ He shouted. Pero still patuloy ko pa ring inaayos yung damit dito sa may dressing room.
Nagulat naman ako ng bigla niyang hawakan ang braso ko at hinatak niya ako pagharap sa kanya. “Kyla! Please naman wag mo naman akong pagmukhaing tanga!” Wika niya. Gulat na gulat ako ng makita ko ang expression ni Yuan. Halatang galit na galit na siya, kay bigla na lang akong kinabahan na ewan. Kahit nung highschool pa kami, minsan ko lang makitungo magalit si Yuan. Masasabi kong he’s a very patient guy at di siya madaling magalit. Pero once magalit siya, it means that someone done something so upsetting to him.
Napalunok ako then inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko, “We need to clear things up para matapos na ‘tong issue na ‘to!” Pagpapaliwanag ko sa kanya. “But, Kyla! Pwede namang manahimik na lang tayo eh. Mawawala din naman ‘tong issue na ‘to. Makakalimutan din naman ‘to ng mga tao. Please, Kyla! We still have time. Cancel the press conference, please!” Pangngungumbinsi niya sa akin. Umiling ako, “You don’t understand, Yuan. Ayokong pinag-uusapan ako ng mga tao! Kaliwa’t kanan, yang issue na yun na lang ang lagi kong naririnig! Hindi ko na kaya! Gusto ko ng mawala ito! Alam kong di ‘to matatapos hangga’t di natin ‘to nililinaw sa kanila!” I said.
“Anong lilinawin mo? Itatangi mo yung issue? Sasabihin mong mag-best friends lang tayo ha? At paano mo ipapaliwanag yung nasa pictures? Kyla naman eh!” Sabi niya. Huminga ako ng malalim, “P-P-Pero t-totoo naman, diba? Yun lang naman ang meron tayo eh! Yuan, tell me ano ba talaga ako sayo?” Pagwiwika ko. Iniwas niya ang tingin niya sa akin, “I’m sorry!” Paghingi niya ng tawad. “Please, answer me!” pagmamakaawa ko. Lumapit si Yuan sa akin tsaka niya hinawakan ang kamay ko. “Alam mo naman kung gaano ka kaimportante sa akin, diba? Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin ang friendship nating dalawa. Pero sorry, Kyla. Kung hanggang doon lang ang pagmamahal na kaya kong ibigay sayo. I don’t want to hurt you anymore that’s why mas pinili ko na lang manahimik sa issue na ‘to. You’re my best friend after all!” He said.
Napahinga ulit ako ng malalim. Oo, aware naman ako na best friend lang talaga ang Turing niya sa akin eh! Matagal ko ng alam na hanggang gano’n lang pagmamahal na kaya niyang ibigay sa akin. Pero bakit kada sasabihin niya yan sa akin sobrang sakit pa rin? Bakit kahit na matagal ko ng alam ang bagay na yun, sobrang hirap pa ring tanggapin? “Sorry, Kyla!” Paghingi niya ng paumanhin. “No! You don’t need to say sorry. Alam ko naman yun eh! Matagal na. Aminin ko masakit, pero Yuan, ayaw ko na ring masaktan.” Tinitigan ko siya sa mga mata niya, “Can we start all over again?” I asked. “What do you mean?” Naguguluhan niyang tanong.
“Gusto ko ulit magsimula ulit tayo. Yung tulad ng dati, yung mga panahong mag-best friend pa tayo. But before natin ayusin ang relationship natin, we need to settle this first. Yuan, nagmomove-on na ako at alam ko ang dapat kong simulan. Yun ay aminin sa sarili kong hanggang dito na lang talaga. Kaya naisip kong i-clear muna ang issue na ‘to and I need your help,” I said. Nakita kong ngumiti si Yuan, “Yes! I’ll help you.” Nagulat na lang ako ng bigla niya akong hilahin palapit sa kanya at niyakap niya ako ng mahigpit. “Alam mo bang miss na miss na kita?” He asked.
Napapikit na lamang ako at niyakap ko din siya ng mahigpit. I felt very comfortable around his arms. Kung pwede lang pahintuin ang oras ay ginawa ko na para habang buhay ko ng kayakap si Yuan. Pero alam ko sa panahong ito ay dapat ko ng Bitiwan ang nararamdaman ko sa kanya. Gusto ko na talagang magsimula. Mananatili ako sa tabi ni Yuan… pero bilang matalik na kaibigan na lang. “Miss na miss na din kita, best friend ko!” Bulong ko sa kanya.